Share

Chapter 10

Nagising ako nang may narinig na ingay sa labas ng kwarto. Parang may kung anong nahulog kaya lumabas na ako.

Inaantok akong lumabas. Kinukusot ko pa nga ang mata ko para tuluyan na akong magising.

"Hurry up. May klase pa tayo."

Nakita kong nakasuot ng apron si Ruan. Nagluluto ba siya?

"Bilis. Baka iwan pa kita."

"O-o heto na!"

Tumakbo ako para mag-ayos ng sarili bago pumunta sa mesa.

Pero bago pa ako makaupo ay sinilip ko muna kung totoong si Ruan ba talaga ang nagluto. Kung ganoon nga e ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinagluto ako ni Ruan. At kami lang talaga nandito sa bahay.

Parang newly wed lang? Ano ba ba't kinikilig ako?!

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina nang  napahinto ako.

"Mom, don't worry I will. Ako ang bahala sa kanya. And I will marry Debbie. So you don't have to worry."

Teka, tama ba narinig ko? Saka iyong Debbie ba na sinasabi ni Ruan na papakasalan niya ay...

"Kanina ka pa dyan?"

Napaangat ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"A-ano k-kasi tu-tulungan sana kita," nauutal na paliwanag ko sa kanya.

"It's all done. Kumain na tayo."

Bitbit niya ang niluto at nilagay sa mesa.

Hindi ako mapakali buong araw. Dahil buong araw na nagre-replay sa utak ko ang narinig na magpapakasal na si Ruan.

Ganito ba talaga pag broken-hearted?

Naubos na lahat ng calories na kinain ko kakaisip kay Ruan. Wala na yata akong lakas na maglakad pauwi.

"Uy, Twink di ka pa uuwi?"

Napalingon ako sa likod at nakita si Khian.

"Uuwi na."

"E bakit ka papuntang Engineering Building?"

Tinuro niya ang likuran ko. Lumingon ako sa daan na tinatahak ko kanina at laking gulat ko nang makita na papuntang Engineering Building nga iyon.

Lumulutang na talaga ang utak ko. Hindi ko na napansin ang tamang daan.

"Ah e hindi naman. Gusto ko lang dito dumaan. Para naman makapaglibot naman ako bago umuwi."

Sana gumana ang palusot ko. Ayaw ko ng makipag-usap e. Tinatamad na akong sumagot at magpaliwanag. Nakakaubos ng lakas.

Ngumiti ako kay Khian at kinawayan siya para makapagpaalam.

Mabilis akong naglakad palabas ng gate pero ilang hakbang lang ay huminto ako. Pakiramdam ko ang gaan ng katawan ko na parang konting hangin lang ay liliparin na ako.

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero parang umiikot na ang lahat. At sa isang iglap ay binalot na ng kadiliman ang buong paligid.

"Mom, she's okay. I will."

Narinig ko ang boses ni Ruan. Masakit ang ulo ko pero alam kung boses iyon ni Ruan.

Unti-unti kong minulat ang mata at agad na bumungad ang gwapong mukha ni Ruan na parang naiinis pa sa kung ano.

"Good that you're awake now. Sana sinabi mo na may lagnat ka pala para hinatid na kita sa bahay. Baka kung hindi pa---"

"Pasensiya na."

Nagiging abala na siguro ako sa kanila. Nakakaistorbo na yata ako.

"Sa susunod na may ganitong..."

"Hindi na mauulit ito. Pangako. Hindi na ako magiging istorbo," sabi ko kay Ruan nang hindi tinitingnan siya sa mata.

Nakayuko lang ako at hindi itinaas ang tingin sa kanya.

"Hindi mo na naman nakukuha ang punto ko. All I want is to make you feel better. Bakit ba lagi mo na lang iniiba ang kahulugan ng mga sinasabi ko?," napahawak siya ngayon sa noo niya.

Ano ba talaga gusto niya? Naiinis ba siya sa akin o sa akin lang niya binubuntong lahat ng inis niya sa kung ano man ang kinaiinisan niya ngayon?

"Ayaw ko lang maging pabigat sa inyo. Alam ko kung saan ako lulugar. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit parang galit ka. Sabihin mo lang kung sobrang nagiging abala na ako sa'yo."

Huminga siya nang malalim at aktong magsasalita pero hindi na niya tinuloy. Tumayo lang siya nang maayos at kinuha ang isang papel sa mesa at binigay sa akin.

"Ano 'to?" Lukot ang noo ko habang tinatanong siya.

Alam niya bang naiinis na rin ako sa kanya! Di ko siya magets.

"You read it. Baka maintindihan mo na. At para malaman mo kung saan ka talaga dapat lumugar."

Buong araw akong hindi makapagsalita. Inuwi na ako ni Ruan sa mansion nila pero hindi ako lumabas ng kwarto mula pa kagabi. Kinakatok ako ng mga kasambahay na lumabas para kumain pero sinabihan ko lang sila na busog ako at ayaw ko pang kumain.

Sinalubong ako ng mga magulang ni Ruan pag-uwi namin galing sa ospital pero nagpaalam lang ako na magpapahinga kaya hindi ko sila kinausap.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi ni Ruan matapos niyang ipakita sa akin ang laman ng papel.

Isang katok na naman ang narinig ko kaya napabaling ako sa bintana. Dumidilim na pala. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras dahil sa lahat ng iniisip ko.

"Mamaya na ako kakain. Pakisabi na lang na huwag na nila ako hintayin," sabi ko nang hindi parin tumatayo sa hinihigaan.

Ayaw ko pang lumabas. Hindi pa ako handa sa kung ano man ang sasabihin nila.

Pinagkait sa akin ang lumaki kasama ang totoong pamilya. Pero ang pinakahindi ko matanggap ay ang katotohanan na pinaniwala nila ako na hindi nila alam kung sino ang mga magulang ko. Ang mga taong tinuring kong pamilya ay pinagkaitan ako sa katotohanan.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Sa mga Inang ko at sa pamilya nila Ruan.

"Go out and eat. Hihintayin kita dito sa labas." Boses ni Ruan ang narinig ko.

"Mauna na kayo kumain. Mamaya na lang ako."

Lahat ng ginawa ng mga Guevarra para sa akin ay isa lang kabayaran sa nangyaring trahedya sa pamilya ko. Ang totoong rason kung bakit nila ako tinutustusan sa pag-aaral ay dahil sa iniwang habilin ng mga magulang ko sa kanila.

"Wala akong ibang makausap dito kasi umalis na rin sila mama. Lumabas ka na diyan."

Aba! Anong sabi niya? Wala siyang makausap?

"Humanap ka ng kausap! Huwag mo ako kulitin dito."

Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko ng peace of mind. Gulung-gulo na nga ako sa nalaman ko pati pa ba siya makikigulo pa? Ginugulo niya ang puso ko e!

Ayaw kong umasa sa taong hindi ako gusto. Kaya sana puso ko tumigil ka na ha. Huwag mo na siyang gustuhin dahil sa huli masasaktan ka lang.

"That is not the right thing to do!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status