Home / Romance / My Ella / Chapter 18

Share

Chapter 18

"Mas kaylangan ako ng papa mo anak," wika ng isang ina sa musmos na bata.

"Pero mama, masakit po ang tyan ko," d***g ng anak habang umiiyak.

Dali-daling hinimas ng ina ang tyan ng kanyang anak. "Masakit pa?" tanong nito. 

Parang mahikang nawala bigla ang sakit ng tyan ng bata. "Ang galing mama nawala po 'yung sakit ng tyan ko noong hinipo n'yo," sambit ng bata.

Ngumiti ang ina at muling nagsalita, "Ngayong magaling kana, kaylangan ko ng puntahan ang papa mo. Mas kaylangan n'ya ako." Tumalikod na ang ina sa kanyang anak at naglakad palayo.

"Mama ko! Mama ko!" tawag ng bata ngunit hindi na muling limingon ang kanyang ina hanggang mawala na ito sa kanyang paningin.

"Mama!" umiiyak na tawag ni Ella. Napaginipan ni Ella ang kanyang mama, kahit tulog ay umiiyak ang dalaga dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman. 

Nang nakita s'ya ni Junel sa waiting shed, kasasakay lang ng kanyang mama sa bus papuntang Caloocan para puntahan ang kanyang magaling na ama. Hindi na maganda ang pakiramdam ni Ella ng oras na 'yon, sabayan pa ng malakas na ulan ay mas lumala ang kanyang nadarama. Nagpakita lang ang kanyang ina upang humingi ng pera at magpaalam sa kanya. Kahit na sinabi na nito na s'ya ay may sakit, pilit pa rin itong lumisan at nagsabing malaki na s'ya, kaya na n'yang alagaan ang kanyang sarili.

Dala ng sama ng loob ay mas ginusto na lang ni Ellang magpakabasa sa ulan upang lumalala ang kanyag sakit, tutal ay wala namang paki alam ang kanyang ina sa kanya. Baka kung malala na ang kanyang sakit ay lingunin na s'ya ng kanyang ina at alagaan.

Napabalikwas si Junel sa tabi ni Ella, naka upo ito sa tabi ng dalaga at pumikit sandali. Nahayo ito sa pag-aasikaso kay Ella, hindi biro ang palitan ng damit si Ella lalo na't kaylangan n'yang tanggalin lahat ng damit ng dalaga ng maingat. Dahil basang basa ito sa ulan at baka lalo itong magkasakit kung matutuyuan ito ng damit. Nagluto rin ito ng lugaw at pinakain ng kaunti si Ella bago painumin ng gamot na kanyang dala sa bag.

Nakabalot lang si Junel ng twalya dahil basa rin ang kanyang suot na damit gawa ng ulan. Wala namang magkasyang damit si Ella kay Junel kaya nagtapis na lang ito kaysa sabay pa silang magkasakit.

"Ang init mo pa rin," nag-aalala nitong sabi nang hipikan n'ya ang dalaga. "Ella, may medicine kit ba kayo? Thermometer?" tanong nito. Nagbakasakali si Junel na makakasagot si Ella, ngunit nabigo ang binata. Tanging mama lang ang iniimik ni Ella sabay ng pag-iyak. Marahil ay nagdidiliryo na ito dahil sa taas ng kanyang lagnat.

"Sa cr! Tama madalas doon nakalagay ang medicine kit, sa cabinet kung saan man doon," ani ni Junel.

Patayo na ito ng biglang hikitin ni Ella ang kanyang braso. " 'Wag mo akong iwan," umiiyak nitong sabi. Mulat ito at namumungay ang mata.

Imbis na magulat at mag-alala ay na ngiti pa si Junel. Kakaibang kilig ang kanyang nadama ng pigilan s'ya ni Ella sa pagtayo, ngunit kaylangan n'yang hanapin ang medicine kit ni Ella upang makahanap ng gamot.

"Babalik ako pangako," sabi ni Junel. At hinalikan ang kamay ng dalaga.

