Hindi makapaniwala si Junel sa kanyang narinig. Marami pang sinambit ang lalake sa kabilang linya, ngunit hindi na n'ya pinakinggan ang mga ito at binaba na lang ang tawag. Ibabalik na muli ni Junel ang telepono ng luming tumawag ang lalake. Nakatitig lang si Junel sa numerong nasa screen.Hindi ko alam pero, ganito pala ang pakiramdam ng maiputan.Ngisi nitong sabi sa sarili. Matagal din n'yang pinagmasdan ang numero ng lalake, malalim ang kanyang iniisp. Magkahalong inis at lungkot ang kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang screen ng telepono ni Ella. Makalipas ng ilan pang tawag ng lalake ay bigla n'yang in-off ang telepono ni Ella at binalik sa kanilang ulonan."Nakausap mo ba s'ya?" Biglang napabaling si Junel ng marinig ang tinig ni Ella. Nakita nitong mulat na ang dalaga at nakatitig lang sa kanya.Hindi maipaliwanag ni Junel ang kanyang nararamdaman, hindi nito pinangdirihan o hinusgahan ang dalaga sa kanyang nalaman. Bagkos para nainis pa s'ya sa kanyang sarili dahil h
"Hindi, hindi ganoon 'yon," nahihiyang sabi ni Zander at umiwas muli ito ng tingin kay Ella.Ayan Zander dahil sa kakagawan mo sumama na ang image mo kay Miss Tan. Anong gagawin mo ngayon? Paano mo pa babaguhin ang tingin sa'yo ni MissTan!"Sabi ko naman sa'yo hindi ba, ayos lang ako. Kalimutan na natin ang nangyari kanina, 'wag ka ng makonsensya, ang mahalaga hindi natuloy kung ano man 'yong nangyayari kanina. Nakontrol ko at nakontrol mo," ani ni Ella upang mawala ang ilang na namumuo sa kanilang dalawa.Hindi umimik si Zander, bakas sa mukha ng binata ang konsensya hatid ng kanyang ginawa."Hindi ko kaylangang mag-eskandalo o kung ano pa man. Alam kong may pinagdaraanan ka lang kaya mo na gawa 'yon. Hindi ako tulad ng iba, wala lang sa akin ang nangyari kanina," muling paliwanag ni Ella upang mawaksi sa isipan ni Zander ang nangyari. Ano ba 'yan, parang kasalanan ko pa talaga. Ang hirap mag-explain sa batang 'to! Hindi ko masabi sa kanyang sanay naman ako sa ganoong set-up. Na dat
Matapos ang araw na 'yon, bumalik na ang pakikitungo ni Junel kay Ella. Namalagi na rin si Junel sa tahanan ni Ella at hindi na nila napag-usapan ang mga nanagyari. Wala rin kasing balita si Ella sa kanyang ina kung kaylan ito babalik kaya mas tumagal ang pananatili ni Junel sa kanyang bahay. Binalewala na lang ni Ella ang mga nangyari at naging masaya na lang sa muling pagbabalik ng kaibigan. Mas doble ang pag-aalaga ni Junel sa kanya, wala man itong sinasabi kung para saan ang lahat ng kanyang ginagawa ay masaya si Ella sa daloy ng kanilang relasyon. Kahit walang label ang lahat at baka mauwi sa malabong usapan hindi sa malinaw na ugnayan.Samantalang si Zander ay nilalamon pa rin ng hiya. Ang dating masigla at makulit na binata ay naging tahimik at palaging wala sa sarili. Apektado na rin ang pagtatrabaho nito, napapansin na rin ito Ella na s'yang kinababahala ng dalaga. Bukod sa nagawa nitong kasalanan kay Ella, sumabay pa ang tuluyang panglalamig ni Dennise sa kanilang relasyon.
