Share

Chapter 5

"Everyone, please listen. We are invited to participate in the charity program funded by the Guevarra Group of Companies. So I am sending selected students to help and be a volunteer." Anunsyo ng department chair namin.

"Sir, ako very much willing! Ako piliin mo."

"Count me, Sir Alfonso!"

"Ako rin, isali nyo ako!"

Mabilis na tumayo ang mga kaklase kong babae habang ako ay kumokopya pa ng notes ng subject na hindi ko napasukan kahapon. Isang subject lang daw klase namin kahapon kasi nanuod rin ang mga instructor sa car racing.

"Kung ang mga Guevarra lang naman habol ninyo e, hindi kayo deserve magvolunteer." Sabi ng isang lalaki. Hindi ko na tiningnan kung sino.

Andoon rin kaya siya? Baka hindi. Sa laki ng sakop nilang mga kompanya at tauhan, hindi na nila kailangan magkusang pumunta.

Biglang may kumuha ng notes na kinukopyahan ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita kong nasa harapan ko ang isang babae. Maganda siya kahit simple lang suot niya at walang make-up sa mukha. Isang v-neck shirt na blue tsaka black na jeans lang ang suot niya.

"Congratulations, you are selected!" Sabi niya nang hindi manlang ngumiti.

"Ako?! Selected? Sa'n?"

"Miss Acusta, ano bang ginagawa mo diyan at hindi ka nakikinig?" Baling na tanong ng chairman sa akin.

"Ah, wala naman po, Sir. Hindi lang agad nagsink-in sa utak ko. Hindi ko kasi inexpect na isa ako sa mapipili." Palusot ko. Hindi kasi ako nakaprepare sa biglang paglapit ng babae, iba kasi nasa isip ko.

"Hmm, akin pala ito, miss." Dinukot ni Crystal ang notebook niya na nasa kamay ng babae. "Saka isama mo rin ako. Bestfriend ko siya, diba, Twink? Buy one, take one kami." Sabay kindat niya sa akin.

Umobra naman kaya sa babae ang alok niya? Tiningnan lang niya kami nang maigi bago magsalita.

"I hope you'll do well. You are also selected."

Ngumiti ito bago bumalik sa harap katabi ng department chair namin.

"The both of you will be exempted from the class for this day. You will be guided by Miss Dominguez." Iyon lang ang huling sinabi ng chairman bago umalis.

"Let's go."

"Friend! Bilisan mo ang pagbigay ng mga lunch box."

"Ikaw talaga, alam mong kailangan pang asikasuhin ang mga bata. Tingnan mo oh, kailangan pa silang bantayan." Sagot ko kay Crystal habang sinusubuan ang isang bata. Ayaw daw kasi niya ng gulay. "Ikaw na mamigay sa iba." Binigay ko sa kaibigan ang ilang natira na lunch box.

Sa isang pampublikong paaralan kami ngayon para sa isang feeding program. Wala naman kaming masyadong ginawa kundi ang mag-abot sa mga bata ng mga lunch box.

"What the heck!" Isang sigaw ang narinig ko sa likuran. "My dress is now stained. Can you atleast behave?" Nakita ko ang isang medyo maarteng babae na pinapagalitan ang isang bata. Sa nakikita ko mas natatakot pa ang ibang bata sa inaasta niya kaya nilapitan ko sila.

"Tissue?" Alok ko sa babae. Tinanggap naman niya ito bako inirapan ang bata na mukhang takot na takot sa kanya. "Wag ka nang magalit. Hindi naman sinasadya ng bata. At sana maintindihan mo na sadyang makukulit lang sila kasi mga bata pa." Paliwanag ko at pinaupo ulit ang bata para ituloy ang pagkain.

"Okay, I know. I'm doing this for Sacky. By the way, have you seen them?"

"Sino ba tinutukoy mo?"

"Isaac Dryle Alfonzo Guevarra and his cousins. He said they will be here." Sagot niya at inabot sa akin ang tissue na ginamit niya. "I need to redo my make-up and also change my clothes. I'll leave them to you." Mabilis pa sa kidlat na umalis ang babae. Hindi ko manlang siya natanong kung sino sa mga pinsan ang pupunta.

