Share

Chapter 8

"Alam kong hindi dapat ako makialam sa'yo but let me tell you this," basag ni Ruan sa katahimikan habang nasa hapag-kainan kami.

Napaangat ako nang tingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin na rin sa akin.

"Never trust someone you just met. You never know what their motives on befriending you," sabi niya bago inumin ang isang basong tubig sa harap niya.

"Alam ko kung ano ang punto mo. Hindi ako kagaya niyo na mga alta. Walang mag-aabalang makipagkaibigan sa mga katulad ko. I know. Naiintindihan kita kaya huwag kang mag-alala."

Alam ko naman na wala akong kwenta sa paningin ng mga tulad nila. At hindi naman ako naghahangad ng maraming kaibigan.

"Can't you tell the difference between what I said and what you said? Hindi ko alam na ganyan kababa ang tingin mo sa sarili."

Tumayo siya at iniwan ako sa mesa.

Siya na ang tama! Ang baba na nga ng tingin ko sa sarili ko kaya bakit pa kailangan niyang ipamukha.

"Senorita, kung tapos na kayo lilinisin na namin ang mesa."

Nagising ako ang diwa ko sa biglang pagkalabit sa akin ng isa sa mga katulong.

Medyo may edad na siya at sa tingin ko magkaedad lang sila nila Inang Maria.

"Ah, tapos na po ako." Tumayo ako at humarap sa kanya. "Ano ba pangalan niyo?"

"Lidia ang pangalan ko, senorita."

"Manang Lidia, may pakiusap lang sana ako."

Natigil naman siya sa pagliligpit sa sinabi ko.

"Puwede huwag niyo na akong tawaging senorita? Hindi kasi ako kumportable. Tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko na Twinkle."

"Na-naku, binilin po sa amin ng mag-asawa na tratuhin kang bisita dito." Natataranta namang sagot niya sa akin.

"Sobra-sobra na ang natanggap ko na kabutihan mula sa kanila kaya utang na loob ko po sa kanila ang lahat ng ito. Kaya kahit ito na lang po ang iganti ko. Saka po tutulong po ako sa gawaing-bahay pag wala akong ginagawa. Manang Lidia, tutulungan niyo ako diba?"

Inabot ko ang kamay niya at pilit na kinumbinsi.

Matagal akong naghintay sa sagot niya.

"Alam mo, hija, ang buti mong bata. Marunong kang tumanaw ng utang na loob. Kaya siguro gusto ka ng mag-asawa at ng senorito."

Gusto ko sanang ngumiti sa sinabi niya pero parang hindi ako sumasang-ayon sa huling sinabi niya.

"Huwag niyo na pong isama ang masungit na senorito."

"Bihira lang makipag-usap 'yang batang iyan pero napapansin kong gusto ka niya."

"Manang Lidia, huwag na tayong mag-aasume. Masasaktan lang tayo," pagbibiro ko kaya napatawa naman siya. "Basta payag na kayo ha? Wala ng senorita. Twinkle na lang."

Matapos ang lahat ng usapan namin ni Manang Lidia ay nagtungo na ako sa taas at nang papasok ako sa kwarto ay may naabutan akong sumisigaw sa kabila kaya tumungo ako roon.

"Are you out of your mind! Tinanggap ko ang alok niyo pero hindi ibig sabihin noon na pati ako magpapakasal sa kung sinu-sino lang. Kung ipagpipilitan niyo pa 'yan, humanap na lang kayo ng ibang tatanggap ng alok niyo. Dahil hindi ako ang hinahanap niyo."

Marahas na binaba ni Ruan ang cellpone kaya napaatras ako sa kinatatayuan.

Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng iba. Lalo na sa mga ganitong bagay.

"Kanina ka pa diyan?"

Nakita kong palapit si Ruan at medyo galit pa rin ang itsura.

"Hmn-hindi! Akala ko kasi kung anong nangyari..."

Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig na umaatras. Narinig ko lang naman na ikakasal siya kaya hindi ako dapat matakot. Wala namang masama kung ikakasal siya.

"Alam mo kung anong kinaiinisan ko?" Matalim niyang sabi habang palapit sa akin. "Nandito ka walang kaalam-alam kung anong..."

"Hindi ko sinasadya na marinig ang usapan niyo. Wala akong intensyon na manggulo. Huwag kang mag-alala wala akong malapit na kaibigan dito para ipagkalat ang narinig ko."

Agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Nakakarami na siya ngayon sa akin. Akala ko kaya kong tanggapin ang mga masasakit na salita mula sa kanya pero ang sakit na.

Hindi ko alam kung ano sa lahat ng mga sinabi niya ang nagpasikip ng husto ng dibdib ko. Parang wala akong narinig pero nararamdaman kung may masakit sa sinabi niya. Ang alam ko lang ay nasaktan ako.

Humiga ako at niyakap ang malaking unan.

"They are here! My heart! I can't breathe!!"

Kakapasok ko pa lang sa gate ng campus ay may nagsisigawan na.

Kahit hindi pa ako lumingon, alam ko na kung sino pinagkakaguluhan nila.

Ang magpipinsang Guevarra.

"Bulaga!"

Muntikan ko nang mahampas si Khian dahil sa panggugulat niya.

"Bakit ka ba nanggugulat?"

"Wala lang parang inaantok ka pa kasi," nakangiti niyang sabi.

"Is that you?"

Hindi ko inasahan na lalapit si Tristan sa amin. Lumingon ako at nakitang wala na pala ang mga babae kanina na nag-aabang sa kanila.

"Kilala mo sila?" Kita sa mukha ni Khian ang pagkagulat. At parang biglang nag-iba ang kilos niya sa harap ni Tristan. Habang parang wala namang pakialam si Tristan sa kasama ko at para siyang tangang nakangiti habang hinihintay ang sagot ko.

"Hi-hindi naman sa ganoon. Nagkataon lang na nagkita kami dati," paliwanag ko kay Khian.

"What a small world. Zooey remember her?" Lumingon pa si Tristan para tanungin si Zooey na nasa likuran na niya.

Nakatayo lang siya sa likod ni Tristan at hindi kumikibo. Hindi rin siya nag-abalang humarap sa amin.

"Late na tayo. Mauna na ako kung hindi ka pa tapos makipag-usap sa kanila."

Naglakad siya na hindi manlang kami nilingon.

"Sige una na kami," nagpaalam na rin si Tristan at tumakbo para makahabol sa pinsan.

"Late na rin tayo. Halika na." Tinulak ako ni Khian papunta sa building namin.

Half-day lang ang naging klase namin dahil magkakaroon daw ng party para sa bagong director ng school sa hapon.

Palabas na ako ng building namin nang may humila sa akin papasok sa isang itim na sasakyan.

Nagpupumiglas ako pero hindi ko nagawang makawala.

"Bitiwan mo ako! Bi-tiwan mo..."

Nagsisigaw ako hanggang sa matauhan ako kung sino ang taong may kagagawan ng lahat.

"I-ikaw?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status