"Walang dyo! Talaga ba? Ginawa n'ya 'yon!" wika ni Junel habang tumatawa. "Grabe talaga 'tong si Tan, walang patawad! Nag-ala HR naman ngayon!" dagdag pa nito.
"'Wag naman po kayong ganyan, kanina ko pa nga po iniisip kung tama po ba ang mga sagot ko sa mga tinanong n'ya. Para nga po akong naga-apply ulit, pero mas matindi." Nakatungong sabi ni Zander.Sumabak si Zander sa isang matinding interview. Simula sa tell me about yourself hanggang sa what do you expect to this company. Bukod doon ay nagtanong din si Ella tungkol sa pagiging accountant. Debit at credit, mga terms na ginagamit. Mga basic computation na madalas gamitin at kung ano ano pa. Kung sa ilalim ni Junel ay naging chill at relax ang binata, pagdating naman kay Ella ay kabaliktaran ang lahat.Pinipigil ni Junel ang kanyang pagtawa, nakita n'ya kasi ang pamumula ng binata dahil sa hiya. Naisip nitong baka mapikon ang binata sa kanyang magiging reaksyon kung s'ya ay tatawa. "Okay lang 'yon, noong nakaraan nga pinag-exam n'ya 'yung tine-train n'ya," wika ni Junel sabay subo ng kanin.Napatunghay si Zander sa kanyang narinig. "P---Po? Pinag-exam n'ya po?" gulat na tanong ni Zander.Tumango-tango si Junel at nilunok ang laman ng kanyang bibig. "Oo, at hindi lang basta bastang exam! Alam ko galing sa previous board exam ang mga tanong na binigay ni Tan. Plus 90% cut-off! O hindi ba saan ka pa! Mas malupit pa sa mock boards," salaysay ni Junel.Nalunok na lang kabasta ni Zander ang kanyang kinakain ng hindi nginunguya. Nang lamig din ang kanyang buong katawan sa mga sinabi ni Junel dahil sa kaba."E, n---nasaan na po 'yung pina-exam ni Tan?" kabadong tanong ni Zander.Ngumisi si Junel. "Ayon, wala na," agad nitong sagot. "Tumagal naman s'ya ng isang bwan mahigit," dagdag nito.Pinagpatuloy ni Junel ang kanyang pagkain samantalang si Zander naman ay huminto na ang mundo at nag-isip.W---Wala na? Ano kayang nangyari sa kanya? Bumagsak kaya s'ya sa binigay na exam ni Miss Tan? Dahil kaya doon kaya s'ya natanggal? Nako po, wala pa akong isang bwan dito, matatanggal na rin kaagad ako? Buti pa s'ya umabot ng lagpas isang bwan, paano kaya ako. Hala! Hindi ko pa naman nabubuklat 'yung mga reviewer ko! Balak ko kasing after one month ko dito sa firm saka ako magsisimulang mag-review. Sabi na nga ba, kaya siguro napapalingon ako kagabi pa sa mga libro ko. Dapat nagbasa na pala ako kagabi, anong gagawin ko.At nagsimula ng mataranta ni Zander, hindi na ito muling nakasubo ng kanyang pagkain dahil nabagabag na ito sa sinabi ni Junel. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan at tuluyan na itong hindi nakakain. "Oy!" sabi ni Junel at pumalakpak sa harapan ng binata. Nagitla si Zander kaya naman bumalik na ito sa riyalidad. "Kumain ka nga d'yan, sabi ko sa'yo hindi ba, 'wag mo muna isipin si Tan para makakain ka ng maayos," sabi ni Junel.Paano po ako kakalma? Paano ko po hindi iisipin ang mga sinabi n'yo? E matatanggal ako sa trabaho kapag hindi ako pumasa kay Miss Tan. Hindi po ako matalinong tao, paano ang gagawin ko."S---Soriano, talaga bang nagpapa-exam si Tan?" muli nitong tanong. Naisip ng binatang wala namang mawawala kung itatanong n'ya ito kay Junel. Para na rin makakuha s'ya ng ideya kung kaylan s'ya bibigayan ng exam ng dalaga."Actually, dipende sa mood n'ya. Minsan napapa-exam, minsan