“Dennise, baka naman matunaw na si Junel sa pagtitig mo!” sita ni Trisha.Humarap si Dennise kay Trisha na may nanglilisik na mga mata. “Could you please shut up! Alam mo wala ng magandang nangyari sa araw ko, tapos dadagdag pa ‘to! Hawak hawak n’ya kanina ang cellphone n’ya, hindi ko maintindihan kung bakit ni isang reply hindi n’ya magawa.” “Girlfriend lang ang peg? Baka walang load, pasahan mo kaya?” pabirong sabi ni Trisha.Napahalukipkip si Dennise at tinaasan ng kilay si Trisha. “Hindi ako kasing cheap tulad mo.” Tinignan nito si Trisha na may panghuhsga. “Kung ikaw nagagawa mo ‘yan sa mga kalandian mo pwes ako hindi. Never!” mataray na sabi ni Dennise.Nagulat si Trisha sa sinabi ni Dennise. “Oy, sumosobra ka na ha.” Nanlaki ang mga mata nito at dinuro si Dennise. “Namemersonal ka na masyado, real talk pala ha! Pwes, madadala ka sa akin.” Umayos ito ng upo at tinaasan din ng kilay si Dennise. “Ikaw Dennise, akala mo kung makaasta ka, humaling na humaling sa’yo ang lahat ng lal
Nakamasid lang si Anica sa mga kaganapan sa kanyang harapan. Pakiramdam nito ay s’ya ang inaaway ni Dennise at nakaramdam ng matinding takot. “Ba—-Baron,” tawag ni Anica kay Baron. Napakapit din ito sa kay Baron at nanginginig sa takot.Paglingon ni Baron ay maluhaluha na si Anica at namumutla ang mukha. “Anica bakit?” Mas lumapit si Baron kay Anica.Biglang sumakit ang tyan ni Anica at humigpit ang kanyang hawak kay Baron. “A—-Aray ko,” wika nito. “Ang tyan ko, a—-aray!” daing ni Anica at napahawak pa ito sa kanyang tyan sa sobrang sakit.“Bakit! Anong nangyayari sa’yo?” tarantang tanong ni Baron. “Saan masakit?”“Ang sakit ng tyan ko, Baron,” inda ni Anica, namimilipit na ito sa sakit at hindi na makaupo ng ayos.Narinig ito ni Ella at agad na lumapit kay Anica.“Saan masakit?” tanong ni Ella. Kahit naginginig pa ito sa takot ay nagawa nitong alalayan ang kaibigan.“Ella si baby, Ella,” umiiyak na sabi ni Anica. “Ang baby ko.”Narinig ni Baron ang mga sinabi ni Anica kay Ella.“Hin
Sa ospital, mahimbing na natutulog sa kama si Anica. Nasa sofa naman si Baron at nakatanaw lang kay Anica. Wala itong lakas ng loob lumapit o hawakan man lang si Anica. Hindi parin ito makapaniwala na buntis ang kanyang kaibigan at malaki ang posibilidad na s’ya ang ama ng dinadala nito.Bagamat magkaibigan at may malalim ng ugnayan ang dalawa, higit sa magkaibigan ngunit hindi magka-ibigan, ay hindi pa handa si Baron sa responsibilidad. Ni sa hinagap ay hindi nito naisip na magkakaroon na s’ya ng anak. Kung s’ya man ang ama ng bata. Ngunit sa kabilang banda, kung hindi man s’ya ang ama ng bata ay lubos naman s’yang masasaktan dahil hindi man sila ni Anica ay may ibang lalake pa pala si Anica bukod sa kanya. Isang relasyong kumplikado at magulo.Samantalang si Ella naman ay nakalapit kay Anica mula ng nakalipat ito sa kwarto. Hawak ang kamay ng kaibigan at hinhintay ay paggising nito. Nakatitig lang ito sa mukha ng kanyang kaibigan at lubos na nag-aalala. Bumili naman ng makakain si
“Nako si mama pala, nawala na sa isip ko so mama,” wika ni Ella habang naglalakad.“Ako na lang ang susundo sa mama mo, sa bahay naman ng kambal s’ya susunduin hindi ba?” tanong ni Zander.“Sigurado ka? Pwede namang si Junel ang sumundo kay mama, alam din naman n’ya kung saan ang bahay namin sa village,” ani ni Ella.Nasa tapat na ng vendo machine ang dalawa para kumuha ng kape. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi, ngunit ramdam na nilang lahat ang antok at hayo dahil sa mga nangyari. Lalo na sa mukha ni Ella, hindi man nito aminin ay bakas na sa kanyang ang pagod, dagdagan pa ng hindi magandang pakiramdam na kanyang iniinda.“Miss Tan.” Hinawakan nito ang pisngi ng dalaga. “Mas kaylangan kayo ngayon ni ate Anica, lalo na si kuya Baron. Nang nalaman n’ya ‘yung sitwasyin ni ate Anica, tinanong n’ya ako kung alam ko raw ba ‘yon. Sabi ko wala akong alam. Wala naman talaga akong alam, pero nakita ko sa itsura n’ya na naguguluhan pa s’ya sa mga nangyayari. Kayo lang ang makakatulong kay
