Share

Marrying Zooey Ruan Guevarra
Marrying Zooey Ruan Guevarra
Author: nooneseemstoknow

Prologue

"I will be your husband and no one else. So accept this ring!" He shouted. Mas tumindi ang galit na nararamdaman ko ngayon. He never liked me. And asking me to accept this marriage proposal is too much.

Naubos na lahat ng pagkagusto ko sa lalaking tinuturing akong ganito. I deserve better than him. He is using me like I am just someone he needs to get the throne he wants and so will I!

I will make everyday of his life miserable and regret marrying me. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong magmamakaawa siyang hiwalayan ko.

"Let's get married now! I won't marry you other than this day." I stand firm and accepted the ring. If I can't have a choice other than marrying him, then I should make him choose hell for marrying me.

"Bakit ang bigla naman? Di tuloy ako nakapaghanda. Saka ang wedding dress mo?" My bestfriend dramatically exclaimed. Ewan ko ba sa babaeng ito. I was raised to be independent. Isa ito sa dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan. Crystal stayed with me.

"Kahit anong damit susuotin ko. Hindi ko kailangan ng engrandeng kasal," paliwanag ko sa kaibigan.

"Well, a groom is all you need to be wed, and of course a priest, right? Pero minsan lang kaya ang ikasal sana pinaghanda mo sila ng bongga. Kaya naman nila kahit magkano ang gastusin e." Humalukipkip siya at parang nagmamaktol pa sa desisyon ko. "Wait, don't tell me pumayag din sila sa gusto mo? Isang Guevarra ang papakasalan mo, kaya big deal halos sa buong bansa. The Guevarra's almost owned the Philippines kung pagbabasehan ang kayamanan nila. Kaya bakit ganito ang nangyari?"

"Owned almost everything, huh," Buntung-hiningang sabi ko. "He will soon own hell as well."

Everyone I know came. The Guevarra cousins are all here. And some of their friends, I guess. While all I have is my bestfriend beside me.

"Smile. Don't keep that stoic face," paalala ng kaibigan ko habang inaayos ang damit na suot ko.

"I'll go, now."

I started walking. Everyone is smiling at me but I can't smile back at them. Iniwas ko na lang ang tingin at tinuon ang tingin sa harap. There I saw him wearing a suit that perfectly fits him. He stood there as if he finally won but this is just the start. Magsisisi ka rin at sa huli ako ang panalo.

Nagsimula ang seremonya at wala akong ibang ginawa kundi ang tumayo sa altar.

"I do." Napansin kong ako na ang kinakausap ng pari nang matapos isuot sa akin ang isang maliit na singsing. May nakaukit na maliit na bituin sa gilid nito.

"Do you take Zooey Ruan Guevarra..."

"I won't be here if I don't, father. I do." Ngumiti ako sa pari. Ito na ang simula ng palabas.

"I won't further delay this marriage. I now, announced you as husband and wife." Nagpalakpakan ang lahat.

"You forgot something, my wife." He smirked and devilishly smiled.

"Wha--?" Hindi ako makapagsalita dahil sa bigla na lang niyang hinila ang beywang ko at hinalikan ako nang walang pasabi.

Kakainis! Hindi ko naisip na may mangyayaring ganito. Hindi ko magawang itulak siya. Diniin pa niya lalo ang halik nang subukan kung itulak ang dibdib niya.

Mas lalong lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Nakakahiya.

"Be good, my dear wife." Bulong niya pagkatapos habang pilit kong binabawi ang hininga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status