"Dito na lang po kuya," wika ni Ella sa taxi driver. "Heto na rin po ang bayad.""Salamat po ma'am," tugon ng driver. Pagkababa ng dalaga ay umalis na rin kaagad ang driver.Naiwang mag-isa si Ella, nakatayo sa harapan ng ospital. Hindi nito alam kung bakit s'ya biglang nagpahatid sa ospital. Pumunta na lang muna si Ella sa waiting shed. Naupo ng marahan si Ella sa plant box dahil iniinda pa rin nito ang sakit ng kanyang balakang at pinagmasdan na lang ang mga dumadaang sasakyan sa kanyang harapan.Masakit na nga ang balakang ko, sumasakit pa 'tong puso ko. Bakit nga ba ako dito pumunta? May papatingnan ba ako? Papatingnan ko ba 'tong balakang ko? O ang puso ko? Hindi ka na nag-isip Ella. Ngayong nandito ka, anong gagawin mo dito? Anong dahilan mo bakit ka pumunta rito?Napayuko na lang si Ella. Muli na namang tumulo ang kanyang mga luha dahil hindi nito malaman kung anong gusto n'yang gawin sa mga oras na ito. Sa isang iglap, nagunita ni Ella ang nangyari noong nakaraang gabi kasama
"Pwede mo na akong ibaba," ani ni Ella. Pinagtitinginan na rin kasi sila ng mga tao sa palagid dahil pasan pa rin s'ya ng binata kahit nakatayo na lang sila sa waiting shed.Kasalukuyang nag-aabang ang dalawa ng taxi."Ayaw ko nga," wika ni Zander. "Kung iniisip mo na mabigat ka, hindi ka mabigat. Ang gaan gaan mo nga," biro nito. "Kahit tatlong ikaw pa ang pasanin ko, kayang kaya ko pa.""Hindi sa ganoon, naiilang lang ako dahil pinagtitinginan tayo ng mga tao," paliwanag ni Ella. Napayakap tuloy si Ella sa leeg ni Zander at sunubsob ang kanyang mukha sa batok ng binata. Ginawa n'ya ito upang ikubli ang kanyang mukha sa mga natinging tao."No, ayaw ko nga," sabi ni Zander kay Ella na may malaking ngiti sa kanyang mga labi. Nagawa pa nitong hawakan ang braso ni Ella at inayos ang pagyakap nito sa kanyang leeg.Nanibago si Ella sa paraan ng pakikipag-usap ni Zander. Tila sinasadya nitong maging makulit at magpapansin sa kanya ngayong gabi. Sobra sobra rin ang pag-aalala ni Zander par
"Tuloy ka ate," sabi ni Zander sa dalaga. "Ipasok mo na 'yang sapatos mo. Feel at home," aligagang sabi ni Zander.Tumango lang si Ella at pumasok kasabay ni Zander.Nasa bahay ngayon ni Zander si Ella. Sa isang iglap ay nabago ang awra ni Zander matapos pinahagingan ni Ellang pumapayag na s'yang sumama sa kanya ngayong gabi."D'yan ka muna ate," sabi ni Zander matapos nitong alalayan si Ella na maupo sa sofa. "Ano ate, nagugutom ka ba? Or gusto mong magpalit ng damit?" sabi ni Zander. Hindi rin ito mapakali sa pag-aasikaso kay Ella."Sige lang, okay lang ako. 'Wag mo na akong gaanong alalahanin. Zander, ano kasi, hindi ba nakakahiya sa magulang mo na makikituloy ako dito sa inyo ngayong gabi? Naka-uwi na sila hindi ba?" nahihiyang tanong ni Ella."Ate wala sila ngayon, saka 'wag kang mag-alala kasi kahit nandito sina papa at mama, welcome ka rito sa bahay. Sumunod din kasi sa Laguna si papa kanina, baka sa lunes na sila umiwi," sagot ni Zander."Sa girlfrend mo?" sunod na tanong ni E
"Ate o," sabi ni Zander at iniabot ang isang pares ng t-shirt at shorts kay Ella."Ano 'to?" mataray na tanong ni Ella.Ngumiti si Zander ng nakakaloko. "Damit, wala ka kamong damit na dala hindi ba? Ayan, 'wag kang mag-alala mabango 'yan at bagong laba pa. Para rin mapreskohan ka mamaya sa pagtulog mo," ani ni Zander at pilit na binibigay kay Ella ang bitbit n'yang damit."Ayos na ako sa suot ko," pagtanggi ni Ella. "Komportable naman ako rito. 'Wag ka ng mag-abala pa."Hindi umalis sa kanyang kinatatayuan si Zander, iniaabot pa rin nito ang kanyang damit sa dalaga."Zander," inis na sabi ni Ella at nakipagtitigan sa binata.Napaka kulit naman ni Zander ngayon! Pasalamat ka nandito ako sa bahay n'yo, kung nasa bahay kita, hindi 'yan uubra sa akin. Sa labas ka tutulog."Tatanggapin mo 'to o ako mismo ang magpapalit sa'yo ng damit?" pabirong sabi nito sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Ella sa kanyang narinig. "Ikaw bata ka!" sambit ni Ella. Hahampasin dapat ni Ella si Zander ng biglan
