"Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan.
"Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mula ulo hanggang paa si Leonard.Ano ba naman 'tong si Leonard, anniversary nila tapos wala man lang dalang paper bag? O hindi kaya pa-flowers man lang wala? 'Yung totoo? O baka mamaya nasa bulsa lang n'ya 'yung gift n'ya para kay besh! OMG! Hay besh mukhang ikakasal ka na talaga! Sana ako rin, someday. Hay.Natulala na si Lizel ng hindi nito namamalayan."Lizel?" tawag ni Leonard.Bumalik na sa reyalidad si Lizel. "Ah! Yes?""Si Francine? Nasaan s'ya?" tanong ni Leonard."Oh, ano puntahan mo na lang s'ya sa may dulo. Nakita ko s'ya roon kanina," wika ni Lizel at itinuro ang daan.Tumango si Leonard at nag umpisa ng maglakad.Habang naglalakad si Leonard ay napapansin nitong tinitignan s'ya ng ibang costumer ng coffee shop. Nakaramdam tuloy ito ng pagkailang. Nababahala ito kung may mali ba sa kanyang suot o hindi kaya ay may nakakatawa ba sa kanyang kilos.Pagdating ni Leonard sa dulo, hindi pa rin nito nakita ni anino ni Francine. "Boss, si Francine nakita mo?" tanong nito sa isa sa mga waiter ng coffee shop."Sir, nasa may garden po sa labas," sagot nito at itinuro ang daan palabas."Sige, salamat," wika ni Leonard at nagtungo sa pinto palabas.Pagbukas pa lang ng pinto ay natanaw na ni Leonard ang isang magarang set up sa mini garden ng coffee shop. May pa table setting at candle light dinner pa ito, nandoon din si Francine nakatalikod. May improvise wall ring nakatayo sa likuran ng set-up, punong puno ito ng litrato nilang dalawa ni Francine. Namangha si Leonard at nakangiting lumapit sa kasintahan."Babe," tawag nito sa kanyang kasintahan.Huh! This is it! Kalma ka lang Francine kalma. Be graceful and elegant, mahinhin dapat.Dahan dahang bumaling si Francine paharap kay Leonard. Suot ang isang puting sleeveless dress na above the knee, may suot din itong itim na belt. Nakalugay lang ang kanyang itim na buhok at nakasupil na pilak. Nasilayan ni Francine ang masayang mukha ng kanyang kasintahan. Halos tumalon ang puso nito sa galak dahil alam n'yang nagustuhan ng kanyang kasintahan ang inihanda n’yang surpresa. Sinalubong n'ya ang kasintahan na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. "Babe." Nang na kalapit na si Leonard sa kanya ay hinawakan n'ya ito sa magkabilang pisngi at binigyan ng matamis na halik ang kanyang kasintahan sa labi."Kaya pala pagtitinginan ako ng mga customer ng coffee shop, nakabalandra pala ang mga pictures natin dito. Babe, akala ko naman simple dinner lang. Nag-abala ka pa," sambit ni Leonard."Babe, its a surprise! May surprise bang pinapaalam, syempre I want our anniversary to be extra special, kaya ito. Hindi mo ba nagustuhan?" sambit ni Francine na waring nagpapaawa."No babe, I love it!" tugon ni Leonard at hinalikan sa labi si Francine.Tuwang tuwa si Francine sa takbo ng mga pangyayari. Niyapos n'ya ang kasintahan saka bumulong, "Happy anniversary babe," bati ni Francine at muling hinalikan ang kasintahan."Happy anniversary din babe," sagot naman ni Leonard.Nagtungo na ang dalawa sa lamesa. Malamig ang simoy ng hangin, kumukutitap din ang mga bitwin sa langit. Napaka romantiko ng paligid dala rin ng mga kandilang nasandi sa lamesa."Do you like it?" tanong ni Francine kay Leonard. Habang kumakain silang dalawa ay pinagmamasdan din nila ang wall na puno ng mga litrato. Halos mapunit ang labi ni Leonard sa pagngiti. Inalala ng dalawa ang mga maliligayang pangyayari sa bawat litrato habang kumakain."Oo naman, lalo