Share

Chapter 4

Penulis: Z.R Cruz
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Pagmulat ni Francine ay huminga ito ng malalim at saka nagsalita, "Besh, walang kasal na magaganap. Walang wedding preparations, walang mangyayari sa lahat ng plinano natin," nakatulalang sabi ni Francine. "Nag-no s'ya," dagdag nito habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha.

"Ha! Ano! Pero bakit? Bakit daw! Sinabi ba n'ya kung bakit?" sunod-sunod na tanong ni Lizel.

Hindi sumagot si Francine at tahimik lang na umiiyak.

"Teka, 'yung singsing nasaan? Kinuha ba n'ya? Naiwan sa labas?" natatarantang tanong ni Lizel kay Francine.

Inilahad lang ni Francine ang kanyang kamay upang ipakita sa kaibigan ang hawak na singsing.

"Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, kinuha n'ya kahit nag-no s'ya!" wika ni Lizel.

Biglang napabaling ng tingin si Francine sa kanyang kaibigan at tinitigan ito ng masama.

Ngumisi si Lizel at tumawa ng bahagya. "Besh ang mahal kaya n'yang singsing na binili mo para sa kanya, kaya nag-alala rin ako d'yan sa singsing. Pwede pa natin isangla if ever," biro ni Lizel.

Lumihis lang ng tingin si Francine at sinimulang titigan ang singsing.

Nanlumo si Lizel sa nakitang reaksyon ng kaibigan. Pilit man s'yang magpatawa ay balewala lang ito para kay Francine, mas pinili pa rin nitong tumulala.

"Besh, 'wag ka namang ganyan. Hindi ako sanay na ganyan ka, para na akong baliw dito. Magpapatawa tapos iiyak." Pinunas ni Lizel ang kanyang luha. "Besh hindi kaya nagkaroon lang kayo ng misunderstanding. Or na shock lang s'ya sa proposal mo mga ganoon? Naapakan lang 'yung ego n'ya kaya s'ya nag-walk-out. Hindi pa naman kayo break hindi ba?" giit ni Lizel.

Mas tumulo ang luha ni Francine sa mga narinig. Nagsimula na itong humikbi, napakagat na lang ito sa kanyang labi upang mapigilan ang paghagulhol ng malakas.

"Besh, magsalita ka naman. Hindi ako manghuhula, hindi ko alam kung kanino ako magagalit o tama bang magalit ako kay Leonard sa mga nangyari," ani ni Lizel.

"N---Nasaan s'ya," maikling sabi ni Francine ng marinig ang pangalan ng kasintahan.

"Sino?" tanong ni Lizel.

"Si Leonard," aligagang sagot ni Francine.

"Lumabas, pinuntahan 'yung l*nt*k na kotse n'ya,” sagot ni Lizel.

Biglang tumayo si Francine at tumakbo palabas ng quarters kahit hindi pa ito nakakapag paliit ng damit. 

Sa bilis ng mga pangyayari ay naiwan na mag-isa si Lizel. "Francine!" hiway nito at saka pa lang hinabol ang kaibigan.

No, hindi pwede 'to. I need a valid reason, an explanation kung bakit. Ipaintindi n'ya sa akin 'yung sinabi n'yang hindi pa s'ya handa. Ipaintindi n'ya sa akin lahat, t*ng* na kung t*ng* pero mas gugustuhin kong lunurin ang sarili ko sa sakit kaysa mag-isip ng mag-isip kung anong dahilan n'ya. Tutal sinaktan n'ya na rin naman ako, lulubusin ko na.

"Magugustuhan 'to ni wowa, magkapag-take out nga," giit ni Ethan. Sarap na sarap ito sa pudding na kanyang kinakain ternohan pa ng kape.

"I told you, para maiba naman. Nauumay na ako sa alak at nahihirapan na rin ako kapag may hang-over. Masakit sa ulo," reklamo ni Aaron.

Ngumisi si Ethan at umiling. "Ang sabihin mo, kaya sumasakit ang ulo mo kasi kung sino sinong babae ang nadadala mo sa unit mo. Tapos pinapangakuan mo pa kapag lasing ka! Kahit hindi mo kilala, magaling ka rin. True love true love, love at first sight. Asus, walang ganoon pops. Ikaw naman kasi dapat tamang chill lang, no string attached, laro laro lang," pangaral ni Ethan.

