Share

Chapter 6

Two months have passed since I last saw Ruan and his cold face.

Marami na rin ang nagbago simula nang mangyari ang pag-amin ko. May mga taong laging pumupunta sa ampunan para kausapin sina Inang. At sinabihan ako ni Inang Sica na ililipat nila ako ng paaralan sa susunod na semester. At dahil daw malayo sa ampunan ang bago kong papasukan, kailangan kong tumira sa bahay ng sponsor ko. Libre naman daw lahat at wala na raw akong dapat gawin kundi ang mag-aral ng mabuti.

Gusto kong tumanggi pero alam ko naman na wala akong kakayahang magdesisyon sa mga bagay na iyon. Nakikinabang lang ako kaya dapat sundin ko ang gusto ng sponsor.

"Friend, mamimiss kita! Chat na lang tayo lagi ah." Mahigpit na niyakap ako ni Crystal na naluluha pa.

"'Wag ka ngang umiyak. Hindi naman ako mawawala. Lilipat lang. Tsaka dadalawin ko kayo pag may oras ako."

"Promise mo 'yan ate Twink ah!" Ngayon naman ang mga makukulit na bubwit ang mahigpit na kumakapit sa baywang ko.

"Promise." Umupo ako para mayakap silang lahat.

"Anak, magpakabait ka doon. Saka mag-aral ng mabuti," sabi ni Inang Sica habang hinahaplos ang buhok ko.

"Alam mo naman na lahat ng ginagawa namin ay para sa kabutihan mo, diba?" Lumapit na rin sa amin si Inang Maria. "Sana huwag kang magbago. Alam ko namang mabuti kang bata kaya kampante akong magiging maayos ang buhay mo." Niyakap ako nila Inang habang pinipigilan ko ang luha ko sa pagpatak.

Dapat maging mas matapang pa ako. Dapat kong suklian ang lahat ng kabutihang natanggap ko sa mga taong tumulong sa akin.

"Nandito na pala ang sundo mo, anak. Wala ka namang nakalimutan?" Kumalas na sina Inang sa pagyakap sa akin ng may bumusinang sasakayan.

"Wala na po." Sabi ko sa kanila bago binuhat ang gamit ko. Tinulungan naman ako ng driver na magbuhat para ipasok sa sasakyan ang lahat ng dala ko.

"Maligayang pagdating senyorita!" Bungad na bati ng mga kasambahay pagbukas ko palang ng pinto.

Malaki ang mansyon kaya hindi na ako namangha na marami rin ang kasambahay. Ang kinagulat ko lang ay ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga kasambahay na para bang ako ang may-ari.

"Naku, huwag nyo po akong tawaging senorita. Makikitira lang po ako."

"Inutos sa amin na ituring kang bisita. Kaya senorita ang itatawag namin sa'yo. Saka handa na ang kwarto mo kaya ihahatid na kita doon." Lumapit sa akin ang isang babae na kasing edad lang siguro nila Inang at mabilis na pinagdadampot ang mga dala ko at inalalayan ako papasok sa loob ng mansyon.

Sobrang laki at engrande ng mansyon. Halos katulad na nga ito sa mga palasyong nakikita ko lang sa telebisyon. May mataas na hagdan pa itong paikot.

Hindi nagpapakilala ang sponsor sa aming mga bata kaya wala akong ideya na ganito pala kayaman ang nagpapa-aral sa akin.

Iniwan naman ako kaagad ng mga kasambahay para magpahinga. Kakatok na lang daw sila paghanda na ang hapunan. Parang nasa panaginip lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang magiging trato sa akin.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto at lumanghap ng sariwang hangin. Lumalamig na ang simoy ng hangin pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan. Para kasing nakakagaan ng pakiramdam ang lamig ng hangin.

Mayamaya ay may kumatok.

"Senorita, handa na ang hapunan. Bumaba na kayo at hinihintay na kayo ng senorito."

"Sandali lang---" Patakbo kong binuksan ang pinto para sana tanungin kung sino ang sinasabi niyang naghihintay pero wala na akong naabutan.

Dahil sa ayaw ko rin namang paghintayin ang may-ari ng bahay ay agad na rin akong bumaba. Tinatakbo ko na ang napakahabang hagdan ng mansyon para lang maging mabilis ako nang mahagip ng paningin ko ang imahe ng lalaking nakatalikod. Nakaupo na siya sa napakalapad na lamesa.

Dahal sa mula pa ako sa pagtakbo ay hindi ko na napigilan ang pagtunog ng sariling yapak kaya napalingon ang nakaupo.

Napatigil ako at sa pagkakataong ito ay naging estatwa ako sa harap ng lalaking naghihintay sa akin.

"Don't run. Baka mahulog ka pa." He said with a stoic face.

"S-sorry."

Sorry lang talaga ang tangi kong nasabi. Gulat pa rin ako sa mga nangyayari ngayon. At ang mas kinagulat ko pa ay ang malaman na dito pala nakatira si Ruan.

Ibig ba sabihin nito na ang mga Guevarra ang sponsor ko?

"Sit and eat." Pukaw muli niya sa akin  na nakatayo parin.

Umupo ako at sinubukang kumuha ng pagkain nang may lumapit na babaeng katulong at siya na mismo ang nag-abot ng pagkain at nilagay sa plato ko.

"Thank you. Pero wag nyo na po akong pagsilbihan." Sabi ko sa babae. Medyo gulat siya pero umalis na rin sa tabi ko nang  senyasan ni Ruan na umalis.

Kami na lang dalawa ang naiwan at nanatili ang katahimikan namin. Patapos na ako at umiinom ng tubig nang magsalita siya.

"Make yourself at home. Wala masyadong tao rito maliban sa mga housemaids. Better make your self busy dahil baka mabored ka lang." Sabi niya tapos na rin sa pagkain.

"Ikaw?"

"You don't need to know. Just make your self comfortable here." Huling sabi niya bago umalis at umakyat sa itaas.

Dumaan siya sa kaliwang hagdan. Kung ganoon nasa kaliwa pala ang kuwarto niya habang nasa kanan naman ang akin.

Excited ako na makita siyang muli pero kinakabahan pa rin. Hindi ko kasi maitatago na gusto ko pa rin siya kahit ang lamig ng trato niya. Kahit na hindi niya ako magustuhan, gusto ko pa rin siya. Masaya na akong makikita siya lagi.

"Ang cute naman ng batang Ruan. Mas cute siya pagngumiti kasi lumiliit ang mata niya," natatawang sabi ko sarili habang naglilibot at tinitingnan ang mga litrato nila nang biglang may nagsalita sa likod.

"Isa pang hindi ko gusto ay ang sabihan akong cute. Cute are for babies. Keep that in mind." I saw him drinking a glass of water. Seryoso parin ang mukha.

"Bakit kailangan ko pang tandaan 'yan? Magugustuhan mo ba ako pag hindi kita tinawag na cute?"

Hindi ko maiwasan na magtaray.

"Hindi."

"Then, wala kang magagawa kung sabihin kong cute ka! Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto!" Inirapan ko pa siya.

"You should not mess with me, woman." He smirked before leaving me.

I don't know but I enjoyed teasing him. Siguro dalasan ko pa para hindi ako mabored.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status