Home / Romance / My Ella / Chapter 6

Share

Chapter 6

"Miss Ta---," napahinto si Zander nang biglang lumingon si Ella sa kanya. "Tan, Tan pala," wika nito.

"Yes?" ani ni Ella habang walang emosyong nakatingin sa binata.

"Ano po kasi." Hindi alam ni Zander kung paano sasabihin kay Ellang uwian na. Hindi sinasadyang sumulyap ito sa wall clock na hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Saktong alas-singko pa lang naman ngunit nagsisilabasan na ang karamihan. Nakita ito ni Ella, pasimpling tinignan nito ang kanyang relo, uwian na pala at hindi nito namalayan ang oras.

"Yes?" ulit na tanong ni Ella.

Bakas sa mukha ni Zander ang tensyon. Akala n'ya ay nawala na ito kanina ngunit ng binalot muli silang dalawa ng katahimikan at ang tanging naririnig n'ya lamang ay ang pagtipa ni Ella, umusbong unti-unti ang kaba sa kanyang dibdib.

"Mauuna na po ako?" magalang na tanong ni Zander.

Tumalikod si Ella at nagbuklat ng mga files sa kanyang harapan. "Sige," maiksi nitong tugon.

Parang nabunatan ng tinik si Zander ng makapagpaalam na s'ya sa dalaga. Sa wakas ay makakauwi na rin s'ya, gustong gusto na n'yang sabihin ang lahat ng nangyari sa kanyang kasintahang si Dennise. Upang kahit paano ay mailabas n'ya ang kanyang mga dinadaing sa dalagang si Ella. 

Dali-dali nitong hinablot ang kanyang mga gamit at tumayo, pahakbang na sana ito ng may biglang sumagi sa kanyang isipan.

Wala pa ba s'yang balak umuwi? Dapat ko ba s'yang tanongin o umalis na lang ako? Tutal naman pinayagan naman na n'ya ako umuwi. Ano kayang dapat kong gawin?  

"Bakit hindi ka pa umaalis?" sabi ni Ella habang patuloy na binubuklat ang mga files sa kanyang harapan.

"Ay ano po kasi. A---Ano," nabubulol na sabi ni Zander sabay muling humarap sa dalaga.

Hininto ni Ella ang kanyang ginagawa at humarap kay Zander. Tulad kanina ay wala paring emosyon at diretso  lang ito sa mga mata tumingin.

"Ano 'yon?" tanong ni Ella.

Huminga ng malalim si Zander at saka nagsalita. "Ka---Kayo po, hindi pa po ba kayo uuwi?" lakas loob n'yang pagtatanong.

Pagkarinig ng dalaga sa tanong ni Zander ay agad itong bumaling sa kanyang mesa at muling nag-type. "May tatapusin pa ako," maiksi nitong tugon.

"Ah," ani ni Zander at tumango na lang. "Si---Sige po, bye bye po. Ingat po kayo pag-uwi," paalam ng binata kay Ella. Hindi pa rin ito umalis sa kanyang kinatatayuan.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.

Pagkabilang ng binata hanggang lima sa kanyang isipan ay  saka pa lang ito tumalikod at naglakad.

Palihim na sinisipat ni Ella ang binata, nang nakasigurado na itong nakalayo na si Zander ay huminto na ito sa pagtitpa at sumandal sa kanyang upuan. Umunat ito at napatingin sa kalendaryo.

"Lunes pa lang!" mahinang usal nito at bumalik sa kanyang ginagawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at tanging si Ella na lang ang natira sa kwarto. 

Zander Alvarez, tsss.

Sabay iling. Hindi alam ni Ella kung bakit n'ya naalala ang pangalan ng binata, bigla na lang kasi itong sumagi sa kanyang isipan. Naalala nito ang mga nangyari kaninang umaga.

"Tan! Tara, shot?" tawag ni Anica mula sa kanyang likuran.

Nagulat ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Anica. Akala n'ya ay s'ya na lang ang tao ng oras na 'yon. "Oh, nandito ka pa pala," sabi ni Ella. "Shot? Lunes na Lunes?" 

"Sus Tan 'wag ako, tara na please. Hindi maganada ang araw ko," pahaging ni Anica.

Ngumisi ang dalaga at hinablot ang bag at helmet sa ilalim ng kanyang mesa. "Sige, basta treat mo," hamon ni Ella sa kanyang kaibigan.

