Share

Chapter 4

"Just stay here. Hintayin mo ako rito." Mabilis na sabi niya bago sinuot ang helmet.

Kulay red na may konting white stripes ang suot niya ngayong jacket. Terno ito ng helmet niya at pati na rin ng kulay ng sasakyan niya.

Halos tumalon ang puso ko nang tingnan niya akong muli bago siya pumasok sa kanyang sasakyan. Namalayan ko na lang na napahawak na pala ako sa dibdib ko para patahanin ang puso kong mabilis na tumitibok.

Nakita ko ring sumakay ang pinsan niya sa kulay green na sasakyan na katabi lang ng sasakyan niya. Halata namang mga mamahalin ito.

Mabilis nila itong pinaandar at nakita ko na lang ang mga sasakyan nila na humilera sa ibang naggagandahang sasakyan para hintayin ang hudyat para magsimula na ang karera.

Sa isang malakas na pagpito ay nagsimula ang karera. Sa lawak ng lupain dito ngayon ko lang nalamang may ganitong race track palang nakatago rito.

I feel like a stranger here. And this dress is way out of my style. This is not me.

"Guevarra's indeed a charmer. They can really pull off anything and can even look good without clothes on."

Napalingon ako sa dalawang babaeng ngayon ay nasa gilid ko na at nagtatawanan.

"Have you seen anyone of them wearing nothing?" Patawang tanong noong isa.

"Soon. I'll rip off their clothes." At sabay muling naghagikhikan ang mga malanding babae sa tabi ko.

Ang lalaswa nila. At mas nanggigil ako nang maisip na pinagnanasahan nila ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Naiinis ako sa kanila!

Akmang aalis sana ako nang hablutin ng isa sa kanila ang balikat ko. Napaharap ako sa kanila na parang nanghuhusga.

"Saan mo nakilala ang mga Guevarra? Ano ang relationship ninyo ni Zooey? O ni Tristan?" Sunud-sunod na tanong ng babaeng humila sa akin.

"Binayaran ka lang para maging bet diba? At wala kang relasyon sa kahit sinong Guevarra hindi ba?" Tanong naman ng isa.

Hindi ako makasagot dahil sa mga huling tinanong nila.

Oo totoo ang mga paratang na iyon. Na babayaran lang ako sa tulong na ginawa ko. Hindi ko nga alam kung tulong ba talaga ginawa ko kasi hindi ko naman sila kilala sa katunayan. Isang hamak na babae lang akong inalok nila na babayaran.

Gusto kong umalis sa harap nila. Ayaw ko nang sagutin sila kaya sinusubukan kung tanggalin ang pagkakahawak sa balikat ko. Pero bago ko pa maalis ang kamay ng babae ay biglang lumakas ang hiyawan.

Napatingin kami sa banda ng mga nagkakarera. Pabalik na pala sila rito. May palapit na sasakyan sa finish line. Mas lumakas pa ang sigaw nang may isang sumunod at ngayon ay nasa tabi ng nauna kanina.

Kulay itim ang nangungunang sasakyan. At nasa isang metro lang ang agwat ng pulang sasakyan. Sa pulang sasakyan ako nakatuon.

Parang mas sasabog ang puso ko sa pag-aalala. Masyado silang mabilis magpatakbo at halos bumibilis na rin ang tibok ng puso ko. Mas natatakot akong may maaksidente. Wala na akong pakialam kung sino ang mananalo. Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ang karerang ito.

Hindi ko na kayang tumingin sa direksyon nila kasi mas nagiging masikip na ang dibdib ko sa sobrang takot at kaba. Tumalikod na lang ako at nagsimulang umalis sa grupo ng mga taong naghihiyawan na ngayon. Ayaw ko nang lumingon pa.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa nadapa ako dahil sa isang maliit na bato. Nga pala, hindi ako sanay na magsuot ng sapatos na mataas ang takong kaya bakit ako pumayag agad? Hindi ko manlang naisip kung kaya ko ba talaga umaktong tulad ng mga babae kanina.

Inayos ko ang sarili at naglakad muli nang biglang may huwak sa baywang ko at binuhat ako.

"Sabi sa'yong maghintay ka sa akin diba? Why did you left?"

Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso, ngayon mas dumoble pa. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at laging naghuhurumintado ang puso ko pag malapit siya?

"Speak. Hindi ka naman napipi sa pagkadapa diba?"

"Oo hindi nga! Ano ba gusto mong sabihin ko? Na nagugu---"

I really can't control myself sometimes. Muntikan ko nang ibuko ang sarili ko. Nakakahiya.

Pero kung tutuusin, nakakagigil rin naman kasi ang tabas ng dila ng lalaking 'to e. Nakakaasar na nakakainis siya minsan magsalita. Parang isang prinsipe na walang alam kundi ang mag-utos.

"What is it? May sasabihin ka diba?" Nakatawa siya na parang nang-iinis. Ewan ko sa kanya!

"Oo naman. Sasabihin ko lang naman na ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglakad. Hindi naman ako napilay sa pagkadapa diba?"

"Well, hindi ka nga napilay. Pero kung pinaglakad pa kita ay baka nakuha ka na nila. Alam mo namang ikaw ang naging bet diba?"

"Ano?! Wag mong sabihin na natalo ka! Saka ibibigay mo ako sa kanila? Wala kang hiya! Gusto ko lang naman tumulong. Ah, mali. Hindi ko ginusto. Pinilit ninyo ako!"

"Fi--fine! I'm just kidding. Hindi ka nila kukunin. Akala ko kasi na ayaw mong may makakilala sa'yo. Tinanggal mo ang mask mo nang nadapa ka. Maraming nagkalat na paparazzi dito kaya baka gawan ka pa ng issue. Pero kung ayaw mo naman, sige ibaba kita." Tumigil siya at akmang ibaba ako. Tiningnan ko ang paligid at marami pa ang tao.

"Te--teka! Wag mo akong ibaba. Kasalanan ninyo ito kaya panagutan mo ako! Doon mo ako ibaba sa lugar na wala masyadong tao." Napakapit ako nang mahigpit sa leeg niya.

Ewan ko ba pero kinikilig ako na naiinis. Kakainis ang Guevarra 'to!

"No worries. I'll be responsible."

Nagsimula na siyang maglakad habang nakatitig lang ako sa mukha niya.

"I think I am falling..." napabulong ako sa sarili nang mapagtantong siya na ang pinili ng puso ko. Hindi ko inakala na magkakatotoo talaga ang sinabi ni Inay. Na ang puso ang pipili ng gugustuhin nito.

Never did I imagine my self to fall in love. And now, I am starting to fall. I don't know if he'll catch me. All I know is I'm falling and I can't even defy the gravity of falling for him.

"Hindi kita ihuhulog. Kaya 'wag kang malikot diyan."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status