"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.
Agad na lumapit ang mag-ina."Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat."Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga."Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa. "Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito."Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.Nangiti na lang si Zander sa naging reaksyon ng babae.Nako, si ate binuking pa ako. Mamaya sabihin ni ate Ella, ang effort ko. Nanghingi pa talaga ako ng tissue para ibigay sa kanya.Tinignan ni Zander si Ella matapos magsalita ng babae, wala naman itong naging reaksyon at nakatayo lang sa tabi ng binata.Mukhang wala naman s'yang paki alam, Hay buti naman."Kuya, sorry. Nako, nasugatan ka pa! Tara muna sa may tindahan para malinis natin 'yang sugat mo," aya ng babae sa dalawa."Kuya, tara na po," aya naman ng bata at hinawakan si Zander sa braso upang igiya paglalakad. Hindi naman na ako siguro kaylangan doon. Dito na lang ako. Hindi na kumibo si Ella at malalagpasan na ito ni Zander.Hala, bakit hindi s'ya gumagalaw, hindi n'ya ako sasamahan? Hindi pwede 'to.Bago pa man makalagpas si Zander ay hinawakan nito ang kamay ng dalaga. May kirot man itong nararamdaman ay hindi nito ininda. "Ate, samahan mo ako," sabi nito.Wala ng nagawa ang dalaga kung hindi magpadala sa paghila ni Zander.Hindi kalayuan ang tindahan ng mag-ina, kaya agad nila itong narating. Pinapasok ng babae sina Zander at Ella at pinasamahan sa kanyang anak sa may hugasan. May mga bumibili na rin kasi at hindi na magkanda ugaga ang kasama ng babae sa pagtitinda.Medyo malaki ang sugat dahil ito ang itinuon ni Zander upang pigilan ang bisikleta."Kukuha lang po ako ng alcohol at betadine," sabi ng bata sa dalawa.Tumango lang si Zander, habang nililinis ang kanyang sugat. Nakatayo lang si Ella at pinagmasdan ang binata sa kanyang ginagawa.Hindi ba ako tutulungan ni ate? Ang sakit igalaw, hindi ko matanggal 'yung ibang buhangin sa sugat.Tiniis na lang ni Zander ang sakit at sa wakas ay nalinis na n'yang mag-isa ang sugat. Sakto namang dumating ang bata. May dala itong pamunas at bitbit ang kanilang medicine kit."Kuya ito po." I-aabot na sana ito ng bata kay Zander subalit kinuha na ito ni Ella."Ako na," sabi nito sa bata at binigyan ng maliit na ngiti."Sandali lang po, ikukuha ko po kayo ng mauupuan," paalam muli ng bata at saka umalis.Hindi na umimik si Ella, kinuha na nito ang pamunas at idinampi sa sugat ng binata.Namula na naman si Zander. "Ate, ano kaya ko na. Ako---.""Ako na," maiksi nitong sabi.Hindi na umangal si Zander, hindi naman din n'ya malalagayan ng gamot ang kanyang sugat ng maayos dahil sa sakit. Kaya pinagmasdan na lang n'ya ang dalaga. Pagkapunas nito sa sugat ay kinuha na nito ang alcohol."Mahapdi 'to, pero nasa may pulsuhan 'yung sugat mo. Kaylangan nating linisin ng mabuti para hindi maimpekyon," sabi ni Ella.Tumango lang si Zander. Dahan-dahang dinampi ni Ella ang bulak na may alcohol sa sugat, napa-kislot ang binata sa hapdi.Ang hapdi! Pero hindi ako makasigaw, nakakahiya!"Tiisin mo na lang kaysa maimpeksyon," wika ng dalaga. "Higpitan mo ang hawak mo sa braso ko kapag mahapdi," utos nito.Pero imbis na hapdi ang maramdaman ay kilig ang nadama ng binata habang hawak ang braso ng dalaga. Hinipan din ni Ella ang sugat upang paibsan ang hapdi habang nililinis ang sugat ni Zander.Bumilis muli ang pagtibok ng puso ni Zander, habang hinihipan ni Ella ang kanyang sugat. Para bang may mga ilaw na umaaligid sa dalaga habang maiging nililinis ang kanya sugat. Hindi maiwasan ni Zander na ngumiti