Unti-unting bumitaw si Ella at tumango. Sinundan nito ng tingin si Junel hanggang makalabas ito ng pinto.

Lumipas ang magdamag, umayos na ang pakiramdam ng dalaga at unti-unting bumaba ang lagnat. Sa magdamag na 'yon ay hindi mahiwalay si Ella kay Junel. Dito mas lumalim ang pagtingin ni Junel kay Ella.

Umaga na at nakaramdam si Ella ng pagkalam ng tyan. Iminulat nito ang kanyang mga mata, agad nitong nakita ang sinag ng araw na pumapasok sa kanyang silid. "Umaga na pala," wika ni Ella.

Pagbaling nito ay nakita n'ya si Junel, mahimbing na itong natutulog. Nakasandal sa headbroad ng kanyang kama at bakas ang pagod sa kanyang mukha. Marahang umupo si Ella, sa kanyang pag-angat ay napansin n'yang baiktad ang suot n'yang damit. Ngumisi na lang ito at napailing. 

Hindi pa ganoon ka ganda ang pakiramdam ng dalaga, subalit kung ikukumpara noong gabi ay mas nakakagalaw na s'ya.

"G---Gising ka na pala," pupungas-pungas na tanong ni Junel ng maramdamang gumalaw si Ella sa kanyang tabi.

Bahagyang nagulat si Ella, nagising pa rin pala si Junel kahit maingat na s'yang kumilos. "Kakagising ko lang," tugon nito. Napansin din ni Ella ang medicine kit na nakapatong sa kanyang side table, basang bimpo sa gilid ng kanyang unan at plangganang maliit na may tubig.

"Inaapoy ka kasi ng lagnat kagabi." Biglang sinalat ni Junel ang noo at leeg ng dalaga na kinagulat nito. Nanginit bigla ang pisngi ng dalaga. "Ayan mukhang mas okay ka na, kaysa kagabi. Pero mainit ka pa rin ng bahagya," wika nito. "Four, five, six, seven, eight." At tinignan ni Junel ang orasan sa kanilang harapan. "Sakto, quarter-to-eight pa lang, iinit ko lang 'yung lugaw na ginawa ko para makakain ka bago uminom ulit ng gamot. Sandali lang," sabi ni Junel at bumangon na ito.

"S---Sandali lang," mahinang wika ni Ella. "'Wag mo kong iwan," mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga. 

Bumalik si Junel at sinandal nito ang ulo ni Ella sa kanyang katawan saka tinapik ang balikat ng dalaga. "Oo, hindi kita iiwan. Pangako," malumanay nitong sabi. 

"Sana makabalik ako sa oras na 'yon, pero ang labo! Nakakainis kasi bakit ba hndi ko kayang magseryoso!" sigaw ni Junel saka pinikit ang kanyang mamasa-masang mata.

Mula ng araw na 'yon ay binuksan na ni Ella ang kanyang puso kay Junel. Kasabay nito ang pagpasok nina Baron at Anica bilang kanilang kaibigan. Ngunit tanging kay Junel pa rin pinaka malapit sa dalaga. Sa paglipas ng panahon ay lumalim ang pagtingin ni Junel, subalit isang pangyayari ang naganap kaya napatunayan ni Junel na hindi pa n'ya kayang seryosohin si Ella. Gayun din ang magkaroon ng seryosong relasyon.

"G---Gusto kita," pag-amin ni Ella.

Nasa bahay ni Ella si Junel. Lumisan muli ang mama ni Ella para tuwangan ang kanyang papa dahil kakapanganak lang ng pangalawa nitong asawa. Hindi malaman ni Ella kung paano naatim ng kanyang mama ang ganitong sitwasyon, ngunit wala naman s'yag magawa dahil laging sambit ng kanyang ina ay anak lang s'ya.

"Ha? Alam mo Ella lasing ka na. Tignan mo o, nakakarami na tayo," naiilang na sambit ni Junel.

