Home / Romance / My Ella / Chapter 17

Share

Chapter 17

Wala na, bagsak na si Miss Tan.

Tinungga na lang ni Zander ang laman ng huling bote sa kanyang harapan.

Ang lakas ding uminon ni Miss Tan, siguro kung wala lang s'yang pinagdaraanan, malamang mapapatumba n'ya ako. Buti nasa kundisyon akong uminom ngaon kung hindi paraho kaming bagsak.

Pinagmasdan ng binata ang maamong mukha ni Ella. Nakasandal ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Ang itim nitong buhok na nakalapat sa maputi nitong balikat. Nakakaakit ang mahabang leeg ng dalaga na tila hinahatak si Zander na ito'y halikan. Dala ng impluewensya ng alak ay nagpadala si Zander sa tukso ng alindog ni Ella. 

Nilapitan n'ya ang dalaga, hindi na ito nag-isip at sinunod na lang ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Hinawi ni Zander ang mangilan-ngilang buhok na nasa mukha ni Ella saka mas kinikilatis ang maamong mukha ng dalaga. Mula sa noo, kilay, maliit na mata, ilong at mamula mulang labi. Nanginginit na ang kanyang mukha, malalim na rin ang kanyang paghinga. Inilapit ni Zander ang kanyang mukha manipis na hangin na lang ang naging pagitan ng kanilang mga labi. Hindi na mapigilan ni Zander ang kanyang sarili upang halikan ang dalaga. 

Bahala na, hindi ko na kaya. Mula kanina pigil na pigil na ako, hindi ko na rin makontrol ang sarili ko. Lalo pa ngayon na parang walang oras sa akin si Dennise. Lalake ako, may pangangailangan ako, hindi ko na maintindihan ang tumatakbo sa isipan ko. Alam naman siguro ni Miss Tan na lalake ako at babae s'ya, at kaharap namin ang dimonyong alak. Hindi ko na talaga kaya.

Aktong halikan na ni Zander si Ella.

"Pag tinuloy mo 'yang gagawin mo, siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan sa huli," nakapikit na wika ni Ella. "Ang tawag ng laman panandalian lang 'yan, pero ang tiawala pag nasira, panghabang buhay na."

Napaatras si Zander ng marinig ang mga sinambit ni Ella. Nawala bigla ang kanyang pagkalasing at natauhan sa kanyang mga narinig.

"Wala na tayo sa opisina, hindi mo ako head, hindi rin kita trainee. Hindi ka na rin bata, kaya kung itutuloy mo 'yan, alam kong alam mo ang pwedeng mangyari," dugtong nito at umayos ng pwesto.

Nakapikit pa rin si Ella, napangisi na lang si Zander at sumandal sa tabi ng dalaga. Ang kaninang init ng katawan ay naglaho at napalitan ng pagkahilo.

"Alam mo, kung wala lang akong sabit. Itutuloy ko 'to, pero salamat kasi pinaalalahanan mo ako," sabi ni Zander at tumingala. Nakipagtitigan sa kisame hanggang hindi nito namalayang nakatulog na rin pala s'ya gawa ng kalasingan.

Ilang sandali pa at naramandaman ni Zander na parang may nakayapos sa kanya. May ulong naka unan sa kanyang braso, malambot na balat at amoy ng babaeng hindi n'ya maiwasang hindi mahalina. 

Teka, naka ninong bahay nga ulit ako? Wait bakit parang babae ang katabi ko? Hindi 'to si Dennise, ayaw n'yang umuunan sa braso ko. At saka pang gabi s'ya, hala sino 'to!

Unti-unting idinilat ni Zander ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagdilat ay bumungad ang maliit na mukha ni Ella. Nakasiksik ito sa kanya na tila nilalamig at komportableng natutlog sa kanyang mga bisig. Doon n'ya naalala ang mga nangyari mula kanina. Lalo na ang hinaing ni Ella sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Oo nga pala dito ako kayna Miss Tan nakituloy. Umiinom nga pala kaming dalawa.

Dahan dahan nitong hinawi ang buhok ni Ella upang mas masilayan ang ganda ng dalaga.

