Home / Romance / My Ella / Chapter 11

Share

Chapter 11

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi napansin ng binatang mag-iisang bwan na s'ya sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Nasanay na rin ito sa katahimikan ni Ella. Bilang lang ang mga pagkakataong nakakapag-usap silang dalawa. Ngunit kahit ganoon, natuturuan naman ng maayos ng dalaga si Zander. Ito rin ang preparasyon ni Ella kay Zander para sa kanyang board exam.

"Very good Alvarez, nice work," papuri ni Mr. Villanueva sa binata habang binubuklat ang report na kanyang pinasa. "For beginners, mabilis kang matuto. May mga glitches, pero ma-work out pa 'to through time. Keep it up."  

"Salamat po Mr. Villanueva," nakangiting tugon nito.

"Tama ang desisyon kong kay Tan ka mapunta, will never know baka maging katulad ka rin n'ya," ani nito at ipinatong ang report ni Zander sa kanyang lamesa.

Napakamot sa kanyag ulo si Zander. "H---Hindi naman po siguro ako magiging kasing galing ni Miss Tan, ginagawa ko lang po kung anong mga tinuro n'ya," nahihiyang sabi nito.

"It's not just that Alvarez, as far as I remember, ikaw pa lang ata ang nakakatagal kay Tan nang almost a month na walang walang kahit ano mang issue. Congratulations," sabi ni Mr. Villanueva.

Nginitian lang ito ng binata.

Mr. Villanueva, kung alam n'yo lang kung gaano ko pinupukpok ang sarili ko para ma-absorb lahat ng tinuturo ni Miss Tan.

Ilang sandali pa at pinalabas na si Zander ni Mr. Villanueva ng kanyang opisina, mag-lunch break na rin ng mga oras na 'yon. Agad naman itong bumalik sa kanayang pwesto.

"A---Ano miss Tan," tawag ni Zander sa dalaga.

Tulad ng dati ay hindi lang ito umimik, abala kasi ito sa pagsusulat.

"Ano po, salamat po sa matyagang pagtuturo sa akin," sabi nito. "Kung hindi n'yo sa akin pinabasa 'yung mga record books at pinasaulo 'yung mga forms at saka kung paano iaayos ng tama ang mga accounts, hanggang ngayon siguro hindi pa rin ako tapos sa pinapagawa ni Mr. Villanueva," sabi nito.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko," maiksi nitong tugon habang abala pa rin sa pagsusulat.

May inilapag si Zander na maliit na garapon sa gilid ng dalaga. "Miss Tan mag-lunch lang po ako," paalam ng binata.

Hindi ito nilingon ni Ella kaya naman umalis na ito upang kumain.

Nag-umpisa na ring lumabas ang karamihan hanggang halos iilan na lang silang natira sa loob ng opisina. Doon pa lang tinignan ni Ella kung ano ang nilapag ni Zander sa kanyang lamesa. Laking gulat nito sa kanyang nakita, agad na gumuhit ang isang malaking ngiti mula sa mga labi ng dalaga. Wala itong sinayang na oras, nagmamadali itong kumuha  ng kutsarita at binuksan ang garapon.

Eyyyyyy, ang sarap nito! Tamang tama ubos na 'yung stock ko.

Hindi maalis sa mukha ng dalaga ang pagkasabik. Sumandok agad ito ng kalahating kutsara at saka isinubo.

 

Ang sarap! Itong ito 'yon. Paano kaya nalaman ni Zander na paborito ko 'to? Ay basta, wala na akong paki-alam kung paano basta ang sarap!

Tuwang tuwa si Ella at nasisilayan ang ngiti sa kanyang mga labi. Para itong bata na nakatanggap ng regalo.

"Hindi maalis ang ngiti? Dahil sa achievement unlocked?" tanong ni Junel.

"Ha?" balik na tanong ni Zander. 

Kumakain ang dalawa ng tanghalian. Hindi maiwasan ni Junel na magtaka dahil sa kakaibang ngiti ni Zander mula pa kanina.

"Sabi ko ang saya mo ba dahil ba sa papuri sa'yo kanina ni Mr. Villanueva?" muling tanong ni Junel.

"Ah oo Soriano," natatawa nitong sabi. Ngunit ang totoo ay mas nagalak ang kanyang puso ng nakita n'ya sa unang beses na nakangiti si Ella mula sa malayo.

Akala ko rin buo na ang araw ko dahil sa sinabi ni Mr. Villanueva, pero mas gaganda pa pala ang araw ko ng makita ko s'yang nakangiti. Ang cute n'ya, para s'yang bata sa sobrang tuwa. Buti na lang, nagustuhan n'ya ang binigay ko.

Hindi sinasadyang maiwan ni Zander ang kanyang inuminan sa dispenser kanina. Kaya naman naubliga itong bumalik para kunin ito. Sakto namang sinisimulan ng tikman ni Ella ang bigay n'yang peanut butter upang magpasalamat. Tanaw ni Zander ang dalaga mula sa kanyang kinatatayuan. Kakaibang saya ang nadama ng binata ng masilayan ang ngiti ni Ella. May kilig at parang may kung ano sa kanyang tyan habang tinititigan n'ya ang mga ngiti nito mula sa malayo.

