Nakakainis talaga! Hapon na hindi pa rin ako iniimikan ng lalaking 'yon! Ano, ako pa ang lalapit para kausapin s'ya? Samantalng s'ya ang may atraso sa akin? Parang may ginawa akong mali kung umasta s'ya! Daig ko pa ang hangin kung lagpasan n'ya. Haist! Napipikon na ako, palaging si Zander ng si Zander na lang ang kinakausap. Sabihin n'ya sa akin kung may problema s'ya, napaka unfair mo talaga Junel Soriano! Alam mo kung bakit ako nagkakaganito, alam mong ayaw kong sumisira sa pangako. Nangako ka na sasamahan mo ako habang wala si mama tapos, dahil lang sa napapansin ni Zander na masaydo na tayong malapit sa isa't isa, iiwan mo ako? Ano, sa tuwing may makakapuna na close tayo iiwan mo ako sa ere?Pero ang nakakinis, hindi ako pwedeng mag-inarte ng ganito dahil magkaibigan lang tayo! Ang sarap manumbat pero wala akong karapanta! Nakakainis, nakakagigil!Halos mabarag at magtalsikan ang spring sa keyboard ni Ella sa bilis nitong mag-type. Ang diin din ng bawat tipa ng dalaga sa mga keys n
"Oh Alvarez, uwiaan na? Hindi ka pa gumagayak? Mukhang busying busy ka maghapon, hindi man lang kita naramdaman," tanong ni Anica.Nagkita ang dalawa sa may water dispenser, malapit sa pwesto nina Zander at Ella. Dati-rati, kapag ganitong oras ay malinis na ang lamesa ni Zander at nagpapatay na lang ito ng oras hanggang mag-uwian. Ngunit ngayon kagulo pa ito, tambak ng mga folder at papel."Overtime Flores, hindi pa namin natatapos ni Miss Tan 'yung paper works. Pinapa-rush ni Mr. Villanueva," tugon ni Zander habang kumukuha ng tubig."Ay, oo. Nabalitaan ko nga 'yan, kaylangan na kasi 'yan sa makalawa. Paborito kasi si Tan noong kliyente nating nagbigay n'yan kaya s'ya ang natokahan. Husayan mo ha. Mabuti na lang at nandyan ka, kung hindi si Tan ang lalamay ng lahat ng 'yan," sabi naman ni Anica."Oo, ganoon na nga," wika ni Zander.Tinignan ni Anica ang ibaba ng tenga ni Zander. "Ayos pa rin naman s'ya, buti hindi napahi. Kung sabagay waterproof nga pala 'yang nilagay ko. Ay muntik k
"Aray," sambit ni Ella.Pagbaling ni Zander ay s'ya namang paglakad ni Ella na hindi tumitingin sa kanyang nilalakaran."Ang sakit." Tumama ang tuhod ni Ella sa kamay ng upuan ni Zander, kaya naman napaupo ito at ininda ang kanyang pagbagsak. Tumalsik din ang kanyang cellphone kaya lumikha ito ng ingay."Miss Tan sorry," ani ni Zander at napatayo sa kanyang kinauupuan. "Ano okay ka lang? Saan masakit?" Umupo rin si Zander katabi ang dalaga."Masama yata ang pagkakabagsak ko, ang sakit ng balakang ko," sagot ni Ella habang hawak ang kanyang balakang. Hindi nito kayang tumayo mag-isa dahil sa sakit."Dahan dahan, ito Miss Tan dito ka muna umupo. Dahan-dahan lang." Inalalayan ni Zander si Ella upang makatayo, nilaygan ng unan ang sandalan at marahang pinaupo ang dalaga. "Sorry, hindi ko nakitang papalapit ka pala sa akin."Tumunog ang cellphone ni Ella. Luminga-linga si Ella sa paligid upang hanapin ang kanyang cellphone. "Alvarez tumalsik 'yung cellphone ko kung saan, tumatawag na yata
"Sir, excuse po," sabi ng waiter bago dumaan sa harapan ni Zander, bitbit ang tray na may lamang mga pagkain.Agad itong napansin ni Zander. "Ay kuya sorry," wika ni Zander at pinadaan ang waiter sa kanyang harapan.Matapos ay kakawayan na sana ni Zander ang kanyang kasintahan at lalapitan. Abot tenga na ang ngiti nito habang naglalakad. Ngunit laking gulat nito sa kanyang nakita. Ibang tao pala ang tinatawag ni Dennise, tila hindi s'ya na pansin ng kanyang kasintahan. Marahil ay natakpan s'ya ng waiter at ng lalaking nasa kanyang harapan.Iyon 'yung lalaking may magarang motor? Bakit ganoon, bakit pakiramdam ko iba ang mga tingin ni Dennise sa kanya? Napaka saya naman n'yang makita ang lalaking 'to? May pagsalubong pa?Patuloy lang si Zander sa pagtanaw sa dalawa habang papunta na sila sa kanilang lamesa. Hindi alintana ni Zander ang mga taong nasa palagid. Tanging kay Dennise at sa lalake lang n'ya itinuon ang kanyang atensyon. Hindi maipaliwanag ng binata ang matinding selos na kan