Ang ganda talaga n'ya, lalo na sa malapitan.

"Mama ko," bulong ni Ella at may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Ramdam ni Zander ang mainit na luha dahil dumaloy ito sa kanyang braso kung saan panatag na na himlay ang dalaga.

"Shhhh," sabi ni Zander at hinimas ang itim na buhok ni Ella. "Pangako, sa susunod ikaw na ang pipiliin. Ikaw lang wala ng iba."

Matapos sambitin ni Zander ang mga katagang 'yon ay humigpit ang yakap ni Ella sa binata. Kaya dama ni Zander ang buong katawan ni Ella.

Ayon lang, minsan ang hirap magpaka-gentleman! Kung single lang talaga ako Miss Tan walang problema, kaso bakit ngayon lang kita nakilala. Ang hirap maging faithful sa ganitong sitwasyon! Pagiging loyal na nga lang ang pinanghahawakan ko, mukhang mapupurnada pa. Sana nagkatotoo na lang 'yung panaginip ko kanina na muntik na kitang halikan. Kung totoo lang sana 'yon, nako hindi ko muna iisiping may girlfriend ako. Sayang talaga.

Pinakiramdaman ni Zander ang kanyang sarili. Nang ramdam nitong kaya na n'yang kumilos, naghintay lang ang binata ng ilang sandali at marahan n'yang inalis ang pagkakayakap ni Ella sa kanya at inihiga sa sofa.

"Ligpit ligpit na!" wika nito matapos iangat ang paa ni Ella sa sofa. Nahagip din ng tingin ni Zander ang orasang naka display sa sala. "Umaga na pala, mag-alas-dos na ng madaling araw." Inilibot nito ang kanyang mga mata, hindi naman ganoon karami ang kalat ngunit mas maigi ng ligpitin ang mga ito kaysa hayaan lang. "Liligpitin ko lang 'to Miss Tan tapos ihihiga na kita sa kama mo ng makapahinga ka ng maayos," saad nito at saka nagsimulang magligpit.

"Junel, okay ka na d'yan malaki ka na, bahala ka na sa sarili mo ha. Kaya mo na 'yan," susuray-suray na sabi ni Baron na may kasamang pagturo kay Junel. "Kawawa ka naman wala si Ella, walang mag-aalaga sa'yo. Sariling sikap ka ngayon," asar pa nito.

"Bastos ka talaga kahit kaylan. Sige na kaya ko na 'to. Kaya ko na ang sarili ko!" inis na sabi ni Junel. Nagawa pa nitong ipagmalaki ang kanyang matipunong braso.

"'Wag ka nang gumanyan, butot balat ka naman! Sige na! Papasok na ako. Ikaw ng bahala sa sarili mo," paalam ni Baron at pagewang-gewang na pumasok sa kanilang bahay.

Naiwan si Junel sa balkonahe ng bahay nina Baron. Sumandal ito at tinitigan ang bitwin sa langit. "Minsan nakakainis, bakit ba kasi ang torpe torpe mo Junel. Okay na, nandoon ka na sa bahay nila, naalagaan mo na s'ya. Napaparamdam mo sa kanya kung gaano s'ya kaimportante sa'yo. Willing kang magpaalila sa kanya 'wag n'ya lang maramdamang mag-isa s'ya. Pero ano, anong ginawa mo! Pinakawalan mo ang pagkakataon. Ngayon, paano mo s'ya susuyuin ulit. Paano mo ibabalik sa dati ang lahat?" sumbat ni Junel sa kanyang sarili.

Pumikit si Junel at inalala kung saan at paano sila nagsimula ng kanyang natatanging kaibigang si Ella.

"Hi, Junel nga pala," pakilala ni Junel sa kanyang sarili sa dalagang kanyang katabi. 

Nakatitig lang ang dalaga kay Junel. Ang dalagang ito ay si Michaella Tan. Unang araw ni Ella sa trabaho kasabay nito si Junel, una pa lang ay napukaw na ng ganda ni Ella ang mga mata ni Junel. Kaya naman kahit mataray at halos hindi s'ya imikan nito sa buong training nila ay pinursige ni Junel ang kanyang sarili upang mapalapit sa dalaga. Hanggang isang araw, nakita na lang nito si Ellang nakaupo sa waiting shed sa kasagsagan ng malakas na ulan. Nakayuko at hindi kumikibo. Basang basa na rin si Ella dahil sa anggi ng ulan.