kahit mahapdi ang bawat lapat ng alcohol sa kanyang sugat."Amin na 'yung kabilang kamay," sabi ng dalaga. "O---okay na 'to, maliit lang---," napahinto si Zander sa pagsasalita dahil sinamaan s'ya ng tingin ni Ella. Nangilabot ang kanyang buong katawan ni Zander hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa kilig na kanyang naramdaman.A---Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako kinikilig e, para na akong sasaksakin ni Miss Tan sa talim ng titig n'ya. Pero ito ako parang sasabog ang puso sa tuwa.Bukod doon ay hindi pa rin umalis ang maliliit na ilaw sa paligid ni Ella na kaysarap pagmasdan. Lalong gumanda sa paningin ni Zander ang dalaga.'Wag mo ako titigan ng ganyan Miss Tan, kahinaan ko na ata 'yang mga ganyang tingin mo."Ito na," nanghihinang sabi nito.Makaraang lagyan ng gamot ang mg sugat ni Zander ay nagpasya na ang dalawang umiwi. Lumalalim na rin kasi ang gabi at may pasok pa sila bukas."Kuya, pasensya na talaga sa nagawa ng anak ko," muling paghingi ng tawad ng babae."Okay na po ate, maliit lang naman ang sugat at malayo sa bituka," biro ng binata na may malaking ngiti.Tapang tapangan ka rin ano? Kanina no'ng nililinis ko ang sugat mo, pigil na pigil ka sa pagsigaw sa sakit, ang sakit ng braso ka sa higpit ng hawak mo. 'Wag ako Zander.Nakatingin lang ang dalaga kay Zander."Kahit na, ito nga pala." May inabot ang babae na plastic. "Nakita ko kasing nakakalat na sa lupa 'yung binili mo kanina. Binili mo pa naman 'yon para sa tissue. Kaya ayan pinalitan ko na lang at dinagdagan, pakunswelo sa ginawa ng anak ko. Nilagyan ko na rin ng maraming tissue 'yan para hindi ka na manghingi," sabi ng babae.Pilit na tumawa si Zander.Si ate naman, okay na e. Ayon na, may pauwi na. Tapos binanggit na naman 'yung sa tissue at dinetalye pa. Ay talaga naman.Kinuha na lang ni Zander ang plastic. "Salamat 'te, hindi ko na 'to tatanggihan," sabi nito.Akala mo magpapakipot pa ako ha. Nako, quits na tayo ate. Dahil sa pangbubuking mo, akin na 'to.Lumisan na ang dalawa. Habang naglalakad ay napapasulyap si Zander sa dalaga, ito ang unang beses na masabayan n'ya sa paglalakad si Ella. Napansin nitong mas mataas pala 'ya ng bahagya sa dalaga. Ang itim nitong buhok, balingkinitang katawan at mabangong amoy."Ano ate Ella," tawag nito.Nako, bakit ko ba s'ya tinawag? Anong sasabihin ko? Hindi ka na naman nag-iisip bago magsalita Zander!Lumingon si Ella at tumigil sa paglalakad, hinihintay kung anong sasabihin sa kanya ng kasama."Ano ate, ikaw lang ba magisa?" tanong ni Zander.Zander anong klaseng tanong 'yon! Ovious naman hindi ba! Kanina pa kayo magkasama, malamang kung kasama n'ya si kuya Junel, sana kanina pa s'ya hinahanap no'n. Galing mo talaga Zander, husay."Oo," maiksing sagot ni Ella at tumingin muli sa dinadaanan. "Ihahatid na kita sa inyo," wika ni Ella at nagsimula na ulit na paglakad.Nagulantang si Zander sa kanyang narinig. "Ha? Ano, kasi ate," hindi malaman ni Zander ang sasabihin.Tulad ng unang beses s'yang sinabay ni Anica, ay nahihiya ito. Ngunit may parte sa kanyang isipan na nagsasabing, okay lang 'wag mo ng tanggihan. Subalit sa kabilang banda ay inaalala rin ni Zander na baka may mga tsimosang makakita sa kanila at bigyan ng malisya ang paghatid ni Ella sa kanya.Hindi na muling umimik si Ella, kaya naman lalong na pressure si Zander sa pagsagot. Natanaw na rin ni Zander ang motor ni Ella at malapit na sila roon.Minsan na nga lang maging mabait, hindi pa pagbibigayn. Ang ayaw ko sa lahat, 'yung namimilit. Ayos lang naman kung ayaw n'ya."Okay lang kung---," "Sige po ate," biglang sabi ni Zander