“Pa—-paanong maging ako? Hindi kita maintindihan,” sambit ni Ella.Tumango si Dennise. “Oo, paano maging ikaw. Naisip ko kasi na baka pag ginaya kita, balikan ako ni Zander.”Nang marinig ni Ella ang dahilan ni Dennise, magkahalong awa at inis na ang kanyang naramdaman. Umaasa itong hindi humantong ang kanilang usapan sa pagtatalo.“Alam mo ‘yon, kung paano ka magsalita, kumilos, lahat. Parang magiging ikaw ako,” natatawa nitong sabi subalit kitang kita sa kanyang mga mata na seryoso s’ya sa kanyang mga sinasabi. “Hi—-Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong baguhin sa sarili ko. Pagkatapos makipaghiwalay sa akin ni Zander, hindi ko alam kung anong nagustuhan n’ya sa’yo. Akala ko kuntento na si Zander sa kung ano ako, siguro na over look ko o nakalimutan kong baka sa paglipas ng panahon nabago na rin ang tipo n’ya sa babae. Sana tulungan mo ako.” Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga. “Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulang magbago para gayahin. Sa palagay mo? Sa itsura? Pananal
Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin
“Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano
Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung
Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
"Good morning sa inyong lahat, i-welcome natin si Mr. Zander Alvarez sa ating firm," pakilala ni Mr. Villanueva sa binatang kanyang kasama. "O, ituro ninyo ang tama at hindi ang shortcut!" ani ni Mr. Villanueva sa lahat. "At isa pa, mag-take 'to ng boards kaya tulungan natin s'yang makapasa okay? 'Yung mga topnotchor natin d'yan, ipakita ang husay n'yo sa pagtuturo sa kanya!" sabi ni Mr. Villanueva. "Fresh grad. si Zander at unang trabaho n'ya ito. Kaya be nice to him," dagdag nito. "Good morning, Zander Alvarez po," pakilala ng binata sa kanyang sarili at nginitian ang lahat. Abot tenga ang kanyang ngiti dahil sa tuwang kayang nadarama. Ito ang unang araw ni Zander sa trabaho at malaki ang pasalamat nito dahil mainit ang pagsalubong sa kanya ng lahat. Nilapitan ni Boron si Zander at tinapik ang kanyang balikat. "Yes sir! Don't worry ipap