Home / Romance / My Ella / Chapter 16

Share

Chapter 16

Nasamid bigla si Ella habang kumakain. Inabutan kaagad ito ni Zander ng tubig.

"Ate dahan dahan lang, mayroon pang natira roon," sabi ni Zander.

"Ang sarap kasi," sabi nito matapos uminom.

"Dapat pala pinagluto na lang kita at hindi na tayo uminom," pabiro nitong sabi sa dalaga.

Nahinto si Ella sa pagsubo at tinignan ni Zander. "Okay lang naman kung ayaw mo," wika nito at pinagpatuloy ang pagkain.

Patay, ayon na e! Nakuha ko na ang kiliti n'ya. Wrong move!

"Ano ate, biro lang. Ikaw naman." Kinuha ni Zander ang bote ng alak at binuksan. "Masarap 'yan 'te kung sasabayan mo nito." 

Kaso ang weird naman yata? Habang umiinum kumakain ng kanin at ulam? Hindi ka na naman nag-iisip Zander!

Napapikit na lang ang binata sa kahihiyan. Ngunit narinig nito ang paglagok ni Ella habang umiinom.

"Sarap," wika nito.

Minulat ni Zander ang kanyang mga mata, sa kanyang pagmulat ay nakita n'yang patuloy pa rin si Ella sa pagkain. Tila hindi nito ininda kung magkapares ba ang alak at kanin.

Nasasarapan s'ya? Malala rin pala ang pagka-weird ni Miss Tan. O, 'wag ka ng mag-comment Zander! Behave.

Nagbukas na rin ni Zander ang bote at uminom. Tahimik lang ang dalawa, kung hindi pa nagpatugtog si Ella ay walang kahit anong ingay ang maririnig sa paligid.

Ang hirap namang kainuman ni Miss Tan, nakakailang bote na kami pero tahimik pa rin. Panay kain lang s'ya. Ano ako dito display? Hindi pwede 'to.

Napansin ng dalagang tinititigan s'ya muli ni Zander. Tila malalim ang iniisip tungkol sa kanya.

"Minsan hindi ko alam kung anong mayroon sa mukha ko at lagi ka nalang nakatitig," puna nito habang patuloy na kumakian.

"Natutuwa lang kasi ako ate, may ganyang side ka pala. Akala ko kasi basta tahimik ka lang tapos kill joy ganoon," tugon nito.

Hindi lang sumagot si Ella, wala naman kasi itong pakialam kung ano man ang sasabihin ni Zander tungkol sa kanyan. Basta ang mahalaga ay hindi s'ya magiging mag-isa ngayong gabi sa kanyng bahay.

"Wala bang pasulimpat na titig d'yan?" biglang sabi ni Zander.

Nagulat si Ella sa sinabi ni Zander.

Anong pasulimpat? Anong ibig n'yang sabihin. Gusto n'ya ng mga ganoong titig ko sa kanya? O inuuto lang ako ng batng 'to?

Tinititigan lang ito ni Ella, hindi n'ya maintindihan kung anong ibig ipahiwatig ni Zander sa kanyang sinabi. Hindi n'ya alam kung maiinsulto ba s'ya o matutuwa sa sinabi ng binata.

"Ate ano, 'w---'wag mo akong titigan ng ganyan," namumulang sabi ni Zander.

"Ano?" tanong ng dalaga sabay kunot ng nuo. Naguguluhan na talaga ito sa mga sinasabi ng binata.

Lasing na ba 'to o sadyang wirdo lang?

"Ang gara naman ni ate, nagsusungit ka na naman," sambit ni Zander.

Napangisi si Ella at umiling. 

Mas weird pa yata 'to kay Junel. Hay nako mukhang lasing na 'to, mag-aalaga pa ata ako ng lasing, kung alam ko lang. Kung hindi ko lang kaylangan ng kasama.

"Ate kung iniisip mo na lasing na ko. Your wrong, sadyang lumalakas lang ang loob ko kapag may alak," biglang sabi ni Zander upang dipensahan ang kanyang sarili laban sa reaksyon ni Ella. "Alam ko kasi 'yung mga ganyang tinginan ate kaya don't me, kung itatanggi mong iyon ang iniisip mo," dagdag pa nito.