"Miss Tan saan tayo pupunta?" tanong ni Zander ng makarating silang dalawa sa parking lot ng kanilang opisina.Abalang pinapainit ni Ella ang makina ng kanyang motor. Hindi lang nito pinansin si Zander at nakatuon lang sa kanyang magarang motor. Natahimik na lang si Zander at tinignan na lang ang dalaga sa kanyang ginagawa.Saan naman kaya kami pupunta na Miss Tan, mukhang wrong move ako sa pagsasabi kanina. Ano ba kasing naisipan mo't sinabi mo 'yon kay Miss Tan. Lalo mong pinalala ang sitwasyon. Hay nako Zander hindi ka talaga nag-iisip! Baka mamaya dadalhin n'ya ako sa prisinto, ni-record n'ya pala 'yung mga sinabi ko kanina! Wala na tapos ka na Zander, your dead!"Sumakay ka na," ani ni Ella na nakasakay na sa kanyang motor."Pero, Miss Tan," nangingiming sabi ni Zander."Ella," pagputol ni Ella sa sinasabi ni Zander.Napatikhim si Zander bago muling magsalita, "Ate Ella, ipapapulis mo ba ako?" tanong nito.Nagulat si Ella sa tanong ni Zander, hindi nito inasahan ang sinambit ng
"Mico!" saway ni Manang Mirna. Pinanglakihan din nito ng mata si Mico upang mangilag sa kanyang sinaba.Nagulat si Ella at Mica kaya napabaling ang dalawa kay Mico. Samantalang si Zander ay napatulala sa gulat, hindi nito inasahan ang sinabi ni Mico sa kanya."Sir, pasensya ka na po sa batang 'to," paghingi ng tawad ni Manang Mirna kay Zander. "Mico, mag-sorry ka kay kuya. Bad 'yung ginawa mo," saway ni Manang Mirna sa bata at pinalapit kay Zander.Hindi lang pinansin ni Mico ang mga sinabi sa kanyang ni Manang Mirna. Nakatingin pa rin ito sa binata at hindi natitinag."Mico," gigil na wika ni Manag Mirna. Nako, sa lahat ng mamanahin mong bata ka, 'yan pa. Talagang mag ate nga kayo."Mico," malambing na tawag ni Ella sa kanyang nakababatang kapatid. Doon lang naalis ang titig ni Mico sa binata at bumaling naman sa kanyang ate Ella."Sino s'ya ate," matapang na tanong ni Mico. Nakahalukipkip pa ito na parang matandang naghihintay ng sagot.Napangisi si Ella at hinawakan ni Ella ang ba
Inalalayan ni Zander si Mico sa tuktok ng slide. "Ate Mica, stay ka lang d'yan si kuya Mico muna ha," ani nito sa marikit na bata. Tumango si Mica at naghintay ng kanyang pagkakataong magpadausdos sa slide."Okay kuya Mico, one, two, three!" sambit ni Zander. Nagpadausdos na si Mico mula sa itaas pababa. Nakaabang naman si Ella sa dulo ng slide upang sapuhin ang nakababatang kapatid."Ate Michaella!" hiyaw ni Mico na halos mapunit ang labi sa pagngiti. "Ang sarap ate. Gusto ko pa, isa pa ate. Isa pa," tuwang tuwang sabi ni Mico. Maligalig na ito at sobrang taas ng enerhiya, tila walang kapaguran at sobrang saya."Take turns kayo ni ate Mica okay. After n'ya ikaw ulit," nakangiting sabi ni Ella sa kanyang kapatid. Pinunasan nito ang nanglilimahid na mukha ng kapatid. "Ang asim mo na! Asim asim! Pero gusto pa rin kitang i-hug at i-kiss," sabi ni Ella habang hinaharot si Mico.Nang nakita ni Mica kung gaano natuwa ang kakambal, naatat itong sumunod at magpaalalay kay Zander sa hagdan ng
"Nandito na tayo," sabi ni Ella.Bumaba naman kaagad si Zander. Nasaan na ba kami? Malayo na ba kami sa lugar namin? Itong si Miss Tan hindi ko alam na gala pala, Pilipinas pa ba 'to?Lilinga-linga si Zander at nagmamasid sa paligid. Tinititigan lang ni Ella si Zander at natatawa ito sa kilos ng binata."'Wag kang mag-alala, hindi kita ipapa-salvage. Hindi rin kita ipapabugbog, kaya 'wag kang kabahan d'yan," sambit ni Ella.Napalingon si Zander sa kinatatayuan ng dalaga."Masyado bang halata na kinakabahan ako?" natatawang tanong ni Zander.Lumapit si Ella sa binata. "Oo, halata," natatawa nitong sabi.Naglatag si Ella ng tela at naupo. Nasa harapan nila ang isang magandang tanawin. Dinala ni Ella si Zander sa isang mataas na lugar, kung saan tanaw sa ibaba ang mga gusali, kita rin ang mga ilaw ng sasakyan na dumaraan sa malaking kalsadang matatanaw sa lugar. Malayo sa ingay ng mundo at mga kuliglig lang ang maririnig. May kalayuan ito sa kanilang lugar at liblib, kaya sila lang ang