"Sure, no problem! Kahit ano, ano game?" pilit ni Anica.

Napa-iling na lang si Ella.

"Tara na hinihintay na tayo nina Junel at Baron sa baba," aya ni Anica.

Sabay na lumabas ng building ang magkaibigan. Dumiretso kaagad ang dalawa sa parking lot upang doon tagpuin ang dalawa pa nilang kaibigan.

"Naks, ang bilis wah? Wala pang thirty minutes napapayag mo si Tan?" kantyaw ni Baron habang nakatitig sa kanyang relo.

Hindi umimik si Ella, binuksan nito ang compartment ng kanyang motor at kinuha ang extra helmet. Iniitsa nito ng walang pasabi ang helmet kay Junel.

"Oy! Ella naman!" gulat na sabi ni Junel. Muntik na kasi n'yang hindi masapo ang helmet na hinagis ng dalaga. "Baron kasi, 'wag mo ng asarin!" saway nito sa kaibigan. "Hindi naman kasi ikaw ang pinagbubuntunan!"

Humahagikgik sa tawa si Baron, sa kanilang apat si Baron kasi ang pinaka pilyo at mapang-asar. 

Lumapit ito kay Ella. "Hindi naman mapipikon si Ella, si Ella pa ba?" pagmamalaki ni Baron. At bumaling ito ng tingin sa kaibigan. "'Di ba Ella?" tanong nito sa dalaga sabay akbay dito.

Binalingan ng tingin ni Ella si Baron. "Magdadaldalan lang ba tayo rito o ano?" masungit na sabi ni Ella.

"Ayan kasi! Mamaya umatras pa si Ella, minsan ko na nga lang maayang lumabas! Kayo naman! Nagsasawa na ako sa mukha n'yong dalawa!" sumbat ni Anica. "Ay Ella, may dadaanan pa pala ako sa may General Hospital. Gusto mo bang sumama o mauna kana?" tanong ni Anica.

"Sasamahan na kita," agad na sagot ni Ella, pinaandar na nito ang kanyang motor. "Baka maaga akong mag-uwi ng lasing kapag pinauna mo kami ni Junel," biro ni Ella.

Lumapit na si Junel kay Ella, sa kanya kasi ito sasabay. "Grabe ka naman sa akin, hayaan mo, magpa-practice na ako para ikaw naman ang aalagaan ko," biro ni Junel sabay kindat sa dalaga.

"Tsss, 'wag ako," sabi nito sabay suot ng helmet at sumakay sa kanyang magarang motor. At dahil naka-start na ito ay pinihit nalang nito ang kanyangg silinyador.

 

"Ito hindi mabiro!" Walang pasabing inabante ni Ella ang kanyang motor, nakinagulat ni Junel. "Wait lang! Sa'yo ako aangkas!" dali-daling sinuot ni Junel ang extrang helmet ni Ella at umangkas sa motor ng dalaga. "Ayan, game!" ani nito pagkasakay.

"Sa General hindi ba?" tanong ni Ella.

 

"Oo," maiksing sagot ni Anica habang hinihintay na makasakay si Baron sa kanyang likuran.

"Sige," sabi ni Ella at saka pinaandar ang kanyang motor.

"Bagal mo kasi! Nainip tuloy si Ella," bulyaw ni Anica kay Baron na kasalukuyang nagkakabit pa lang helmet.

"E, teka lang ikaw naman. Binibilisan ko na nga e!" nagmamadaling sabi ni Baron.

"Okay ka lang?" pasigaw na tanong ni Junel.

"Oo! Bakit naman ako hindi magiging okay?" sagot ni Ella habang nagmamaneho ng motor.

"Wala lang, pumayag ka kasi kaagad na sumama. Kilala kita Michaella," sabi ni Junel.

Ngumisi si Ella.

Bakit nga ba ako biglang sumama? Ay tama, kasi ayaw ko munang umiwi. At kung uuwi man ako, gusto ko tutulog na lang ako. Tutal, ako lang mag-isa sa bahay.

"Wala ba si Tita? Mag-isa ka na naman ba sa bahay?" tanong ni Junel na halos isigaw na ang sinasabi.

Natawa ang dalaga. "'Wag kang sumigaw! Naririnig naman kita!" puna ni Ella.