Alam ni Junel na hindi pa lasing si Ella, sinabi n'ya lang ito upang malihis ang kanilang usapan. Ngunit ang totoo ay hindi mapruseso ni Junel ang mga katagang sinabi ni Ella sa kanya.

"Hindi pa ako lasing," maiksing sabi ni Ella.

Napalunok si Junel at biglang nakaramdam ng nerbyos. Ito ang unang beses na may babaeng umamin ng pagtingin sa kanya. Alam ni Junel sa kanyang sarili na may pagtigin din s'ya sa dalaga, mahal n'ya ito higit pa sa pagiging kaibigan, subalit hindi nito alam kung pagmamahal na ba ang tawag dito. Hindi pa rin ito handa sa gustong mangyari ni Ella kung sila ay magkakaroon ng relasyon. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, hindi inakala ni Junel na mahuhulog s'ya ng ganito kay Ella, ngunit may parte sa kanyang puso na nagsasabing masyado pang maaga para magseryoso. Mahalaga si Ella kay Junel bilang kaibigan, higit pa sa kaibigan.

"Paano ba, alam mo namang magkaibigan tayo. At hindi pa ako handang magka-anak, magpamilya, magkaroon ng seryosong relasyon. Alam mo naman 'yon hindi ba? Makulong sa iisang babae, mga ganoong bagay, kilala mo ako. Oo over protective ako sa'yo pero parang ang awkward kung magiging tayo? Na-imagine mo ba 'yon? At saka napag-usapan na natin 'to na hanggang ganito lang dapat tayo. Oo minsan lumalagpas tayo sa limitasyon, sige, hindi lang minsan. Madalas pero ano kasi. Hanggang kama lang 'yon. N---Nothing more nothing less," paglilinaw ni Junel. "Pareho naman tayong nagbe-beniefit hindi ba? Kaibigan pa rin naman kita hindi ba?" 

Naloko na, paano ko naatim na sabihin lahat ng 'yon! Junel! Ano ba! Gusto ka rin n'ya at alam mong gusto mo rin si Ella, pero bakit ang takbo ng utak ko ngayon ay puro takot? Na hindi ko pa kaya. Junel!

Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Ella. Tila bumagsak ang langit at lupa para sa dalaga matapos malaman ang sagot ni Junel sa kanyang nararamdama. Ngunit ngumisi na lang ito at diniretso ang isang baso ng alak sa kanyang harapan.

"S---Sabi ko nga hanggang kama lang," wika nito.

Mula noon ay hindi na binanggit ni Ella ang tungkol sa kanyang nararamdaman kay Junel. Kahit sina Baron at Anica ay walang alam sa pangyayaring 'yon. Binaon ng dalawa sa limot ang mga nangyari. Akala ni Junel ay dala lang ng alak ang lahat kay nasabi ni Ella ang mga salitang 'yon. At 'yon na lang din ang kanyang pinaniwalaan upang hindi s'ya lamunin ng kanyang konsensya. Wala s'yang lakas ng loob na kumpirmahin ang lahat ng 'yon dahil sa takot.

Hindi nagbago ang pakikitungo ni Junel sa dalaga, bumalik lang sa normal ang lahat. Nakakatulog pa rin s'ya sa bahay ni Ella tuwing ito ay nag-iisa. Nasisilayan pa rin ni Junel ang mga ngiti ni Ella tuwing sila ay magkasama. Mas naalagaan n'ya ang dalaga sabay nagagawa n'ya ang makipagrelasyon sa iba.

Ganito tumakbo ang kanilang malabong relasyon, sabi ni Junel sa kanyang sarili, mas maigi ng ganito kaysa ipilit nilang dalawa ang mga bagay na hindi pa n'ya kaya. Ngunit ng makita n'ya na may ibang kasama si Ella, parang bumalik s'ya sa panahong umamin si Ella sa kanyang harapan. Ngnit sa pagakakataong ito, s'ya ang umamin at tinanggihan ni Ella ang kanyang pag-ibiig.

"Ang gago mo Junel!" lumuluha nitong sabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status