Share

Chapter 3

Author: Z.R Cruz
last update Huling Na-update: 2022-07-04 22:28:43

"Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard.

"Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. 

"Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel.

"Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel.

"Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.

Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. 

Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel.

"Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na kasi sila ng mga ito at nag-umpisang mag bulungan.

Lumapit ng bahagya si Leonard kay Lizel at kinausap ng mahinahon, "Lizel, si Francine my utak, kaya n'yang mag-isip at magdesisyon sa sarili n'ya. 'Yung kotse wala. Kaya naman n'yang lumakad at pumasok dito sa loob ng coffee shop, pero 'yung baby car ko hindi kayang sumilong mag-isa," katwiran ni Leonard.

Pakiramdam ni Lizel ay nag-init ang kanyang tenga at mukha sa sinasabing dahilan ni Leonard. Hindi ito nakakilos ng ilang segundo kaya naman kinuha na itong pagkakataon ni Leonard upang lumabas at makaalis.

"Bastos! Ay nako! Humanda ka talaga sa akin Leonard!" Napa-padyak na lang si Lizel sa galit dahil kumaripas na ng takbo palabas ng coffee shop si Leonard at tuluyan ng nakaalis. Pagbaling nito ay pinagtitinginan pa rin s'ya ng mga tao. "Tapos na po ang palabas, pwede na ulit kayo magkape," mataray taray na sambit nito at tumakbo para puntahan ang kanyang kaibigan.

Samantala si Francine ay nakaupo pa rin sa upuan habang pinapanuod na malunod sa tubig ulan ang tsokolate sa platong nasa kanyang harapan. Kasabay ng pagpatak ng ulan, patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Francine. Humulas na rin ang make-up nito sa mukha kaya naman kayat kayat na ito. Wala na itong paki-alam kung naghahalo na sa kanyang mukha ang make-up, luha at sipon. Basta ang tanging nararamdaman n'ya ay ang sakit ng pagkawasak ng kanyang puso.

Dala ang malaking payong, humahangos na pinuntahan ni Lizel ang kanyang kaibigan kasama ang ilang mga waiter.

"Besh," tawag nito na may kalakasan ang boses. Lumalakas na rin kasi ang ulan at nakita nitong basang basa na ang kanyang kaibigan.

Hindi lang kumibo si Francine at titig na titig pa rin ito sa plato.

Inakay ni Lizel ang kanyang kaibigan, lumapit na rin ang iba pang waiter upang tulungan si Lizel na alalayan si Francineng tumayo.

"Besh, tara na pumasok na tayo. Magkakasakit ka n'yan lumalakas na 'yung ulan," aya ni Lizel.

Hindi pa rin kumibo si Francine. Nahabag si Lizel sa itsura ng kanyang kawawang kaibigan. Naluha tuloy ito ng sobra at nagsimula na ring umiyak.

"Besh, tara na. 'Wag ka namang ganyang, tara na sa loob," umiiyak na sabi ni Lizel at niyakap ang kaibigan. "Tara na." Kahit na mabasa na ito ng ulan ay wala na itong pakialam. Agad namang pinayungan ng mga waiter ang kanilang amo.

"Pops, ang drama naman ng nasa labas," puna ni Ethan habang tinititigan ang eksena sa labas ng coffee shop.

Ito rin 'yung set-up na nakita ko sa may parking lot kanina. I knew it, wala talagang forever.Kasalukuyang nakaupo ang dalawa at humihigop ng mainit na kape.

"Nasaan?" tanong ni Aaron.

Nagtaka si Ethan kaya binalingan ng tingin si Aaron. Bigla nitong binatukan ang kaibigan. "Pops! Paano mo makikita, nasa labas 'yung tinutukoy ko. Hindi d'yan sa kabilang lamesa!" nanggigigil na bulyaw ni Ethan.

Nakikipag kindatan kasi si Aaron sa kabilang lamesa, may mga dalaga kasing naka-upo roon na tipong tipo ni Aaron. Kinikilig ang mga dalaga kaya naman pasyahan ang pagpapa-cute ni Aaron sa mga ito.

”Playboy," ngising sabi ni Ethan.

Sumulimpat ng tingin si Aaron kat Ethan. "Kaysa naman sa'yo user, f*ckb*y at playboy din! At least ako minamahal kong silang lahat ng sabay sabay," pagmamalaki ni Aaron.

"Ano ka uod! Maraming puso? Nako Aaron, sinasabi ko sa'yo kapag-ikaw nakulong sa ginagawa mo, hindi na kita sagot," banta nito sabay higop ng kape. "Hmmm, masarap ha. Matagal na ba 'tong coffee shop na 'to?"

