Kitang kita ni Ella ang mga nangyari, nakaramdam ito ng awa para kay Zander ng mga oras na 'yon. May kasungitang taglay ang dalaga, akala mo ay walang paki-alam sa iba. Ngunit tao lang din s'ya na nakakaramdam ng awa kahit minsan.
"S'ya siguro ang nobya ni Zander," usal ni Junel, pinagmamasdan din pala nito ang magkasintahan mula sa kanilang kinatatayuan.Napalingon si Ella kay Junel. "Girlfriend?" tanong ni Ella.Tumango si Junel ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Mukhang nag-away yata 'yung dalawa, kawawa naman si Zander. Ano kayang pinag-awayan nila?" saad nito.Sinundan ng tingin nina Junel at Ella ang magkasintahan. Halata sa kilos ni Dennise ang iyamot kay Zander, hindi kasi ito pumapantay sa paglalakad sa kasintahan at halos iwan na si Zander."Baka na-late, kaya nag-away," ani ni Ella."Baka nga," sabi ni Junel. Bigla itong napalingon kay Ella. "Oy! Baka naman late mong pinag-out si Zander kaya na late s'ya sa pagsundo sa katipan n'ya!" bulyaw nito sa dalaga.Tinaasan ng kilay ni Ella si Junel. "Wala akong kinalaman d'yan, saktong alas-singko 'yan nag-out," sagot nito."O---Okay, ito highblood kaagad? Nagtatanong lang," biro ni Junel.Muling tinanaw ng magkaibigan ang magkasintahan hanggang nawala na ito sa kanilang paningin.So, may girlfriend ka pala Zander, nice try Alvarez. Single pala ha."We're here!" maligalig na bati ni Baron.Hindi ito pinansin ng dalawa, abala pa rin kasi sila sa pagtanaw sa magkasintahan."Oy! Ano bang tinatanaw n'yo d'yan? Pera ba 'yan?" biro ni Anica.Napa-iling si Junel. "Sira, nakita kasi namin si Zander at ang girlfriend n'ya," wika ni Junel.Biglang tumaas ang kilay ni Anica ng marinig ang sinabi ni Junel. "Girlfriend ba kamo ni Zander, 'yung malditang 'yon?" inis na sabi ni Anica.Nakarating na ang magkakaibigan sa resto bar na palagi nilang pinupuntahan."Kuya dalawang sisig, tapos tatlong bucket, maraming yelo ha," sabi ni Anica sa waiter. "Kayo, may ipapadagdag pa kayo?" tanong nito sa mga kasama."Wala na," tugon ni Baron. "Kuya mamaya na lang pag may additional," wika nito sa waiter.Inilista ito kaagad ng waiter at umalis."Oh ano na? Bakit kumukulo ata ang dugo mo sa nobya ni Zander?" usisa ni Junel."Ganito kasi, naalala n'yo no'ng sinabay ko si Zander papunta sa General?" panimula ni Anica."Oo," agad na sagot ni Baron. "Tandang tanda ko 'yon kasi pinag-commute mo ako!" bulyaw nito."'Wag ka ngang epal d'yan Baron!" pangbabara nito sa kaibigan sabay irap. "So ayon nga, okay naman kami ni Zander hanggang ospital. Normal lang naman siguro na magmagandang loob, lalo na at mabait naman si Zander. Aba sinamaan ba naman ako ng tingin ng babaeng 'yon, mula ulo hanggang paa! Akala mo kagandahan!" inis na kwento nito.Napangisi na lang si Ella.Kaya siguro mahilig mang-flirt, may atittude ang girlfriend, kaso sa nakita ko kanina mukhang under naman s'ya. Tss mga lalake nga naman hindi makuntento sa isa. "Easy, last week pa nangyari 'yon, pero parang sa'yo e sariwa pa ang lahat," pangiinis ni Junel."Hindi e, nakakainis kasi. Para sa akin ha, you don't even know my name tapos ganoon ka makatingin? Sinagot ko nga s'ya!" pagmamalaki nito."Anong sabi mo?" mabilis na tanong ni Baron."Sabi ko, hindi lahat nagagandahan sa kanya," sagot ni Anica. "Kung hindi mas lang bata sa akin si Zander, napakadaling i-flirt ng batang 'yon! Pasalamat s'ya mabait ako," banta ni Anica.Yap, mukha lang s'yang anghel na may buntot sa likuran. At sa totoo lang madali lang sulutin si Zander, mga kabataan nga naman."Oh! 