Home / Romance / My Ella / Chapter 19

Share

Chapter 19

"Ate Ella," tawag ni Zander sa dalaga matapos nitong magligpit ng kanilang pinag-inuman.

Hindi kumibo si Ella, mahimbing na itong natutulog ngunit hindi naman maatim ni Zander na doon lang matulog ang dalaga. Siniyasat ng binata ang bahay ng dalaga, roon ay may nakita s'yang dalawang kwarto. Isang nakasara at ang isa naman ay hindi naka kandado. Doon napagdisisyonang dalhin ni Zander si Ella upang makahiga ito ng ayos. 

"Bubuhatin na kita ha, para makahiga ka na nang maayos," paalam ni Zander.

Binuhat pangkasal ni Zander si Ella,  magaan lang ang dalaga kaya naman hindi ito nahirapan. Pagpasok ng dalawa at pagkasara ng pinto ay inihiga na ni Zander ang dalaga at inayos ang higa, kinumutan pa nito si Ella. Hinaplos nito ang noo ng dalaga upang humimbing pa lalo ang tulog nito. Habang hinahaplos nito ang noo ni Ella ay nakaramdam din ito ng antok.

"Five minutes, patabi muna Miss Tan. Promise tatabi lang ako," sabi ni Zander at nilapitan si Ella sa kama.

"E---," nahinto si Junel sa pagtawag ng makita kung sino ang kasabay lumabas ni Ella sa pinto ng kanilang bahay. Agad na nagtago si Junel sa likod ng poste hindi kalayuan. 

"Sigurado kang ayaw mong hiramin ang damit ni papa?" tanong ni Ella habang sinasara ng kanilang gate.

"Opo ate. Pwedeng makitawag ulit? Itatanong ko lang kung nasa byhe na si papa," sabi ni Zander.

Iniabot ni Ella ang kanyang cellphone. 

Zander? Si Zander 'yon! A---Anong ginagawa mo sa bahay ni Ella? Teka, 'yung suot n'yang t-shirt, 'yon din 'yung suot na t-shirt no'ng kasama ni Ella kagabi. 'Wag mong sabihing. Hindi, hindi pwede 'to.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi matanggap ni Junel ang kanyang mga nakita. Kagabi pa lang ay halos gumuho ang kanyang mundo dahil may ibang lalaking kasama si Ella. At lalo itong nawasak dahil ang kasama ni Ella ay si Zander. 

M---Magkasama sila magdamag? Sa sa, sa bahay ni Ella natulog si Zander? B---Bakit?

"Ano, ate Ella salamat, pati ikaw naabala ko pa," hiyang sabi ni Zander pagkababa nito ng motor ni Ella.

"Wala 'yon, sige mauna na ako. Magsabi ka na lang kung makakapasok ka," sabi ni Ella.

"Papasok ako ate, on the way na naman si papa. Kahit half day, basta papasok ako," pangako ni Zander.

Tumango na lang si Ella at umalis. Naiwan si Zander sa tapat ng kanilang bahay at naupo sa gilid ng gate. Imbis na mainip sa pag-hihintay ay hindi maalis ang ngiti nito sa kanyang mga labi. Parang nangangarap ng gising si Zander at away na nitong gumising.

Para naman akong baliw nito. Ngumingiti mag-isa, kainis naman!  Kinikilig pa rin ako sa mga napaginipan ko at nakita  ko kaninang umaga. Akalain mo 'yon ngayon na lang ulit ako kinilig ng ganito. Nakakainis naman.

Tinakpan nito ang kanyang mukha, pakiramdam kasi ni Zander ay pulang pula ito sa kilig na kanyang nararamdaman. Hindi rin nito malaman kung saan ilalagay ang kanyang kaligayahan. Punong puno s'ya ng sigla at kahit siguro tamabakan s'ya ng gawain ni Ella ngayong araw ay masigla n'yang gagawin ang mga ito ng walang angal.

Nababaliw na yata ako! Si Miss Tan kasi! Hindi ko akalaing mababaliw ako ng ganito sa'yo.

Inalala nalang ni Zander ang nangyari upang hindi mabagot sa paghihitay sa kanyang papa. At sulitin ang kakaibang saya na kanyang nararamdaman. 

