Home / Romance / My Ella / Chapter 15

Share

Chapter 15

"Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. 

Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella.

"O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.

Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. 

Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.

Nilibot ng binata ang kanyang mata.

Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado talaga s'yang masinop sa gamit, ang galing, kahit sa opisina ganito rin s'ya.

Hinintay lang ni Zander si Ella sa may sala. Pinagmamasdan lang nito ang mga muwebles at ilang mga litratong naka display sa entrada ng sala.

Ang cute ni Miss Tan. Kaso mula pagkabata, lagi s'yang nakasimangot? Wala man lang s'yang kuhang abot tenga ang ngiti? Laging formal, wala man lang waky. Sayang ang cute cute pa naman n'ya. 

Biglang naalala ni Zander ang unang beses n'yang makita si Ellang ngumiti. Noong binigyan n'ya ito ng peanut butter, para tuloy may mga paru-paru na naman sa kanyang sikmura na gustong kumawala. Gumihit rin ang ngiti sa kanyang labi at kilig na kilig. Nagunita n'ya rin sa kanyang alala ang ngiti ng dalaga noong sila ay sa ihawang dalawa.

Para naman akong timang nito! Oy Zander, tama na ang kilig. Kaylangan mong bumawi kay Miss Tan, paano ba. Ay tama! Sasarapan ko ang timpla ko ng sawsawan, tapos 'yung chicken neck at pwet ng manok titimplahan ko pa. Tignan ko lang kung hindi ko ulit makita ang mga ngiti ni Miss Tan.

Nasasabik si Zander sa kanyang naiisip upang makabawi s'ya sa dalaga.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Ella.

"Ba't hindi ka maupo?" sita ni Ella sa binata.

"Ah! E, wala lang ate tinitignan ko lang 'to. Ate, ano pala, saan ang kusina mo?" tanong ng binata.

"Diretso tapos kanan," tugon ng dalaga. 

"Dadalhin ko lang 'tong mga 'to," sabi naman ni Zander.

Tumango lang si Ella at naupo sa sofa. Dumiretso ng kusina si Zander bitbit ang kanilang mga pinamili. 

Mag-9 na ng gabi at abalang hinahanda ni Zander ang mga inihaw at alak na kanilang pinamili. Hindi nagtagal ay nagtungo ng kusina si Ella upang tignan ang ginagawa ng binata.

Sumandal ito sa pader hindi kalayuan sa kinatatayuan ni Zander at tahimik itong pinagmasadan. Abalang naghihiwa si Zander ng sibuyas para sa sawsawan at may pagkanta pang nalalaman.

Ano kayang ginagawa ng batang 'to. Ang bango naman, nagugutom tuloy ako. Parang adobo, tamang tama may bahaw pa ako d'yan.

"Aray!" ani ni Zander kaya natigilan si Ella. "May sugat nga pala ako! Hapdi!" d***g nito at sabay talon dahil sa sakit. Pag baling nito ay nakita ni Zander si Ellang nakasandal sa pader, nakatitig sa kanya.

"A---Ate ano, nangialam na ako ng kusina mo," gulat na sabi nito habang hawak ang kanyang kamay.

Hindi lang ito pinansin ni Ella at kinuha ang bandehadong inihanda ni Zander na pinaglagyan ng mga inihaw.

Ano 'yon? Ay back to business na nga lang, hindi ka na nasanay kay Miss Tan.

Pinagpatuloy na lang ni Zander ang kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa at bumalik na si Ella, may dala itong gwantes at band aid. "Ihinto mo muna 'yan," utos ni Ella.

Agad namang binitawan ni Zander ang kutsilyo, hinawakan ni Ella ang kamay nito at itinapat sa lababo. Tinanggal ang nakadikit na band aid at hinugasan ang kamay ng binata. Walang imik na ginagawa ito ni Ella. Kinagat na lang ni Zander ang kanyang mga labi upang hindi makapagsalita dahil sa pagkirot ng kanyang sugat. Napansin kasi nitong mentras pinupuna n'ya ang ginagawa sa kanya ni Ella ay hininto n'ya ito. Para tuloy s'yang batang hinuhugasan ng kamay ng kanyang nakakatandang kapatid.