kaya naputol ang pagsasalita ni Ella.Bahala na kung may makakita, parang masakit na din ang binti ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Masamang tanggihan ang grasya.Nagulat si Ella, mabuti na lang at nauuna s'yang maglakad kay Zander kaya hindi nito napansin kanyang reaksyon. "Si--- sige," sabi nito.Itinuro ni Zander kung saan banda ang kanilang bahay. Hala, bakit walang ilaw sa loob? Tulog na ba sila?"Ate, dito na," sabi nito kay Ella.Inihinto ni Ella ang motor. Dahan-dahang bumaba si Zander, ngayon n'ya lang naramdaman ng tuluyan ang sakit ng kanyang binti. Naisip nitong kung nag-inarte pa s'y kanina ay malamang na gumagapang na s'ya pauwi dahil sa sakit."Salamat ate," sabi nito sa dalaga at nagtungo ng gate.Teka, bakit naka-lock?Hinikit ni Zander ang handle ng gate, kaya lumikha ito ng ingay. Paalis na dapat ang dalaga ng marinig n'ya ang pagtunog ng gate. Pagbaling nito ay hindi pa rin nakakapasok si Zander sa loob ng kanilang bahay. Pinagmasdan n'ya ito at inobserbahan.Mukhang napagsaraduhan pa ata? Pero hindi pa naman masyadong gabi?Panay pa rin ang hatak ni Zander sa handle.Sandali nga, matawagan nga. Hindi man lang nila tinignan kung nasa bahay na ako, alam naman nilang lumabas ako. Nag-lock kaagad, kainis.Kinapa nito ang kanyang cellphone sa bulsa.Ay talaga nga naman! Ang swerte ko! Ngayon ko pa naiwan sa kama 'yung cellphone ko. Teka nga, tignan ko nga dito 'yung susi.Sinilip ni Zander ang isang paso sa gilid ng gate. At sa kasamaang palad, lupa at halaman lang ang nandoon. Napapikit na lang si Zander sa inis."May problema ba?" tanong ni Ella.Nagulat si Zander na hindi pa umaalis si Ella.Dahan dahan itong lumingon. "Umalis yata sina papa," sagot nito.Nakatitig lang si Ella."At ano, hindi ko alam kung saan nila tinago 'yung susi ng bahay." Napayuko na lang si Zander bago muling magsalita, alam n'ya kasing kat*ng*han ang kanyang ginawa. "Tapos ano, nakalimutan ko sa kwarto 'yung cellphone ko."Napangisi na lang ang dalaga, bumaba ito ng kanyang motor at lumapit sa binata. "Oh," sabi nito sabay abot ng kanyang cellphone.Dahan-dahang tumunghay si Zander. "S----Salamat ate," nahihiyang sabi Zander at kinuha ang cellphone.Matapos n'yang i-text ang kanyang mga magulang ay binalik na ni Zander ang cellphone sa dalaga. "Ano ate Ella, ayos na ako rito," sabi ni Zander sa dalaga."Hintayin na natin ang reply ng parents mo," wika ni Ella at umupo ito sa gilid ng binata."Ate madumi d'yan," saway ni Zander.Hindi lang ito pinansin ni Ella, bumunot din ito ng yosi sa kanyang bulsa at nagsindi.Nanlaki ang mga mata ni Zander sa kanyang nakita. Napansin ito ni Ella ngunit binalewala lang nito muli ang reaksyon ng binata. Tuloy lang ito sa pagyoyosi."May hika ako," sabi ni Zander at tinabihan ang dalaga.Tinaktak ni Ella ang upos ng sigarilyo ay inilagay sa kabilang kamay, malayo kay Zander.Nako naman. Pero teka lang, may hika s'ya pagkatapos tumabi pa sa akin? Anong kalokohan 'to?"Okay lang ba na pag magkasama tayo, hindi ka magsisindi?" seryosong sabi ni Zander kay Ella."Bakit ako susunod sa gusto mo?" wika ni Ella."Dahil masama 'yan para sa 'yo," agad na sagot ng binata. "Ayaw kong may nagsisinding babae sa harapan ko. Lalo na kung ikaw." Kinuha nito ang sigarilyo sa kamay ng dalaga, pinatay ay sindi ito at tumayo. "Kasi papahalagahan pa kita," mahinang sabi nito at saka naglakad upang itapon sa basurahan ang sigarilyo.Ba---Bakit, ang bilis ng tibok ng puso ko? A---Ako? Papahalagahan mo pa ako?Nagtatakang sabi ni Ella sa kanyang isipan habang sinusundan ng tingin si Zander.Zander! Ang presko ng dating mo! Ano ang