'Yun oh!" sabay na sabi nina Junel at Baron.Ilang sandali pa at dumating na ang order nilang sisig at alak. Nagumpisa na ang apat, kasabay nito ay nagsabi na si Anica ng kanyang sentimyento sa kanyang kliyente. Tahimik lang si Ellang nakikinig sa pagmamaktol nito."Okay ka lang?" bulong ni Junel sa dalaga."Oo," maiksi nitong sagot sabay tungga sa bote na kanyang kaharap.Ngumisi si Junel. "Hindi pa ako lasing Michaella, kaya 'wag ako," saad ni Junel at tinungga rin ang kanyang iniinum."Oo nga." Humarap ito kay Junel at seryosong tinitigan ang mga mata nito. "Okay lang ako at sige mamaya sa bahay ka muna. Isang bwang wala si mama, nandoon sa bahay nina papa. Wala raw mag-aalaga sa mga kapatid ko kay papa," mahina nitong sabi."Ah," tumango-tango si Junel. "Sige, dumaan muna tayo sa bahay. Kukuha lang ako ng mga gamit ko, sa inyo muna ako ng isang bwan," sabi ni Junel at sumubo ng sisig.Heto na naman ako, humihingi ng saklolo kay Junel. Hay Ella, kaylan ka ba makakatayo sa sarili mo.Hindi umimik ang dalaga at tuloy tuloy lang ito sa pag-inum."Alam n'yo, kayong dalawa," nabubulol na sabi ni Anica at itinuturo silang dalawa. Bigla na lang kasi itong sumabat sa kanilang usapan at ang mas nakakagulat ay lasing na ito. Ang tatlong bucket na order nila ay halos s'ya lang ang umubos dahil sa kanyang sama ng loob. Nagulat sina Junel at Ella sa asal ni Anica lalo na sa sinabi nito."May napapansin ako e, alam n'yo 'yon parang may ano e, parang ano." Hindi matuloy ni Anica ang kanyang sinasabi dahil sa kalasingan."Anica, tama na," sabi ni Ella at kinuha ang bote ng alak na nasa tabi ni Anica."Oy! That's mine! Don't touch it!" sabi ni Anica. Tangkang aagawin pa dapat ito ni Anica ngunit pagtayo n'ya ay umikot ang kanyang mundo. "Oh! Wait, my world is rotating." Kumapa ito ng maaring kapitan, dali-daling lumapit si Baron para alalayan si Anica para hindi ito mabuhal."Anica naman, anong my world is rotating! Umayos ka nga," sabi ni Baron. "Iuuwi na kita. Tara na, pumirme ka na d'yan.""No! I'm not yet done drinking! I'm not drunk yet!" pagtanggi nito, itinulak pa ni Anica si Baron palayo. "I pay it so I should finished it," sabi pa nito na may matinis na boses.Pinagtitinginan na sila ng iba pang na roon. Muling lumapit si Baron kay Anica at pilit na pinapaupo. "Upo! Ito naman sabi mo hindi ka papakasagad, akala mo strong s'ya e," sayaw nito."Hey! Don't touch me!" sabi ni Anica kay Baron at pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang braso ngunit hindi nagpapigil si Baron. "I said don't touch me! I can handle myself. I'm a strong independent woman," wika ni Anica at umawra pa ito na parang nasa pageant.Napailing na lang sina Junel at Ella habang pinagmamasdan ang dalawa.Ito palagi ang senaryo nina Baron at Anica tuwing nasasagad sa pag-inom si Anica. Hindi naman ito pinapabayaan ni Baron, kabisado na nito si Anica. 'Yon nga lang ay sadyang makulit at panay na ang pagingles nito."Nag-english na 'yan, alam mo na ang gagawin mo," sabi ni Junel at inumpisahan ng ligpitin ang gamit ni Anica."Huh? What did you say? I cannot understand?" sabat ni Anica.Nakatingin lang si Ella kayna Baron at Anica."Nako, hindi na makaintindi ng tagalog. Malala na 'yan," natatawang sabi ni Junel at iniabot kay Baron ang bag ni Anica. "Kami na muna ang mag-uuwi ng motor n'ya," paalam ni Junel at ipinakita na hawak n'ya ang susi ng motor ni Anica."Ikukuha ko na kayo ng taxi sa labas," pagpiprisinta naman ni Ella. Tumayo na ito at lumabas ng resto bar.Wala pa ring tigil si Anica sa pagsasalita mag-isa ng