Share

Chapter 2

"Mag-ayos na kayo! Baka malate pa kayo."

Sigaw ni Inang Maria sa amin. Papasok na kami sa eskwela pero itong mga bata nag-eenjoy pang manuod ng tv.

"Mamaya na Inang. May hinihintay pa ako. Hindi pa lumalabas si Trunks ko." Pati pala itong kaibigan kong feeling bata. Nanunuod din ng Dragon Ball GT. Ilang ulit na niyang pinanuod ang palabas pero sobra pa rin ang excitement niya. At inaangkin pa si Trunks.

"Tama na nga 'yan! Di ka pa rin ba nagsasawang manuod nyan?" Mahina kong pinalo si Crystal sa braso. "At kayong mga bulilit, tayo na dyan." Isa-isa ko silang pinapatayo.

"Ate Twink naman e."

Wala silang nagawa dahil pinatay ko na ang tv para makapasok na. Kailangan pa naming ihatid ang mga bata sa kanilang classroom bago pumasok. Kaya baka kaming dalawa pa ang malate nito.

"Sige na. Alis na tayo mga bubwit." Hinila na rin ni Crystal ang mga bata. Buti at natauhan na rin siya.

Nilalakad lang namin ang papuntang eskwelahan. Malapit lang din kasi sa bahay-ampunan.

Kahit na maliit lang ang ampunan. Nakakaya pa rin nilang mapaaral lahat kami. Sabi kasi ni Inang Sica, isa sa nag-aalaga sa amin na may tumutulong para mapaaral kami. Kami ni Crystal pa lang ang nasa kolehiyo habang nasa elementary pa ang mga bata. Malaki ang agwat namin sa kanila kasi matagal bago ulit tumanggap ang ampunan ng mga bata. Nakwento rin ni Inang Maria na kami lang daw dalawa ni Crystal ang inaalagan nila pero may dumating na nag-alok ng suporta kaya naging ganap na ampunan ang tinitirhan namin.

Iniwan ako sa kanila ni Inang dahil daw pareho daw namatay ang mga magulang ko sa aksidente malapit sa lugar namin. At mula noon wala na raw bumalik para kunin ako.

"Tumabi ka!" Isang sigaw ang narinig ko mula sa likod. Kakalabas lang namin matapos maihatid ang mga bata.

Isang malakas na pagbangga sa puno sa harap lang namin ang bumungad.

"Argh. Bakit iniwan nila ako. Alam naman nilang hindi ako marunong."

"Okay ka lang?" Lumapit si Crystal sa lalaking nabangga. "OMG!" Bigla na lang siyang napasigaw kaya lumapit na rin ako.

"Bakit? Malala ba lagay niya?" Pag-aalala ko.

"Isaac Dryle Alfonzo Guevarra! Is this real? Ang gwapo mo...parang hindi totoo."

Guevarra na naman? Bakit puro Guevarra na lang bukam-bibig nitong si Crystal?

"Can you keep this a secret?" Napakunot ng noo ang lalaki. Todo ngiti siya na halos ikalambot na ni Crystal.

"Okay na naman siya kaya tayo na. Malalate pa tayo e!" Agad kong kinaladkad ang kaibigan palayo.

"Ano ka ba? Minsan lang tayo makausap ng mga Guevarra."

Buong araw iyon lang ang sinusumbat niya. Kahit na nasa klase na kami ay panay pa rin ang pagtatampo niya. At ito hanggang pag-uwi. Hindi pa rin siya tumitigil. Nakakabingi na.

"Once in a lifetime lang natin sila makaharap. Ba't di pa natin nilubos."

"Ate Twink, maglagay ka rin sa slumbook ko." Lumapit si Jasmine sa akin bitbit ang kanyang cute na slumbook.

"Sige. Akin na." Inabot niya ang dala bago umalis.

Nagfill-up na ako ng pangalan.

Name: Twinkle Ann P. Acusta

Ang pangalan ko lang ang tanging iniwan ng mga magulang ko. Sinunod lang daw nila Inang ang nakalagay sa lampin ko noong una nila akong natanggap.

Motto: Never be a coward.

Ideal Guy:

Ano nga ba gusto ko sa lalaki?

Ewan. Basta kung sino magpapatibok ng puso ko siya na 'yon. Ang ideal ko. Hindi ko pa alam kung totoo talaga sinasabi ni Inang Sica na malalaman daw ng puso kung sino gugustuhin nito. Kaya habang di ko pa nararadaman ang ganoon ay wala akong masasabing ideal guy.

Ideal Guy: Whoever makes my heart skip a beat.

Tinapos ko lahat bago binalik ang slumbook.

"Morning!" Pangiti-ngiting bati ni Crystal sa bawat madaanan namin. Papasok na kami sa eskwela.

"Ang ganda ng umaga mo, ah?"

"Dapat lang nuh, kasi maganda ako. Kaya ikaw dyan, ngiti-ngiti rin minsan."

Naloloka na naman siya. Pero minsan gusto ko rin maging tulad niya. Hindi sa kabaliwan niya kundi sa pagdadala niya sarili. Babaeng-babae siya tingnan. Kaya marami rin nagkakagusto sa kanya.

Ako kaya? Will someone like me?

Hindi ko na namalayan na nauna na pala ang kaibigan kong nagtatalon-talon pa habang naglalakad. Hinayaan ko na lang siya at naglakad na lang mag-isa.

Pero may biglang bumangga sa likuran ko. Agad akong napalingon.

"I'm sorry." Sabi naman ng lalaking nakaitim na hoody at nakamask ng itim rin bago ito nagpatuloy sa paglalakad.

Parang may naalala akong ka-boses niya. Malamig na walang ka-emo-emosyon.

Tama! 'Yong gwapong aroganteng Guevarra na nagbigay ng ice cream sa akin noon.

Biglang nakaramdam ako ng kaba nang maisip ang lalaking iyon. Parang naging bato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako takot pero parang may pwersang humihila sa akin para tumakbo.

Tumatakbo ako papasok ng gate ng campus kaya naabutan ko si Crystal.

"Oh, bakit hingal na hingal ka? Hinabol ka ng aso?" Agad siyang lumapit sa akin.

"W-wala. Iniwan mo kasi ako," paliwanag ko.

"Ang bagal mo kasi." Nagpout pa siya sa harap ko. "Nga pala narinig ko sa iba na nandito raw ang mga Guevarra. Ang tatlong magpipinsan." Naging masigla siya ulit.

"So it's really him." Mahina kong sabi sa sarili pero mukhang narinig parin ni Crystal. Matalas talaga pandinig niya lalo na sa mga chismis.

"May sinabi ka?" Tanong niya pero umiling lang ako. "Ang daya mo talaga. Alam kong may sinabi ka e."

"Tayo na. Malalate na tayo."

Nauna na ako sa kanya pero naiihi ako kaya pumunta muna ako sa CR.

Papasok na sana ako kaso may biglang humila sa braso ko. Napaharap ako at nakita muli ang lalaking nakaitim na hoody. Wala na siyang mask na suot kaya kitang-kita ko ang mukha niya. Ang gwapo.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero hindi naman. Basta di ko maintindihan kung ano.

"Kailangan ko ang tulong mo." Malamig pa ring sabi niya bago ako hinila sa kung saan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status