"Dito na lang po kuya," wika ni Ella sa taxi driver. "Heto na rin po ang bayad.""Salamat po ma'am," tugon ng driver. Pagkababa ng dalaga ay umalis na rin kaagad ang driver.Naiwang mag-isa si Ella, nakatayo sa harapan ng ospital. Hindi nito alam kung bakit s'ya biglang nagpahatid sa ospital. Pumunta na lang muna si Ella sa waiting shed. Naupo ng marahan si Ella sa plant box dahil iniinda pa rin nito ang sakit ng kanyang balakang at pinagmasdan na lang ang mga dumadaang sasakyan sa kanyang harapan.Masakit na nga ang balakang ko, sumasakit pa 'tong puso ko. Bakit nga ba ako dito pumunta? May papatingnan ba ako? Papatingnan ko ba 'tong balakang ko? O ang puso ko? Hindi ka na nag-isip Ella. Ngayong nandito ka, anong gagawin mo dito? Anong dahilan mo bakit ka pumunta rito?Napayuko na lang si Ella. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha dahil hindi nito malaman kung anong gusto n'yang gawin sa mga oras na ito. Sa isang iglap, nagunita ni Ella ang nangyari noong nakaraang gabi kasama
"Pwede mo na akong ibaba," ani ni Ella. Pinagtitinginan na rin kasi sila ng mga tao sa palagid dahil pasan pa rin s'ya ng binata kahit nakatayo na lang sila sa waiting shed.Kasalukuyang nag-aabang ang dalawa ng taxi."Ayaw ko nga," wika ni Zander. "Kung iniisip mo na mabigat ka, hindi ka mabigat. Ang gaan gaan mo nga," biro nito. "Kahit tatlong ikaw pa ang pasanin ko, kayang kaya ko pa.""Hindi sa ganoon, naiilang lang ako dahil pinagtitinginan tayo ng mga tao," paliwanag ni Ella. Napayakap tuloy si Ella sa leeg ni Zander at sunubsob ang kanyang mukha sa batok ng binata. Ginawa n'ya ito upang ikubli ang kanyang mukha sa mga natinging tao."No, ayaw ko nga," sabi ni Zander kay Ella na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. Nagawa pa nitong hawakan ang braso ni Ella at inayos ang pagyakap nito sa kanyang leeg.Nanibago si Ella sa paraan ng pakikipag-usap ni Zander. Tila sinasadya nitong maging makulit at magpapansin sa kanya ngayong gabi. Sobra sobra rin ang pag-aalala ni Zander par
"Tuloy ka ate," sabi ni Zander sa dalaga. "Ipasok mo na 'yang sapatos mo. Feel at home," aligagang sabi ni Zander.Tumango lang si Ella at pumasok kasabay ni Zander.Nasa bahay ngayon ni Zander si Ella. Sa isang iglap ay nabago ang awra ni Zander matapos pinahagingan ni Ellang pumapayag na s'yang sumama sa kanya ngayong gabi."D'yan ka muna ate," sabi ni Zander matapos nitong alalayan si Ella na maupo sa sofa. "Ano ate, nagugutom ka ba? Or gusto mong magpalit ng damit?" sabi ni Zander. Hindi rin ito mapakali sa pag-aasikaso kay Ella."Sige lang, okay lang ako. 'Wag mo na akong gaanong alalahanin. Zander, ano kasi, hindi ba nakakahiya sa magulang mo na makikituloy ako dito sa inyo ngayong gabi? Naka-uwi na sila hindi ba?" nahihiyang tanong ni Ella."Ate wala sila ngayon, saka 'wag kang mag-alala kasi kahit nandito sina papa at mama, welcome ka rito sa bahay. Sumunod din kasi sa Laguna si papa kanina, baka sa lunes na sila umiwi," sagot ni Zander."Sa girlfrend mo?" sunod na tanong ni E
"Ate o," sabi ni Zander at iniabot ang isang pares ng t-shirt at shorts kay Ella."Ano 'to?" mataray na tanong ni Ella.Ngumiti si Zander ng nakakaloko. "Damit, wala ka kamong damit na dala hindi ba? Ayan, 'wag kang mag-alala mabango 'yan at bagong laba pa. Para rin mapreskohan ka mamaya sa pagtulog mo," ani ni Zander at pilit na binibigay kay Ella ang bitbit n'yang damit."Ayos na ako sa suot ko," pagtanggi ni Ella. "Komportable naman ako rito. 'Wag ka ng mag-abala pa."Hindi umalis sa kanyang kinatatayuan si Zander, iniaabot pa rin nito ang kanyang damit sa dalaga."Zander," inis na sabi ni Ella at nakipagtitigan sa binata.Napaka kulit naman ni Zander ngayon! Pasalamat ka nandito ako sa bahay n'yo, kung nasa bahay kita, hindi 'yan uubra sa akin. Sa labas ka tutulog."Tatanggapin mo 'to o ako mismo ang magpapalit sa'yo ng damit?" pabirong sabi nito sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Ella sa kanyang narinig. "Ikaw bata ka!" sambit ni Ella. Hahampasin dapat ni Ella si Zander ng biglan