"Sige, dahan-dahan lang sa pagkain para hindi kayo mabilaukan. Sabihin nyo lang kung may kailangan pa kayo." Sabi ko sa mga bata bago hanapin ang kaibigan kong nawala na sa paningin ko.

Inikot ko ang buong paligid pero hindi ko parin makita ang bruha kong kaibigan. Saan na naman kaya siya nilipad?

"O, Mike! Glad you came." Boses ng babaeng pumili sa amin ang narinig ko kaya nilingon ko.

Kasama niya ang isa sa mga Guevarra. Si Mike Frederic Guevarra. The oldest among the Guevarra cousins. Nabasa ko sa internet na sa ibang bansa siya nagtapos. Dahil hindi ko na naitanong sa dalawa kahapon ang mga pangalan nila kaya ako na mismo ang naghanap ng mga detalye nila. At hindi naman ako binigo ni G****e. May nakita pa akong mga stolen pictures nila online pero mas kilala ang isang Guevarra sa pagiging playboy at iyon si Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. Ang lalaking nakita namin ni Crystal dati na nabangga sa puno.

"Miss Acusta, thank you for joining us here." Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala sila. Inabot ng Mike ang kamay. "We are very grateful to you."

Inangat ko ang tingin para tanggapin ang kamay niya nang makita ko si Ruan sa tabi niya. Nakatingin rin sa akin at nakasuot ng red na head phone. Unti-unting na namang lumakas ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib.

"Are you okay?"

"Oo. Okay lang ako." Bawi ko. "Maliit na bagay lang naman ginawa ko saka masaya rin akong makatulong sa mga bata." Ngumiti ako.

"Let's talk." Napawi na lang ang ngiti ko nang hilahin ng babaeng nagdala sa amin si Ruan.

"I'll leave you first. May kakausapin pa ako." Umalis rin si Mike na hindi ko siya pinansin kasi mas itinuon ko ang atensyon sa dalawang naunang umalis.

Kita kong nagbulungan sila. Tapos hinampas pa ng babae ang balikat ni Ruan. At naiinis ako sa nakikita ko.

Hindi ko alam kung galit ako o naiingit lang. Maganda siya kahit simple lang manamit. Hindi rin siya maarte tulad ng babae kanina. She is quite perfect.

"Friend!" Panggugulat ni Crystal pero hindi ako nagulat. Wala akong ibang maramdaman kundi inis.

"O, saan ka ba nagpunta?" Inis na tanong ko.

"Sa tabi-tabi lang." Pangiti-ngiti pa ang bruha.

"Wag ka ngang ngumiti diyan! Naiinis ako." Maktol ko sabay alis palayo sa lugar.

Naupo ako sa maliit na bench. Inutusan ko si Crystal na magpaalam para makaalis na kami at hinihintay ko na lang siya at sa hindi inaasahan ay nakita ko si Ruan kaya nilapitan ko.

"Teka lang!" Tawag ko sa kanya kaya napahinto siya.

"May kailangan ka?" Malamig na tanong niya. Bakit ba ang cold niya minsan?

"Wala naman." Iling na sagot ko. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita. Hindi ko alam kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makausap siya kaya siguro lubusin ko na.

Don't be a coward.

Iyan ang motto ko kaya sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya.

Akma na siyang aalis nang pinigilan ko siya.

"H-hindi ko alam kung bakit pero...nagugustuhan na kita." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba kung ano ang pinakahindi ko gusto sa babae?" Malamig pa ring tanong niya. Umiling lang ako. Hindi ko naman inaasahan na magustuhan niya. Ang gusto ko lang ay magpakatotoo. "Ayaw na ayaw ko sa mga babaeng madaling mauto. Na gawan mo lang ng kaunting bagay ay magkakagusto agad. Akala ko pa naman iba ka sa kanila. Nagkamali pala ako." Matapos niya ito sabihin ay umalis siya na hindi ako nilingong muli.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi ako umaasa na magustuhan niya. Ang tanging gusto ko lang ay ang sabihin ang totoo kong nararamdaman. Pero hindi ko rin maiwasan na masaktan sa sinabi niya. Puwede naman niyang sabihin na hindi niya ako gusto e. Sinabi pa niyang nagkamali siya ng akala sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status