Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron.
"Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito."'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan. "Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa."Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit anong may sabaw," sabi nito sa waiter.Matapos makuha ng waiter ang order ni Ella ay umalis na ito."Hindi ka pa ba nakakapag-grocery?" tanong ni Junel."Maraming pagkain sa bahay, pero hindi pang pulutan," sagot ni Ella. "Ikaw na ba ang magmamaneho ng motor ni Anica o ako?" tanong ng dalaga."Sige ako na lang, tapos iwan na lang natin sa parking lot ng building," saad ni Junel."Sige, sa bahay na lang natin ituloy 'to," sabi ni Ella."Sige, walang problema," ngiting ngiting sabi ni Junel.Nagpahimasmas lang ang dalawa at umalis. Idinaan na nila ang motor ni Anica sa kanilang buliding at doon iniwan. Matapos ay dumiretso na sila sa isang convinient store at bumili ng alak. "Tama na ba 'to?" bitbit ni Junel ang dalawang litro ng bote.Tinignan lang 'to ng dalaga."Okay, isang bwan naman ako titira sa'yo kaya kapag hindi natin 'to naubos, pwede pa nating inumin sa mga susunod na araw," wika nito.Matapos mamili ay dumaan muna sina Junel sa appartment na kanyang tinutuluyan at kumuha ng ilang mga gamit. Ilang sandali lang ang nakalipas at nagmamadaling lumbas si Junel. Ayaw ni Ellang pinaghihintay s'ya ng matagal kaya halos isuksok na lang ni Junel ang kanyang mga damit sa pagmamadali.Nakita n'yang nakasandal ang dalaga sa kanyang magarang motor habang tahimik s'yang hinihintay at nakatitig sa kawalan. Tanaw n'ya ang maamo nitong mukha, maputing balat at itim na itim na buhok.Habang pinagmamasdan n'ya ang dalaga ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Anica kanina. Alam ko namang gusto kita, alam ko 'yon matagal na. Unang araw palang na nakita kita, nakuha mo na ang puso ko, pero sadyang torpe lang ako at natatakot na isang araw ako ang maging dahilan ng pagluha mo. Sana pagdumating ang araw na handa na akong panindigan ang lahat ng nararamdaman ko, sana hindi pa huli ang lahat."Ella," tawag nito sa dalaga.Lumingon lang ito at hinintay na lumapit si Junel sa kanya."Tara na?" aya ni Junel.Hindi sumagot si Ella at sumakay na sa kanyang motor, gayun din si Junel. Habang binabagtas ang daan ay may nakitang pamilyar na mukha si Ella.Si Zander ba 'yon? Taga rito pala s'ya.Binagalan ng bahagya ng dalaga ang pagmamaneho ng malapit na silang magkasalubong ng binata. At sa hindi sinasadyang pagkakataon nagsalubong ang kanilang mga mata. Nahagip din ng mga mata ni Zander si Junel, walang suot na helmet ang dalawa kaya sigurado si Zander na sina Junel at Ella ang kanyang nakita.Si kuya Junel 'yon ha? At sino kaya 'yong babaeng nagmamaneho? Si Miss Tan ba 'yon? Oo s'ya nga 'yon! Imposibleng magkamali ako.Huminto si Zander sa paglalakad matapos s'yang lagpasan ng dalawa. Lumingon ito upang tanawin sina Junel at Ella."Ako na," sabi ni Junel. "Alam kong hanggang opisina at numero lang ang galing mo," dagdag pa nito. Napaismid na lang ang dalaga at nagsalin na lang ng alak sa baso.Hindi ito ang unang beses na sinamahan ni Junel si Ella. Sa kanilang apat si Junel ang pinakamalapit sa dalaga. Ito lang ang tanging nasasabihan ni Ella ng mga personal nitong problema. Kahit na masungit at may katarayang taglay ang dalaga, tanging si Junel lang ang nakakapagpatiklop dito."Oh ito na!" masiglang sabi ni Junel. "Medyo ni-repair ko pa 'yan, alam kong hindi mo nagustuhan ang timpla." Binaba na nito ang mangkok na may lamang sisig.Walang kaabog-abog na kumuha si Ella at kumain."Sarap?" tanong ni Junel.Tumango lang ito at uminon."Kanin? Ikuha ba kita?" tanong