Binaba ni Ella ang plato sa mesa at kinuha ang bote ng alak. "Oo 'yun nga ang iniisip ko. Pero kung hindi ka lasing mas maigi," sabi ni Ella.

"Ay very honest naman pala ng mentor ko. Akala ko i-sugar coat mo pa 'yon isasagot mo sa akin," sagot naman ni Zander.

Ngumisi si Ella at uminom ng alak.

"Pero 'te seryoso, ayos lang ba na dito ako matulog?" tanong ni Zander.

Tumango lang si Ella. Akmang tatayo na ito upang maghugas ng kanyang mga kamay ng muling nagsalita si Zander.

"Hindi ba magagalit si kuya?" tanong ng binata.

Napigil ang pagtayo ni Ella.

"E kasi po baka mamaya magalit si kuya Junel sa akin," dugtong ni Zander.

Diniretso ni Ella ang pag tayo at pumuntang kusina.

Ay baka nag-LQ sila. Hayaan ko na nga lang, ang mahalaga may matutulugan ako. Kaysa kung saang lupalop pa ako matulog. Masanay na si Miss Tan sa akin, kasi ako parang normal na sa akin ang kilos n'yang ganyan.

Pagtalikod ni Ella ay bumagsak na naman ang luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko na nga naaalala si Junel, pinaalala naman ng mokong na 'to. Nakakainis, wala namang kami pero kung makaiyak ako wagas. Hay nako naman Ella sa pangalawang pagkakataon, magmamahal ka na lang ng tao, sa hindi ka pa mahal. Nakakasura, isa pang beses na mabanggit ng batang 'to si Junel sa grahe s'ya tutulog.

Hinugasan ng dalaga ang kanyang mga kamay, naghilamos rin ito upang maibsan ang pamumula ng kanyang maliit na mata. 

Strong ka hindi ba? Ginusto mong isama ang batang 'yan kaya magtiis ka.

Bumalik na si Ella sa kanyang kinauupuan at pinagpatuloy ang pag-inum.

"Alam mo ate, bakit ganoon. Noong una tayong nagkita ibang iba ang awra mo?" tanong ni Zander.

Tinitigan lang ito ni Ella.

"Kasi parang ang bait mo, tapos akala ko nga noong una ka-edad lang kita ate. Basta, parang ang sarap mo kausap tapos nakikipag-usap ka s'akin ng normal," sambit ni Zander.

"Hindi kasi kita kilala," maiksing sagot ni Ella.

"Ay ganoon so pag hindi kilala mabait ka? Dapat pala hindi mo na lang ako kilala para palagi kitang makakausap," sabi ni Zander.

Umiling si Ella, hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi ni Zander. Dala ng alak ay talagang lumakas ang kanyang loob na dumaldal.

"At saka ate maganda ka, alam mo 'yon? Alam mo bang maganda ka?" muling sabi ni Zander.

Nanginit ang pisngi ni Ella, alam nitong namula ito bigla. Ngunit pilit n'yang tinago kay Zander ang kakaibang n'yang naramdaman.

"Oo nga ate, alam mo crush nga kita e," sabi pa nito.

Lalong nanginit ang mukha ni Ella, parang may umiikot sa kanyang sikmura. Hindi dahil sa alak kung hindi sa mga salitang sinasambit ng binata.

"Ang cute cute mo ate. Lalo na kapag ngumingiti ka, ay wala na may nanalo na," papuri ni Zander.

Bumilis na rin ang pagtibok ng puso ni Ella at namawis bigla. 

Ano 'tong nararamaman ko? Dahil sa iniinum ko? Oo tama dahil siguro sa alak. 

"Una ko 'yong nakita noong binigyan kita ng peanut butter. Tapos noong nakita mo 'yung pwet ng manok at habang kumakain ka, ang sarap mong titigan ate. Kaka-inlove," sambit ni  Zander sabay inum ng alak.

Miss Tan mag-react ka naman, para naman akong nag-monologue mag-isa dito. Pero gusto ko 'yang mga titig mo Miss Tan, at least alam kong sa'kin ng attention mo. Teka nga para naman akong umaamin ng pag-ibig nito, baliin ko nga! Baka mamaya magdirediretso ako, hindi ko mapigilan.