hindi. Sabi ko nga sa'yo may sapak ang utak ni Tan, palibhasa walang katipan kaya laging masungit," biro ni Junel.Alam ng binatang nagpapatawa si Junel upang mabago ang takbo ng kanilang usapan ngunit hindi n'ya magawang tumawa dahil sa nerbyos na nararamdaman.Sinulyapan ng tingin ni Junel ang binata dahil hindi man lang ito sumgot sa kanyang biro. Bakas sa mukha ng binata ang kaba. Nako, wrong move. Kinabahan ata si Zander sa mga sinabi ko.Hininto ni Junel ang kanyang pagkain at inabot kay Zander ang bote ng tubig. "Uminom ka muna," ani nito.Bumalik sa ulirat si Zander at uminom ng tubig. "Ano okay ka na?" tanong ni Junel.Hindi naka imik ang binata. Bumuntong hininga na lamang ito."Pasensya ka na sa kadaldalan ko, pero totoo 'yung mga sinabi ko kanina. Nagpa-exam bigla si Tan sa isang tine-train n'ya noon, masyado kasing mayabang kaya ayon. Napikon si Tan at pinag-exam bigla, nagulat din kaming lahat sa ginawa n'ya. Sinopla s'ya ni Tan," paliwanag ni Junel."Ah," 'yon lang ang naging tugon ni Zander. "Alam mo, dipendi rin kasi sa attitude ng tao ang pakikisama n'yang si Tan. Ewan ko ba, may pagka-psycholigist 'yan minsan. Ang galing n'yang mangilatis ng tao, kahit na unang beses pa lang nilang magkita. At hindi nakakakalimot si Tan lalo na sa mga mayayabang na tao," salaysay ni Junel."Nako patay," bulong ni Zander.Nauliligan ni Junel ang sinabi ni Zander."Ha? May sinasabi ka ba?" tanong nito sa binata."Ha! Ah, w---wala po. Tara kumain na po ulit tayo," aya ni Zander kahit na pinipilit na lang nitong ubusin ang kanyang pagkain.Hindi nakakalimot? Lagot na talaga ako! Sa mga sinabi ni kuya Junel, nagawa ko 'yung mga 'yun. Katapusan ko na talaga!Natapos na ang lunch break at bumalik na ang lahat sa kanilang mga lamesa."Basta tandaan mo, susundin mo lahat ng sasabihin n'ya. At kung nagkamali ka o hindi kaya naramdaman mong hindi n'ya gusto ang mga sinasabi mo, humingi ka kaagad ng sorry. Tumatanggap naman 'yan ng sorry, tiwala lang," muling paalala ni Junel bago ito humiwalay kay Zander sa paglalakad.Tumatak sa kanyang isipan ang sinabi ni Junel. Tama! Tyempo na lang ako para mag-sorry, siguro naman sa mga susunod na araw ay makukuha ko na ang kiliti ni Miss Tan. Sana. 'Yan kasi kayabangan mo Zander na papala mo! Minsan ka na nga lang mang-chix sa maling tao pa!Napapailing na lang ito habang naglalakad. Agad na bumalik si Zander sa lamesa ni Ella."Nandiito na po ulit ako," sabi nito kay Ella.Nakasandal lang si Ella sa kanyang upuan at waring may binabasa sa kanyang monitor. Hindi nito muling inimikan ang binata.Hindi kaya napapanisan ng laway si Miss Tan? Mula kaninang nandito ako, hindi na s'ya nagsasalita at sigurado ako, wala namang lumalapit sakanya mula kaninang break time. Dito lang kaya s'ya nag-stay? Naupo na ang binata sa kanyang pwesto at sinimulan na muli ang pag-aayos ng mga papel.Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang pinapaayos ni Ellang mga papel kay Zander."Tan, ito na po," wika ni Zander at inilapag sa gilid ni Ella ang mga ito, sinalansan pa nito ng maayos ang mga papel. Subalit hindi umimik si Ella. Nakasandal lang ito at tila nakatitig pa rin sa monitor."Tan?" ulit ni Zander ngunit wala pa ring kibo ang dalaga. Sinipat ni Zander ang monitor ni Ella, nakabukas ang isang file ng excel at puro numero ang laman nito. Binaling muli nito ang kanyang tingin kay Ella at nagulat itong pikit pala ang dalaga. Dahil sa maliit nitong mga mata, hindi mo kaagad mapapansing nakapikit pala ito.Ay tulog pala s'ya? Ang galing naman ni Miss Tan, kaya n'yang matulog ng naka-upo.Napatitig ang binata sa maamong mukha ni Ella, sa isang iglap ay nawalang parang bula ang kabang kanyang nararamdaman mula kanina. Nahalina ito sa itsura ng dalaga habang ito ay natutulog. Hindi sinayang ni Zander ang pagkataon at tinignan ang mukha ni Ella. Lumapit ito bahagya sa dalaga, para kasing may malakas na pwersang humahatak sa kanya para lumapit sa dalaga. Ang liit pala talaga ng mga mata n'ya. Ganito ang itsura n'ya kanina, maamo at mala anghel, ang sarap sanang titigan. Sana ganyan ka palagi para hindi ako kabahan sa 'yo.Biglang kumilos si Ella, umayos ito ng kanyang pwesto. Agad namang lumayo si Zander at tumayo sa gilid ng dalaga at kunwaring hindi n'ya ito nakitang natutulog. Bumaling ito ng tingin kay Ella, balak na sana nitong magsalita ngunit napansin n'yang pikit pa rin ang mga mata nito. Kinikiskis n'ya ang kanyang mga braso sinyales na nilalamig s'ya sa kanyang pwesto. Subalit kahit ganoon ay mahimbing pa rin itog natutulog.Napangiti ang binata, agad nitong kinuha ang kanyang jacket sa upuan malapit sa kanya upang ikumot kay Ella. Paglingon nito ay biglang dumilat ang dalaga."M---Ma'am! Ay Miss pala!" tarantang sabi nito at initsa ang jacket sa may sulok. Bahagyang nagulat si Ella sa pagsasalita ng binata, na alimpungatan kasi ito at nakita si Zander malapit sa kanya kaya dumilat ito kaagad. Hindi rin ito nagpahalatang nagulat, umayos din ito ng upo at hinawi ang kanyang buhok."Tapos ka na ba sa pinapagawa ko?" agad nitong tanong kahit pupungas-pungas pa ito. Tumitig ito muli sa kanyang monitor na para bang walang nangyari.Sh*t! Umandar na naman ang pagiging antukin ko! Alam kaya n'yang kanina pa ako tulog? Sana hindi, sa dinamirami ng makakakita sa akin ito pa talagang bago. At s'ya pa talaga! Buhay nga naman! "Opo," agad na sagot ni Zander. "Ito na po." Iniusad bahagya ng binata ang papel.Kinuha ni Ella ang mga ito at binuklat-buklat. Inusisa rin n'ya ang pagkakaayos ni Zander sa mga files na kanyang binigay.Mukhang tinuruan ka ni Junel ng maayos. Very good, impressive, para sa baguhan okay ka. Mukhang may katotohanan ang mga sinabi mo sa akin kanina. Sige dahil masunurin ka hindi kita papahirapan ngayon. Ngayon lang! Wala pa ring reaksyon ang mukha ni Ella, hindi tuloy alam ni Zander kung tama ba ang kanyang ginawa o mali. Inilapag ng dalaga ang mga papel sa kanyang lamesa at nilingon si Zander. "Pag-aralan mong mabuti ang bawat ditalye d'yan sa mga papel na 'yan. Kung paano ang heading at mga pagkasunod-sunod," sabi ni Ella at muling humarap sa kanyang monitor. "Lahat ng 'yan kaylangan mong pag-aralan. Kung para saan sila at bakit kaylangan silang ilagay d'yan," dagdag ni Ella at nagsimula ng tumipa sa keyboard."Opo," mabilis na sagot ni Zander.Hay, bitin pa ako sa tulog kahit nagkape na ako kanina. Inaantok pa talaga ako, bakit kasi sa akin palaging binibigay ni Mr. Villanueva ang mga bago. Nakakainis! Hindi ako makadiskarte ng tulog. Masimulan na nga 'to para matapos na kaagad.Ginalaw bahagya ni Ella ang kanyang mga balikat dahil nakaramdam ito ng pagkangalo