Share

Chapter 3

Nakarating kami sa nakakalulang mansyon ni Ma’am Helena. Sa himpapawid pa lang kanina ay halos mamangha na ako sa laki ng lugar ng mga Florenzo. Mabuti na lang at minabuti ni Ma’am Helena na dito na lamang kami sa kanyang bahay kumain at mag-usap.

Nagpupumilit pa nga ang mga magulang ko na doon kami kumain sa amin ngunit hindi pumayag si Ma’am Helena. Kita ko pa ang naiiritang mukha ng aking ina kanina na hindi ko na lang pinansin.

“Kumusta, hija? Gusto mo bang i-tour kita sa mansyon?” Sambit nito. Bigla akong nahiya sa sinabi nito.

sino ba ako para itrato ni Ma’am Helena ng ganito? Napakabait nitong tao at magulang kay Aries na hindi ko man lang naranasan sa mga magulang ko na kumupkop sa akin.

“Hindi na po, Ma’am He—“ Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Ma’am Helena sa akin.

“Call me Mama from now on. Wala ng Ma’am o tita, diretsong Mama na dahil magiging daughter-in-law naman na kita.” She said at ngumiti sa akin na may maamong ekspresyon.

Kung hindi ko lang talaga alam na Mama ito ni Aries, mapagkakamalan kong kaedad ko lamang ito dahil sa napakabata at napakaliwanag ng mukha nito.

Nagulat nga ako nung malaman kong nasa 45 na pala ito dahil hindi talaga halata sa itsura niya.

“S-Sige po. . . M-Mama,” Mahinhin na tumawa ito na animo’y kinikilig kaya napangiti ako.

“Anyway, pababa na iyon si Aries. Ayaw pa nga bumaba nung batang ‘yon kung hindi ko lang talaga pinilit!” Naiinis na wika ni Mama at uminom ng lemon juice.

Natawa ako sa sinabi nitong bata at na-cute-an. The way Mama said that, parang magkakasundo sila rito sa mansyon.

Tumingin ako sa bintana matapos kong sumubo sa pasta na sinerve sa amin. Sa kabila ng pagnguya ko ay naramdaman ko ang kakaibang saya at excitement sa buong buhay ko.

Ano kayang itsura ni Aries sa personal? Does he look like a greek god? Does he look even better in person? Wala sa wisyong napahawak ako sa dibdib nang makaramdam ng kakaibang feeling sa aking puso.

Katulad ko rin kaya ay nagulat ito na ipapakasal na siya sa akin? Is he happy and excited as well? I smiled because of that thought.

“You look happy, Danielle. I bet Madam Anna is much happier than you,” Napatingin ako kay Mama at napangiti. I bet she is.

“Do we have an important guest today that my presence is needed?” Nabitawan ko ang hawak kong kutsara nang marinig ang isang malalim at napakalaking boses ng isang lalaki.

My heart started to go crazy as soon as my head turn to him. Napalunok ako ng ilang beses nang makita ang isang napakatangkad na lalaki na may perpektong hugis ng mukha na kinakaadikan ko noon pa lang.

Halos hindi ako makagalaw nang lumingon ito sa pwesto ko na may kunot ang noo. Napakaseryoso nito at tila may malamig na ekspresyon.

“A-Aries. . .” Utal na banggit ko sa kanyang pangalan. Lalong naging seryoso ang mukha nito at pinakatitigan ako ng maigi na siyang nagpatiklop lalo sa akin.

“Who are you, lady?” Bumagal ang tibok ng puso ko sa narinig at napakurap ng ilang beses.

Hindi niya ako kilala? Akala ko ba kinukwento ako ni lola kay Aries? At saka isa pa, hindi ba siya na-curious sa pagkatao ko o sa taong ipapakasal sa kanya?

The thought of it made my heart crush into pieces.

“Hey, Aries! She’s not just a ‘lady’! She will be your wife soon, respect her!” Naiinis na sigaw ni Mama at tumayo. “Diba I told you to read the folder I gave you? That includes also her picture there!”

Natahimik ako at napayuko na lang dahil feeling ko ay nakakahiya ako. I mean, it’s just me. I am not in his level kaya I don’t think he will actually spent his precious time to search about me.

“T-Tita, okay lang po. At least he already know that I am that lady na ipapakasal sa kanya,” Magalang na sambit ko. Nahiya akong banggitin ang Mama dahil nanydan si Aries kaya Tita na lang ang naitawag ko.

Tinignan ako ni Ma’am Helena na may kunot noo ngunit napabuntong hininga na lang ito at napailing.

“Okay naman pala sa kanya so don’t make it as a big deal, Mama.” Walang emosyon nitong wika at dumiretso na sa lamesa.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso kaya huminga ako ng malalim upang mapawi ito. Bahagya akong ngumiti sa kanila at umupo na rin.

Hindi ito umupo sa tabi ko. Mas pinili niyang umupo sa tapat ko katabi ng kanyang ina pero binalewala ko lang ito. I understand him. Hindi pa naman kami nagkakakilala ng lubos, malay mo naman ay maging maayos ang pakitungo nito sa akin sa mga susunod.

Natapos ang tanghalian namin na tahimik at walang nagsasalita. Umalis si Ma’am Helena dahil may business meeting ito ngayon kaya ibinilin niya ako kay Aries na walang imik na nagce-cellphone lang.

Sumunod ako rito nang magtungo ito sa napakalawak nilang garden. Napapikit ako ng maramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko.

I didn’t know na ganito pala kasarap sa feeling ang matamaan ng hangin sa mukha.

“Do you know how to ride a horse?” Nalingon ko si Aries nang biglang magtanong ito.

Tumango ako at ngumiti. “Of course. My lola taught me how to ride one,” may pagka-proud kong sabi sa kanya na tinanguan niya lang.

“We have a field here. Gusto mong mag horse race tayo?”

Nakarating kami sa malawak nilang field na may galak sa aking puso. Pinaghalong kaba, excitement at saya hindi lang dahil makakapag kabayo muli ako kundi dahil sa pagyaya sa akin ni Aries.

“Sabi ko na at magiging mabait rin si Aries sa akin,” Bulong ko sa sarili na may ngiti.

Nag-umpisa kaming magkarera ni Aries at sa mga oras na iyon ay nakangiti lang ako at tumatawa dahil sa saya. Napatingin ako kay Aries na bahagyang nakangiti sa malayo kaya hindi ko maiwasang ngumiti pa lalo dahil sa nakita.

“He looks more handsome kapag nangiti siya,” Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ito. Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa puso ko na tila ba nadagdagan ang pagkagusto ko sa lalaking kasama ko ngayon.

Ang sayang makita ang taong gusto mo na masaya. Tila nalimutan ko lahat ng lungkot na iniwan sa akin ni Lola dahil kay Aries. Natapos ang aming karera na nanalo siya and I congratulate him.

Nagbago muli ang ekspresyon nito at bumalik na walang emosyon katulad kanina ngunit hindi ko na ito pinansin. Nakarating kami sa mansyon na may pagod kaya nanghingi kami ng maiinom.

Nang mahimasmasan kaming dalawa ay nagsalita ito na nagpabigla sa akin.

“Let’s have a deal. I’ll give you one billion but in return, you’ll leave me alone and forget the arrange marriage.” Sambit nito.

Naramdaman ko ang sikmura ko na tila namimilipit dahil sa naramdaman sa sinabi nito. Mas lalo akong nadurog sa huling sinabi nito sa akin.

“I have someone that I really love. I’m sorry but I don’t want to marry you,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status