nito.Umiling lang si Ella at pinagpatuloy ang pag-inom.Bukod sa pagkakaibigan, may mas malalim pang namamagitan sa dalawa. Iba ang alagang binibigay ni Junel kay Ella, lalo na kapag silang dalawa lang ang magkasama. Isang ugnayang higit sa magkaibigan ngunit hindi aabot sa magka-ibigan.Habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang nagiging usapan ng dalawa. Naubos na rin nila ang unang bote ng alak at malapit ng mangalahati ang pangalawa. Dito na nagsimulang ipakita ni Ella ang kanyang tunay na nararamdaman."Bakit ba kasi hindi mo matanggap ang papa mo? Alam mo kahit ano namang gawin mo, s'ya pa rin ang tatay mo. Dugo't laman ka n'ya. Kahit doon man lang gumaan 'yang loob mo," sermon ni Junel."Junel, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kahit kaylan, hindi mangyayari 'yon. Lalo pa ngayon na ginagamit n'ya lang si mama para mag-alaga ng mga kapatid ko sa kanya," umiiling na sabi ni Ella. "Kung sana nagpaka-tatay s'ya noong panahong kaylangan ko ng tatay, e 'di sana kahit paano may amor ako sa kanya. Hindi na n'ya mababalik ang nakaraan, kaya imposoble na ring mabago pa ang tingin ko sa kanya," sumbat nito. At diniretso ng inum ang kanyang tagay.Sinalinan nito ang baso at inabot kay Junel."Ito, nagtatanong lang, nagagalit kaagad. Para kasing hindi ka pa na sanay kay tita. Sobrang inlove kay tito to the point na kahit anak sa iba inaalagaan," biro nito.Sinamaan ng tingin ni Ella si Junel.Ito ang dahilan kung bakit naging kasing tigas ng bato ang puso ng dalaga, dahil sa kanyang ama. Itinaguyod s'ya mag-isa ng kanyang mama mula pagkabata, lumaki si Ellang kapos sa lahat ng bagay kaya naman nagsumikip ito sa pag-aaral. Matalino at magaling si Ella sa iskwela, lagi itong may sabit tuwing recognition at graduation mula elementary hanggang highschool. Gayun din noong ito ay tumungtong sa kolehiyo at nakasungkit ng pwesto noong ito ay kumuha ng board exams. Ngunit ang lahat ng ito ay balewala sa mga mata ng tatay ni Ella, ni minsan ay hindi nito nilingon ang dalaga o ipinagmalaki man lang. Kaya naman umusbong ang puot at galit nito sa kanyang ama. Idagdag pa ang paulit-ulit na pangloloko nito sa kanyang ina.Sa kabilang banda naman ay habol na habol pa rin ang kanyang ina sa kanyang walang hiyang ama. Kahit na ilang beses na s'yang niloko nito at pinagpalit sa iba, hindi pa rin nito magawang iwan ang asawa. Dahil s'ya raw ang ligal na asawa, marapat lang daw na s'ya ang piliin nito hindi ang iba. Pilit na inilayo ni Ella ang kanyang mahal na ina sa kanyang ama, ngunit walang makakapigil sa pusong nagmamahal. Hanggang nawalan nalang ng amor si Ella sa kanyang mga magulang.Ginugol ng dalaga ang kanyang oras sa trabaho, mabuti na nga lang at dumating sina Baron at Anica sa kanyang buhay bilang kaibigan. Lalo na si Junel na laging nasa tabi n'ya tuwing s'ya ay iiwan magisa ng kanyang mama.Gusto mang magmaktol ni Ella at pigilan ang kanyang mama, wala na itong magawa. At bilang nag-iisang anak, tinatanggap n'ya pa rin ang kanyang ina sa tuwing babalik itong luhaan dahil sa kanyang magaling na ama. Silang dalawa lang naman ang magdadamayan, wala ng iba."Tapos babalik na naman s'ya dito na umiiyak, kasi pagkatapos n'yang alagaan 'yung mga anak ng tatay kong magaling papaalisin na naman s'ya. Hay nakakapagod na! Pagod na pagod na ako, suko na ako kay mama. Ayaw ko na," d***g nito.Napa-iling si Junel at sumubo ng sisig. "Wala na tayong magagawa d'yan," sabi nito habang ngumunguya. "S'ya ang nanay mo, kung sana pwedeng mamili ng magiging magulang, nakapili na sana tayo ng perfect na magulang para sa atin," ani ni Junel.Hindi na muling umimik si Ella at nagumpisa ng mamula ang kanyang mga mata."Matatapos din lahat ng 'to, makakakita ka rin ng taong papahalagahan ka at aalagaan ka. Tiwala lang." Bumuntong hininga si Junel.Titig na titig ang dalaga sa mga mata ni Junel. Waring nangunguusap at humihingi ng tulong. Hindi umiwas ng tingin si Junel. Gustohin man nitong yakapin at h****n ang kaibigan sa mga oras na ito ay pilit n'yang pinipigilan.'Wag mo akong titigan ng ganyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo na't kinakaya ko lang sabayan ka sa pag-inum. Pero ang totoo, lasing na ako.Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.Kung may lakas lang talaga ako ng loob na gawin ang mga sinabi ko. Hindi lang isang linggo, isang bwan o isang taon. Habang buhay kitang sasamahan at aalagaan, kaso ayaw kong ako ang maging dahilan ng pag-iyak mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na makikita kang luluha dahil sa kagagawan ko.Tumayo at agad na tumalikod si Junel ng makitang may pumatak na luha sa mga mata ng dalaga. Kahit pakiramdam nito ay mabubuhal s'ya dahil sa pagkalasing ay pilit s'yang tumindig ng ayos. "Okay, ihahanda ko na ang hihigaan ko. Sa dati pa rin ba?" tanong nito.Huminga ng malalim si Ella bago sumagot. "Oo," maiksi nitong tugon."Okay, d'yan ka muna. Babalik ako pangako," sabi ni Junel at lumakad papuntang kwarto.Pinahi ng dalaga ang kanyang mga luha at ngumisi."Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi napansin ng binatang mag-iisang bwan na s'ya sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Nasanay na rin ito sa katahimikan ni Ella. Bilang lang ang mga pagkakataong nakakapag-usap silang dalawa. Ngunit kahit ganoon, natuturuan naman ng maayos ng dalaga si Zander. Ito rin ang preparasyon ni Ella kay Zander para sa kanyang board exam."Very good Alvarez, nice work," papuri ni Mr. Villanueva sa binata habang binubuklat ang report na kanyang pinasa. "For beginners, mabilis kang matuto. May mga glitches, pero ma-work out pa 'to through time. Keep it up.""Salamat po Mr. Villanueva," nakangiting tugon nito."Tama ang desisyon kong kay Tan ka mapunta, will never know baka maging katulad ka rin n'ya," ani nito at ipinatong ang report ni Zander sa kanyang lamesa.Napakamot sa kanyag ulo si Zander. "H---Hindi naman po siguro ako magiging kasing galing ni Miss Tan, ginagawa ko lang po kung anong mga tinuro n'
Mula sa kinatatayuan ni Zander ay tanaw n'ya ang malamlam na mga mata ng dalaga, nakatitig ito sa mga batang naglalaro sa kanyang harapan. Gustong lapitan ni Zander si Ella ngunit nag-aalangan ito dahil baka kasama ni Ella si Junel. Sumagi rin sa kanyang isipang baka maging sagabal lang s'ya sa pag-date ng dalawa. Aalis na dapat si Zander ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at patuloy pa ring pinagmasdan si Ella.Nag-away kaya sila? Bakit ang lungkot ng mga mata ni Miss Tan. O hala! Umiiyak ba s'ya?Nanlaki ang mga mata ni Zander ng makitang pinupunasan ni Ella ang kanyang pisngi. Hindi ito sigurado kung may luhang tumulo sa mga mata nito ngunit nataranta na lang s'ya bigla sa nakita.Panyo! Panyo!Kinapa ni Zander ang kanyang bulsa, pagsalat nito ay tanging wallet at mga balat ng candy lang ang kanyang nakapa. Paglingon nito sa isang stall, nakita ni Zander ang bugkos ng tissue sa tabi ng counter."Ate," tawag ni Zander sa tindera pagkalapit nito. "Pwede ba 'kong humingi ng tissu
"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.Agad na lumapit ang mag-ina."Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat."Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga."Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa."Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito."Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.