na't alam kong ikaw ang gumawa nitong lahat. And also the food, ang sarap. Kaya nga hindi ako nagkamali na ikaw ang piliin kong makasama for a lifetime," tugon ni Leonard.Mahigpit ang hawak ni Francine sa kubyertos.Hala, ito na kaya ito? Sign na ba ito? Wait kalma, hinga! Paano kung magpo-propose na s'ya ngayon? Paano na 'yung plinano ko? Naging atat yata ako. Nako wrong move yata? Hintayin ko kayang bigayan n'ya ako ng ring or lumuhod s'ya? Teka paano ko malalaman kung bibigyan n'ya nga ako? Hay ang hirap naman lalo akong kinakabahan. Umaariba na 'tong tiyan ko sa kaba!Napansin ni Leonard na malalim ang iniisip ng kasintahan. "Babe, may problema ba?" tanong nito."Ha, wala wala. I'm glad na nagustuhan mo lahat ng 'to." sagot ni Francine."Okay, finish your food, malamig na rito sa labas. Baka magkasakit pa ako pag na hamugan masyado," utos ni Leonard."Okay," sabi ni Francine at ipinagpatuloy ang pagkain."Sige, nandito na ako. Coffee, tea or me, tama ba?" tanong ni Ethan kay Aaron."Sige, nagpa-reserve na ako d'yan. Ron-ron pogi sabihin mo," tugon ni Aaron. "On the way na ako, ihahatid ko lang si Kate!" pasinghal nitong sabi."Pops sorry naman, alam mo namang ikaw ang trusted partner in crime ko hindi ba? Hintayin na kita rito sa parking lot," sabi ni Ethan."Pumasok ka na sa loob, para maka-order ka na," sambit ni Aaron."Pops alam mo namang tumakas lang ako kayna wowa hindi ba. Naka boxer nga lang ako ngayon at sando hindi ako makapasok sa loob," saad ni Ethan. "Padala naman ng disenteng damit, nakakahiya kung papasok akong ganito sa loob.""Hay nako pops! Ang sakit mo talaga sa ulo!" singhal muli na sabi ni Aaron."Ipagdala mo na ako ng matinong damit, nakakahiya naman 'tong suot ko. Ang didisente ng mga suot nila rito pagkatapos ako boxer at sando! Alam kong maganda ang katawan ko pero marunong din naman akong mahiya. Sige na pops, please!" pagpupumilit ni Ethan."May magagawa pa ba ako, sige pops magdadala ako. Bye," paalam ni Aaron sa kaibigan.Pagkatapos kausapin si Aaron ay nag patugtog na si Ethan sa loob ng kanyang sasakyan upang hindi mainip sa paghihintay. Pagbaling nito ay napukaw ng kanyang pansin ng isang magarang set-up."Sus, maghihiwalay din kayo!" sigaw nito sa loob ng sasakyan. "Walang forever!" Sabay tawa ng malakas."Ipapa-serve ko na ba ang dessert?" tanong ni Francine kay Leonard."Sige pwede naman," sagot nito habang ninanamnam ang sarap ng kinakain.Ipapa-serve ko na ba talaga or hihintayin ko muna s'ya lumuhod? Para kasing may sasabihin s'ya kanina or naprapraning lang ako? I can feel it, 'yon na 'yon! Pero parang wala naman sa itsura n'yang may sasabihin s'ya? At kanina pa kami kumakain, wala naman s'yang sinasabi. Ano ba Francine? Anong gagawin mo! Uurong ka ba o susulong?"Babe, tell me. May problema ka ba? Napapansin ko kanina ka pa tense at natutulala bigla?" tanong ni Leonard."Ha, wala. Ano, pagod lang siguro. Syempre alam mo naman, may mga incoming events at hands-on sa shop," tugon nito. Hindi kasi makakain nang maayos si Francine, ni malasahan ang pagkain ay hindi n'ya malasahan dahil sa kaba.Ganito pala ang pakiramdam ng magpro-propose, pero kailangan i-push ko na 'to. Sangalan ng pag-ibig! Go!"Sabi ko naman kasi sa'yo no need na sa mga ganito, gastos at sayang lang sa effort. Pwede naman tayong kumain lang sa loob ng shop, kahit wala ng mga candle light candle light dinner at pa ganito." Sabay turo sa wall. "Tignan mo napangod ka pa tuloy," giit ni Leonard.Nadismaya ng bahagya si Francine, ngunit nananaig pa rin ang kagustuhan nitong ituloy ang kanyang mga plano. "Syempre gusto kong maging special ang araw na ito kaya in-effortan ko ng todo. At saka." Natigilan si Francine sa kanyang pagsasalita.Sh*t muntik na akong madulas! 