english. Hindi na lang ito pinansin nina Junel at Baron."Junel, mag-stay pa kayo?" tanong ni Baron habang hawak-hawak si Anica upang hindi na umalpas. "Stay!" sayaw nito sa katabi. At dahil lasing na si Anica ay sumunod ito na parang maamong tupa.Tumango lang si Junel sabay lagok ng alak sa bote."Bakit may problema ba si Ella?" sunod nitong tanong."Meron," maiksi nitong sagot."'Yung dati pa rin ba?" Tinungga ni Baron ang natitirang alak sa kanyang bote."Yap. Wala s'yang kasama," sagot nito."At to the rescue ka naman? Sasamahan mo s'ya hanggang bumalik si tita," usisa nito."Yah! You! You!" sabat muli ni Anica na may pagturo pa kay Junel. "I know there's something between you and Ella. You should court her, I know you like her. But you cannot admit it, because you are affraid! You are affraid to fall in love seriously," bulyaw nito kay Junel ngunit dahil sa kalasingan ay napasubsub na ito sa mesa at nagngulumod na mag-isa.Pinagmasdan lang ito ng dalawa at sabay na tumawa. "Wala na bagsak ka na," sabi ni Junel. "Hindi mo na ako masesermonan," asar nito sa kawawang si Anica.Kumamot na lang sa kanyang ulo si Baron. "Nako, itong babaeng 'to talaga," 'yon na lang ang nasabi ni Baron.Ngumisi lang si Junel. "Pareho lang tayo Baron, kaya wala kang karapatang mamuna.""'Wag mo nga ako igaya sa 'yo! Kahit paano nagpapahaging ako dito!" Sabay turo sa walang kamuwang-muwang na si Anica. "E, ikaw?" ngising sabi ni Baron. "Pero seryoso, bakit nga ba hindi mo ligawan 'yang si Ella? Kahit subok lang. Kung sa iba nagagawa mong mangligaw, tapos kay Ella hindi mo magawa?" biglang tanong ni Baron. "Sa totoo lang nagtataka na rin ako. Tuwing wala si tita halos doon ka tumira sa kanila, tuwing may kaylangan si Ella to the rescue ka. Alam mo bagay naman kayo, bakit hindi mo subukan. Malay mo, ikaw na pala ang makakapagpalambot sa puso ng dakila nating tagatuos!" ani ni Baron habang iniinum ang tirang alak sa bote ni Anica."Alam mo naman ang dahilan ko Baron, kaylangan ko pa bang ulitin?" nakangising sabi nito, habang pinaglalaruan ang boteng kanyang hawak. "At ibabalik ko ang tanong sa 'yo, bakit hanggang ngayon hindi mo maseryoso 'yang pangliligaw mo kay Anica?" hamon nito kay Baron."Junel naman, parang ikaw ako. Sabi mo nga pareho lang tayo," saad ni Baron."Cheers sa mga lalaking takot magmahal ng kaibigan!" sabi ni Junel sabay taas ng baso."Para sa mga lalaking magpaparaya sangalan ng pagkakaibigan!" dugtong ni Baron at itinaas din ang kanyang baso.Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron."Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito."'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan."Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa."Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi napansin ng binatang mag-iisang bwan na s'ya sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Nasanay na rin ito sa katahimikan ni Ella. Bilang lang ang mga pagkakataong nakakapag-usap silang dalawa. Ngunit kahit ganoon, natuturuan naman ng maayos ng dalaga si Zander. Ito rin ang preparasyon ni Ella kay Zander para sa kanyang board exam."Very good Alvarez, nice work," papuri ni Mr. Villanueva sa binata habang binubuklat ang report na kanyang pinasa. "For beginners, mabilis kang matuto. May mga glitches, pero ma-work out pa 'to through time. Keep it up.""Salamat po Mr. Villanueva," nakangiting tugon nito."Tama ang desisyon kong kay Tan ka mapunta, will never know baka maging katulad ka rin n'ya," ani nito at ipinatong ang report ni Zander sa kanyang lamesa.Napakamot sa kanyag ulo si Zander. "H---Hindi naman po siguro ako magiging kasing galing ni Miss Tan, ginagawa ko lang po kung anong mga tinuro n'
