“Maiba ako anong balak mo kay Dennise? Mukhang obsses na ‘ata sa’yo ‘yon! Ano bang ginawa mo roon at hindi ka na tinigilan?” tanong ni Baron. “O kaya, baka si Dennise talaga ‘yung babaeng para sa’yo!”“Sira ulo ka ba? Nako, kung s’ya rin lang, magpapakatandang binata na ako.” Biglang napaisip si Junel sa sinabi ni Baron. “Teka, paano mo nalaman? Wala naman akong nakwekwento sa’yo tungkol kay Dennise?” pagtataka ni Junel.Natawa si Baron at ngumisi. “Ilang beses ko na kasing nasusulyapan ‘yang cellphone mo na may text ni Dennise, may hide content na feature ang cellphone pwede paki gamit. Tapos nakikita namin kayong magkasama, medyo madalas tapos clingy s’ya masyado sa’yo. Mga ganoong bagay ba?”“Namin? Sinong namin?'“ usisa ni Junel.“Kami ni Anica! Lately kasi, palagi n’ya akong inaayang kumain kung saan saan. Ang weird nga kasi kakaiba ang mga trip n’yang pagkain, tapos hindi naman n’ya kinakain. Ako palagi ang pinapakian n’ya, pero anyways, ayon nga nakikita namin kayo. Kaso si Ani
“Kumain naman tayo sa labas!” aya ni Anica sa apat n’yang kaibigan.“Oh, baka kung saang weird na restaurant mo naman kami dadalhin! Tumataba na ako Anica sa ginagawa mo sa akin ha!” angal ni Baron.“Parang gusto ko kasing kumain ng mga inihaw! Lalo na ‘yung sunog na barbecue! ‘Yung mapait-pait pa!” wika ni Anica.Napatingin si Ella sa kanyang relo, maaga pa naman at malapit na ang oras ng uwian. “Sige, mamaya ko pa naman susunduin si mama.”Napalingon ang lahat sa sinabi ni Ella.“Talaga! Yehey!” Napatalon si Anica mula sa kanyang pwesto at niyakap ang kaibigan. “Super saya ko! Nako.”“Oy! Dahan dahan ka lang naman kumilos!” pabulong na sinaway ni Ella si Anica sa kanyang magagaslaw na pagkilos.“Opo, na-excite lang ako, sorry na,” wika ni Anica at kumalas na sa pagkakayakap kay Ella.“Dala ko naman ‘yung sasakyan ko, doon na lang tayo gusto mo?” alok ni Ella kay Anica.Tumango tango naman si Anica at halatang nasasabik sa kanilang paglabas.“Sige, dala ko naman ‘yung motor ni Anica,
“Mag-order na kaya tayo habang hinihintay natin sila,” sabi ni Ella kay Anica. Pansin ni Ellang panay na ang buntong hininga ni Anica at natatakam na sa mga pagkaing bitbit ng waiter na dumadaan sa kanilang harapan.“Sige, mukhang nahirapan silang kumuha ng pagpaparadahan. Nagugutom na rin kami,” sabi ni Anica hawak hawak ang kanyang tyan.“Kayong dalawa talaga, sige order na tayo.” Kumaway si Ella upang tumawag ng waiter. Agad namang nilapitan ng waiter ang magkaibigan at nagsimula na silang magsabi ng kanilang order.Ilang sandali pa at natapos na rin ang dalawa na s’ya namang dating ni Zander. “Sasalubungin ko lang si Zander baka hindi tayo makita,” ani ni Ella kay Anica.Nililibot rin kasi ng binata ang kanyang mga mata upang hinapin ang dalawa. May kakapalan ang tao sa kainan, palibhasa ay malapit ito sa General Hospital kaya ito ang puntahan ng mga empliyado ng ospital.“Sige,” tugon ni Anica.Sinalubong ni Ella si Zander at dinala sa kanilang pwesto. Naupo si Ella sa katapat
“Dennise, baka naman matunaw na si Junel sa pagtitig mo!” sita ni Trisha.Humarap si Dennise kay Trisha na may nanglilisik na mga mata. “Could you please shut up! Alam mo wala ng magandang nangyari sa araw ko, tapos dadagdag pa ‘to! Hawak hawak n’ya kanina ang cellphone n’ya, hindi ko maintindihan kung bakit ni isang reply hindi n’ya magawa.” “Girlfriend lang ang peg? Baka walang load, pasahan mo kaya?” pabirong sabi ni Trisha.Napahalukipkip si Dennise at tinaasan ng kilay si Trisha. “Hindi ako kasing cheap tulad mo.” Tinignan nito si Trisha na may panghuhsga. “Kung ikaw nagagawa mo ‘yan sa mga kalandian mo pwes ako hindi. Never!” mataray na sabi ni Dennise.Nagulat si Trisha sa sinabi ni Dennise. “Oy, sumosobra ka na ha.” Nanlaki ang mga mata nito at dinuro si Dennise. “Namemersonal ka na masyado, real talk pala ha! Pwes, madadala ka sa akin.” Umayos ito ng upo at tinaasan din ng kilay si Dennise. “Ikaw Dennise, akala mo kung makaasta ka, humaling na humaling sa’yo ang lahat ng lal
