Share

Chapter 3

"Saan mo ako dadalhin?"

Hinihila pa rin niya ako papunta sa kung saan.

"I need your body." Walang prenong sabi niya habang patuloy akong hinihila.

Halos malaglag ang panga ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kaya napahinto ako sa paglalakad dahilan ng pagkahinto rin niya.

"Anong sinabi mo?" Ulit ko sa kanya.

"Narinig mo ang sinabi ko. I don't like doing things twice." Hinarap niya ako. "What's your name?"

"Twinkle---"

"Twinkle, you will be compensated well. We'll pay you to---"

Anong sinabi niya? Babayaran ako? Mukha ba akong bayarang babae?!

Sinampal ko siya nang sobrang lakas.

"Bakit mo ak---"

"Kung inaakala mong mabibili mo lahat, nagkakamali ka. Hindi porket mayaman ka magagawa mo na akong bilhin! Oo gwapo ka pero hindi m---"

"I'm not planning to buy you, woman. You're the one who owes me now. Thanks for slapping me." Agad niya akong binuhat nang walang pasabi. Nababaliw na yata ang isang 'to.

"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!!"

Pinaghahampas ko ang balikat niya pero hindi siya natitinag.

"Oy, sabi ko sa'yo maghanap ka ng tutulong at hindi mangkidnap." Natigil ako nang may narinig na ibang boses.

"O, heto. Magsawa ka sa katawan niya." Binaba niya ako sa harap ng lalaking nakangiti nang napakaloko.

Sinipa ko siya pero agad niyang hinawakan ang dalawang braso ko.

"Is this what you expect, huh, woman?" Nilapit niya ang mukha sa akin kaya natigilan ako. Sobrang lapit na niya sa mukha ko. Na isang kilos ko pa ay baka mahalikan ko na siya.

Napapikit ako pero isang malakas na halakhak ang nagpamulat sa akin.

"Tss, sorry for failing your expectation." He smirked. Tinapik niya ang balikat ko bago ngumiti. Hindi ko maitatanggi na mas naging gwapo siya.

Ang walang ka-emo-emosyong mukha niya napalitan ng sobrang liwanag na ngiti.

His smile make my heart race. Halos marinig ko na ang bawat pagtibok ng puso ko.

Siya na ba? Siya na ba ang pinili ng puso ko?

"Can we start now? Kanina pa tumatawag si Mike. Baka madagdagan pa ang parusa natin pag di tayo umabot."  Aya ng isa kaya natauhan ako. Wala na rin sa harap ko ang kasama niya. Andoon na siya gilid may tinitingnan.

"Ano ba maitutulong ko sa inyo? Tsaka may klase pa ako."

"Wag kang mag-alala, exempted ka na sa klase mo buong araw," paliwanag noong isa.

Wow, ha! Agad-agad exempted ako. Sino ba sila sa inaakala nila? Dean?

"Sigurado kayo? Hindi ninyo ako niloloko?"

"Hindi. I'm a man of his word. At nagsasabi ako ng totoo." Medyo madramang sabi ng isa.

Siguro tulungan ko na lang sila. Tutal late na rin ako pagpapasok pa. Kokopya na lang ako ng notes kay Crystal.

"Wear this." Iniabot sa akin ang isang napakatingkad na damit. Kulay asul na off-shoulder na mini dress. Saka isang maskara.

"Saktong-sakto talaga sa kanya. She is the best choice!" Papapuri noong isa.

Hindi ko maitanggi na nakaramdam ako ng kaunting kilig sa sinabi niya.

Best choice raw ako. I never imagine that I would become a best choice to anyone. Dahil kahit kailan ay hindi ko naranasang ako ang pinili. I was always an option. Who would have choose someone like me? Someone who is left behind. Someone who knows nothing about her origin.

"Halika ka na. Everyone is waiting." Kinaladkad na naman ako sa kung saan.

Sana hindi ko ito pagsisihan. Na pumayag akong tulungan sila kahit hindi ko alam kung ano talaga ipapagawa sa akin.

Dumaan kami sa likod ng campus at papunta sa isang stage. Maingay ang lugar pero mas umingay nang makatungtong na kami sa stage. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito.

Marami ang tao. At marami sa kanila ang mga estudyante rin. May nakikita rin akong magagarbong sasakyan na nakaparada.

Sana lang hindi narito si Crystal. Kasi pag nagkataon na andito nga siya baka tadtarin ako ng tanong. Saka baka pagnakita pa niya akong ganito ang suot baka pagtawanan pa ako.

"Ladies and gentlemen! Let us all welcome the handsome gentlemen of the Guevarra clan!" Matinis na pag-anunsyo ng isang bakla pagdating namin.

"We are here in behalf of our grandfather to iniate this fund raising event through car racing." Saad ng lalaking laging nakangisi.

"I guess, lahat ng inimbitahan naming lumahok ay dumating na. So shall we start!"

Isang masipang palakpakan ang narinig ko. Bumaba kami bago may magsalita.

"I will double my bet." Rinig kung sabi ng isang lalaki na nakasandal sa isang kulay berdeng sasakyan. Mukha rin itong mamahalin. "Since ido-donate rin naman namin ang makukuhang premyo, why not include that girl as a prize? Para naman may matira pa sa amin." Nakangising sabi ng lalaki na sa akin na ngayon nakatitig.

Natatakot ako sa mga titig niya. Para bang hinuhubaran niya ako sa isip niya. Nanginig bigla ang tuhod ko at naramdaman ko na lang ang isang mahigpit na hawak sa aking braso.

"She's here...for that. So who else is willing to double their bet for this beautiful lady?"

I am speechless. Kanina lang ay sinampal ko pa siya dahil pinagmukha niya akong bayarang babae pero inakala kong nagbibiro lang sila kaya naman nagdesisyon akong tulungan sila. Pero ngayon para akong bagay na inu-auction.

Aangal na sana ako nang tinapig niya ako palapit sa kanya at bumulong sa taenga ko.

"Don't worry, I'll save you. I'll win you. Hindi ka mapupunta sa iba. Sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa'yo. If not, I will not stop the race until I get you."

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Imbes na magalit ako dahil ginawa nila akong pusta ay hindi ko magawa. Mas nangibabaw ang kilig ko. Parang may kumikiliti sa tiyan ko.

Jusko ikakamatay ko yata ito.

"Count me."

"Same for me."

"Triple sa akin."

Nagsimula na nga ang mala-auction na tawaran.

Hanggang kailan ba ako titigil sa pagdadasal na sana hindi ko pagsisihan ang pagsama ko sa dalawang Guevarra na'to?

"Sigurado ka bang mananalo?" May pag-aalalang tanong ng isang Guevarra.

Ngayon ko lang nakitang nawala ang ngisi niya sa buong oras na kasama nila ako. Biglang lumabas ang kaba sa dibdib ko. Maski siya na pinsan niya hindi nga sigurado.

Paano na ako ngayon?

"Si Dryle hindi rin makakasali." Dagdag niya pa.

Walang-hiya sila!

Gusto ko silang awayin pero nanlambot ako nang muling nagsalita ang lalaking dahilan kung bakit ako narito.

"I will win against them. At kung may mangyari man dahilan na matalo ako andyan ka naman." Sabi niya sa pinsang nag-aalala.

"Ba't ngayon pa kasi nagka-lbm ang walang-hiyang Dryle na 'yon!" Mahinang maktol ng isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status