Share

Chapter 5

Napasinghap ito sa kabilang linya at natahimik. Maya-maya lang ay narinig ko itong tumili na ikinabigla ko.

[“Oh my gosh, honey! This is the good news I’ve been waiting for! Sobrang saya ko!”] Walang humpaw na tili nito sa kabilang linya.

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa gulat sa hindi inaasahang reaksyon ng Mama ni Aries. Napalunok ako.

“H-Hindi po ba kayo nagtataka sa pagmamadali ko?” Utal na tanong ko kay Ma’am Helena.

“Nah, I don’t care about your reason, honey. Besides, This arrange marriage of yours was the idea of your lola and I know the reason already,” Mahabang lintanya nito na may kalmadong tono.

Napabuntong hininga ako dahil sobrang nahihiya ako sa nangyayari sa akin ngayon.

[“Honey, do you love my son?”] Napahawak ako ng mahigpit sa aking cellphone dahil biglaang tanong nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko, tila ba napaisip rin ako sa tanong nito.

[“Search your heart, Danielle. If your heart runs like crazy just thinking about Aries and if you feel hurt like you can’t take it anymore, you already loved him,”]

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang bigla kong maisip ang mukha ni Aries and it feels like Ma’am Helena is right because how can my heart beats fast as crazy while thinking of him now? Tila sasabog na ang puso ko sa pagkabaliw nito sa lalaking wala naman pakialam sa akin.

“I will plan your marriage as soon as I got home. You need to rest because I’ll promise you, your wedding tomorrow would be the most memorable day of yours,”

Natapos ang usapan namin ni Ma’am Helena na may kakaibang kaba na naman sa aking dibdib. Itong pakiramdam na ito ay para bang isang taong galak na galak sa nalalapit na kasal.

Hindi ako umuwi sa mansyon dahil hindi pa humuhupa ang galit ko sa mga taong iyon. I went to one of the hotels here in Cebu so I could spent my whole night without thinking much about my family.

Mas gusto ko rin ito, malayo sa mga taong walang magandang dulot sa buhay ko. Nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at tinignan ang caller ngunit kumunot ang noo ko dahil sa unknown ang caller.

Hinayaan ko itong mamatay ng kusa ngunit tumwag muli ito. Hindi ko muli itong pinansin dahil feeing ko ay spam lang ito. Ayoko rin patayan dahil nakakaawa naman kung sino man ang masamang caller na ito.

Nag-scroll ako sa aking I*******m at inistalk ang account ni Aries. Namangha na naman ako sa itsura nito na tila isa talaga itong greek god sa pagkaperpekto ng mukha at katawan nito.

Muli akong nag-scroll sa account nito na tila ba hindi ko pinagsasawaan ang mga post nito na ilang beses ko naman na nakita. Gusto ko sanang mag-comment na “asawa ko na ‘yan” ngunit baka makita pa ito ng ibang tao at i-bash ako.

Pipindutin ko na sana ang heart button upang i-like ang recent post nito ng biglang mag pop-up muli ang numero ng tumatawag kaya hindi ko sinasadyang masagot ang tawag nito kaya nagulat ako.

Huminga ako ng malalim at inilapit sa tenga ko ang aking phone. “H-Hello, sino ka ba at where the heck did you get my number?! Are you a stalker or a scammer?! Sagutin mo ‘ko! I’m going to report you to the police if you don’t answer me!”

Matapang na sigaw ko sa unknown caller ngunit napatakip ako ng bibig nang marinig ang malalim na boses ni Aries.

[“You crazy woman! Do I look like a scammer or a stalker to you?! I own 20 hotels and rich as heaven, woman!”] May inis na sigaw nito sa kabilang linya at mayabang na binanggit ang kanyang business.

“I-Im sorry okay? Bago ka kasi tumawag, make sure to text me first para naman alam kong hindi ka scammer or what,” Sarcastic na sambit ko. Rinig ko ang pagpitsik nito dahil siguro ay hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.

“Anyway, bakit ka ba tumawag? Miss mo na ako agad?” Pilyang tanong ko ngunit sininghalan lang ako nito.

“Why would I miss someone whom I barely know? Besides, I only feel that when I am with someone I love, tsk.” Nakaramdam ako ng inis sa sinabi nito na tila ba hindi inaalala ang mararamdaman ko.

Tumahimik na lang ako at hindi na lang ito pinansin. Maya-maya lang ay nagtanong ito na agad kong sinagot ng diretso.

“What’s your answer with our deal? I gave you time to think already,” Walang emosyon na tanong nito na agad ko rin sinagot.

“I don’t want your money, Aries. Magpapakasal ako sayo sa ayaw at sa gusto mo,” May diin kong sambit at pinatayan ito ng tawag.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Wala na siyang choice but to marry me dahil ikakasal na ako bukas sa kanya and I trust Ma’am Helena for that.

Pinilit kong ipikit ang mata ko at alisin ang mga iniisip ko dahil gusto kong maayos at fresh ang itsura ko bukas. Gusto ko kasing makita ako ni Aries na hindi pang natatapos ang itsura ko sa ganito, na may mas igaganda pa ako kapag kaharap ko na ito habang suot ang aking wedding gown.

Nakatulog ako ng mahimbing at walang istorbo. I woke up at 7:00 AM in the morning as I heard my phone rang. Agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Ma’am Helena.

“Good morning po, Tita. Kumusta ka po?” Magalang na bati ko sa ginang.

[“Good morning, honey! Did you get a good rest?”] Pagtanong nito na may excited na tono.

“Maayos po naging tulog ko, don’t worry.” Sagot na may ngiti na akala mo naman ay makikita ito ni Ma’am Helena.

[“That’s good to hear, honey. Where are you now? You need to come with me so you can try all the expensive wedding dress I bought for you,”]

Bigla akong nakaramdam ng excitement nang marinig ko ang wedding dress. This is now real! I’m going to be a wife of Aries soon. Hindi ko maiwasan mapangiti sa isipin na iyon.

Pinigilan kong maging excited habang kausap ko si Ma’am Helena dahil nahihiya ako. Kailangan kong maging demure muna sa araw na ito upang maging successful ang kasal ko.

“I’m in Hotel po medyo malayo po sa bahay namin,” Sambit ko.

[“Did you have a fight with your parents?”] Tanong nito kaya sinagot ko ito ng tama dahil hindi ko naman kailangan itago ang pag-aaway namin ng magulang ko.

[“You made a right decision dahil kailangan mong maging maganda ngayon. Don’t worry, nag-send na ako ng invitation sa kanila,”]

Nagpasalamat ako rito dahil sa pag-aasikaso nito sa kasal ko.

[“I’m going to send your dress now, saang hotel ba ‘yan?”]

“I’m in Z hotel po,” Magalang na sagot ko.

[“Oh my! You are in Z Hotel?! That’s my son’s hotel!”] Nagulat ako sa biglang sigaw nito sa tuwa ngunit mas nagulat ako sa nalaman na kay Aries pala ito.

“You mean kay Aries po ito?” Pagtanong ko muli ngunit napakunot ang noo ko sa sagot nito dahil sa pagtataka dahil ngayon ko lang ito nalaman.

“No, that’s not Aries hotel! I mean, my other son owns that—Zero Florenzo,”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status