akala mo? Kaedad mo lang ang kausap mo? Palpak ka talaga kahit kaylan. Itinapon na ni Zander ang sigarilyo sa basurahan. Nadismaya man ito sa kanyang sinabi ngunit hindi nabawasan ang paghanga nito kay Ella.Samantala, sinundan lang ng tingin ni Ella si Zander at hinintay makabalik. Matapos ay tinabihan nito ang dalaga at naupo rin si lapag."A---Ano kasi ate," nauutal na sabi nito. Gusto nitong ipaliwannag ang kanyang dahilan kung bakit n'ya 'yon na sabi.Nakatingin lang si Ella sa binata. "Ayos lang, tutal may hika," sabi nito.Napayuko ang binata ang kumamot ng ulo, bukod sa pagkadismaya ay nadagdagan pa ng hiya ang kanyang nararamdaman. Iniwas na lang ni Ella ang kanyang tingin kay Zander ng mapansin n'ya ito.Hayan tuloy! Na badtrip pa yata sa akin si MIss Tan. Bida bida ka kasi.Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nakatitig lang si Ella sa langit, samantalang si Zander ay naktingin sa maliit na mukha ng katabi.Kung wala lang akong Dennis
"Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella."O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.Nilibot ng binata ang kanyang mata.Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado ta
Nasamid bigla si Ella habang kumakain. Inabutan kaagad ito ni Zander ng tubig."Ate dahan dahan lang, mayroon pang natira roon," sabi ni Zander."Ang sarap kasi," sabi nito matapos uminom."Dapat pala pinagluto na lang kita at hindi na tayo uminom," pabiro nitong sabi sa dalaga.Nahinto si Ella sa pagsubo at tinignan ni Zander. "Okay lang naman kung ayaw mo," wika nito at pinagpatuloy ang pagkain.Patay, ayon na e! Nakuha ko na ang kiliti n'ya. Wrong move!"Ano ate, biro lang. Ikaw naman." Kinuha ni Zander ang bote ng alak at binuksan. "Masarap 'yan 'te kung sasabayan mo nito." Kaso ang weird naman yata? Habang umiinum kumakain ng kanin at ulam? Hindi ka na naman nag-iisip Zander!Napapikit na lang ang binata sa kahihiyan. Ngunit narinig nito ang paglagok ni Ella habang umiinom."Sarap," wika nito.Minulat ni Zander ang kanyang mga mata, sa kanyang pagmulat ay nakita n'yang patuloy pa rin si Ella sa pagkain. Tila hindi nito ininda kung magkapares ba ang alak at kanin.Nasasarapan s'y
Wala na, bagsak na si Miss Tan.Tinungga na lang ni Zander ang laman ng huling bote sa kanyang harapan.Ang lakas ding uminon ni Miss Tan, siguro kung wala lang s'yang pinagdaraanan, malamang mapapatumba n'ya ako. Buti nasa kundisyon akong uminom ngaon kung hindi paraho kaming bagsak.Pinagmasdan ng binata ang maamong mukha ni Ella. Nakasandal ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Ang itim nitong buhok na nakalapat sa maputi nitong balikat. Nakakaakit ang mahabang leeg ng dalaga na tila hinahatak si Zander na ito'y halikan. Dala ng impluewensya ng alak ay nagpadala si Zander sa tukso ng alindog ni Ella. Nilapitan n'ya ang dalaga, hindi na ito nag-isip at sinunod na lang ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Hinawi ni Zander ang mangilan-ngilang buhok na nasa mukha ni Ella saka mas kinikilatis ang maamong mukha ng dalaga. Mula sa noo, kilay, maliit na mata, ilong at mamula mulang labi. Nanginginit na ang kanyang mukha, malalim na rin ang kanyang paghinga. Inilapit ni Zander a