"Binalita mo na ba kay Love ang achievement mo?" kantyaw ni Junel.

Ang kaninang kilig at tuwa ay napalitan ng bahagyang pagka-iyamot. Hindi naiwasan ni Zander na mapabusangot.

Kuya Junel naman, okay na ako e. 'Yung mood ko okay na, pinaalala pa. 

"Mukhang very wrong ang tanong ko," bawi ni Junel at pinagpatuloy na lang ang kanyang pagkain.

"Hindi naman, okay lang kuya. Hindi lang kami nagkakasundo nitong mga nakaraang araw, masyado lang siguro kaming busy sa mga trabaho namin kaya nawawalan kami ng oras sa isa't isa," paliwanag ni Zander. "Hindi rin siguro ako sanay na patulog na ako, tapos doon pa lang mag-uumpisa ang araw n'ya."

Tumango-tango si Junel. "Nurse s'ya hindi ba? So may night shift, tapos rotation. Mahirap nga 'yan," opinyon nito.

Natahimik sandali si Zander.

'Yon lang ba talaga ang dahilan? Para kasing may iba pa, hindi ko ma-explain, nakakawalang gana na s'ya habang tumatagal. Naguguluhan na rin ako.

"Siguro? Pero kuya ano kasi, hindi ko maiwasang makumpara 'yung relasyon namin noon at ngayon. Parang ang daming nagbago, pakiramda ko minsan iba na s'ya," mahinang d***g ni Zander.

Tumunghay si Junel at ngumisi. "Alam mo, hindi ko alam kung lahat ng relasyon pinagdadaanan 'yan. Siguro kasi nabago ang environment n'yo pareho. Ibang circle of friends, lugar kung saan nag-stay, ikumpara mo noong college kayong nasa isang university pa rin kahit magka-iba ng kurso." Nahito sandali si Junel sa pagsasalita at tinitigan si Zander. "Matanong ko nga, sa sampong taon na naging kayo, ngayon lang ba kayo nagkaproblema ng ganito?" tanong ni Junel.

 

Bumuntong hininga si Zander, nilalaro na lang n'ya ng tinidor ang kanyang pagkain. Bigla kasing nawalan ito ng gana dahil sa kanilang pinag-uusapan. "Oo kuya, noon kasi kahit magka-iba kami ng course noon, hindi naman s'ya nawawalan sa akin ng oras. Naiintindihan ko naman na, kaylangan n'yang hatiin ng oras n'ya sa trabaho at pagre-review. Pero kuya kahit update wala kahit ilang minuto lang? Tapos kapag ako naman ang busy, nahuli sa usapan, ayon gera kaagad. Kuya ganoon na lang palagi," muling d***g ni Zander.

"Nako nako, hindi ako expert pagdating d'yan. Pero kasi if there's a will, there's a way. Hindi naman sa sinasabi kong mali 'yang girlfriend mo, pero siguro kunting pasensya pa. Hindi ba't malapit na ang exam ng girlfriend mo? Baka na pressure lang s'ya dahil sa work at sa exam. Intindihin mo na lang. At isa pa Alvarez, ipapaalala ko sa'yo, bilang lalake ikaw dapat ang gagawa ng paraan para magkita kayo. Ikaw ang mag-adjust," payo ni Junel.

"Ganoon ba 'yon kuya? Ganoon din ba ang ginawa mo kay miss Tan? Kapag nawawalan kayo ng oras sa isa't isa?" diretsong tanong ni Zander.

Nasamid si Junel matapos magtanong ni Zander.

"Ay, sorry." Nabigla rin si Zander sa kanyang tinanong at sa naging reaksyon ni Junel. Inabutan nito kaagad si Junel ng tubig. "Soriano," sabay abot dito.

Matapos makainom ni Junel ay napakamot ito sa kanyang ulo. "Nagulat ako sa tanong mo Alvarez," wika nito. 

Bakit masyado akong naging kampante kay Zander, nahahalata na n'ya siguro na sobrang malapit kami ni Ella. Masama ito, hindi 'to maaari.

"E kasi malapit kayo sa isa't isa. At saka Soriano, ikaw lang din ang nakakapagpakalma kay Miss Tan. Si Cruz nga umaatras kaagad kapag tumataas na ang boses n'ya. Pero ikaw nagagawa mo pang kurutin 'yung pisngi n'ya nang hindi s'ya nagagalit," inusenteng sabi nito.

Natawa na lang si Junel. "Magkaibigan lang kami, parang nakababatang kapatid ko lang si Tan. Kaya ganoon, kuya n'ya ako. Walang malisya ang lahat, we're just friends," paliwanag ni Junel sabay subo ng kanyang kinakain.

Tumango-tango si Zander at pilit na pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Gayun din si Junel, ngunit may kirot sa kanyang dibdib matapos bitawan ang kanyang sinabi.

Nararamdaman ko na naman ang pag-atras ko, hay Junel. Ang torpe talaga! Sana lang paghanda na ako, nandyan ka pa rin Ella. Kung hindi ang laki ko talagang g*g* pag nagkataon.

