Sumandal si Junel sa hamba ng pinto, pinagmasdan ang natutulog na si Dennise. Suot pa rin nito ang kanyang dress na kanilang nabila sa mall. Korteng korte ang balingkinitang katawan nito sa kanyang damit. Napansin din ni Junel ang kalikutan nito sa pagtugod dahil nakabalunbon sa gilid ang kanyang kumot na kanina’y maayos na nakatikop at kagulong mga unang nakahanay kanina bago n’ya iwan si Dennise sa kwarto. Ang kawawang bata, pagod na pagod.Napapailiing na sabi ni Junel sa kanyang sarili. Hindi maiwasan ni Junel na mapatitig sa kurba ni Dennise at sa hita nitong mapang-akitKaso paano ba ‘yan, ikaw at ako lang ang nandito sa apartment. Pumayag kang mamahinga sa kama ko, akala mo ba walang kapalit ang lahat ng ‘to? Lalake lang pasensya na.Sinara ng marahan ni Junel ang pinto ng kwarto at lumapit sa kama. Naupo muna ito sa gilid ng kama at mas pinagmasdan ang natutulog na si Dennise. Hindi na masama, swerte rin naman sa’yo si Zander. May kakaibang sensasyon na itong nararamdaman n
“Kuya Zandel doon tayo dali!” hiyaw ni Mico sabay hatak kay Zander. Hindi pa man lang nakakababa si Zander ng sasakyan kanina ay sige na ang aya ni Mico sa mga rides na gusto n’yang sakyan kasama ang binata. At nang nakatungtong na sila sa theme park ay wala ng ginawa si Mico kung hindi tumakbo ng tumakbo kasama ang kanyang kakambal na si Mica.“Oo sandali lang, hintayin natin sina ate Mica at ate Ella. Naiiwan na natin sila o,” tugon naman ni Zander.May bigla namang may humikit sa damit ni Zander. “Kuya Zandel, buhat. Ang sakit na ng paa ko,” sabi naman ni Mica habang nakangirit.“Kawawa naman masakit paa,” asar ni Mico sabay dila sa kanyang kakambal.“O tama na ‘yan,” saway ni Zander. “Baka magkapikunan ha.”“Opo,” sabay na sabi ng kambal. Ginulo ni Zander ang buhok ng kambal at tinignan si Mica. “O sige ate Mica, bubuhatin na po kita ha,” paalam ni Zander. “Tapos kuya Mico, hintayin mo kami ni ate Mica. ‘Wag kang takbo ng takbo mapapagod ka n’yan kaagad,” turan ni Zander kay Mico
“Ano masarap ba?” tanong ni Junel.Nagitla si Dennise ng nagsalita si Junel. “Oo,” maiksing tugon ni Dennise. Tila malalim ang kanyang iniisip at tinititigan lang ang kanyang kinakain.Act normal Dennise, apektado ka pa rin sa nangyari kanina? Relax, kapag nagpaapekto ka ikaw ang talo. Kaya relax Dennise, s’ya dapat ang mahulog sa’yo hindi ikaw.“Ayos ka lang ba talaga? Or hindi mo nagustuhan ang niluto ko?” muling tanong ni Junel. Napansin nito ang pagkabalisa ng kasama.Umayos ng upo si Dennise at tumikhim. “Yes, I’m very sure,” tugon nito. “Ngayon ko lang siguro naramdaman ‘yung pagod ko galing sa duty. Pagod lang ‘to nothing to worry about.”“Ganoon ba, kaya nga tinatanong kita kanina kung talagang kaya mo lumabas kahit wala ka pang tulog hindi ba? Pero mukhang nag-enjoy ka naman sa pag-mall natin kaya akala ko full of energy ka pa,” sabi ni Junel. “Magpahinga ka na lang ulit mamaya or kung gusto mo pang magpahinga, feel free.”Pilit na tinatago ni Dennise ang kilig na kanyang nar
“Yehey kakain na!” hiyaw ni Mico. Nagniningning ang mga mata nito dahil sa pagkaing nasa kanyang harapan.Susubo na sana ito ng pagkain ng bigla itong pinigilan ng kanyang kakambal na si Mica.“Shhh! Quiet! Nasa harap tayo ng food. At saka mag-pray muna tayo bago kumain,” saway naman ng kanynag kakambal na si Mica.“Okay po,” sabi ni Mico at sabay na nagdasal ang dalawa.Hindi napigilang tumawa ni Zander habang tinitignan ang kambal. Sadyang magkakontrapelo ang kambal ngunit may pagmamahal sa isa’t isa.Hapon na at naisipan nilang kumain sa isang restaurant sa loob ng theme park. Pagod na rin si Manang Mirna at nakakaramdam na ng gutom ang kambal. Maganang kumain si Mico at halatang nagutom kakatakbo at kakahiyaw samatalang marahan at pinis ang kilos ni Mica habang kumakain. Ngunit sa kabila nito ay panay ang saway nito sa kakambal na ‘wag maingay habang kumaikian. At dahil dito ay nag-uumpisa na naman silang magtalo.“Ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa! Hindi ba pwed