Matapos ay pinunasan ni Ella ang mga kamay ng binata hanggang matuyo at nilagyan ng band aid ang sugat. "Oh, suotin mo. Sa sala na lang tayo," sabi nito at inilapag sa harapan ni Zander ang mga gwantes. Nagbitbit muli ito ng ilang bote ng alak at nagtungo na sa sala.

"Ate! Salamat," nakangiting sabi ni Zander habang nakatingin sa likod ni Ella. Tapos ay pinapatuloy ang kanyang ginagawa.

Napahinto sandali si Ella sa paglalakad.

Parang sira 'tong si Zander.

Napailing na lang si Ella. Hindi nito namalayang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi at nagtungo na muli sa sala.

Ano 'yon ang bango talaga, nakakagutom. Teka nasaan 'yung pwet ng manok ko? Hala! Nako pinaasa lang ata ako ni Zander! Nako naman, nagbitbit pa naman ako ng kanin tapos 'yung gusto ko wala.

Busangot na si Ella dahil sa pagkadismaya. Kinalkal na n'ya ang bandehadong lalagayan hanggnag kailaliman ngunit ni isang pirasong pwet ng manok ay wala s'yang nasilayan.

"Pasenya na po, natagalan. Naghanap pa kasi ako ng mangkok." Natigilan si Zander sa pagsasalita ng makita si Ellang nakasimangot. "'Te bakit?" tanong nito.

Tinignan ng nakasulimpat ni Ella ang binata. Subalit biglang nawala ang simangot nitong mukha ng makita ang laman ng mangkok na inilapag ni Zander sa kanyang harapan.

"'Yung pwet ng manok!" ngiting ngiting sabi ni Ella, walang kaabog-abog na kumuha si Ella at inilagay sa kanyang kanin. Inamoy pa n'ya ito bago sumubo. "Ang sarap!" mahinang sabi nito matapos matikman ang luto ng binata. Binitawan pa nito ang kobyertos na kanyang hawak at hindi na nagatubiling nagkamay. Kita mo sa bawat subo ni Ella ang galak kahit mainit ang ulam na kanyang kinakain.

Pinagmamasdan lang ito ni Zander. Minabuti nitong hindi magsalita ng hindi bawiin ni Ella ang kanyang mga ngiti at ibalik ang pagsusungit.

Sana Miss Tan palagi kitang makitang ganyan. Mabuti naman at nagustuhan mo ang luto ko. 'Wag kang mag-alala mauulitan ka sa akin.

"Ayon, kaya naman pala nagkakaganyan ka. Sino bang may kasalanan?" pangaral ni Baron kay Junel. "Malamang ikaw hindi ako. May sarili akong problema at hindi si Ella 'yon."

Kalahating case na ang kanilang nauubos at mukhag hihirit pa si Junel dahil sa sama ng loob.

"Oo na, kasalanan ko na, ako na! Ang t*ng*ng napakawala ng pagkakataon! Hindi lang ngayon maraming beses na," d***g ni Junel.

"Tapos nang makita mo si Ella na may kasamang iba, ano magseselos ka? Magkakaganyan ka? Idadaing mo lahat sa akin. Ano ba Junel, malapit ko ng i-record ang mga pangaral ko sa'yo. Para next time na magkakaganyan ka, i-play ko nalang," pagpapatuloy ni Baron sa kanyang sermon sa kaibigan.

"Baron, alam mo namang---,"

"Hindi pwede, kasi magkaibigan kayo? Kasi hindi ka pa handa at ayaw mo s'yang saktan? Kasi ayaw mong ikaw ang maging dahilan ng pagluha n'ya. Hindi mo kayang panindigan seryosong relasyon. Hindi ka pa handang mag-settle sa isa," dugtong ni Baron sa dapat ay sasabihin ni Junel. 