Mula sa kinatatayuan ni Zander ay tanaw n'ya ang malamlam na mga mata ng dalaga, nakatitig ito sa mga batang naglalaro sa kanyang harapan. Gustong lapitan ni Zander si Ella ngunit nag-aalangan ito dahil baka kasama ni Ella si Junel. Sumagi rin sa kanyang isipang baka maging sagabal lang s'ya sa pag-date ng dalawa. Aalis na dapat si Zander ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at patuloy pa ring pinagmasdan si Ella.Nag-away kaya sila? Bakit ang lungkot ng mga mata ni Miss Tan. O hala! Umiiyak ba s'ya?Nanlaki ang mga mata ni Zander ng makitang pinupunasan ni Ella ang kanyang pisngi. Hindi ito sigurado kung may luhang tumulo sa mga mata nito ngunit nataranta na lang s'ya bigla sa nakita.Panyo! Panyo!Kinapa ni Zander ang kanyang bulsa, pagsalat nito ay tanging wallet at mga balat ng candy lang ang kanyang nakapa. Paglingon nito sa isang stall, nakita ni Zander ang bugkos ng tissue sa tabi ng counter."Ate," tawag ni Zander sa tindera pagkalapit nito. "Pwede ba 'kong humingi ng tissu
"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.Agad na lumapit ang mag-ina."Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat."Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga."Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa."Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito."Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.
Zander! Ang presko ng dating mo! Ano ang akala mo? Kaedad mo lang ang kausap mo? Palpak ka talaga kahit kaylan. Itinapon na ni Zander ang sigarilyo sa basurahan. Nadismaya man ito sa kanyang sinabi ngunit hindi nabawasan ang paghanga nito kay Ella.Samantala, sinundan lang ng tingin ni Ella si Zander at hinintay makabalik. Matapos ay tinabihan nito ang dalaga at naupo rin si lapag."A---Ano kasi ate," nauutal na sabi nito. Gusto nitong ipaliwannag ang kanyang dahilan kung bakit n'ya 'yon na sabi.Nakatingin lang si Ella sa binata. "Ayos lang, tutal may hika," sabi nito.Napayuko ang binata ang kumamot ng ulo, bukod sa pagkadismaya ay nadagdagan pa ng hiya ang kanyang nararamdaman. Iniwas na lang ni Ella ang kanyang tingin kay Zander ng mapansin n'ya ito.Hayan tuloy! Na badtrip pa yata sa akin si MIss Tan. Bida bida ka kasi.Nabalot ng katahimikan ang dalawa, nakatitig lang si Ella sa langit, samantalang si Zander ay naktingin sa maliit na mukha ng katabi.Kung wala lang akong Dennis
"Ipaparada ko lang sa loob 'to," sabi ni Ella matapos bumaba ni Zander. Tumango naman ang binata, nasa tapat na sila ng bahay ni Ella."O!" sabi ni Ella at biglang initsa ang susi ng kanyang bahay. "Susi 'yan sa front door, buksan mo na lang. Hintayin mo na lang ako sa loob," utos nito.Mabuti na lang at nasapo ito ni Zander ng maayos. "Sige 'te," tugon ni Zander. Kusa na nitong kinuha ang kanilang mga pinamili at nagtungo sa loob. Nakaramdam ng kilig si Zander ng nakatungtong na ito sa loob ng bahay ng dalaga. Hindi n'ya mawari ang kanyang nararamdaman kahit araw-araw naman silang magkasama ni Ella ay tila iba ang hatid ng araw na ito para sa binata. Lalong nanaig ang kagustuhan nitong makilala ang dalaga ng personal. Hindi bilang Michaella Tan na ubod ng sungit at tila walang pakialam sa nangayayari sa mundo. Kung hindi si Ella Tan, ang dalagang nakita n'ya sa bakanteng lote at kasama n'ya ngayong gabi.Nilibot ng binata ang kanyang mata.Ang linis ng bahay ni Miss Tan. Masyado ta