“Good morning!” masayang bati ni Zander kay Ella. Kapapasok pa lang nito ng opisina at dumiretso kaagad sa pwesto ng dalaga.Isang normal na araw sa opisina, ingay ng keyboard, printer at yabag ng mga naglalakad na tao. Tahimik na nakaupo si Ella sa kanyang mesa at hindi man lang tinignan ang binata, tuloy lang sa kanyang ginagawa na tila walang narinig.“Heto nga pala, have a nice day. Pupunta na ako sa mesa ko,” wika ni Zander at may nilapag na paper bag sa mesa ng dalaga. Nagtungo na ito sa katabing mesa ni Ella at naupo, ngunit ang mata ni Zander ay nakatingin pa rin sa dalaga. Tuloy lang si Ella sa kanyang ginagawa at hindi pinapansin ang paper bag.Nako, may toyo na naman ‘ata si Miss Tan. Hindi na naman mangiti! ‘Wag kang mag-alala Miss Tan, kapag nakita mo ang laman ng paper bag sigurado ako abot tenga ang magiging ngiti mo.Kinuha ni Zander ang kanyang cellphone at nagsimulang mag-type. “Hey, Miss Tan. Smile ka naman, para ganahan ako mag-work. I love you! Silipin mo lang ‘
Sinundan lang ng tingin ni Dennise ang dalaga.Pahakbang na sana si Ella upang lagpasan si Zander ng biglang nagsalita ang binata, “Pero hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo?” sambit ni Zander upang pigilan ang dalagang umalis.Hindi lang ito pinansin ni Ella at dirediretso sa paglalakad.“Bakit ba inaalala mo pa s’ya? At bakit kayo magkasamang mag-dinner? Akala ko ba overtime? Ano, sa kanya ka ba nag-overtime? Overtime over a dinner date?” dirediretsong sabi ni Dennise.Patuloy lang sa paglalakad si Ella at nauuliligan ang matatalim na salitang sinasabi ni Dennise kay Zander. Papalapit na ito sa pinto ng kainan, hindi na nito nagawang lingon ang kinaroroonan ng binata. Nanlalabo na ang mga mata ni Ella katagalan, tila nagtitipon na ang mga luha sa kanyang mga mata. Ano mang sandali ay nagbabadya na silang tumulo sa mga mata ng dalaga. Pagkalabas na pagkalabas nito ng kainan ay nanginginig ang mga tuhod ng dalaga at hindi na makahakbang pa. Napayuko ang dalaga, pinilit nitong pumunt
“Maiba ako anong balak mo kay Dennise? Mukhang obsses na ‘ata sa’yo ‘yon! Ano bang ginawa mo roon at hindi ka na tinigilan?” tanong ni Baron. “O kaya, baka si Dennise talaga ‘yung babaeng para sa’yo!”“Sira ulo ka ba? Nako, kung s’ya rin lang, magpapakatandang binata na ako.” Biglang napaisip si Junel sa sinabi ni Baron. “Teka, paano mo nalaman? Wala naman akong nakwekwento sa’yo tungkol kay Dennise?” pagtataka ni Junel.Natawa si Baron at ngumisi. “Ilang beses ko na kasing nasusulyapan ‘yang cellphone mo na may text ni Dennise, may hide content na feature ang cellphone pwede paki gamit. Tapos nakikita namin kayong magkasama, medyo madalas tapos clingy s’ya masyado sa’yo. Mga ganoong bagay ba?”“Namin? Sinong namin?'“ usisa ni Junel.“Kami ni Anica! Lately kasi, palagi n’ya akong inaayang kumain kung saan saan. Ang weird nga kasi kakaiba ang mga trip n’yang pagkain, tapos hindi naman n’ya kinakain. Ako palagi ang pinapakian n’ya, pero anyways, ayon nga nakikita namin kayo. Kaso si Ani
“Kumain naman tayo sa labas!” aya ni Anica sa apat n’yang kaibigan.“Oh, baka kung saang weird na restaurant mo naman kami dadalhin! Tumataba na ako Anica sa ginagawa mo sa akin ha!” angal ni Baron.“Parang gusto ko kasing kumain ng mga inihaw! Lalo na ‘yung sunog na barbecue! ‘Yung mapait-pait pa!” wika ni Anica.Napatingin si Ella sa kanyang relo, maaga pa naman at malapit na ang oras ng uwian. “Sige, mamaya ko pa naman susunduin si mama.”Napalingon ang lahat sa sinabi ni Ella.“Talaga! Yehey!” Napatalon si Anica mula sa kanyang pwesto at niyakap ang kaibigan. “Super saya ko! Nako.”“Oy! Dahan dahan ka lang naman kumilos!” pabulong na sinaway ni Ella si Anica sa kanyang magagaslaw na pagkilos.“Opo, na-excite lang ako, sorry na,” wika ni Anica at kumalas na sa pagkakayakap kay Ella.“Dala ko naman ‘yung sasakyan ko, doon na lang tayo gusto mo?” alok ni Ella kay Anica.Tumango tango naman si Anica at halatang nasasabik sa kanilang paglabas.“Sige, dala ko naman ‘yung motor ni Anica,