Tagos sa puso ni Junel ang mga sinabi ni Baron. Naiinis na ito sa kanyang kausap, dala na rin ng iplewensya ng alak ay hindi nito mapigilang hindi mapikon sa mga nasambit ng kasama. Sumama ang tingin ni Junel kay Baron at akmang susuntukin ito sa inis.

Umiling si Baron at tinitigan ng seryoso si Junel. "Junel, kahit basagin mo ang mukha ko ngayon, walang mangyayari. Bakit nasasaktan ka sa mga sinasabi ko? Hindi ba't totoo naman? Hindi mo kayang i-level up kung anong mayr'on kayo ni Ella, kasi takot ka. Mas pipiliin mong magkaganyan ka, kaysa mahalin s'ya. Junel naman ilang taon na tayong magkakasama sabihin mo man o hindi kitang kita ko kung paano mo pahalagahan si Ella. Sa ating tatlo ikaw lang ang kayang makapagpakalma sa babaeng 'yon. Good thing kasi may taong kayang paamuhin ang lobo ng firm, kaso Junel hindi ka ba naawa sa sarili mo," dirediretsong sabi ni Baron.

Uminom ito ng alak saka muling nagsalita. "Hindi nalang sa'yo, kay Ella. Alam ko namang masukista ka. Hindi ka ba naawa kay Ella? Hindi mo ba nakikitang ikaw lang ang hinihintay n'ya? Ikaw lang! Ano ka ba Junel, ang swerte mo dahil kapag nagawa mong aminin kay Ella 'yang nararamdaman mo, ayon ka na! Panalo ka na. E ako, susuong pa ako sa butas ng karayom! Kahit ipagsigawan ko sa buong mundo na mahal ko si Anica, hindi pwede! Ano ka ba Junel, mas matalino ka sa akin pero ang b*b* mo pagdating dito. Ano ba! Pag ako napikon ako na mismo ang magsasabi kay Ella ng matapos na 'to!" Halos lumabas na ang mga litid sa leeg ni Baron sa pangangaral n'ya kay Junel. "Alangan namang si Ella pa ang mag-first move! Mahiya ka naman Junel."

Sumandal si Junel sa kanyang kinauupuan at tumingala matapos marinig ang sermon ni Baron sa kanya. "Alam ko Baron, tama ka naman sa lahat ng sinabi mo. Wala akong karapatang umangal kasi ginusto ko 'to. Ako mismo ang lumalayo tuwing mas napapalapit ako sa kanya o hindi kaya may nakakahalatang iba. At ngayon heto ako, d*******g. Ang sakit lang kasi Baron, pero mas nangingibabaw ang takot ko kaysa sa pagmamahl ko kay Ella," naluluhang sabi ni Junel.

"Junel, wala na akong magagawa tungkol d'yan. Hindi ko kayang diktahan ang puso mo at utusan ang utak mo. Aba mas gugustuhin ko pang tambakan ng accounts at i-audit kaysa sa problema mo. Doon kasi alam kong matatapos ko 'yon kung bibigyan lang ako ng sapat na panahon, pero 'yang problema mo, hindi ko alam kung kaylan matatapoos. Dagdagan mo pa ng ganyan, nang pag-atras abante mo. Ikaw naman kasi para kang sira. Ayan tuloy, kung sino man ang lalaking kasama ngayon si Ella, sigurado ako, s'ya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa," sermon ni Baron. "Ewan ko ba s'yo Junel, malaki ka na alam mo na 'yang ginagawa mo. Kaibigan mo ako kaya kung anong gusto mong mangyari support na lang ako."

"Alam ko," 'yon na lang ang sinabi ni Junel at inubos ang laman ng bote na kanyang hawak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status