“Okay na ha, walang mag-text, call or chat sa amin hanggang bukas!” sabi ni Anica kay na Junel, Baron at Zander.“Talaga bang bawal sumama? Kahit sa ibang table lang kami, promise hindi kami makikinig sa mga chikahan n’yo,” pagpupumilit ni Baron.“No! Alam ko na ‘yang mga style mo Cruz. Kaya no!” tugon ni Anica na nakapamewang pa.Napayuko na lang si Baron na parang batang hindi napagbigyang maglaro sa labas.“Basta, mag-ingat na lang kayo ha. Bukas mo na lang ako i-text or pag naka-uwi ka na, para alam kong safe kang naka-uwi,” bilin ni Zander kay Ella.Tumango lang si Ella.Nakatingin lang si Junel at iniwaksi ang tingin sa dalawa. Binuyo na lang nito si Baron upang hindi makaramdam ng kahit anong inggit sa dalawa.“Ayan kasi, kung hindi ka chismoso e ‘di sana makakasama tayo! Ikaw kasi!” wika ni Junel kay Baron.“Wow nagsalita! Grabe kayo sa akin!” sabi ni Baron at nagtawanan na sila.Uwian na at nagpasya nang umalis sina Anica at Ella para sa kanilang girl’s night out, samantalang
“E, teka. Kamusta na nga pala ‘yung lakad mo sa probinsya? Nagging maayos ba ang lahat? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo. Panay byahe ka pa. Masama ‘yan sa’yo,” nag-aalalang tanong ni Ella.“Ito namang si kumare, masyadong nag-aalala, we are very fine. Healthy kaya naming dalawa! And time to time naka-update si doktora sa kalagayan ko habang nasa probinsya ako. Kami pa ba? Strong ‘ata kaming dalawa!” ngiting-ngiting sabi ni Anica. “Hindi ko naman pinapabayaan ang little one dito sa tummy ko ‘no! Ito ‘ata ang magiging miss universe o hindi kaya susunod na child actor pagdating ng araw! ” pagmamalaking sabi ni Anica at hinawakan ang kanyang tyan. “Baby o si ninang masyadong nag-worry. Ang pasaway kasi nating dalawa,” sabi ni Anica na tila kinakausap ang kanyang tyan.“Aba syempre dapat alagaan at ingatan mo ‘yan. Ang tangal mong hinintay ‘yan,” wika ni Ella.“Syempre naman, kaya nga lumipat na ako ng apartment. ‘Yung walking ditance na lang sa office, balak ko na ring ipa
Nakatitig lang si Mang Isko kay Junel at hinihintay na simulan ang kanyang kwento. Ngunit sa ugali ni Junel na urong sulong, hindi nito mapakawalan ang mga salitang gustong ibulalas ng kanyang puso. Kahihiyan ang kanyang naiisip dahil alam naman n’ya kung saan s’ya nagkamali at kung anong dapat gawin.Napangisi na lang si Mang Isko dahil wala pa ring imik si Junel. “Hay nako Junel, alam mo bang sa ginagawa mong ‘yan lalo kang mahihirapan,” ani ni Mang Isko.“Love guru pala kayo Mang Isko?” birong sabi ni Junel at napayuko na lang. Gusto n’yang tawanan ang kanyang sarili upang mabasag ang seryosong usapan ngunit ayaw sumunod ng kanyang katawan.Alam ko naman ang dapat kong gawin, kaylangan kong mg-move-on. Kaylangan kong iwaksi ang lahat ng nararamdaman ko kay Michaella. Palayain ang sarili ko sa lungkot na nararamdaman ko. I takes time pero eventually mawawala rin ‘to. Pero bakit ganoon, hindi ko magawa, hindi ko mabitawan ang nararamdaman ko para kay Michaella. Paulit ulit ko namang
“Naging epektibo ba naman ba sa’yo ‘yang ginawa mo?” tanong nd matanda. “Parang ginigisa ka sa sarili mong mantika d’yan. Nilulunod mo sa sakit ‘yang sarili mo,” nag-aalalang sabi ni Mang Isko.“Parang? Kasi Mang Isko hindi man bumalik sa dati ang lahat, nabawasan man ang mga bagay na nakasanayan, sa huli nakuntento na ako sa pagmamahal na nabibigay ko kay Michaella. Ito na siguro ang kabayaran ko sa pagiging pabaya ko. Ang dami ko mang pinagsisisihan, wala naman na akong laban kung huli na ang lahat. Kaya kahit sa malayo, kahit na alam kong wala ng sukli ang pagmamahal ko, kahit sobra sobra pa ang ibigay ko, wala na akong magagawa,” malungkot na sabi ni Junel.Napailing si Mang Isko. Tumayo na ito at nag-unat. “Malalim na ang gabi at sa wakas dinalaw na ako ng antok,” ani ni Mang Isko. Tinapik nito ng mahina ang balikat ni Junel. “Ang kilabot ng kababaihan ng apartment ko, tumiklop na rin sa wakas,” biro nito. “Sana’y magsilbing aral sa’yo lahat ng ‘to. Mapapasan ba’t makakahanap ka
