Chapter: Chapter 76“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 75Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 74Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 73Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 72“Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 71Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin
Huling Na-update: 2022-08-14
Chapter: Chapter 5“Sir! Good evening po sir. Pasok po sir,” bati ng isa sa mga maid kay Ethan. Matapos makuha ang take-out na pasalubong ni Ethan, naghiwalay na ng landas ang magkaibigan. Dumiretso si Ethan sa bahay ng kanyang lola Elizabeth.“Manang good evening din po,” bati ni Ethan habang naglalakad silang dalawa. “Si wowa?” tanong nito na may ngiti sa kanyang mga labi.“Nasa may poolside po sir,” tugon ng maid.“Ah sige, makikisuyo nga po ako nito manang.” Inabot ni Ethan ang dalawang malaking paperbag na kanyang hawak. “Paki handa na rin po ito sa dining table at paki tawag na rin ang lahat, pagsaluhan po natin itong dala ko,” nakangiting sambit ni Ethan. “Walang tatanggi kung hindi magtatampo ako.”Agad na kinuha ng kasambahay ang paperbag at sinilip kung anong laman nito. “Wow sir Ethan, ang dami nito at mukha ang sasarap pa!” nakangiting sabi ng maid. “Hindi po ba nakakahiya naman kung pati kami sasalo pa sa dining table? Sa kusina na lang kami kakain sir,” ani ng kasambahay.“Yap, super sara
Huling Na-update: 2022-08-27
Chapter: Chapter 4Pagmulat ni Francine ay huminga ito ng malalim at saka nagsalita, "Besh, walang kasal na magaganap. Walang wedding preparations, walang mangyayari sa lahat ng plinano natin," nakatulalang sabi ni Francine. "Nag-no s'ya," dagdag nito habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha."Ha! Ano! Pero bakit? Bakit daw! Sinabi ba n'ya kung bakit?" sunod-sunod na tanong ni Lizel.Hindi sumagot si Francine at tahimik lang na umiiyak."Teka, 'yung singsing nasaan? Kinuha ba n'ya? Naiwan sa labas?" natatarantang tanong ni Lizel kay Francine.Inilahad lang ni Francine ang kanyang kamay upang ipakita sa kaibigan ang hawak na singsing."Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, kinuha n'ya kahit nag-no s'ya!" wika ni Lizel.Biglang napabaling ng tingin si Francine sa kanyang kaibigan at tinitigan ito ng masama.Ngumisi si Lizel at tumawa ng bahagya. "Besh ang mahal kaya n'yang singsing na binili mo para sa kanya, kaya nag-alala rin ako d'yan sa singsing. Pwede pa natin isangla if ever,"
Huling Na-update: 2022-07-04
Chapter: Chapter 3"Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na
Huling Na-update: 2022-07-04
Chapter: Chapter 2"Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu
Huling Na-update: 2022-07-04
Chapter: Chapter 1"Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na
Huling Na-update: 2022-07-04