Zander! Ang presko ng dating mo! Ano ang akala mo? Kaedad mo lang ang kausap mo? Palpak ka talaga kahit kaylan. Itinapon na ni Zander ang sigarilyo sa basurahan. Nadismaya man ito sa kanyang sinabi ngunit hindi nabawasan ang paghanga nito kay Ella.Samantala, sinundan lang ng tingin ni Ella si Zander at hinintay makabalik. Matapos ay tinabihan nito ang dalaga at naupo rin si lapag."A---Ano kasi ate," nauutal na sabi nito. Gusto nitong ipaliwannag ang kanyang dahilan kung bakit n'ya 'yon na sabi.Nakatingin lang si Ella sa binata. "Ayos lang, tutal may hika," sabi nito.Napayuko ang binata ang kumamot ng ulo, bukod sa pagkadismaya ay nadagdagan pa ng hiya ang kanyang nararamdaman. Iniwas na lang ni Ella ang kanyang tingin kay Zander ng mapansin n'ya ito.Hayan tuloy! Na badtrip pa yata sa akin si MIss Tan. Bida bida ka kasi.Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nakatitig lang si Ella sa langit, samantalang si Zander ay naktingin sa maliit na mukha ng katabi.Kung wala lang akong Dennis
"Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella."O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.Nilibot ng binata ang kanyang mata.Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado ta
Nasamid bigla si Ella habang kumakain. Inabutan kaagad ito ni Zander ng tubig."Ate dahan dahan lang, mayroon pang natira roon," sabi ni Zander."Ang sarap kasi," sabi nito matapos uminom."Dapat pala pinagluto na lang kita at hindi na tayo uminom," pabiro nitong sabi sa dalaga.Nahinto si Ella sa pagsubo at tinignan ni Zander. "Okay lang naman kung ayaw mo," wika nito at pinagpatuloy ang pagkain.Patay, ayon na e! Nakuha ko na ang kiliti n'ya. Wrong move!"Ano ate, biro lang. Ikaw naman." Kinuha ni Zander ang bote ng alak at binuksan. "Masarap 'yan 'te kung sasabayan mo nito." Kaso ang weird naman yata? Habang umiinum kumakain ng kanin at ulam? Hindi ka na naman nag-iisip Zander!Napapikit na lang ang binata sa kahihiyan. Ngunit narinig nito ang paglagok ni Ella habang umiinom."Sarap," wika nito.Minulat ni Zander ang kanyang mga mata, sa kanyang pagmulat ay nakita n'yang patuloy pa rin si Ella sa pagkain. Tila hindi nito ininda kung magkapares ba ang alak at kanin.Nasasarapan s'y
“A—-Ano ‘to?” tanong ni Ella kay Zander. Nagningning ang mga mata ni Ella sa kanyang nakita.“Hmmm, dinner under the stars?” ngiting ngiti nitong ni Zander. Bakas sa mukha nito ang pananabik.“Pe—-pero para saan? May okasyon ba?” pagtataka ni Ella. May magarang gayak sa likuran ng isang sasakyan, naguguluhan man sa nangyayari ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nararamdaman.“Wala namang dapat na maging okasyon para surprisahin kita ng ganito. Gusto lang kitang makasama ngayon kaya ko ginawa ‘to. Gusto kong maging espisyal ang gabing ‘to dahil kasama kita. Pwede na bang dahilan ‘yon kaya ko ginawa ‘to?” sambit ni Zander na hanggang tenga ang ngiti.“Pe—Pero—-,” sambit ni Ella. “Wala ng pero pero.” Inilahad ng binata ang kanyang kamay. “Tara?” aya nito.Tumango ang dalaga, hinawakan nito ang kamay ng binata at lumapit ang dalawa sa sasakyan. Isinampa si Zander si Ella ng marahan. “Mukhang bumibigat ka ‘ata ngayon?” biro nto pagkasampa ni Ella sa sasakyan.Nang mga sandaling ‘yon a
Nakatitig ang lahat kay Baron at nagtataka kung anong pakay nito sa kanyang pagbisita. At dahil dito ay nanlalamig ang buong katawan ni Baron ng mga oras na ‘yon, gustuhin man n’yang umatras ay hindi na n’ya magagawa.Ito na ‘to, wala ng atrasan ‘tong. Baron, para kay Anica at at para kay baby. Tama para ‘to lahat kay baby.“Gu—-Gusto ko po sanang sabihin na—-na,” napatikhim pa si Baron. “Sabihin na—-.”“Baron? Ano bang gusto mong sabihin? At ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan? Naiinitan ka ba?” sunod sunod na tanong ng ina ni Anya. “Tapatan n’yo kasi ng electricfan si Baron, nakakahiya sa bisita,” utos ng kanyang ina.Tumayo naman ang kuya ni Anya at iinapat ang bintilador kay Baron. Ngunit imbis na mapreskuhan ay nangilabot si Baron at mas naramdaman ang kaba.“Po?” Hinipo nito ang kanyang noo at naramdaman ang nanlalamig n’yang pawis.Makakauwi pa kaya akong buhay? “Baron,” tawag ni Anya. Sa mga titig ni Anya, sinasabi nitong sabihin na nito ang kanyang tunay na