"Ay nagsalita ang magaling! Parang hindi laging nahuhuli ni Madam Elizabeth sa unit na may kasamang babae, linis mo pops," kantyaw ni Aaron sa kaibigan at napailing na lang.

"Well ganoon talaga at least, after noon, goodbye ma lady," pagmamalaki ni Ethan. "Maiba ako, may iba pa ba silang variety ng cakes or pastries? Para mapa-salubungan ko rin ang mga maids ni wowa at mga driver mamaya," tanong ni Ethan.

"Pops totoo ba 'to? Uuwi ka kayna Madam Elizabeth?" gulat na gulat na tanong ni Aaron.

"Sus, pops, sagutin mo na lang ang tanong ko," bulyaw ni Ethan.

"Okay fine, oo mamili ka na lang doon." Tinuro ni Aaron ang isang area ng shop kung saan naka-display ang mga bagong bake na produkto ng shop. "Pops isabay mo na rin 'yung i-take-out ko, cheese cake, tapos palagyan mo ng card. Paki sulatan na rin ng from Ron-ron pogi," utos ni Aaron sabay kindat sa mga dalaga sa kabilang mesa.

Sinundan ng tingin ni Ethan kung saan na naman nakikipag kindatan ang kaibigan. Binalikan nito ng tingin si Aaron at sinamaan ng tingin. "Hoy pops, sinasabi ko sa'yo. Pag ikaw na pahamak sa kakaganyan mo!" banta ni Ethan na may pagtuturo pa.

Nakatingin pa rin si Aaron sa mga dalaga sa kabilang mesa. "Chill ka lang pops, nand’yan ka naman para backupan ako," sabi ni Aaron sabay senyas na umalis na s'ya.

Napakamot na lang sa batok si Ethan "Sige na! Bahala ka na nga d'yan. Pera." Sabay naglahad ng kamay si Ethan.

Napabaling ng tingin si Aaron sa kamay ni Ethan. "Kuripot! Ito na nga!" bulyaw ni Aaron at inilangay sa palad ni Ethan ang kanyang wallet. "Bayaran mo na rin 'yung bill." 

Tumayo na si Ethan at nagsimula ng maglakad bitbit ang kanyang kape. Tumayo rin si Aaron at nilapitan na ang mga dalaga sa kabilang mesa.

Natatanaw na ni Ethan ang naka-hilerang mga cake.

Matutuwa si wowa nito.

Nagulat si Ethan ng may biglang may bumangga sa kanya. "Sh*t! Ang init!" Nabitawan ni Ethan ang tasa at nabasag sa sahig. "Hoy!" tawag nito sa bumangga sa kanya. Dirediretso lang kasi ito sa paglalakad na para bang walang nabangga. "Hoy! Miss!" ulit na tawag ni Ethan.

Huminto sa paglalakad ang babae at humangos na humarap kay Ethan. "Bakit anong problema mo!" sigaw nito.

"Aba! Ikaw na nga 'tong nakabangga ikaw pa 'tong matapang!" sigaw din ni Ethan at napatakip ito ng kanyang bibig ng malinaw na nakita ang mukha ng babaeng bumangga sa kanya.

Sinamaan ng tingin ng babae si Ethan. Pinang gulatan nito si Ethan at tinignan mula ulo hanggang paa at saka kinagat ang kanyang labi na tila nanggigigil sa kanya sa galit. Napansin nito ang basag na tasa sa sahig at mantya ng kape sa puting t-shirt ni Ethan. 

"Sino ba naman kasing sira ulo ang bibitbitin ang kape n'ya habang naglalakad!" bulyaw ng babae.

 "Besh!" hiway ng isang pang babae, si Lizel. Nilapitan nito kaagad ang kaibigan. "Francine, anong nangyari?"