Nakamasid lang si Anica sa mga kaganapan sa kanyang harapan. Pakiramdam nito ay s’ya ang inaaway ni Dennise at nakaramdam ng matinding takot. “Ba—-Baron,” tawag ni Anica kay Baron. Napakapit din ito sa kay Baron at nanginginig sa takot.Paglingon ni Baron ay maluhaluha na si Anica at namumutla ang mukha. “Anica bakit?” Mas lumapit si Baron kay Anica.Biglang sumakit ang tyan ni Anica at humigpit ang kanyang hawak kay Baron. “A—-Aray ko,” wika nito. “Ang tyan ko, a—-aray!” daing ni Anica at napahawak pa ito sa kanyang tyan sa sobrang sakit.“Bakit! Anong nangyayari sa’yo?” tarantang tanong ni Baron. “Saan masakit?”“Ang sakit ng tyan ko, Baron,” inda ni Anica, namimilipit na ito sa sakit at hindi na makaupo ng ayos.Narinig ito ni Ella at agad na lumapit kay Anica.“Saan masakit?” tanong ni Ella. Kahit naginginig pa ito sa takot ay nagawa nitong alalayan ang kaibigan.“Ella si baby, Ella,” umiiyak na sabi ni Anica. “Ang baby ko.”Narinig ni Baron ang mga sinabi ni Anica kay Ella.“Hin
Sa ospital, mahimbing na natutulog sa kama si Anica. Nasa sofa naman si Baron at nakatanaw lang kay Anica. Wala itong lakas ng loob lumapit o hawakan man lang si Anica. Hindi parin ito makapaniwala na buntis ang kanyang kaibigan at malaki ang posibilidad na s’ya ang ama ng dinadala nito.Bagamat magkaibigan at may malalim ng ugnayan ang dalawa, higit sa magkaibigan ngunit hindi magka-ibigan, ay hindi pa handa si Baron sa responsibilidad. Ni sa hinagap ay hindi nito naisip na magkakaroon na s’ya ng anak. Kung s’ya man ang ama ng bata. Ngunit sa kabilang banda, kung hindi man s’ya ang ama ng bata ay lubos naman s’yang masasaktan dahil hindi man sila ni Anica ay may ibang lalake pa pala si Anica bukod sa kanya. Isang relasyong kumplikado at magulo.Samantalang si Ella naman ay nakalapit kay Anica mula ng nakalipat ito sa kwarto. Hawak ang kamay ng kaibigan at hinhintay ay paggising nito. Nakatitig lang ito sa mukha ng kanyang kaibigan at lubos na nag-aalala. Bumili naman ng makakain si
“Nako si mama pala, nawala na sa isip ko so mama,” wika ni Ella habang naglalakad.“Ako na lang ang susundo sa mama mo, sa bahay naman ng kambal s’ya susunduin hindi ba?” tanong ni Zander.“Sigurado ka? Pwede namang si Junel ang sumundo kay mama, alam din naman n’ya kung saan ang bahay namin sa village,” ani ni Ella.Nasa tapat na ng vendo machine ang dalawa para kumuha ng kape. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi, ngunit ramdam na nilang lahat ang antok at hayo dahil sa mga nangyari. Lalo na sa mukha ni Ella, hindi man nito aminin ay bakas na sa kanyang ang pagod, dagdagan pa ng hindi magandang pakiramdam na kanyang iniinda.“Miss Tan.” Hinawakan nito ang pisngi ng dalaga. “Mas kaylangan kayo ngayon ni ate Anica, lalo na si kuya Baron. Nang nalaman n’ya ‘yung sitwasyin ni ate Anica, tinanong n’ya ako kung alam ko raw ba ‘yon. Sabi ko wala akong alam. Wala naman talaga akong alam, pero nakita ko sa itsura n’ya na naguguluhan pa s’ya sa mga nangyayari. Kayo lang ang makakatulong kay
“Ella, tama na ‘yan,” pakiusap ni Michelle sa kanyang anak. “‘Wag ka ng sumabay anak, humingi ka ng tawad sa papa mo. Hindi tama ‘yang ginawa mo, pati—-.” Napatingin si Michelle kay Yvonne na kalapit ng kanyang anak. “Sa stepmom mo.” mahinang sabi nito. Hindi na napigilan ni Ellang hindi mainis sa kanyang sariling ina. Napangisi ito bago magsalita, “Ma, ano mas kakampihan mo pa ‘yang Leo na ‘yan?” singhal na sabi ni Ella. “Ma, paano naman ako? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi n’ya tungkol sa akin? Ma naman!” Bumaling ng tingin si Ella kay Yvonne. Tinignan ng dalaga si Yvonne mula ulo hanggang paa at saka sinamaan ng tingin. “Ma, naiintindihan ko kung bakit kaylangan kong humingi ng tawad kay Leo pero sa babaeng ‘yan! D’yan sa Yvonne na ‘yan! Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa kanya!”“Tatay mo pa rin si Leo, matuto kang igalang s’ya!” sambit nito sa kanayang anak. “Pati ‘yang si Yvonne, gu—gumalang ka sa matanda.”Napaismid na lang si Ella at bumuntong hininga. Ma, ano ba! Paan