Humahangos na binuksan ni Junel ng pinto ng kwarto ni Ella, matapos ay kaagad n’yang nakita si Ellang nakaupo sa kama at kausap ang doctor. Seryoso ang lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng doctor at kasama na dito si Ella. Nakatulala lang ang dalaga at tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng doctor.“Congratulations Miss Tan, magiging mommy ka na,” wika ng doctor na may ngiti sa mga labi.Nakatingin lang si Ella at halatang hindi alam kung anong magiging reaksyon sa kanyang narinig. Napahawak din ito sa kanyang tiyan at unti-unti itong napayuko. Samantalang napatulala na lang si Junel sa kanyang narinig.Nahagip ng tingin si Junel ng doctor. “Oh, is he the father?” tanong ng doctor.Walang umiimik, napatingin ang lahat sa kinaroroonan ni Junel.A—-Ako? Fa—-Father? Sandali lang ano bang nangyari? Magkaka-anak na ako? A—-Anak namin ni Michaella? Pe—Pero.Pinagpawisan bigla at nanlalamig si Junel.Ilang minutong naghihintay ang lahat sa sagot ni Junel, ng biglang nag salita si El
Pagmulat ni Ella, agad n’yang nakita si Anica, mahimbing itong natutulog sa sofa. Nakasandal ito kay Baron na ngayon lang muling nagpakita matapos ng kulang dalawang buwan. Pagbaling naman nito sa kanyang kanan ay nandoon naman ang kanyang ina na si Michelle. May hawak na rosaryo at umiiyak. Taimtim itong nagdarasal.“Ma,”mahinang wika ni Ella.“Anak,” umiiyak nitong sabi, hamagulhol ito ng iyak at niyakap ang anak."Ma," ulit nitong sabi. Nanghihina at medyo nahihilo pa ang pakiramdam ni Ella.Nauliligan ni Anica at Baron ang tinig ni Ella. Agad na bumangon ang dalawa at lumapit sa dalaga.“Ella, ayos ka lang? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong ni Anica.Habang si Baron naman ay nakatingin sa dalaga at halatang lubos din ang pag-aalala sa kaibigan.“Baron, tumawag ka ng nurse, dali! Kailangan ma-check si Ella,” utos ni Anica.Tumango si Baron at agad na lumabas.Pilit na umupo ang dalaga, inalalayan naman ito ng kanyang ina. Nilibot ni Ella ang kanyang mata at inusisa kung
“Babae ka rin naman Michaella, si—-siguro naman naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito,” umiiyak nitong sabi. “Gagawin ko ang lahat bumalik lang sa akin si Zander, nagmamakaawa ako sa’yo.”Nakapag desisyon na ang dalaga, hindi n’ya isusuko ang binata at papanindigan nito ang kanilang relasyon. “Oo babae rin ako at alam ko kung bakit mo nagagawa ang lahat ng ‘to pero Dennise nakapag desisyon na si Zander. Kahit ipagtabuyan ko s’ya o makipaghiwalay ako sa kanya ngayon, hindi ka na n’ya babalikan,” tugon ni Ella.“Pero ikaw ang pinili n’ya, ibig sabihin kaya mo s’yang pasunurin sa gusto mo. Kaya Michaella please, sana—-” pilit ni Dennise.“Please Dennise,” pagputol ni Ella sa sinasabi ni Dennise. “ Kung ipipilit mo ang gusto mo, ang sagot ko ay hindi. Hindi ako nagmamalinis, alam kong may kasalanan din ako kung bakit kayo humantong sa ganito. Pero bukod doon may mabigat na dahilan din si Zander kung bakit ka n’ya hiniwalayan, nakita ko kung gaano ka minahal ni Zander at kung gaano
