Share

Chapter 7

"One! Two! Three! Four! Five!"

Totoo pala na ang boring ng mansyon na 'to. Walang mga bulilit na maingay at ang kaibigan kong feeling bata. Di ako sanay na ang tahimik.

Kaya naman binibilang ko na lang ang bawat baitang ng mala-stairway to heaven na hagdanan para pampalipas oras. I'm counting every step I take.

"Six. Seven. Eight. Nine. Ten." Patuloy kong pagbibilang.

"Twenty." May sumabay sa pagbibilang ko at nagpatuloy pa rin ako.

"Twenty...twenty!?"

Huminto ako nang magsink-in sa utak ko na mali ang bilang at saka napansin kong may tao na rin sa gilid ko.

"Anong twenty? Hindi ka ba marunong magbilang?" Nakapameywang kong sabi sa kanya.

He's no other than Zooey Ruan Guevarra. Mas cute ang Ruan so I prefer calling him that. Hindi masungit pakinggan.

"Sinabi ko bang nagbilang ako? You should learn by now to never assume unless otherwise stated." Sabi niya habang patuloy sa pagbaba sa hagdanan. At ilang sandali lang ay tumigil siya at humarap sa direksyon ko. "You now have less than twenty minutes to attend your class. Good luck! Sana abutan mo pa ang first class mo." May panunukso sa boses niya.

"Ano!? Anong oras na ba?" Tarantang tanong ko sa kanya pero hindi na niya ako nilingon.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 6:00 pa naman.

"Ito rin ang oras paggising ko kanina." Tiningnan ko muli ang relo at nakitang hindi na ito gumagalaw. "Ngayon pa talaga niya ako iniwan!"

Patakbo akong lumabas ng mansyon. Hindi ko na pinansin ang gwapong arogante na Ruan nang lagpasan ko siya.

First day ko pa ngayon. Hindi dapat ako gumawa ng late impression sa mga instructors ko.

"Baka naman gusto mo sumakay para mas mabilis diba?" Huminto sa gilid ko ang isang itim na sasakyan.

Nasanay akong maglakad papasok noon kaya hindi ko na naisip na makisakay na rin. Kung ibang pagkakataon ito ay tatanggi ako pero ngayong nasa bingit na ako ng pagiging late hindi ko na ito pakakawalan.

Sumakay ako sa likod katabi ni Ruan. Hinihingal ako sa patakbo kaya hindi ko siya kinibo.

"Dito na lang ako!" Agad na sabi ko sa driver nang makita ang gate ng bago kong papasukan.

"Sa loob mo kami ihatid." Utos naman ni Ruan sa driver.

Teka nga lang. Kami? Alam kong walang kami pero sinabi niyang kami ang ihatid!

Bakit hindi ko rin naisip na papasok ako sa paaralan ng mga Guevarra kaya hindi imposible na dito rin sila nag-aaral?

"Mauna na ako!" Agad akong tumakbo palabas ng sasakyan. Hindi ko kasi makakayang makita ng iba na kasama ang mga Guevarra.

Mga may kaya lahat ng nag-aaral dito. Saka pa balita ko isa rin ito sa pinakamagandang eskwelahan sa bansa. Habang ako isa lang hamak na pinapaaral ng may mabubuting loob. Dapat alam ko kung saan ako lulugar.

"Third floor, Room 386. Ito na nga!" Masaya akong pinalibot ang tingin sa buong palapag bago pumasok. Wala pa namang instructor kaya hindi pa ako late.

Hindi naman ako masyadong mahiyain pero bigla ako nakaramdam ng hiya ng napansin kong halos lahat ng kaklase ko ay nagsitinginan sa direksyon ko.

May dumi ba mukha ko? Napakapa ako sa mukha ko.

"Bago ka rito? Transferee? Dito ka na sa tabi ko umupo." Isang matangkad at maputing lalaki ang biglang tumayo sa harap ko at inalok ako ng upuan. Mukhang friendly naman siya kaya naupo na ako sa upuan katabi niya.

"Thank you pala." Sambit ko nang makaupo. Hindi pa rin ako kumportable sa mga titig ng iba pero sinubukan ko paring ngumiti sa kausap.

"No problem. Saka huwag mo sila intindihin. Ganyan lang talaga sila umasta pag may bagong lipat. Pag tumagal ka na rito, wala na silang paki sa'yo kahit madapa ka pa." Lumapit siya para bumulong. Tunog biro lang ang pagkakasabi niya nito pero parang may kakaiba parin dito.

"Ah, ganun ba. Salamat sa advice." Ngumiti ako pabalik.

"Khian, pala." Nilahad niya ang kamay.

"Twinkleann." Sabi ko naman at tinanggap ang kamay niya.

"Twinkle twinkle little star..." Napakanta pa siya habang nakangiti. Para lang siyang bata na kumakanta. Namiss ko tuloy ang mga bata at si Crystal at ang mga Inang ko.

Maagang natapos ang klase ko at inaya naman ako ni Khian na maglibot. Siya raw ang tour guide ko ngayon. Mabuti rin ito para naman di ako maligaw kung sakali.

"Ang laki pala talaga ng Spentere University! Grabe, parang isang subdivision lang sa dami ng gusali at ang lawak rin ng lugar."

"Malawak nga. Kaya nga may shuttle bus rin dito kasi nasa malayo pa ang ibang building."

"Nalalakad naman diba?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi kaya lang naman lakarin.

"Oo naman. Kung gusto mo naman maglakad ng halos thirty minutes." Natatawang sabi niya.

Hindi naman ako makapaniwala na may building pa pala talaga na ganun kalayo dito. Suwerte naman ako at nasa harapan lang ng gate ang building ko.

"ISAAC KO!"

"SACKY!!"

Napalingon kami pareho ni Khian sa banda kung saan may nagsisisigaw.

Pawang babae lang nakikita namin. Parang may pinagkakaguluhan.

"May nangyari ba dun?" Tanong ko kay Khian na mukhang naiirita.

"Mga Guevarra lang 'yan. Sila lang naman pinagkakaguluhan dito." Buntung-hininga niyang sabi.

"Ah, si Isaac." Sabi ko naman habang natatanaw ang papalapit na Guevarra.

"Kilala mo ang mga Guevarra?" Napabaling ako nang tingin kay Khian.

"Hi-hindi."

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Khian na pinapaaral ako ng mga Guevarra o hindi. Pero ang sinabi ng bibig ko ay hindi. Siguro dapat sundin ko na lang ang instinct ko.

"Hindi mo sila kilala? Nagkalat kaya sa magazines, newspaper at sa television ang tungkol sa kanila."

"Ah, kilala naman. Nakita ko na sila." Kunwari akong ngumiti. Ang assuming ko talaga. Kilala lang tanong niya hindi kung kilala ko sila sa personal.

"O, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong ni Khian habang sinusundan ang tingin ko.

Nakita ko kasi sa likuran niya na papunta sina Zooey at Tristan sa amin.

"May lalakarin pa pala ako. Mauna na ako sa'yo." Agad akong nagpaalaam sa kanya.

Hindi kami close kaya hindi ako dapat lumalapit sa kanila. Sampid lang ako. Mabuting ako na mismo ang lumayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status