"Suki! Bili ka na ngayon. Tingnan mo ang sariwa ng mga gulay ko. Kakaangkat ko lang nito mula sa nagtatanim." Panay ang sigaw ng nagtitinda sa mga taong dumadaan."Nakabili na ako suki eh. Bukas babalik ako," sagot ng ginang na dumaan.Umaga pa lang ay marami na ang mga tao rito. Maraming nagtitinda sa gilid ng daan at marami na rin ang mga may bitbit ng plastic bag na pinamili. Ganito naman talaga sa palengke. At nataunan pang linggo ngayon kaya maraming namimili.At dahil sa init ng araw ay di mapagkakaila na pawisan na ng mga taong nandito. I can see some men curiously staring at me as I pass by on a small souvenier shop. But they continued their work after taking a glance.This place is just a small village. Siguro magkakakilala lang lahat ng mga tao rito. They can easily tell if someone is a stranger. Although, I am wearing a cap to hide myself, I still look different from them.Dito ang lugar na sinabi nila Isaac kung saan posible namin makita si Ruan. Isa itong palengke sa ibab
"Pasenya na, wala. Isang taga-bundok lang ako kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyang teknolohiya para mabuhay," mapait na wika ng lalaki sa akin habang nakatalikod pa rin at iniilawan ang mga lamparang nakasabit."Kung ganoon ay wala na akong ibang magagawa. Hihintayin ko na lang dumating ang araw bukas. May kasama ka ba rito? Narinig ko kasing may kausap ka kanina?"I was wondering if he lived with someone else. Sigurado akong may narinig akong kausap niya kanina. Puro boses ng lalaki iyon."Oo pero, bumaba na siya. Pumasok na sa trabaho. Kung nagugutom ka ay pagtiisan mo na lamg muna ang hinanda kong lugaw. Bukas babalik si Erwan at magdadala ng pagkain."Ngayon ay hinarap ako ng lalaking kausap. Kahit na ang ilaw lang sa nakasabit na lampara ang nagliliwanag sa paligid ay kita ko parin ang malaking peklat sa mukha niya. Halos kalahati ng mukha niya ang peklat."Pagpasensiyahan mo na ang mukha ko. Kung natatakot ka ay huwag mo na lang akong pansinin. Kumain ka muna rito at ako ay
"Nakita ko nga pala ito sa bukana. Sa iyo ba ito, Twinkleann?" Nakita kong hawak ni Erwan ang red shoulder bag ko na ninakaw sa akin."Hinabol ko ang batang naghablot ng bag ko kaya napunta ako doon sa lugar na nawalan ako ng malay. Mukhang akin nga ito," sabi ko nang tingnan ang laman nito.Nasa loob pa rin naman ang lamang mga ID ko. Buti at ang pera lang ang kinuha."Pasensya tiningnan ko ang laman ng bag para makita kung may impormasyon ng may-ari at nakita ko ang ID mo. May nakita rin akong litrato ng isang batang lalaki, kapatid mo ba siya?" Usisa ni Erwan sa akin nang buksan ko ang wallet ko."Ah, ito ba?" Pinakita ko sa kanila ang litrato na nasa loob ng wallet ko. "Baby pic ito ni Ruan, tinago ko nang makita ko ito. Ang cute niya kasi," nahihiya kong amin sa kanila."Kuya Erick, ganito rin ba mukha ko ng bata pa ako? Hindi ko na maalala eh," napakamot sa ulo niya si Erwan habang nagtatanong sa kuya niya."Siguro kong mas maputi ka lang. Pero batang yagit ka lang noon eh kaya m
"I will be your husband and no one else. So accept this ring!" He shouted. Mas tumindi ang galit na nararamdaman ko ngayon. He never liked me. And asking me to accept this marriage proposal is too much.Naubos na lahat ng pagkagusto ko sa lalaking tinuturing akong ganito. I deserve better than him. He is using me like I am just someone he needs to get the throne he wants and so will I!I will make everyday of his life miserable and regret marrying me. Kaya ngayon, sisiguraduhin kong magmamakaawa siyang hiwalayan ko."Let's get married now! I won't marry you other than this day." I stand firm and accepted the ring. If I can't have a choice other than marrying him, then I should make him choose hell for marrying me."Bakit ang bigla naman? Di tuloy ako nakapaghanda. Saka ang wedding dress mo?" My bestfriend dramatically exclaimed. Ewan ko ba sa babaeng ito. I was raised to be independent. Isa ito sa dahilan kung bakit wala akong masyadong kaibigan. Crystal stayed with me."Kahit anong d
