Home / Romance / My Ella / Chapter 30

Share

Chapter 30

Nagulat si Ella sa ginawa ni Zander, dahil nagawa na nitong hawakan ang maselang bahagi ng dalaga. Bumalikwas ito at lumayo sa binata, yakap ang unan na kanyang kandong kanina. Pulang pula rin ang mukha ng dalaga at nanginginig din ang katawan nito dahil sa naganap. Hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Zander si Ella at mas hiningal pa. Pilit n'yang inayos ang natanggal na hook sa kanyang likuran at kinalma ang sarili.

Nagulat si Zander sa ginawang pagbalikwas ni Ella. Hindi nito akalaing ganoon ang magiging reaksyon ni Ella sa kanyang ginawa. Akala n'ya ay pinahihintulutan na s'ya ng dalagang maging malaya sa kanyang ginagawa. "S---Sorry," agad na sabi ni Zander at napayuko.

Tumikhim si Ella bago magsalita, "Akin na, ako na lang ang magdadampi ng cold compress sa balakang ko," naiilang na sabi ni Ella na hindi rin makatingin ng diretso sa binata.

Dahil sa nangyari ay natauhan si Zander sa kanyang ginagawa. Hindi makatingin si Zander kay Ella dahil sa kahihiyan. Nakayuko nitong ina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status