Natulala na lang si Zander. Hindi na ito gumalaw at tila nabingi sa kanyang narinig.Tama ba 'yung narinig ko? Si Henry ang kasama ng girlfriend ko? S'ya rin ang katawagan ni Henry kanina at kikitain n'ya ngayon? Si Dennise ba 'yung sinasabi n'yang hindi pa n'ya girlfriend? Anong kalokohan 'to? Ako pa mismo ang nagtulak kay Henry na magkita sila, masaya pa ako dahil sa wakas may girlfriend na s'ya. 'Yon pala syota ko ang syota n'ya."Please Zander, 'wag mong sasabihing sinabi ko sa'yo na magkasama silang dalawa. Ano kasi, magagalit sa akin si Dennise," pagmamakaawa ni Ren sa binata.B---Bakit sa akin hindi n'yo ba naisip ang mararamdaman ko? Hindi ba ako tao? Paano naman aang nararamdaman ko? Paano naman ako?"Zander please, nagmamakaawa ako. Hindi ko naman sa kinukunsinte si Dennise, palagi ko s'yang pinagsasabihan tungkol dito. Pero kasi ano----," magdadahilan pa dapat si Ren ngunit bakas sa mukha ni Zander na ayaw na n'yang makinig sa kahit anong paliwanag n'ya at pagtatanggol sa s
Baka naman niloloko lang ako ng batang 'to? Pwede ring pinapasakay n'ya lang ako sa kwento n'ya? Para kaawaan s'ya at mahulog sa bitag n'ya? Ganito naman ang mga lalake, magpapaawa at tayo namang mga babae maaawa. Tapos pagnakuha na nila ang loob natin magagawa na nila lahat ng gusto nilang gawin. Marupok kasi tayo, ganoon naman palagi, hindi ba? At saka talaga bang nagawa n'ya 'yon sangalan ng pag-ibig n'ya kay Dennise? Kung totoo nga 'yon, napaka swerte naman talaga ng bruhang 'yun! Kaso sa ginagawa n'ya pinapakawalan n'ya ang bibiharang lalake tulad ni Zander, 'yung tatanggapin ka kahit sila ang pinaka nasaktan sa nangyari. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala ba talaga ako o hindi. Umiral na naman ang trust issues ko sa tao.Napansin ni Zander ang pagtataka sa mukha ni Ella. "Sabi ko naman sa'yo Ella, ayos lang kung hindi ka maniniwala. Hindi kita pinipilit na kampihan ako o bigyan ng simpatya, gusto ko lang sabihin lahat ng nakimkim ko nang matagal na panahon. Hindi ko lang ka
Inihinto na ni Zander ang minamaneho n’yang motor sa tapat ng kanilang bahay. Alas-sais pa lang noon ng umaga at wala pang gaanong tao sa paligid. Tahimik ang kalsada at dama ang malamig na simoy ng hangin."Ella?" mahinang tanong nito sa dalaga, ngunit hindi sumagot si Ella. Kaya naman pilit na lumingon ni Zander upang tignan ang lagay ng dalaga. Pagkalingon nito, nakita n'yang mahimbing na natutulog si Ella sa kanyang likuran.Nakatulog pala s'ya sa byahe, akala ko sadyang mahigpit lang ang yakap ni Miss Tan sa bewang ko.Itinukod ni Zander ang stand ng motor at saka binaling ang kanyang katawan upang mayakap ang natutulog na si Ella."Ella," ani ni Zander at tinapik bahagya ang balikat ng dalaga.Naalimpungatan si Ella at pagmulat n'ya ay nakita n'yang nasa tapat na sila ng bahay nina Zander. Naramdaman nito ang mainit na bisig ng binata na nakayakap sa kanya. Kumibo ito ng kaunti at kumalas sa pagkakayakap sa binata. Bumaba na si Zander sa motor upang humarap kay Ella."Nandito na
May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Zander kaya naman nagising ito mula sa kanyang pagkakatulog, "Anak," tawag ng kanyang mama."Po!" sagot nito habang nakapikit pa at pinipilit intindihin ang sasabihin ng kanyang mama. Magtatanghalian pa lang noon at bago p lang nahihinbing ng tulog si Zander. Ngayon n'ya naramdaman ang hayo ng byahe nila ni Ella sa magdamag.Hindi rin naman s'ya nakatulog ng maayos noong madaling araw dahil mas pinili n'yang bantayan ang dalaga sa kanyang mga bisig habang ito ay natutulong."Pasensya na, kung nagisng kita, pero nandito kasi si Dennise. Puntahan mo na lang sa sala ha," sabi ng mama ni Zander."Sige po ma, pupuntahan ko na lang po s'ya. Salamat po," magalang na sabi ni Zander at pinilit ang sariling bumangon.Anong ginagawa n'ya rito? Gusto ko pang matulog, 'yan kasi Zander pa bibo ka masyado kagabi. Ayan tuloy ikaw ang nahihirapan ngayon.Bumangon si Zander mula sa kanyang kama. Hindi na ito nag-aba pang magbihis at mag-ayos ng sarili. Bumaba itong n