“Ella, tama na ‘yan,” pakiusap ni Michelle sa kanyang anak. “‘Wag ka ng sumabay anak, humingi ka ng tawad sa papa mo. Hindi tama ‘yang ginawa mo, pati—-.” Napatingin si Michelle kay Yvonne na kalapit ng kanyang anak. “Sa stepmom mo.” mahinang sabi nito. Hindi na napigilan ni Ellang hindi mainis sa kanyang sariling ina. Napangisi ito bago magsalita, “Ma, ano mas kakampihan mo pa ‘yang Leo na ‘yan?” singhal na sabi ni Ella. “Ma, paano naman ako? Hindi mo ba narinig ang mga sinabi n’ya tungkol sa akin? Ma naman!” Bumaling ng tingin si Ella kay Yvonne. Tinignan ng dalaga si Yvonne mula ulo hanggang paa at saka sinamaan ng tingin. “Ma, naiintindihan ko kung bakit kaylangan kong humingi ng tawad kay Leo pero sa babaeng ‘yan! D’yan sa Yvonne na ‘yan! Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa kanya!”“Tatay mo pa rin si Leo, matuto kang igalang s’ya!” sambit nito sa kanayang anak. “Pati ‘yang si Yvonne, gu—gumalang ka sa matanda.”Napaismid na lang si Ella at bumuntong hininga. Ma, ano ba! Paan
Lumipas ang magdamag at nakalabas na rin si Anica sa ospital. Mula ng gabing ‘yon ay hindi pa muling nagpapakita si Baron sa magkakaibigan. Nag-aalala man sina Ella ay hindi naman ito sumasagot sa kanyang mga tawag.“Hindi ba pumasok si Baron kanina?” tanong ni Ella kay Zander.“Hindi nga e, hinahanap nga rin s’ya ni Mr. Villanueva. Sabi ni kuya Junel nagka-emergency daw kaya ilang araw s’yang hindi makakapasok,” tugon ni Zander. “Panay nga rin ang kamusta ko sa kanya pero hindi s’ya nagre-reply.”“Ganoon ba,” wika ni Ella, bakas sa mukha ng dalaga ang pag-aalala para sa kaibigan. “E ikaw kamusta, hindi ka ba nahirapan? Puyat at siguradong pagod ka, sinamahan mo kasi kami magdamag sa ospital tapos diretso pasok sa trabaho kaninang umaga. Tapos heto kasama ka pa namin hanggang pag-uwi,” nag-aalalang tanong ni Ella.“Ako pa ba? Wala sa akin ‘to, wala naman akong gaanong deadline at advance ang mga reports ko kaya hindi ako nahirapan kanina,” nakangiting sabi ni Zander. “Miss Tan si—-.”
“See, I told you, ako pa rin ang pipiliin n’ya,” pagmamayabang ni Dennise ng makita si Zander. “Plinaplano ko pa lang, heto na s’ya. I knew it, hindi n’ya ako kayang tiisin at kami pa rin sa huli.” Abot tenga ang ngiti nito. Bigla nitong ginulo ang kanyang buhok at kinusok ng matindi ang mga mata upang mamula. “Ano maayos ba ang itsura ko? Mukha na bang devastated at malungkot?” Humibi ito at mas kinusot pa ang mga mata.Tinignan ito ni Trisha na tila nangdidiri. “Okay ka lang? Maayos tapos mukhang devastated? Nabuang ka na talaga girl!”“Ano nga! Dali!” Malapit na rin kasi si Zander sa kinaroroonan ng dalawa.“Okay fine, oo. Mukha ka ng devastated!” pabalang na sabi ni Trisha at pinagmasdan lang si Zander habang papalapit sa kanilang dalawa.Malala na itong si Dennise, hindi ako magtataka kung magpapa-rehab ‘to in the future o madadala sa mental. Sakit mo sa bangs!Kasalukuyang nakatayo sa waiting shed ang dalawa upang mag-abang ng jeep na masasakyan pauwi. Nang nakalapit na ito sa