"Ella," tawag ni Junel sa dalaga. 

Tumingin si Ella kay Junel. Nasa parking lot ang dalawa, uwian na at sabay silang uuwi sa bahay ng dalaga.

Heto na, kaysa lumalim pa 'to at masaktan ko lang s'ya.

Huminga ng malalim si Junel bago mag-umpisang magsalita. "Hindi na muna ako mag-stay sa inyo, sa apartment na ako uuwi," sabi nito. "Mula ngayon."

 

Napakapit si Ella sa sling ng kanyang bag. Hindi nito inaasahan ang sinabi ni Junel, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata ngunit pilit n'ya itong pinipigilan. Tumitig lang ito sa mga mata ni Junel, hindi nakasulimpat subalit hindi rin naka ngiti. Nangungusap ang kanyang mga mata na waring sinasabi sa kanyang,

Parang awa mo na, 'wag ngayon. 'Wag mo akong iwan ngayon, kaylangan kita.

"Ano ka---kasi," nauutal na sabi ni Junel. Hindi nito alam kung paano pa bibigayan ng dahilan ang kanyang pag-alis.

Huminga nga malalim si Ella bago magsalita, alam nitong mahirap din ang ginagawa ni Junel para sa kanya. "'Wag mo ng ituloy, okay lang," sabi nito. "Pauwi naman na si mama sa isang araw, kaya okay lang," dagdag nito.

Ramdam ni Junel ang pagkadismaya ng dalaga sa kanyang sinabi. Ngunit ito lang ang paraan upang hindi mabulgar ang kanyang lihim na pagtingin sa dalaga.

Tumalikod na si Ella kay Junel. Nasa harapan na ni Ella ang kanyang motor. "Sasabay ka pa ba a akin?" tanong nito sa kaibigan habang mahigpit ang pagkakakapit sa sling ng kanyang bag.

"Hindi na, mamamasahe na lang ako," tugon nito. "Sa makalawa ko na kukunin 'yung mga gamit ko," bilin ni Junel na may halong panghihinayang.

Hindi lang umimik ang dalaga, sumakay na ito sa kanyang motor at sinusian na ito upang buhayin ang makina.

"Mag-ingat ka," sabi ni Junel kay Ella.

Tumango lang si Ella at umalis. 

"Sorry Ella," mahinang sabi ni Junel habang sinusundan ng tingin ang dalaga papalayo sa kanya. "Sorry hindi ko talaga kaya."

"Sige na parating na 'yung head namin," sabi ni Dennise kay Zander.

"Anong oras ka makaka-uwi? Susunduin pa ba kita?" nagmamadaling tanong ni Zander.

"Straight ang duty ko ngayon, sige na bye-bye na," sabi ni Dennise at binaba ang tawag.

"B---Bye, I love you," wika ni Zander kahit wala na sa kabilang linya ang kasintahan.

Kung kaylan naman ako ang may oras, saka naman s'ya busy. Wala naman akong karapatang magalit, kasi mas galit pa s'ya sa'kin. Ano ba namang buhay 'to. Makalabas na nga lang, para malibang.

Nagpasyang lumabas si Zander upang maglibot, hindi pa naman malalim ang gabi kaya marami pang tao sa labas. Sa kanyang paglalakad ay nakarating ang binata sa isang bakanteng lote. 

Matagal na rin pala akong hindi nakakatambay dito. Ang dami ng nabago. 

May mga stall at upuan sa bakanteng lote, tila naging foodpark na ito. Kaya naman napagpasyahan ni Zander na lumibot sa lugar hanggang may nakita s'yang isang pamilyar na mukha. Mag-isa itong naka upo at nakatanaw lang sa mga batang naglalaro sa kanyang tapat.

Si Miss Tan ba 'yon? Nag-date sila ni kuya Junel? O s'ya lang mag-isa? Sayang naman kung kasama n'ya si kuya, hindi ko s'ya pwedeng kausapin o samahan. Tuwing nasa labas lang kami saka ko s'ya nakakausap ng maayos. Kaso ang pangit namang tignan kung eepal ako sa date nila. Hay nako, lahat na lang bawal. Ano ba 'yan.

Pinagmasdan n'ya na lang ito ng mabuti mula sa malayo. Umaasang sana ay maari n'yang makasama ang dalaga ngayong gabi.

Bakit kasi hindi pwedeng mamili ng magulang? Kasalanan ko bang iniluwal ako sa maling panahon at pagkakataon? Kung tutuusin, hindi ko ginusto lahat ng 'to! Bakit ako ang dapat maiwan? Ganito na lang ba ako habang buhay? Mag-isa? Akala ko pa naman hindi ko na 'to mararamdaman dahil kasama ko si Junel. Pero masyado na akong nagiging selfish, walang ano mang namamagitan sa amin ni Junel. Kaya anong karapatan kong pigilan s'yang umalis. Ayaw ko lang namang mag-isa. Natatakot akong mag-isa.

Naluluhang ani ni Ella sa kanyang isipan habang pinagamamasdan ang mga batang naglalaro sa kanyang harapan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status