'Wag kang excited Francine wala pa 'yung singsing."Saka ano babe?" tanong ni Leonard habang kumakain. "Ano kasi mahal kita," 'yon na lang ang sinabi ni Francine."I love you too babe," tugon naman ni Leonard na hindi man lang tumitingin sa kasintahan.Nakahinga ng maluwag si Francine, tinaas na nito ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang lumapit ang isang waiter."Kuya, 'yung dessert. Pwede mo na po i-serve," sambit nito."Okay po ma'am. 'Yung chocolate fireball po ba?" tanong nito kay Francine."Opo," tugon naman ni Francine."Okay po ma'am." Umalis na kaagad ang waiter.Ilang sandali pa at dala ng waiter ang sinabing dessert ni Francine, may dala rin itong gas lighter gun. "Ma'am, here is your chocolate fireball," ngiting-ngiting sabi ng waiter."Wow, na-perfect mo na babe?" manghang sabi ni Leonard.Tumangotango si Francine na may ngiti sa kanyang mga labi.Binaba na ng waiter ang plato na may dessert sa pagitan ng dalawa. "Ma'am, congrats in advance. At best wishes na rin po," bulong ng waiter sa kanyang amo.Nasamid bigla si Francine."Babe water, drink water," utos ni Leonard habang patuloy pa rin itong kumakain.Sariling sikap na inaabot ni Francine ang tubig at uminom."Better?" tanong ni Leonard, hindi pa rin ito matinag sa pagkain."Yes babe. Sorry, nagulat kasi ako sa sinabi ni kuya," sagot ni Francine pagkainom nito ng tubig."Bakit ano ba ang sinabi ng waiter mo?" Doon palang ito tumingin sa kanyang kasintahan at itinaas ang kilay."Ha, ano tungkol lang sa ano sa, 'yung sa e---event bukas. Oo, tungkol doon," pagdadahilan ni Francine."Ah, baka kailangan ka na roon. Lets finished this," sabi ni Leonard. "Bilisan mo na kasing kuamin.""S---Sige," ani ni Francine.Huh! Pinagpawisan ako ng very very light doon! Buti nakalusot!"Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na
Pagmulat ni Francine ay huminga ito ng malalim at saka nagsalita, "Besh, walang kasal na magaganap. Walang wedding preparations, walang mangyayari sa lahat ng plinano natin," nakatulalang sabi ni Francine. "Nag-no s'ya," dagdag nito habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang luha."Ha! Ano! Pero bakit? Bakit daw! Sinabi ba n'ya kung bakit?" sunod-sunod na tanong ni Lizel.Hindi sumagot si Francine at tahimik lang na umiiyak."Teka, 'yung singsing nasaan? Kinuha ba n'ya? Naiwan sa labas?" natatarantang tanong ni Lizel kay Francine.Inilahad lang ni Francine ang kanyang kamay upang ipakita sa kaibigan ang hawak na singsing."Thank God! Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko, kinuha n'ya kahit nag-no s'ya!" wika ni Lizel.Biglang napabaling ng tingin si Francine sa kanyang kaibigan at tinitigan ito ng masama.Ngumisi si Lizel at tumawa ng bahagya. "Besh ang mahal kaya n'yang singsing na binili mo para sa kanya, kaya nag-alala rin ako d'yan sa singsing. Pwede pa natin isangla if ever,"