"Pero ate, may kuya Junel kana, kaya hanggang crush lang," biglang bawi nito. "At saka ate may De---."

"Walang kami," mabilis na sabi ni Ella at diniretso ang kalahating bote sa pag-inum. "Walang kami, walang naging kami at lalong hindi magiging kami."

Nagulat si Zander sa sinabi ng dalaga. Dalawang bagay kaagad ang kanyang naramdaman, una ay tumalon sa tuwa ang kanyang puso dahil wala s'yang kaylangang pangilingan kung magiging malapit sila ni Ella sa isa't isa. At ang pangalawa ay ang prisensya ni Dennise. 

Kasabay ng saya ay may kasunod agad itong kalungkutan. Biglang inusig si Zander ng kanyang konsensya, dahil alam n'yang may mga bagay s'yang ginagawa na ayaw ni Dennise ngayon. Ang pag-inum ng hindi n'ya alam, ang pag-angkas n'ya sa motor ni Ella, ang pagtulog sa bahay ni Ella at ngayon ang pag-aming may paghanga s'ya sa dalaga. Bagamat walang malisya kay Ella ang lahat ng ito at nagmamagandang loob lang ang dalaga sa kanya, alam ni Zander na pagnalaman ng kanyang kasintahan ang lahat ng ito ay matinding ayaw ang magaganap. At baka pati si Ella ay madamay sa kanyang mga pinag gagagawa.

"Kung ano man ang iniisip mo, wala lang lahat ng 'yon," paglilinaw ni Ella.

Dahil sa naiyamot ay tinamaan na si Ella ng espirito ng alak. Huminga ito ng malalim at nag-iba ng itsura.

"'Yan kasi ang hirap, binibigyan kaagad ng maisya. Nakakainis," d***g ni Ella.

Nagulat si Zander dahil unang beses n'yang marinig ang pagdaing ni Ella. Para sa iba ay normal 'to ngunit para sa katulad ni Ella na walang imik at mahirap sabayan kung anong iniisip, ay kakaibang bagay ito.

"E bakit parang ang close n'yo sa isa't isa? Kaya siguro sabi ni kuya sa akin kanina para ka lang daw n'yang nakababatang kapatid. Okay malinaw na sa akin," sambit ni Zander.

Parang may tumamang palaso sa puso ng dalaga. Nanunuot ang sakit na kanyang naramdaman. 

"Kapatid," sabi ni Ella at tumango-tango. "Sabi ko nga, para lang akong kapatid." Hindi napansin ni Ellang may luha ng pumatak sa kanyang mga mata. Lumalim din ang kanyang paghinga at magkahalong inis at lungkot na ang kanyang nararamdaman. "Ganoon naman palagi, hanggang kaibigan lang, ay mali nag-upgrade na pala. Akalain mo 'yon na promote na ako. Dati friendzone lang, ngayon kapatid na," natatawang hinaing ni Ella at nagbukas na naman ng bote ng alak.

Nabaliktad na ang sitwasyon, si Zander naman ngayon ang nakatitig sa dalaga. At si Ella ang walang tigil sa pagsasalita.

"Kung sa bagay, nanay ko nga hindi ko alam kung anak ba ang turing sa akin o ATM machine. Mas malala 'yon, at least para kay Junel naka-category ako na tao. Ano ba 'yan, nakakainis." Panay na ang tulo ng luha ni Ella, panay din ang pagpahi nito. At para maibsan ang sakit at umiinom ito ng alak.

"Ate," mahinang sabi ni Zander.

"Ano ikaw din kapatid ko? Ano, kanino ka namang anak ng magaling kong tatay? Ang alam ko kasi nag-iisa akong anak. Pero grabe, nagulat na lang ako, may mga kapatid pa pala ako sa ibang ina. Tapos ngayon, pati si Junel ituturing din akong kapatid? Ang saya." Nagsimula na itong humikbi. "Ang saya ko kasi ang dami kong kapatid."

Paubos na muli ang kabubukas na bote ni Ella, kumuha si Zander ng isa pang bote at pinagbukas ang dalaga.

"Sige lang Ella, makikinig ako. Nandito lang ako," sambit ni Zander sa dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status