Walang nagawa si Dennsie kung hindi sumunod. Habang naglalakad ang dalawa sa kalsada ay walang imik si Zander. Mabilis ang paglakad nito kung kaya’t halos hingalin si Dennise upang pantayan lang si Zander sa paglalakad. Sinusubukan din ni Dennise na kumapit sa braso ni Zander, ngunit pumipiglas ang binata. Kaya naman nagkwento na lang si Dennise ng mga nangyari sa kanya sa araw na ‘yon. Kahit na hindi nagmumukha na s’yang t*ng* sa kanyang ginagawa.Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi kay Dennise ang lahat. Bakit ba nahihirapan s’yang tanggapin na wala na kami? Noong niloloko ba n’ya ako, hindi n’ya ba naisip na pwedeng dumating ang araw na ‘to? Na pwede akong mapagod sa mga ginagawa n’ya? Gaanon ba ako kat*ng* sa isipan n‘ya? Pareho lang kaming nahihrapan, Dennise naman! Habang naglalakad ay nag-iisip pa rin si Zander kung paano s’ya tatantanan ng dating kasintahan. Hanggang sa napadaan sina Zander sa kanto kung saan palagi silang nagkikita, noong bago pa lang silang magkasin
“Pa—-paanong maging ako? Hindi kita maintindihan,” sambit ni Ella.Tumango si Dennise. “Oo, paano maging ikaw. Naisip ko kasi na baka pag ginaya kita, balikan ako ni Zander.”Nang marinig ni Ella ang dahilan ni Dennise, magkahalong awa at inis na ang kanyang naramdaman. Umaasa itong hindi humantong ang kanilang usapan sa pagtatalo.“Alam mo ‘yon, kung paano ka magsalita, kumilos, lahat. Parang magiging ikaw ako,” natatawa nitong sabi subalit kitang kita sa kanyang mga mata na seryoso s’ya sa kanyang mga sinasabi. “Hi—-Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong baguhin sa sarili ko. Pagkatapos makipaghiwalay sa akin ni Zander, hindi ko alam kung anong nagustuhan n’ya sa’yo. Akala ko kuntento na si Zander sa kung ano ako, siguro na over look ko o nakalimutan kong baka sa paglipas ng panahon nabago na rin ang tipo n’ya sa babae. Sana tulungan mo ako.” Hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga. “Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulang magbago para gayahin. Sa palagay mo? Sa itsura? Pananal
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba,” sabi ng guard. “Sino raw po?” tanong ni Ella sa guwardya. Nakaramdam ng biglang pagkabog ng dibdib si Ella, wala namang inaasahang bisita o ka-meeting ang dalaga sa araw na ito. Kaya nagtataka ito kung sino ang tinutukoy ng guwardya. “Dennise Moralez po,” sabi ng guard. Pagkarinig ni Ella sa pangalan ay tila nangilabot ang kanyang buong katawan at namutla bigla. Anong ginagawa n’ya rito? “Ma’am ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng guard, napansin kasi nito ang pamumutla ng dalaga. Ilang segundong hindi nakapagsalita si Ella. Napatulala ito ng ilang sandali. “Ma’am?”tawag ng guwardya sa dalaga. “Papapasukin ko po ba?” tanong nito. Bumalik na sa ulirat si Ella nang mauliligan ang tanong ng guwardya. “Po.” Hinawi n’ya ang kanyang buhok at umayos tindig. “Ayos lang po ako. Ano po si—sige po papasukin n’yo po si Dennise. Kilala ko po s’ya. Ganito na lang po, paki sabi na lang po na bababa na rin po ako. May gagawin lang po ako s
Pagpasok ni Ella sa bahay ay bumungad sa kanyang paningin si Anica. “Si mama?” tanong ni Ella kay Anica. Kakauwi lang ng dalaga galing trabaho. Kasalukuyan namang nanunuod ng T.V habang kumakain ng pandisal na tustado si Anica. “Baby, nandito na si ninang mommy. Nako, Anica nakailang init ka ‘ata d’yan sa pandisal mo! Tignan mo nangingitim na oh."”“E bakit ba masarap kaya, gusto mo?” alok ni Anica.Umiling lang si Ella at nawiwirduhan na sa kilos ng kanyang kaibigan.“Ay tita pala nasa kusina, nagluluto na ng hapunan,” tugon ni Anica.“Sige,” sabi ni Ella. “Ayaw mo talaga? Masarap, tapos may palaman na coco jam,” muling alok ni Anica.“Hindi sige enjoy lang sa pagkain,” pagtanggi ni Ella at napailaing na lang.Pagkarating nito sa kusina ay nakita n’ya ang kanyang inang abala sa paghihiwa ng karne.“Ma, ka—kaylangan n’yo po ba ng tulong?” bungad ni Ella sa kanyang ina.Napalingon si Michelle at nakita ang kanyang anak. “O, nandito ka na pala, ang aga mo ‘ata,” inihinto muna ang kanya