sa kanyang pwesto kanina.Ano 'yon? Wala man lang compliment o commment sa pinagawa n'ya? Ang dami-dami kaya ng inayos ko! Akala ko aabutin ako hanggang bukas tapos 'yun lang? Haist! Pero mas okay na 'to kaysa mag-exam! Ay baka ito 'yung ipapa-exam n'ya sa akin, tama aaralin ko 'to.Sinulyapan ng binata si Ella bago simulang pag-aralan ang mga papel na kanyang hawak.Papatunayan ko sa 'yo Miss Tan, mangyayari lahat ng mga sinabi ko. Itaga mo 'yan sa bato!"Miss Ta---," napahinto si Zander nang biglang lumingon si Ella sa kanya. "Tan, Tan pala," wika nito."Yes?" ani ni Ella habang walang emosyong nakatingin sa binata."Ano po kasi." Hindi alam ni Zander kung paano sasabihin kay Ellang uwian na. Hindi sinasadyang sumulyap ito sa wall clock na hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Saktong alas-singko pa lang naman ngunit nagsisilabasan na ang karamihan. Nakita ito ni Ella, pasimpling tinignan nito ang kanyang relo, uwian na pala at hindi nito namalayan ang oras."Yes?" ulit na tanong ni Ella.Bakas sa mukha ni Zander ang tensyon. Akala n'ya ay nawala na ito kanina ngunit ng binalot muli silang dalawa ng katahimikan at ang tanging naririnig n'ya lamang ay ang pagtipa ni Ella, umusbong unti-unti ang kaba sa kanyang dibdib."Mauuna na po ako?" magalang na tanong ni Zander.Tumalikod si Ella at nagbuklat ng mga files sa kanyang harapan. "Sige," maiksi nitong tugon.Parang nabunatan ng tinik si
Kitang kita ni Ella ang mga nangyari, nakaramdam ito ng awa para kay Zander ng mga oras na 'yon. May kasungitang taglay ang dalaga, akala mo ay walang paki-alam sa iba. Ngunit tao lang din s'ya na nakakaramdam ng awa kahit minsan."S'ya siguro ang nobya ni Zander," usal ni Junel, pinagmamasdan din pala nito ang magkasintahan mula sa kanilang kinatatayuan.Napalingon si Ella kay Junel. "Girlfriend?" tanong ni Ella.Tumango si Junel ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Mukhang nag-away yata 'yung dalawa, kawawa naman si Zander. Ano kayang pinag-awayan nila?" saad nito.Sinundan ng tingin nina Junel at Ella ang magkasintahan. Halata sa kilos ni Dennise ang iyamot kay Zander, hindi kasi ito pumapantay sa paglalakad sa kasintahan at halos iwan na si Zander."Baka na-late, kaya nag-away," ani ni Ella."Baka nga," sabi ni Junel. Bigla itong napalingon kay Ella. "Oy! Baka naman late mong pinag-out si Zander kaya na late s'ya sa pagsundo
Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron."Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito."'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan."Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa."Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
"Huh!" hiway ni Junel pagpasok nito sa kwarto ni Ella. Pagkasara nito ng pinto ay humakbang ito ng kaunti, ngunit ang kanyang pagkahilo ay mas tumutindi. "Kunti pa! Kaya mo 'to Junel."Naupo ito sandali sa papag at sumandal sa pader. Hinahabol nito ang kanyang hininga at sunod-sunod na rin ang kanyang pagdighay. Umiikot na rin ang kanyang paligid."Ang baho ng hininga ko! Amoy alak na," inis nitong sabi.Nakatitig lang ito sa katapat na pader habang pinapakiramdaman ang sarili. "Alam mo ikaw, pader ka, ikaw na lang palagi ang nakakarinig ng mga gusto kong sabihin sa amo mo! Bigyan mo nga ako ng payo, para maging kasing tigas mo ang loob ko!" sabi nito sa walang kamuwang-muwang na pader. "Alam mo 'yon, kung kaylan nagsusumigaw ang damdamin ko, saka naman ako nasa harapan mong pader ka! Lagi na lang ganito! Kung siguro babae ka, na inlove ka na sa akin. Kasi alam mo 'yon, ikaw lang ang nasasabihan ko?" May pagduro pa ito sa kaharap na pader. "Ika