"Hala, sorry ate," wika ni Zander, medyo paos pa ang kanyang boses. Nahiya rin ito bigla dahil amoy alak pa ang kanyang hininga kaya tinikom nito kaagad ang kanyang bibig. Subalit hindi nitong nagawang kumalas sa kanilang posisyon.

Hindi inaasan ni Zander na pagmulat n'ya ay mukha ni Ella ang kanyang masisilayan. Nakaunan sa kanyang bisig si Ella, parang batang nakasisik sa kanya ang posisyon ng dalaga habang nakayakap ito sa kanya. Nakadantay naman ang binata sa hita ni Ella at yapus din ni Zander ang dalaga.

"A---Ayos lang," ani ni Ella at biglang umiwas ng tingin sa kanya.

Balak ng kumalas sa pagkakayakap ni Zander ngunit ayaw sumunod ng kanyang katawan. Nagpailang ito at hinihintay na sitahin s'ya ni Ella. Habang tumatagal ay bumibilis tuloy ang tibok ng kanyang puso at lumalalim ang kanyang paghinga. Nakikipaghabulan lang ito ng tingin kay Ella, pinagmasdan ang mga mata nito at sinusundan kung saan ito magtutungo.

"Sigurado ka? A----Ayos lang ba kung ganito muna tayo, kahit sandali lang?" nauutal na tanong ni Zander. Sabay hinga ng malalim.

Tumango si Ella at mas lumapit pa kay Zander habang iniiwas pa rin ang kanyang mga tingin sa binata. Dito napagtanto ni Zander na nasasalat n'ya ang buong katawan ni Ella, lalong kumabog ang kanyang puso at lumalim pa ang kanyang paghinga. Halos magtama na rin ang kanilang mga ilong sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Hinawakan ni Zander ang baba ni Ella upang makita n'ya ng maayos ang dalaga at titigan ang kanyang mga mata. Pag-angat ni Zander sa mukha ni Ella ay muntikan ng magtama ang kanilang mga labi. Manipis na hangin na lang ang pumapagitan sa kanilang dalawa, ramdam nila ang paghinga ng isa't isa. Sa pagkakataon ito ay hindi na nagpatinag si Ella sa mga tingin ni Zander, tinitigan n'ya na rin ito ng diretso.

"Hindi mo ako madadaan sa---," hindi na natapos ni Ella ang kanyang sasabihin ng biglang sinunggaban ni Zander ito ng isang mainit na halik.

Please ngayon lang please. Handa akong magpasampal mamaya pero isang halik lang.

Hindi inaasahan ni Zander na tutugon din si Ella ng kasing init ng kanyang mga halik. Naging malaya na si Zander sa pagkilos at tuluyan na n'yang pinakawalan ang init na kanyang pinipigilan mula pa kanina. 

"Ella sa akin ka lang," bulong ni Zander habang pinapadama n'ya kay Ella ang bugso ng kanyang damdamin dito. Mas gumanda si Ella sa paningin ni Zander. Tila may kaharap s'yang dyosa at handa s'yang magpa-alipit dito habang buhay.

Niyapos ni Ella ang h***d na katawan ni Zander na kasalukuyang nakaibabaw sa kanya. Walang kasing higpit ang yakap nito, waring inaangkin ang buong pagkatao ni Zander at bumulong, "Oo, sa'yo lang ako." Ramdam ni Zander ang paghalik ni Ella sa may bandang ibaba ng kanyang tenga.

Kaso panaginip lang lahat ng 'yon! Akala ko talaga naka score na! Parang totoo kasi, 'yon pala panaginip lang din pala. Hay! Nadadalas ata ang pananaginip ko kagabi, grabe. Dala 'to siguro ng sibrang pagka-busy at pagod. Lalo na nagyon na halos hindi kami nagkikita ni Dennise. Pero ayos lang, pagkagising ko naman, sa bisig ko s'ya nakahiga. Hindi nga lang katulad ng pwesto namin sa panaginip ko. At n*******n ko na lang s'ya sa noo. Ayos na 'yon! Kahit minsan makadama naman ng ibang alaga. Ay ano ba 'tong iniisip ko! Bura bura!