"'Wag mong ibahin ang usapan! Ano nga? Gusto mo ba sa inyo muna ako hanggang umuwi ulit si tita?" seryosong tanong ni Junel.

"Pag-iisipan ko," maiksing sagot ng dalaga.

"Sige, bago tayo umuwi sabihan mo ako," sagot ni Junel.

Tumango lang ang dalaga.

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa tapat ng General Hospital. Inihinto ni Ella ang kanyang motor sa tabi, bumaba muna ang dalawa upang hintayin sina Anica at Baron.

"Ang kupad talaga ng dalawang 'yon," sabi ni Ella kay Junel pagkatagal nito ng helmet.

"Para namang may bago? Baka nagbabangayan pa sila sa daan, maaga pa naman," sagot ni Junel. "So ano, sa inyo muna ako? One week? Two weeks? Or a month?" pangungulit ni Junel.

"'Wag kang malurit, pag-iisipn ko pa," sagot ng dalaga, inirapan nito si Junel pagkasagot nito. Pagbaling ni Ella ay hindi sinsadyang natanaw nito ang isang babaeng naghihintay sa waiting shed hindi kalayuan sa kanila. Panay ang tingin nito sa kanyang orasan. Halatang may hinihintay ito at naiirita na.

Nako! Patay na ko kay Dennise, mag-isang oras na s'yang naghihintay!

Humahangos na naglalakad si Zander sa may overpass.

Bakit ba kasi nakatulog ako sa jeep! Lumagpas tuloy ako.

Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ng binata.

Love calling...

Patay!

Agad na sinagot ni Zander ang tawag ng kanyang kasintahan habang nagmamadaling naglalakad.

"Love," bungad nito.

"Nasaan kana! Nakakailang text ka na ng on the way, on the way! Wala pa namang isang oras ang layo ng building n'yo sa ospital!" sigaw ni Dennise.

Pasigaw na kung magsalita si Dennise sa telepono, alam ng binatang namumula na sa galit ang kanyang kasintahan. Dahilan kaya lalo s'yang nagmadali sa paglalakad.

"Ito na nga, malapit na promise. Totoo na 'to," sagot ni Zander. Tinignan nito ang oras sa kanyang cellphone at aksidenteng nababaan ng  telepono ang kasintahan.

Hala, titignan ko lang dapat ang oras bakit ko na end 'yung tawag! Naman bakit ngayon pa ako minamalas!

Lumipas pa ang bente minutos at sa wakas ay nakarating na rin si Zander sa ospital. Malayo pa lang ay tanaw na nito si Dennise sa waiting shed. Kumaripas na ng takbo si Zander upang agad s'yang makalapit sa kasintahan. 

"Love," hingal na sabi ni Zander. Pawis na pawis ito dahil sa pagtakbo.

Tinignan ni Dennise si Zander na tila ng didiri. "Anong itsura 'yan? Ang asim mo!" inis na sabi ni Dennise.

"E kasi." Hinahabol ni Zander ang kanyang hininga. "Tinakbo ko mula overpass hanggang dito. 'Yung  text ko sa'yo kanina totoo 'yun. Kaso lang nakatulog ako sa jeep kaya lumagpas ako. Nakarating akong terminal, kaya na late ako," hinihingal na paliwanaag ni Zander. Nakakapit na rin ito sa posteng kanyang kalapit, pakiramdam nito ay umiikot ang kanyang paningin dahil sa kakapusan ng hininga.

Nakikita na ni Dennise ang sitwasyon ng kanyang kasintahan ngunit wala itong kibo. At sa halip na alalayan ay binungangaan pa nito si Zander.

"E 'di dapat nag-text ka na lumagpas ka! O kaya nakatulog ka ng hindi ako parang timang na nakatayo dito kanina pa! Alam mo namang ayaw kong pinaghihintay ako!" bulyaw nito kay Zander.

"So--Sorry na Love," paghingi ng paumanhin ni Zander kahit nahihirapan na ito huminga.

"Tsss," inirapan lang ito ni Dennise. "Ano, tatayo ka lang ba d'yan? Hindi pa ba tayo uuwi?" mataray na tanong nito.

Kahit na hinihingal pa si Zander ay pinilit na lang nitong tumindig ng maayos. "Akin na ang bag mo," sabi ni Zander.

Inabot naman ni Dennise ang kanyang bag at nauna ng limakad. Napailing na lang si Zander at sinundan ang kanyang kasintahan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status