"Ito kasing lalaking 'to!" Sabay duro ni Francine kay Ethan. "Humaharang sa dinadaanan ko! Sige ako na ang mali, nabunggo ko s'ya, pero sino ba namang matinong tao ang magbibitbit ng kape habang naglalakad! Hindi ko na kasalanang nabuhos sa kanya ang kape n'ya!" nang gagalaiting paliwanag ni Francine kay Lizel.

Pinipigilan ni Ethang hindi tumawa at pinakita na nagagalit ito kay Francine. "S---So ako pa ang may kasalanan?" pabalang na sabi ni Ethan kahit tawang tawa na talaga ito.

"Sir, sorry po sir," paghingi ng tawad ni Lizel kay Ethan.

Napansin ni Francine ang pamumula ni Ethan dahil pinipigilan n'yang tunawa. Kaya lalo itong nairita kay Ethan. "Anong nakakatawa?" mataray nitong sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Lizel na tila may naalala, tinignan kaagad nito ang mukha ng kaibigan. "Besh!" sabi nito at tinakpan ang mukha ni Francine ng kanyang mga kamay. Binaling nito ang tingin kay Ethan. "Sir sorry po ulit. Pasensya na, may pinagdadaanan lang." Kinawayan ni Lizel ang isa sa mga waiter, lumapit naman ito kaagad sa tatlo. "For rebate, libre na po ang order n'yo at isang cake or pastry of your choice for take out. Sorry po ulit pasensya na," sabi nito kay Ethan. Bumaling si Lizel sa waiter. "Kuya, please assist him. Paki linis na rin 'yung nabasag na tasa salamat," utos nito sa waiter at nagmamadaling hinila pabalik sa quarters ang kaibigan.

Sinundan ng tingin ni Ethan ang magkaibigan hanggang makapasok sila sa isang pinto.

That girl, I like her. Ang tapang n'ya ha, s'ya rin siguro 'yung nasa labas. Kawawang babae mukhang brineakan nga ng boyfriend. Pasalamat s'ya natawa ako bigla sa itsura n'ya kung hindi. Hay nako. What a night!

Natatawang sabi ni Ethan sa kanyang sarili. Nagsimula na itong maglakad at namili ng kanyang bibilhin.

"Besh! Ikaw naman kasi bakit umiiral na naman 'yang pagka Gabriela Silang mo!" sayaw ni Lizel sa kaibigan. Kinaladkad n'ya ito pabalik sa quarters.

Nakapasok na ang dalawa at pinaupo ni Lizel si Francine sa kama. "Besh, oo mali akong nabunggo ko s'ya. Pero ang point ko, bakit n'ya bibitbitin ang tasa na may lamang kape habang naglalakad! Sira ulo ba s'ya! Kaya hindi ko na kasalanan kung napaso s'ya at nabasag 'yung tasa. Naiinis nga ako sa'yo kasi ginawa mong libre ang order ng lalaking 'yon!" katwiran ni Francine. Tumayo ito at aktong lalabas.

Hinatak ni Lizel ang kaibigan upang pigilan. "Besh saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko si Leonard. Wala akong pakialam kung malakas ang ulan. Hindi mo ako mapipigilan!" tugon ni Francine.

"Wait besh, for the record, customer 'yon. At isa pa hindi kita pinipigilan d'yan sa kabaliwan mo. Go lang, buhay mo naman 'yan, sabihan mo na lang ako kapag ire-ready ko na 'yung recorded na sermon ko sa'yo. Pero sana bago ka lumabas ulit maghilamos ka muna at magpalit ng damit," sambit ni Lizel.

Biglang nagtaka si Francine sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Bakit?"

"Look." Hinarap ni Lizel ang kanyang cellphone. Nakabukas ang front cam nito upang makita ni Francine ang kanyang itsura.

Kumalat na ng tuluyan ang maskara ni Francine sa ilalim ng kanyang mata. Gayundin ang eyeliner at eyeshadow nito sa talukap kaya nagmukha itong panda. Pati ang lipstick ay hindi pa gaanong pahi kaya nakakalat din ito sa kanyang labi.

Nanlaki ang mga mata ni Francine. "B---Besh, lumabas ako ng ganito ang itsura ko?"