"Pwede ba akong magkwento?" biglang sabi ni Zander.Hindi umimik si Ella, hudyat na pumapayag ito sa sinabi ng binata.Kaya nga kita dinala rito para malabas mo lahat ng sama ng loob mo. Kahit naman palagi akong masungit sa'yo at pinapahirapan sa trabaho, hindi naman ako ganoon kasamang tao para hindi mahalatang wala kang outlet sa problema mo. Kahit papaano tinuturing na rin kitang kaibigan, sa labaas ng opisina.Napangisi si Zander. "Hindi 'to ang unang beses na iniputan n'ya ako sa ulo. Minahal ko lang talaga si Dennise ng sobra kaya sobra rin akong nasasktan. Nakakainis lang, dahil kahit anong gawin kong kalokohan, s'ya pa rin ang pinipili kong balikan," daing ni Zander.Nakikinig lang si Ella, ngunit taliwas ito sa kanyang nakikita kay Zander.Parang hindi naman? Sa tingin ko pareho lang kayo. Pero tignan natin, baka may rason s'ya kaya kahit may girlfriend s'ya ay nagagawa n'yang makipag-flirt sa iba. Tama nga sila, magkaiba ang loyal sa faithful. Mga lalake talaga."S---Sino s'
“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung
“Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano
Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin
“Pa—-paanong maging ako? Hindi kita maintindihan,” sambit ni Ella.Tumango si Dennise. “Oo, paano maging ikaw. Naisip ko kasi na baka pag ginaya kita, balikan ako ni Zander.”Nang marinig ni Ella ang dahilan ni Dennise, magkahalong awa at inis na ang kanyang naramdaman. Umaasa itong hindi humantong ang kanilang usapan sa pagtatalo.“Alam mo ‘yon, kung paano ka magsalita, kumilos, lahat. Parang magiging ikaw ako,” natatawa nitong sabi subalit kitang kita sa kanyang mga mata na seryoso s’ya sa kanyang mga sinasabi. “Hi—-Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong baguhin sa sarili ko. Pagkatapos makipaghiwalay sa akin ni Zander, hindi ko alam kung anong nagustuhan n’ya sa’yo. Akala ko kuntento na si Zander sa kung ano ako, siguro na over look ko o nakalimutan kong baka sa paglipas ng panahon nabago na rin ang tipo n’ya sa babae. Sana tulungan mo ako.” Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga. “Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulang magbago para gayahin. Sa palagay mo? Sa itsura? Pananal
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba,” sabi ng guard. “Sino raw po?” tanong ni Ella sa guwardya. Nakaramdam ng biglang pagkabog ng dibdib si Ella, wala namang inaasahang bisita o ka-meeting ang dalaga sa araw na ito. Kaya nagtataka ito kung sino ang tinutukoy ng guwardya. “Dennise Moralez po,” sabi ng guard. Pagkarinig ni Ella sa pangalan ay tila nangilabot ang kanyang buong katawan at namutla bigla. Anong ginagawa n’ya rito? “Ma’am ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng guard, napansin kasi nito ang pamumutla ng dalaga. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Ella. Napatulala ito ng ilang sandali. “Ma’am?”tawag ng guwardya sa dalaga. “Papapasukin ko po ba?” tanong nito. Bumalik na sa ulirat si Ella nang mauliligan ang tanong ng guwardya. “Po.” Hinawi n’ya ang kanyang buhok at umayos tindig. “Ayos lang po ako. Ano po si—sige po papasukin n’yo po si Dennise. Kilala ko po s’ya. Ganito na lang po, paki sabi na lang po na bababa na rin po ako. May gagawin lang po ako s
Pagpasok ni Ella sa bahay ay bumungad sa kanyang paningin si Anica. “Si mama?” tanong ni Ella kay Anica. Kakauwi lang ng dalaga galing trabaho. Kasalukuyan namang nanunuod ng T.V habang kumakain ng pandisal na tustado si Anica. “Baby, nandito na si ninang mommy. Nako, Anica nakailang init ka ‘ata d’yan sa pandisal mo! Tignan mo nangingitim na oh."”“E bakit ba masarap kaya, gusto mo?” alok ni Anica.Umiling lang si Ella at nawiwirduhan na sa kilos ng kanyang kaibigan.“Ay tita pala nasa kusina, nagluluto na ng hapunan,” tugon ni Anica.“Sige,” sabi ni Ella. “Ayaw mo talaga? Masarap, tapos may palaman na coco jam,” muling alok ni Anica.“Hindi sige enjoy lang sa pagkain,” pagtanggi ni Ella at napailaing na lang.Pagkarating nito sa kusina ay nakita n’ya ang kanyang inang abala sa paghihiwa ng karne.“Ma, ka—kaylangan n’yo po ba ng tulong?” bungad ni Ella sa kanyang ina.Napalingon si Michelle at nakita ang kanyang anak. “O, nandito ka na pala, ang aga mo ‘ata,” inihinto muna ang kanya