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi napansin ng binatang mag-iisang bwan na s'ya sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Nasanay na rin ito sa katahimikan ni Ella. Bilang lang ang mga pagkakataong nakakapag-usap silang dalawa. Ngunit kahit ganoon, natuturuan naman ng maayos ng dalaga si Zander. Ito rin ang preparasyon ni Ella kay Zander para sa kanyang board exam."Very good Alvarez, nice work," papuri ni Mr. Villanueva sa binata habang binubuklat ang report na kanyang pinasa. "For beginners, mabilis kang matuto. May mga glitches, pero ma-work out pa 'to through time. Keep it up.""Salamat po Mr. Villanueva," nakangiting tugon nito."Tama ang desisyon kong kay Tan ka mapunta, will never know baka maging katulad ka rin n'ya," ani nito at ipinatong ang report ni Zander sa kanyang lamesa.Napakamot sa kanyag ulo si Zander. "H---Hindi naman po siguro ako magiging kasing galing ni Miss Tan, ginagawa ko lang po kung anong mga tinuro n'
Mula sa kinatatayuan ni Zander ay tanaw n'ya ang malamlam na mga mata ng dalaga, nakatitig ito sa mga batang naglalaro sa kanyang harapan. Gustong lapitan ni Zander si Ella ngunit nag-aalangan ito dahil baka kasama ni Ella si Junel. Sumagi rin sa kanyang isipang baka maging sagabal lang s'ya sa pag-date ng dalawa. Aalis na dapat si Zander ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa at patuloy pa ring pinagmasdan si Ella.Nag-away kaya sila? Bakit ang lungkot ng mga mata ni Miss Tan. O hala! Umiiyak ba s'ya?Nanlaki ang mga mata ni Zander ng makitang pinupunasan ni Ella ang kanyang pisngi. Hindi ito sigurado kung may luhang tumulo sa mga mata nito ngunit nataranta na lang s'ya bigla sa nakita.Panyo! Panyo!Kinapa ni Zander ang kanyang bulsa, pagsalat nito ay tanging wallet at mga balat ng candy lang ang kanyang nakapa. Paglingon nito sa isang stall, nakita ni Zander ang bugkos ng tissue sa tabi ng counter."Ate," tawag ni Zander sa tindera pagkalapit nito. "Pwede ba 'kong humingi ng tissu
"Mama, may nabanngga ako," umiiyak na sabi ng bata sa kanyang mama. Makaraang magsabi ay lumingon ang bata sa kinaroroonan ng dalawa. Kasalukuyan namang pinupunasan ni Ella ang sugat ni Zander sa kamay.Agad na lumapit ang mag-ina."Mahapdi?" tanong ni Ella. Napansin kasi nito ang pag-ngirit ni Zander tuwing madadaplisan ng tela ang sugat."Ha, o---oo. M---Medyo," sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga."Mag-sorry ka sa kanila," utos ng babae sa bata habang papalapit sila sa dalawa."Kuya, sorry po talaga," lumuluhang sabi ng bata. "Hindi ko po sinasadya."Lumingon si Zander sa bata at ngumiti. "Okay na ako, kaya 'wag ka ng umiyak," sagot ni Zander at bumwelo upang tumayo. Inalalayan naman ito ni Ella gayun din ang ina ng bata. "Next time, mag-iingat ka na lang ha," sabi nito sa bata at ginulo ang buhok nito."Kuya, so---." Natigilan ang babae ng makitang mabuti ang mukha ni Zander. "Ikaw 'yung nanghingi ng tissue kanina!" gulat na gulat na sabi ng nanay ng bata at may pagduro pa.