"'Wag kang mag-alala, sabay tayong makukulong dahil sa mga babae. At saka 'wag nga ako Ethan pareho lang tayo!" natatawang sabi ni Aaron. "Itong coffee shop hindi ko alam, dito kasi kami nag-date noong ka-chat ko last time. Tapos masarap ang mga pastries at cakes nila, match na match sa mga kape. Maiba naman para hindi puro alak ang kaharap natin."

Tumangotango si Ethan at bumaling muli ito ng tingin sa labas. "Lumalakas na 'yung ulan, ano kayang nangyari roon," sambit nito.

"Saan ba kasi? Ito chismoso!" tanong ni Aaron.

"'Yung sinasabi ko sa'yo kanina, 'yung nasa labas. Ayon o!" Tinuro ni Ethan ang dalawang babaeng nakapayong at mga waiter na kasama. Inaakay na nila papasok sa loob ang isang babae.

"Ah, baka brineakan ng boyfriend tapos kumanta ng basang basa sa ulan," biro ni Aaron.

"Lakas ng imagination mo pops! Palibhasa gawain mo kasi." At nagtawanan na ang dalawa.

Sige ang punas ni Lizel sa buhok ni Francine. Nasa loob na sila ng quarters at kasama ang ilang mga waiters.

"Ma'am Lizel, heto po ang damit ni Ma'am Francine," sabi ng isa sa mga waiter.

"Salamat." Kinuha nito ang damit at huminga ng malalim bago muling nagsalita, "Guys pasensya na kayo, kayo muna ang bahalang umasikaso ng mga customers natin ngayong gabi. Kailangan lang talaga ako ni besh ngayon," paghingi ng paumanhin ni Lizel sa lahat.

"Don't worry ma'am, kami na po ang bahala. Naiintindihan po namin, lalabas na po kami," sabi naman ng isa.

Isa isang nagpaalam ang mga waiter na nandoon at nakisimpatya sa nangyari. Tulala pa rin si Francine at patuloy lang ang pagpatak ng kanyang luha. Walang paghagulhol at walang tunog, sige lang ang tulo ng luha nito sa kanyang mga mata.

"Besh, anong nangyari?" tanong ni Lizel na naluluha na rin.

Pumikit si Francine, sa kanyang pagpikit ay nagunita n'ya ng malinaw lahat ng nangyari mula kanina.

"Okay kana ba babe?" tanong ni Francine.

Pinunasan ni Leonard ng kanyang nguso saka nagsalita, "Yes babe, excited na akong tikman kung gaano ka-perfect 'yang chocolate fireball mo," nasasabik na sabi ni Leonard.

This is it pansit! Francine, pagkatapos nito wedding preparations na ang aasikasuhin n'yo ni Lizel! Magkakaroon ka na ng sarili mong family! Kaya relax magiging okay na ang lahat.

Huminga ng malalim si Francine at saka tumayo. Sinindihan na ni Francine ang gas lighter na kanyang hawak.

Ito na 'to! After ng proposal ko fiancé na ako si Leonard, and the next thing I know Angeles na ang apelyido ko!

Itinapat na ni Francine ang apoy sa chocolate at lumiyab na ito."Perfect! I'm so proud of you babe," nakangiting sabi ni Leonard. Pinapanuod nito ang unti-unting pagkatunaw ng tsokolate sa tulong ng apoy.

Pagkatunaw ng tsokolate, tumambad kaagad ang isang singsing. "A---Ano 'to?" wika ni Leonard sabay tingin kay Francine.

Ang kaninang galak na itsura ay napalitan ng pagkabagabag.

"A ring, I guess?" Pinilit ni Francineng ngumiti upang ikubli ang kanyang kaba. Kinuha na rin n'ya ang singsing at lumuhod.

Alumpihit naman mula sa malayo si Lizel, nagsisiksikan sila ng mga waiter sa glass window katapat ng set-up na kanilang ginawa. Hindi naman ito makalapit kayna Leonard at Francine.

"Ma'am, kumalma po muna kayo," ani ng isa nilang waiter na sige rin ang pag silip sa nagaganap na proposal.

Hinawakan nito ang tig kabilang braso ng waiter at inalog-alog. "Paano ako kakalma! Look nakaluhod na si besh! Nakaluhod na s'ya!" sabi nito sa waiter.

"Ma'am nahihilo po ako, wait lang po," d***g ng waiter. "May may naghahanap din po kasi sainyo." Patuloy pa rin kasi itong inaalog ni Lizel.

Nahinto si Lizel. "Huh? Sino?" 

"Through phone po, ito po," wika ng waiter at inabot ang telepono.