“Sir! Good evening po sir. Pasok po sir,” bati ng isa sa mga maid kay Ethan. Matapos makuha ang take-out na pasalubong ni Ethan, naghiwalay na ng landas ang magkaibigan. Dumiretso si Ethan sa bahay ng kanyang lola Elizabeth.“Manang good evening din po,” bati ni Ethan habang naglalakad silang dalawa. “Si wowa?” tanong nito na may ngiti sa kanyang mga labi.“Nasa may poolside po sir,” tugon ng maid.“Ah sige, makikisuyo nga po ako nito manang.” Inabot ni Ethan ang dalawang malaking paperbag na kanyang hawak. “Paki handa na rin po ito sa dining table at paki tawag na rin ang lahat, pagsaluhan po natin itong dala ko,” nakangiting sambit ni Ethan. “Walang tatanggi kung hindi magtatampo ako.”Agad na kinuha ng kasambahay ang paperbag at sinilip kung anong laman nito. “Wow sir Ethan, ang dami nito at mukha ang sasarap pa!” nakangiting sabi ng maid. “Hindi po ba nakakahiya naman kung pati kami sasalo pa sa dining table? Sa kusina na lang kami kakain sir,” ani ng kasambahay.“Yap, super sara
"Besh!" tawag ni Lizel sa kanyang kaibigan na si Francine. Bumaling ng tingin si Francine kay Lizel, alumpihit ito at hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Ano!" bulyaw nito kay Lizel.Bakas sa mukha ni Francine ang kaba, namumutla na rin ito at halos mawalan ng kulay ang labi.Nagulat si Lizel sa itsura ng kanyang kaibigan. "O! Na walan ng talab sa'yo 'yung make-up? Sobrang putla mo besh!" puna ni Lizel.Dali-dali n'yang kinuha ang kanyang liptint sa kanyang bulsa at inayos ang mukha si Francine."Besh, hihimatayin na yata ako sa kaba," d***g ni Francine habang inaayusan.Panay din ang tingin ni Francine sa kanyang relo at pag buntong hininga. "Besh, 'wag naman malikot, naduduling ako! Nire-retouch ko 'yung make-up mo!" bulyaw ni Lizel at hinawakan ang tigkabilang balikat ng kaibigan saka pilit na inupo sa katabi nilang upuan. "'Wag kang gagalaw! Stay!" Pinilit ni Francine na hindi gumalaw, ngunit nakaramdam naman ito ng panlalamig ng kamay. "Besh, ngayon ka pa ba aatras? Ito na

"Nasaan si Francine?" humahangos na tanong ni Lizel kay Leonard."Ha? Nasa garden, I have to go. Bye," nagmamadaling paalam ni Leonard at umalis. "Wait!" habol naman ni Lizel sa kasintahan ng kanyang kaibigan. Nakita ito ng guard sa may pinto ng coffee shop kaya naman humarang ito sa labasan. Dahil dito ay napigil ang paglabas ni Leonard at nahabol ito ni Lizel."Hoy! Iniwan mo lang si Francine sa gitna ng ulan! Ang husay mo naman!" gigil na sabi ni Lizel."Sabi n'ya doon lang daw s'ya, so iniwan ko na s'ya. S'ya na mismo ang nagsabi roon lang daw s'ya. At saka Lizel kailangan ko ng pumunta sa parking lot, baka lumakas pa ang ulan mababasa ang baby car ko kaka-carwash ko pa lang!" saad nito kay Lizel.Biglang nagpanting ang tenga ni Lizel sa kanyang narinig. "Ay, talagang mas inalala mo pa 'yung sasakyan mo kaysa sa girlfriend mo!" sigaw ni Lizel. Nagkatinginan ang mga customer ng shop sa ginagawang eksena ni Lizel."Lizel, calm down! Nakakahiya sa mga customers." Pinagtitinginan na
"Francine! Besh, nandyan na s'ya sabi no'ng guard!" nagmamadaling sabi ni Lizel sa kanyang kaibigan."Ha! Besh wait natatae 'ata ako!" tarantang wika ni Francine at balak pa nitong pumuntang CR. "Ang sakit ng tiyan ko," inda ni Francine habang nakahawak sa kanyang tyan."Besh, pigilan mo muna 'yan wala nang atrasan 'to! Mamaya na kamo s'ya lumabas. 'Wag s'yang bida bida ngayon ha!" sabi ni Lizel at itinulak si Francine papuntang labas.Tumakbo patungong entrance ng coffee shop si Lizel. Sakto naman pagbukas nito ng pinto ay bumungad kaagad si Leonard. "Welcome po," masigla nitong bati. "Oh ikaw pala 'yan Leonard napadaan ka?" Kunwaring hindi nito inaasahan ang pagdating ni Leonard sa kanilang coffee shop. "Pasok." At iginiya nito ang kaibigan sa loob."Ha? Ano pinapunta kasi ako ni Francine, dito raw namin i-celebrate 'yung anniversary namin," sagot ni Leonard."Ow, e 'di happy anniversary pala sa inyo!" bati ni Lizel na may pekeng tawa."Salamat," tugon ni Leonard.Inusisa ni Lizel mu