"Balisa ka," sambit ni Ella kay Zander habang nag-type sa kanyang computer. "May problema ba?"Napansin ni Ellang natutulala si Zander at panay ang buntong hininga mula pa kanina. "Ha, ano kasi." Umayos ng upo si Zander bago sumagot. "Wala 'to pagod lang siguro. Nag-uumpisa na kasi akong magbuklat ng mga libro ko kagabi kay napuyat ako. Para sana kahit papaano na-refresh na ang utak ko sa mga dapat pag-aralan," sagot ni Zander.Hindi na muling umimik si Ella at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.Ilang sandali pa tumunog naman ang cellphone ni Zander. "Tsss," sambit nito ng makita kung sino ang tumatawag sa kanyang cellphone. Pinatay nito ang tawag at binaba ang kanyang cellphone sa mesa. Pinagpatuloy na muli ni Zander ang kanyang ginagawa.Nakatalikod man si Ella kay Zander ay sinisipat n'ya ang binata mula sa kanyang maliit na salaming nakapwesto sa kanyang harapan.Badtrip na naman 'tong batang 'to. Bakit kaya?Makaraan ay tumunog muli ang cellphone ni Zander. Mas bumusangot ang bi
“Okay na ha, walang mag-text, call or chat sa amin hanggang bukas!” sabi ni Anica kay na Junel, Baron at Zander.“Talaga bang bawal sumama? Kahit sa ibang table lang kami, promise hindi kami makikinig sa mga chikahan n’yo,” pagpupumilit ni Baron.“No! Alam ko na ‘yang mga style mo Cruz. Kaya no!” tugon ni Anica na nakapamewang pa.Napayuko na lang si Baron na parang batang hindi napagbigyang maglaro sa labas.“Basta, mag-ingat na lang kayo ha. Bukas mo na lang ako i-text or pag naka-uwi ka na, para alam kong safe kang naka-uwi,” bilin ni Zander kay Ella.Tumango lang si Ella.Nakatingin lang si Junel at iniwaksi ang tingin sa dalawa. Binuyo na lang nito si Baron upang hindi makaramdam ng kahit anong inggit sa dalawa.“Ayan kasi, kung hindi ka chismoso e ‘di sana makakasama tayo! Ikaw kasi!” wika ni Junel kay Baron.“Wow nagsalita! Grabe kayo sa akin!” sabi ni Baron at nagtawanan na sila.Uwian na at nagpasya nang umalis sina Anica at Ella para sa kanilang girl’s night out, samantalang
“E, teka. Kamusta na nga pala ‘yung lakad mo sa probinsya? Nagging maayos ba ang lahat? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo. Panay byahe ka pa. Masama ‘yan sa’yo,” nag-aalalang tanong ni Ella.“Ito namang si kumare, masyadong nag-aalala, we are very fine. Healthy kaya naming dalawa! And time to time naka-update si doktora sa kalagayan ko habang nasa probinsya ako. Kami pa ba? Strong ‘ata kaming dalawa!” ngiting-ngiting sabi ni Anica. “Hindi ko naman pinapabayaan ang little one dito sa tummy ko ‘no! Ito ‘ata ang magiging miss universe o hindi kaya susunod na child actor pagdating ng araw! ” pagmamalaking sabi ni Anica at hinawakan ang kanyang tyan. “Baby o si ninang masyadong nag-worry. Ang pasaway kasi nating dalawa,” sabi ni Anica na tila kinakausap ang kanyang tyan.“Aba syempre dapat alagaan at ingatan mo ‘yan. Ang tangal mong hinintay ‘yan,” wika ni Ella.“Syempre naman, kaya nga lumipat na ako ng apartment. ‘Yung walking ditance na lang sa office, balak ko na ring ipa
Nakatitig lang si Mang Isko kay Junel at hinihintay na simulan ang kanyang kwento. Ngunit sa ugali ni Junel na urong sulong, hindi nito mapakawalan ang mga salitang gustong ibulalas ng kanyang puso. Kahihiyan ang kanyang naiisip dahil alam naman n’ya kung saan s’ya nagkamali at kung anong dapat gawin.Napangisi na lang si Mang Isko dahil wala pa ring imik si Junel. “Hay nako Junel, alam mo bang sa ginagawa mong ‘yan lalo kang mahihirapan,” ani ni Mang Isko.“Love guru pala kayo Mang Isko?” birong sabi ni Junel at napayuko na lang. Gusto n’yang tawanan ang kanyang sarili upang mabasag ang seryosong usapan ngunit ayaw sumunod ng kanyang katawan.Alam ko naman ang dapat kong gawin, kaylangan kong mg-move-on. Kaylangan kong iwaksi ang lahat ng nararamdaman ko kay Michaella. Palayain ang sarili ko sa lungkot na nararamdaman ko. I takes time pero eventually mawawala rin ‘to. Pero bakit ganoon, hindi ko magawa, hindi ko mabitawan ang nararamdaman ko para kay Michaella. Paulit ulit ko namang