"Leonard Angeles, will you---"

"Stop!" sambit ni Leonard.

Iyon pa lang ang sinasabi ni Leonard ay nagtitipon na ang luha sa mga mata ni Francine, mula sa kaniyang pagkakaluhod kitang kita n'ya ang inis sa mga mata ni Leonard.

"Hindi ko 'to inaasahan Francine," inis na sabi ni Leonard. "Hindi ka ba talaga makapaghintay? Ako dapat ang gumagawa n'yan! Nakakahiya, tumayo ka nga d'yan!"

"P---Pero." Tumayo mag-isa si Francine. S'ya rin namang tayo ni Leonard at iniesta ang table napkin na kanyang hawak sa plato.

"It's a no, please Francine. Napag-usapan na natin 'to, I'm not ready to give up my youth and enter into married life," sagot ni Leonard.

Kasabay ng pagtulo ng luha ni Francine ay tila nalungkot din ang langit, isa-isang pumatak ang ulan.

"Sh*t! Si baby car ko! Kakapa-carwash ko pa lang!" sambit ni Leonard ng nararamdaman nito ang pagpatak ng ulan. "Babe, umaambon na. Lets go inside," aya nito na hindi man lang inaalala ang nararamdaman ng kasintahan. "Yung sasakyan ko!" Agad na kinapa ni Leonard ang susi sa kanyang bulsa at aktong aalis na.

Nakatayo lang si Francine na tila walang narinig.

Ang ambon ay unti-unting lumakas. "Francine!" ulit na sabi ni Leonard na may mataas na boses.

”D—-Dito lang muna ako,” sambit nito at hindi na kibo. 

"Bahala ka nga d'yan 'yung sasakyan ko mababasa!" At tumakbo na si Leonard papasok sa coffee shop at iniwan na mag-isa si Francineng na nabasa sa ulan.

Kaugnay na kabanata

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 4

    Pagmulat ni Francine ay huminga ito ng malalim at saka nagsalita, "Besh, walang kasal na magaganap. Walang wedding preparations, walang mangyayari sa lahat ng plinano natin," nakatulalang sabi ni Francine. "Nag-no s'ya," dagdag nito habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha."Ha! Ano! Pero bakit? Bakit daw! Sinabi ba n'ya kung bakit?" sunod-sunod na tanong ni Lizel.Hindi sumagot si Francine at tahimik lang na umiiyak."Teka, 'yung singsing nasaan? Kinuha ba n'ya? Naiwan sa labas?" natatarantang tanong ni Lizel kay Francine.Inilahad lang ni Francine ang kanyang kamay upang ipakita sa kaibigan ang hawak na singsing."Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, kinuha n'ya kahit nag-no s'ya!" wika ni Lizel.Biglang napabaling ng tingin si Francine sa kanyang kaibigan at tinitigan ito ng masama.Ngumisi si Lizel at tumawa ng bahagya. "Besh ang mahal kaya n'yang singsing na binili mo para sa kanya, kaya nag-alala rin ako d'yan sa singsing. Pwede pa natin isangla if ever,"

    Huling Na-update : 2022-07-04
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 5

    “Sir! Good evening po sir. Pasok po sir,” bati ng isa sa mga maid kay Ethan. Matapos makuha ang take-out na pasalubong ni Ethan, naghiwalay na ng landas ang magkaibigan. Dumiretso si Ethan sa bahay ng kanyang lola Elizabeth.“Manang good evening din po,” bati ni Ethan habang naglalakad silang dalawa. “Si wowa?” tanong nito na may ngiti sa kanyang mga labi.“Nasa may poolside po sir,” tugon ng maid.“Ah sige, makikisuyo nga po ako nito manang.” Inabot ni Ethan ang dalawang malaking paperbag na kanyang hawak. “Paki handa na rin po ito sa dining table at paki tawag na rin ang lahat, pagsaluhan po natin itong dala ko,” nakangiting sambit ni Ethan. “Walang tatanggi kung hindi magtatampo ako.”Agad na kinuha ng kasambahay ang paperbag at sinilip kung anong laman nito. “Wow sir Ethan, ang dami nito at mukha ang sasarap pa!” nakangiting sabi ng maid. “Hindi po ba nakakahiya naman kung pati kami sasalo pa sa dining table? Sa kusina na lang kami kakain sir,” ani ng kasambahay.“Yap, super sara

    Huling Na-update : 2022-08-27
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 1

    "Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na

    Huling Na-update : 2022-07-04
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 2

    "Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu

    Huling Na-update : 2022-07-04

Pinakabagong kabanata

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 3

    "Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 2

    "Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 1

    "Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na

DMCA.com Protection Status