"Mas kaylangan ako ng papa mo anak," wika ng isang ina sa musmos na bata."Pero mama, masakit po ang tyan ko," daing ng anak habang umiiyak.Dali-daling hinimas ng ina ang tyan ng kanyang anak. "Masakit pa?" tanong nito. Parang mahikang nawala bigla ang sakit ng tyan ng bata. "Ang galing mama nawala po 'yung sakit ng tyan ko noong hinipo n'yo," sambit ng bata.Ngumiti ang ina at muling nagsalita, "Ngayong magaling kana, kaylangan ko ng puntahan ang papa mo. Mas kaylangan n'ya ako." Tumalikod na ang ina sa kanyang anak at naglakad palayo."Mama ko! Mama ko!" tawag ng bata ngunit hindi na muling limingon ang kanyang ina hanggang mawala na ito sa kanyang paningin."Mama!" umiiyak na tawag ni Ella. Napaginipan ni Ella ang kanyang mama, kahit tulog ay umiiyak ang dalaga dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman. Nang nakita s'ya ni Junel sa waiting shed, kasasakay lang ng kanyang mama sa bus papuntang Caloocan para puntahan ang kanyang magaling na ama. Hindi na maganda ang pakiramdam ni E
"Ate Ella," tawag ni Zander sa dalaga matapos nitong magligpit ng kanilang pinag-inuman.Hindi kumibo si Ella, mahimbing na itong natutulog ngunit hindi naman maatim ni Zander na doon lang matulog ang dalaga. Siniyasat ng binata ang bahay ng dalaga, roon ay may nakita s'yang dalawang kwarto. Isang nakasara at ang isa naman ay hindi naka kandado. Doon napagdisisyonang dalhin ni Zander si Ella upang makahiga ito ng ayos. "Bubuhatin na kita ha, para makahiga ka na nang maayos," paalam ni Zander.Binuhat pangkasal ni Zander si Ella, magaan lang ang dalaga kaya naman hindi ito nahirapan. Pagpasok ng dalawa at pagkasara ng pinto ay inihiga na ni Zander ang dalaga at inayos ang higa, kinumutan pa nito si Ella. Hinaplos nito ang noo ng dalaga upang humimbing pa lalo ang tulog nito. Habang hinahaplos nito ang noo ni Ella ay nakaramdam din ito ng antok."Five minutes, patabi muna Miss Tan. Promise tatabi lang ako," sabi ni Zander at nilapitan si Ella sa kama."E---," nahinto si Junel sa pagta
Mabilis na dumaan ang umaga at malapit ng magtanghalian. Napadaan si Anica sa pwesto ni Ella. "Oh, nasaan ang apprentice mo? Hindi ata nakabuntot sa'yo?" tanong ni Anica kay Ella. "Half day," maiksing sagot ng dalaga. Kasalukuyan iton nag-type sa kanyang computer at nag-input ng mga data."Ah," tumango-tango si Anica. "Tan," bulong nito. Nagawa pa nitong lumapit ng bahagya sa kanyang kaibigan.Hindi sumagot si Ella at patuloy pa rin sa pagtipa sa keyboard."Kagabi, nag-inuman sina Soriano at Cruz," siwalat nito. Pagkarinig ni Ella ay nahinto ito ng ilang segundo sa pagtitipa. Tila huminto ang mundo at napaisip kaagad ang dalaga.Uminon sila? Kaya pala nandoon s'ya kagabi sa kanto nina Baron. Akala ko babae ang pinuntahan n'ya roon. Pero ano nga bang pakialam ko kung sino ang kasama n'ya magdamag. S'ya nga hindi ako inalala na wala akong kasama sa bahay. Kahit alam n'yang natatakot akong mag-isa, ako pa kaya? Ay bakit ko ba dapat isipin ang mga bagay na 'to.Hindi sumagot si Ella at
Bumalik na si Zander sa kanyang pwesto. Dala ang isang malaking ngiti at masiglang masigla ito sa muli nilang pagkikita ng dalaga. Bago pa lang pumasok si Zander ay wala na itong mapagsidlan ng tuwa dahil sa mga nangyari kagbi."Tan, nandito na ako ulit," sabi nito kay Ella na may galak.Binubuklat ni Ella ang ilang papelas sa kanyang mesa. "Nasa table mo na 'yung mga files na ipapa-input ko mamaya. Ayusin mo muna by company at by year, saka mo sa akin sabihin kung tapos na. Itutro ko sa'yo kung paano kami mag-input ng mga ganyan sa spreadsheet at ayusin 'yung format," utos nito. Ni lingunin si Zander ay hindi nito ginawa."Okay po," tugon ni Zander.Hala, kanina naman bago n'ya ako iwan sa tapat ng bahay, good mood naman s'ya. Bakit umaariba na naman ang pagiging masungit n'ya? Nag-expired na ba ang pagiging mabait ni Miss Tan. Back to masungit at hindi mangiting Miss Tan na ulit s'ya, nakakapanghinayang naman. Pero ayos lang, mas na-attract ako sa kasungitan n'ya, lalo na at nakita