"Ella!" tawag ni Junel kay Ell mula sa kanyang kinatatayuan.

Luminga-linga si Ella upang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig.

Dali-daling lumapit si Junel kay Ella ng nakuha na nito ang atensyon ng dalaga. "Anong ginagawa mo rito! Ang lakas ng ulan! Tignan mo basang basa ka na," puna nito habang hinaharangan si Ella sa anggi ng ulan.

"Gusto kong mapag-isa," wika ni Ella at yumuko.

"Mag-isa! Mag-isa sa kasagsagan ng ganito ka lakas na ulan! Kaya nga pinilit nating maka-uwi para hindi ma-standed sa opisna, tapos makikita naman kitang ganito! Nasisiraan ka na ba talaga?" sermon ni Junel.

Tumunghay si Ella at tinitigan si Junel ng matalim. "Wala kang paki alam kung anong gagawin ko sa buhay ko! Hind kita kaano-ano! Iwan mo na ako!" hiyaw ni Ella.

Hindi naman maiwan ni Junel si Ella, napansin din nitong mapulang mapula ang ilong ng dalaga at makintab na mga labi. Sinalat n'ya ang noo ng dalaga. "Inaapoy ka ba ng lagnat? Ang init mo!".

Hindi lang s'ya pinansin ni Ella at muling yumuko.

"Nasaan ang motor mo?" tanong ni Junel.

"Nasa parking," agad naman na sagot ni Ella.

"Akin na ang susi," sabi ni Junel. Hindi naman nagdalawang isip si Ella at inabot ang susi kay Junel at agad na tumakbo si Junel patungo sa kinaroroonan ng motor ni Ella.

Ilang sandali pa at pinagbigyan ng langit ang dalawa at humina ang buhos ng ulan. Sakto namang pagdating ni Junel dala ang motor ni Ella. 

"Halika dito, dahan dahan," sabi ni Junel kay Ella, inalalayan n'ya ito hanggang makalapit sila sa motor.

Mula waiting shed ay binagtas ng dalawa ang ulan hanggang makarating sila sa bahay ng dalaga. Ito ang unang beses na nakarating si Junel sa tahanan ni Ella. 

"Wala ka bang kasama?" tanong ni Junel kay Ella habang inaalalayan n'ya ito papasok sa kanyan bahay.

Umiling lang ito bilang tugon.

Lubos na nag-alala si Junel kaya naman napagpasyahan n'yang manatili muna sa bahay ni Ella hanggang gumaling ito. O magkaroon ng kasama si Ella.

"Mama ko, mama ko," bulong ni Ella habang inaakay ni Junel ang dalaga. 

Sinalat muli ni Junel ang noo ni Ella. "Sobrang init mo Ella. Kaylangan mong makapagpalit ng damit at uminom ng gamot!" sabi nito. "Nasaan banda ang kusina at kwarto mo?" tanong nito.

"Kanan, kusina. Kwarto 'yung sa kaliwa. Susi ng kwarto ko nasa samalin sa likod," sagot ni Ella. Dinig sa boses ng dalaga ang panghihina. Nanginginig din ito bahagya gawa ng mataas ng lagnat.

"Sige, bahala na si Batman. Kaylanagn mong makapagpalit," sambit ni Junel.

Marahang iniupo ni Junel si Ella. Natataranta man, ay kaylangan n'yang asikasuhin si Ella. Lakas loob n'yang nilibot ang bahay ng dalaga at kumuha ng damit.

"Ella," tawag nito sa dalaga. "Kaylangan mong magpalit ng damit."

Sa kasamaang palad ay hindi umiimik si Ella at patuloy ang paginginig nito. Napalunok na lang si Junel dahil wala na s'yang iba pang pagpipilian kung hindi s'ya mismo ang magtanggal ng damit ni Ella.

Lord, alam n'yong may dahilan bakit ko gagawin 'to. Gabayan n'yo ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status