Nagulat si Ella sa ginawa ni Zander, dahil nagawa na nitong hawakan ang maselang bahagi ng dalaga. Bumalikwas ito at lumayo sa binata, yakap ang unan na kanyang kandong kanina. Pulang pula rin ang mukha ng dalaga at nanginginig din ang katawan nito dahil sa naganap. Hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Zander si Ella at mas hiningal pa. Pilit n'yang inayos ang natanggal na hook sa kanyang likuran at kinalma ang sarili.Nagulat si Zander sa ginawang pagbalikwas ni Ella. Hindi nito akalaing ganoon ang magiging reaksyon ni Ella sa kanyang ginawa. Akala n'ya ay pinahihintulutan na s'ya ng dalagang maging malaya sa kanyang ginagawa. "S---Sorry," agad na sabi ni Zander at napayuko.Tumikhim si Ella bago magsalita, "Akin na, ako na lang ang magdadampi ng cold compress sa balakang ko," naiilang na sabi ni Ella na hindi rin makatingin ng diretso sa binata.Dahil sa nangyari ay natauhan si Zander sa kanyang ginagawa. Hindi makatingin si Zander kay Ella dahil sa kahihiyan. Nakayuko nitong ina
Nanatili pa rin si Junel sa tapat ng bahay ni Ella, kahit na walang kasiguraduhan kung anong oras makakawi si Ella. Naka-upo lang sa harapan ng gate si Junel at umaasang darating ang dalaga anu mang oras.Hindi ba't ganito naman ang gusto mong mangyari? Ang iwasan ka ng Ella? Ngayong iniiwasan ka na n'ya, bakit hindi ka masaya? Junel, ang gulo mo rin kasi!Yumukyok si Junel sa kanyang mga tuhod at pumikit. Naririnig nito ang yabag ng mga taong dumaraan sa kanyang harapan. Pati ang kalansing ng susing nahulog sa kanyang harapan.May susi ako ng bahay ni Ella!Napatunghay si Junel at dali-dali nitong kinapa sa kanyang bulsa ang bugkos ng susi at hinahap kaagad ang susi para sa gate at bahay ni Ella.Bakit nga ba hindi ko naisip 'to kanina pa. Binigyan nga pala ako ni Ella ng spare keys ng gate, bahay at kwarto n'ya. Pumasok si Junel sa tahanan ng dalaga at dumiretso sa kwarto ni Ella. Pinagmasdan ni Junel ang kabuuan ng kwarto ni Ella. Napangisi na lang ito at sumalampak sa tabi ng p
Hindi makapaniwala si Junel sa kanyang narinig. Marami pang sinambit ang lalake sa kabilang linya, ngunit hindi na n'ya pinakinggan ang mga ito at binaba na lang ang tawag. Ibabalik na muli ni Junel ang telepono ng luming tumawag ang lalake. Nakatitig lang si Junel sa numerong nasa screen.Hindi ko alam pero, ganito pala ang pakiramdam ng maiputan.Ngisi nitong sabi sa sarili. Matagal din n'yang pinagmasdan ang numero ng lalake, malalim ang kanyang iniisp. Magkahalong inis at lungkot ang kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang screen ng telepono ni Ella. Makalipas ng ilan pang tawag ng lalake ay bigla n'yang in-off ang telepono ni Ella at binalik sa kanilang ulonan."Nakausap mo ba s'ya?" Biglang napabaling si Junel ng marinig ang tinig ni Ella. Nakita nitong mulat na ang dalaga at nakatitig lang sa kanya.Hindi maipaliwanag ni Junel ang kanyang nararamdaman, hindi nito pinangdirihan o hinusgahan ang dalaga sa kanyang nalaman. Bagkos para nainis pa s'ya sa kanyang sarili dahil h
"Hindi, hindi ganoon 'yon," nahihiyang sabi ni Zander at umiwas muli ito ng tingin kay Ella.Ayan Zander dahil sa kakagawan mo sumama na ang image mo kay Miss Tan. Anong gagawin mo ngayon? Paano mo pa babaguhin ang tingin sa'yo ni MissTan!"Sabi ko naman sa'yo hindi ba, ayos lang ako. Kalimutan na natin ang nangyari kanina, 'wag ka ng makonsensya, ang mahalaga hindi natuloy kung ano man 'yong nangyayari kanina. Nakontrol ko at nakontrol mo," ani ni Ella upang mawala ang ilang na namumuo sa kanilang dalawa.Hindi umimik si Zander, bakas sa mukha ng binata ang konsensya hatid ng kanyang ginawa."Hindi ko kaylangang mag-eskandalo o kung ano pa man. Alam kong may pinagdaraanan ka lang kaya mo na gawa 'yon. Hindi ako tulad ng iba, wala lang sa akin ang nangyari kanina," muling paliwanag ni Ella upang mawaksi sa isipan ni Zander ang nangyari. Ano ba 'yan, parang kasalanan ko pa talaga. Ang hirap mag-explain sa batang 'to! Hindi ko masabi sa kanyang sanay naman ako sa ganoong set-up. Na dat