"Oo besh, nakipag-ayaw ka pa na ganyang ang itsura mo," nakangiwing sabi ni Lizel. 

Bab terkait

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 5

    “Sir! Good evening po sir. Pasok po sir,” bati ng isa sa mga maid kay Ethan. Matapos makuha ang take-out na pasalubong ni Ethan, naghiwalay na ng landas ang magkaibigan. Dumiretso si Ethan sa bahay ng kanyang lola Elizabeth.“Manang good evening din po,” bati ni Ethan habang naglalakad silang dalawa. “Si wowa?” tanong nito na may ngiti sa kanyang mga labi.“Nasa may poolside po sir,” tugon ng maid.“Ah sige, makikisuyo nga po ako nito manang.” Inabot ni Ethan ang dalawang malaking paperbag na kanyang hawak. “Paki handa na rin po ito sa dining table at paki tawag na rin ang lahat, pagsaluhan po natin itong dala ko,” nakangiting sambit ni Ethan. “Walang tatanggi kung hindi magtatampo ako.”Agad na kinuha ng kasambahay ang paperbag at sinilip kung anong laman nito. “Wow sir Ethan, ang dami nito at mukha ang sasarap pa!” nakangiting sabi ng maid. “Hindi po ba nakakahiya naman kung pati kami sasalo pa sa dining table? Sa kusina na lang kami kakain sir,” ani ng kasambahay.“Yap, super sara

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 1

    "Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 2

    "Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29
  • I'm in Love with that Girl   Chapter 3

    "Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na

    Terakhir Diperbarui : 2024-10-29

Bab terbaru

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 5

    “Sir! Good evening po sir. Pasok po sir,” bati ng isa sa mga maid kay Ethan. Matapos makuha ang take-out na pasalubong ni Ethan, naghiwalay na ng landas ang magkaibigan. Dumiretso si Ethan sa bahay ng kanyang lola Elizabeth.“Manang good evening din po,” bati ni Ethan habang naglalakad silang dalawa. “Si wowa?” tanong nito na may ngiti sa kanyang mga labi.“Nasa may poolside po sir,” tugon ng maid.“Ah sige, makikisuyo nga po ako nito manang.” Inabot ni Ethan ang dalawang malaking paperbag na kanyang hawak. “Paki handa na rin po ito sa dining table at paki tawag na rin ang lahat, pagsaluhan po natin itong dala ko,” nakangiting sambit ni Ethan. “Walang tatanggi kung hindi magtatampo ako.”Agad na kinuha ng kasambahay ang paperbag at sinilip kung anong laman nito. “Wow sir Ethan, ang dami nito at mukha ang sasarap pa!” nakangiting sabi ng maid. “Hindi po ba nakakahiya naman kung pati kami sasalo pa sa dining table? Sa kusina na lang kami kakain sir,” ani ng kasambahay.“Yap, super sara

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 4

    Pagmulat ni Francine ay huminga ito ng malalim at saka nagsalita, "Besh, walang kasal na magaganap. Walang wedding preparations, walang mangyayari sa lahat ng plinano natin," nakatulalang sabi ni Francine. "Nag-no s'ya," dagdag nito habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha."Ha! Ano! Pero bakit? Bakit daw! Sinabi ba n'ya kung bakit?" sunod-sunod na tanong ni Lizel.Hindi sumagot si Francine at tahimik lang na umiiyak."Teka, 'yung singsing nasaan? Kinuha ba n'ya? Naiwan sa labas?" natatarantang tanong ni Lizel kay Francine.Inilahad lang ni Francine ang kanyang kamay upang ipakita sa kaibigan ang hawak na singsing."Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, kinuha n'ya kahit nag-no s'ya!" wika ni Lizel.Biglang napabaling ng tingin si Francine sa kanyang kaibigan at tinitigan ito ng masama.Ngumisi si Lizel at tumawa ng bahagya. "Besh ang mahal kaya n'yang singsing na binili mo para sa kanya, kaya nag-alala rin ako d'yan sa singsing. Pwede pa natin isangla if ever,"

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 3

    "Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 2

    "Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu

  • I'm in Love with that Girl   Chapter 1

    "Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na

DMCA.com Protection Status