"Oy!" sita ng isang lalake na nakatayo sa harapan ni Zander. "D'yan ka ba natulog magdamag? Mukhang nananaginip ka pa," dugtong nito.

"Pa!" gulat na sabi ni Zander pagkakita nito kung sino ang lalake sa kanyang harapan. "H---Hindi po, nakitulog po ako sa katrabaho ko," tugon nito.

"Ah, mabuti naman. Tumayo ka na riyan para makahabol ka pa sa pagpasok mo," sabi ng papa ni Zander.

Matapos nitong magpaalam kay Zander, didiretso na dapat si Ella sa opisina. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay magkahalong kaba at tuwa ang kanyang nararamdaman. Napagpasyahan nitong huminto sa convinient store at bumili ng tubig. Maaga pa naman kaya may oras pa s'ya upang magmuni muni.

Naupo si Ella sa bakanteng upuan at binuksan ang bote ng tubig.

Hindi ko alam pero ang saya ko kagabi. Iba 'yung saya ko ng hindi tinuloy ni Zander 'yung paghalik n'ya sa akin. Kaso sa pangalawang beses tinuloy n'ya, 'yon nga lang mukhang nananaginip ang loko. Huminto bigla, pero 'yung halik sa noo, iba pala talaga ang pakiramdam.

Hindi maiwasan ni Ellang ngumiti mag-isa.

B---Bakit ganito ang nararamdaman ko, kilig na hindi ko maintindihan. Kaso, Ella alalahanin mo, may Dennise s'ya. Alam mo sa sarili mong unang beses pa lang kayong nagkita sa coffee shop, iba na ang dating sa'yo ni Zander. Pero hindi 'yon dahilan para magpadala ka sa nararamdaman mo. Baka masyado ka lang malungkot kagabi at sakto s'ya ang nandoon. Isipin mo Ella, kung si Junel ang kasama mo ng oras na 'yon, malamang ganito rin ang mararamdaman mo. Its not the person, but the feeling. Oo, tama. Hindi si Zander, 'yung mga actions n'ya ang gusto ko. At saka hindi 'to pwede, may sabit s'ya.

Ang kilig at saya ay nabahidan ng lungkot. Tinatak ni Ella sa kanyang isipan na 'yon na dapat ang una't huling beses na mangyayari 'yon sa pagitan nila ni Zander. Kahit na iba ang dinidikta ng kanyang puso.

P---Pero sa kabilang banda, alam mo rin ang nakita mo noong nakaraan. Alam mong may lamat na ang pagsasama nila, hindi man banggitin ni Zander, mapupuna mo sa mga kilos n'ya na may problema sila. Ay ano ba 'tong naiisip ko! Ella umayos ka! Iniwan ka lang ni Junel nagkaganito ka na kay Zander. Kay Zander ka naman lalapit? Nagkataon lang lahat ng 'to. Ano ka ba Ella, gamitin mo nga 'yang utak mo, 'wag 'yang puso mo.

Pilit na iniwawaksi ni Ella ang kanyang nararamdaman, ngunit sa kakaisip n'ya ng dahilan ay naalala na naman n'ya si Junel. Kaya imbis na si Zander lang at ang nangyari kagabi ang kanyang iniisip ay dumagdag pa si Junel. 

Ella please kahit ngayon lang, gamitin mo naman ang utak mo. Kaya nga 'yan inilagay ng mas mataas sa puso para gamitin. Hindi laging puro puso, alalahanin mo, noong huling beses mong ginamit ang puso mo sa larangan ng pag-ibig ikaw lang din ang nasaktan. Umamin ka, akala mo pareho kayo ng nararamdaman, 'yon pala, ikaw lang ang nakakaramdam. Ano one sided love na naman? Mamanhid ka naman minsan, hindi lahat ng pinapakita sa'yo totoo. Malay mo tulad n'yo ni Junel ganito rin ang set-up nila. You'll never know. Kaya hanggat kaya mo pang iwasan. Iwasan mo na! 

Pilit na tinatak ni Ella sa kanyang puso at isipan ang mga pangaral n'ya sa kanyang sarili. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status