“D—-Dennise,'“ ani ni Trisha, nakaramdam ng pagkahabag si Trisha sa ginagawa ni Dennise na pagmamakaawa kay Zander.Hindi akalain ni Trisha na magagawa ito ni Dennise ‘wag lang ituloy ni Zander ang pakikipaghiwalay sa kanya. Subalit sa kabilang banda ang pagiging maldita ni Trisha ay hindi nawawala. Alam n’yang nararapat lang ito kay Dennise upang madala at magsilbing aral sa kanyang ginagwa kay Zander.Lalapitan sana ito ni Trisha upang pakalmahin ngunit nagalit pa sa kanya si Dennise at tinabig ang kanyang kamay na hahawak sana sa kanyang balikat.“‘Wag kang mangi-alam dito!” galit na sabi ni Dennise. “Hindi kita kaylangan!”Hindi nagustuhan ni Zander ang naging asta ni Dennise. “Dennise!” sambit Zander na may mataas na tono.Hindi lang pinansin ni Dennise ang pagsaway sa kanya ng binata.“O—-Okay lang ako Zander,'“ nahihiyang sambit nito. “So—-Sorry, sige nandito lang ako,” ‘yon na lang ang nasabi ni Trisha at umatras ng bahagya.Pasalamat ka nandito si Zander kung hindi ay nako, s
“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung
“Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano
Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin
“Pa—-paanong maging ako? Hindi kita maintindihan,” sambit ni Ella.Tumango si Dennise. “Oo, paano maging ikaw. Naisip ko kasi na baka pag ginaya kita, balikan ako ni Zander.”Nang marinig ni Ella ang dahilan ni Dennise, magkahalong awa at inis na ang kanyang naramdaman. Umaasa itong hindi humantong ang kanilang usapan sa pagtatalo.“Alam mo ‘yon, kung paano ka magsalita, kumilos, lahat. Parang magiging ikaw ako,” natatawa nitong sabi subalit kitang kita sa kanyang mga mata na seryoso s’ya sa kanyang mga sinasabi. “Hi—-Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong baguhin sa sarili ko. Pagkatapos makipaghiwalay sa akin ni Zander, hindi ko alam kung anong nagustuhan n’ya sa’yo. Akala ko kuntento na si Zander sa kung ano ako, siguro na over look ko o nakalimutan kong baka sa paglipas ng panahon nabago na rin ang tipo n’ya sa babae. Sana tulungan mo ako.” Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga. “Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulang magbago para gayahin. Sa palagay mo? Sa itsura? Pananal
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba,” sabi ng guard. “Sino raw po?” tanong ni Ella sa guwardya. Nakaramdam ng biglang pagkabog ng dibdib si Ella, wala namang inaasahang bisita o ka-meeting ang dalaga sa araw na ito. Kaya nagtataka ito kung sino ang tinutukoy ng guwardya. “Dennise Moralez po,” sabi ng guard. Pagkarinig ni Ella sa pangalan ay tila nangilabot ang kanyang buong katawan at namutla bigla. Anong ginagawa n’ya rito? “Ma’am ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng guard, napansin kasi nito ang pamumutla ng dalaga. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Ella. Napatulala ito ng ilang sandali. “Ma’am?”tawag ng guwardya sa dalaga. “Papapasukin ko po ba?” tanong nito. Bumalik na sa ulirat si Ella nang mauliligan ang tanong ng guwardya. “Po.” Hinawi n’ya ang kanyang buhok at umayos tindig. “Ayos lang po ako. Ano po si—sige po papasukin n’yo po si Dennise. Kilala ko po s’ya. Ganito na lang po, paki sabi na lang po na bababa na rin po ako. May gagawin lang po ako s
Pagpasok ni Ella sa bahay ay bumungad sa kanyang paningin si Anica. “Si mama?” tanong ni Ella kay Anica. Kakauwi lang ng dalaga galing trabaho. Kasalukuyan namang nanunuod ng T.V habang kumakain ng pandisal na tustado si Anica. “Baby, nandito na si ninang mommy. Nako, Anica nakailang init ka ‘ata d’yan sa pandisal mo! Tignan mo nangingitim na oh."”“E bakit ba masarap kaya, gusto mo?” alok ni Anica.Umiling lang si Ella at nawiwirduhan na sa kilos ng kanyang kaibigan.“Ay tita pala nasa kusina, nagluluto na ng hapunan,” tugon ni Anica.“Sige,” sabi ni Ella. “Ayaw mo talaga? Masarap, tapos may palaman na coco jam,” muling alok ni Anica.“Hindi sige enjoy lang sa pagkain,” pagtanggi ni Ella at napailaing na lang.Pagkarating nito sa kusina ay nakita n’ya ang kanyang inang abala sa paghihiwa ng karne.“Ma, ka—kaylangan n’yo po ba ng tulong?” bungad ni Ella sa kanyang ina.Napalingon si Michelle at nakita ang kanyang anak. “O, nandito ka na pala, ang aga mo ‘ata,” inihinto muna ang kanya