“Love! Pasado ako! RN na ako! RN na ako!” hiyaw ni Dennise mula sa kabilang linya. Narinig ni Ella ang balita ni Dennise, nilihis nito ang kanyang tingin sa binata. Nagpanggap itong walang naririnig sa usapan nilang dalawa.“C—-Congrats!” sagot naman ni Zander.“Love! Grabe, gusto kong mag-celebrate tayo bukas love! Gusto ko ring mag-shopping at gumala! Sa wakas natapos na rin ang sleepless nights, mga review at pressure!” sabi ni Dennise. “I’m so excited Registered Nurse na ako!”“Nako, h—-hindi ako pwede bukas.” Napatingin si Zander kay Ella. Napasulyap naman si Ella kay Zander, bakas sa mukha ng binata ang pagkalito kung ano ang isasagot sa tanong ni Dennise.Nasa bahay nina Ella si Zander at kasalukuyang naghahapunan ang dalawa. Nang biglang tumawag si Dennise para ibalita ang pagkapasa n’ya sa natapos na Nursing Board Exam. Magkahalo ang nararamdaman ni Ella, tuwa dahil bukod sa nakapasa si Dennise ay matatapos na rin ang pagtatago nila ni Zander sa kanilang relasyon. Ngunit kas
“Tao po,” tawag ng isang lalake mula sa gate nina Ella."Sandali lang!” hiyaw ni Ella.Sino kaya ‘yon? Wala naman akong delivery ngayon. Saka wala naman akong darating na bisita.Dali-daling lumabas si Ella upang tignan kung sino ang tao sa labas. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita kung sino ang lalaking tumatawag.“Delivery po!” nakangiting sabi ni Zander. “Para sa pinaka magandang babae sa buhay ko.” Sabay abot ng tatlong pirasong rose.Namula ng sobra si Ella, ramdam nitong nanginit ang kanyang mga pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi rin mapigilan ni Ellang ngumiti dahil sa kanyang nakita. Naluha na lang si Ella bigla at walang mapaglagyan ng tuwa.Dahil sa naging reaksyon ni Ella, nabahala si Zander. “Oh, bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ni Zander at lumapit kay Ella.Nang makalapit si Zander ay agad naman itong niyakap ni Ella. “Ikaw naman kasi, akala ko kasama mo na ulit si Dennise. Hindi ko na nga maintindihan ‘yung pakiramdam ko,” um
Sumandal si Junel sa hamba ng pinto, pinagmasdan ang natutulog na si Dennise. Suot pa rin nito ang kanyang dress na kanilang nabila sa mall. Korteng korte ang balingkinitang katawan nito sa kanyang damit. Napansin din ni Junel ang kalikutan nito sa pagtugod dahil nakabalunbon sa gilid ang kanyang kumot na kanina’y maayos na nakatikop at kagulong mga unang nakahanay kanina bago n’ya iwan si Dennise sa kwarto. Ang kawawang bata, pagod na pagod.Napapailiing na sabi ni Junel sa kanyang sarili. Hindi maiwasan ni Junel na mapatitig sa kurba ni Dennise at sa hita nitong mapang-akitKaso paano ba ‘yan, ikaw at ako lang ang nandito sa apartment. Pumayag kang mamahinga sa kama ko, akala mo ba walang kapalit ang lahat ng ‘to? Lalake lang pasensya na.Sinara ng marahan ni Junel ang pinto ng kwarto at lumapit sa kama. Naupo muna ito sa gilid ng kama at mas pinagmasdan ang natutulog na si Dennise. Hindi na masama, swerte rin naman sa’yo si Zander. May kakaibang sensasyon na itong nararamdaman n
“Kuya Zandel doon tayo dali!” hiyaw ni Mico sabay hatak kay Zander. Hindi pa man lang nakakababa si Zander ng sasakyan kanina ay sige na ang aya ni Mico sa mga rides na gusto n’yang sakyan kasama ang binata. At nang nakatungtong na sila sa theme park ay wala ng ginawa si Mico kung hindi tumakbo ng tumakbo kasama ang kanyang kakambal na si Mica.“Oo sandali lang, hintayin natin sina ate Mica at ate Ella. Naiiwan na natin sila o,” tugon naman ni Zander.May bigla namang may humikit sa damit ni Zander. “Kuya Zandel, buhat. Ang sakit na ng paa ko,” sabi naman ni Mica habang nakangirit.“Kawawa naman masakit paa,” asar ni Mico sabay dila sa kanyang kakambal.“O tama na ‘yan,” saway ni Zander. “Baka magkapikunan ha.”“Opo,” sabay na sabi ng kambal. Ginulo ni Zander ang buhok ng kambal at tinignan si Mica. “O sige ate Mica, bubuhatin na po kita ha,” paalam ni Zander. “Tapos kuya Mico, hintayin mo kami ni ate Mica. ‘Wag kang takbo ng takbo mapapagod ka n’yan kaagad,” turan ni Zander kay Mico