"On the way na ako. Hintayin mo ako sa labas."Agad kong pinutol ang tawag at agad na pinaandar ang bike para masundo na ang kaibigan.Hindi ito bago sa akin. Dahil sa kaunti lang ang tao sa ampunan, kami na mismo ni Crystal ang nagvolunteer na bumili ng mga kailangang gamit para sa mga bata. Mula nang namulat ako sa mundo ang ampunan na ang naging tirahan ko. Kaya ngayong nasa wastong edad na kami, gusto naming ibalik ang kabutihang natanggap namin.Malapit na akong makarating pero hindi ako makaraan dahil sa maraming nagsusulputang tao sa daan. Parang may hinahabol na kung sino."Padaan..." Pinilit kong dumaan sa kumpol ng tao."Ano ba naman? Baka hindi na natin sila makita," reklamo ng isang babae nang dumaan ako sa gitna nila. "Ang boyfriend ko, hinihintay na niya ako." Biglang naging malumanay ang boses niya nang naisip ang boyfriend.Nagpatuloy lang ako hanggang sa matanaw si Crystal na may maraming bitbit na plastic. Kumaway ako sa kanya pero hindi niya ako nakita. Imbes na sa
"Mag-ayos na kayo! Baka malate pa kayo."Sigaw ni Inang Maria sa amin. Papasok na kami sa eskwela pero itong mga bata nag-eenjoy pang manuod ng tv."Mamaya na Inang. May hinihintay pa ako. Hindi pa lumalabas si Trunks ko." Pati pala itong kaibigan kong feeling bata. Nanunuod din ng Dragon Ball GT. Ilang ulit na niyang pinanuod ang palabas pero sobra pa rin ang excitement niya. At inaangkin pa si Trunks."Tama na nga 'yan! Di ka pa rin ba nagsasawang manuod nyan?" Mahina kong pinalo si Crystal sa braso. "At kayong mga bulilit, tayo na dyan." Isa-isa ko silang pinapatayo."Ate Twink naman e."Wala silang nagawa dahil pinatay ko na ang tv para makapasok na. Kailangan pa naming ihatid ang mga bata sa kanilang classroom bago pumasok. Kaya baka kaming dalawa pa ang malate nito."Sige na. Alis na tayo mga bubwit." Hinila na rin ni Crystal ang mga bata. Buti at natauhan na rin siya.Nilalakad lang namin ang papuntang eskwelahan. Malapit lang din kasi sa bahay-ampunan.Kahit na maliit lang ang
"Saan mo ako dadalhin?"Hinihila pa rin niya ako papunta sa kung saan."I need your body." Walang prenong sabi niya habang patuloy akong hinihila.Halos malaglag ang panga ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kaya napahinto ako sa paglalakad dahilan ng pagkahinto rin niya."Anong sinabi mo?" Ulit ko sa kanya."Narinig mo ang sinabi ko. I don't like doing things twice." Hinarap niya ako. "What's your name?""Twinkle---""Twinkle, you will be compensated well. We'll pay you to---"Anong sinabi niya? Babayaran ako? Mukha ba akong bayarang babae?!Sinampal ko siya nang sobrang lakas."Bakit mo ak---""Kung inaakala mong mabibili mo lahat, nagkakamali ka. Hindi porket mayaman ka magagawa mo na akong bilhin! Oo gwapo ka pero hindi m---""I'm not planning to buy you, woman. You're the one who owes me now. Thanks for slapping me." Agad niya akong binuhat nang walang pasabi. Nababaliw na yata ang isang 'to."Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!!"Pinaghahampas ko ang balikat niya pero hindi siya n
"Just stay here. Hintayin mo ako rito." Mabilis na sabi niya bago sinuot ang helmet.Kulay red na may konting white stripes ang suot niya ngayong jacket. Terno ito ng helmet niya at pati na rin ng kulay ng sasakyan niya.Halos tumalon ang puso ko nang tingnan niya akong muli bago siya pumasok sa kanyang sasakyan. Namalayan ko na lang na napahawak na pala ako sa dibdib ko para patahanin ang puso kong mabilis na tumitibok.Nakita ko ring sumakay ang pinsan niya sa kulay green na sasakyan na katabi lang ng sasakyan niya. Halata namang mga mamahalin ito.Mabilis nila itong pinaandar at nakita ko na lang ang mga sasakyan nila na humilera sa ibang naggagandahang sasakyan para hintayin ang hudyat para magsimula na ang karera.Sa isang malakas na pagpito ay nagsimula ang karera. Sa lawak ng lupain dito ngayon ko lang nalamang may ganitong race track palang nakatago rito.I feel like a stranger here. And this dress is way out of my style. This is not me."Guevarra's indeed a charmer. They can