Share

Chapter 15

“. . . Wala ka ng karapatan sa bahay na ‘to at wala ka ng koneksyon sa amin!”

Mabilis kong hinila ang maleta ko habang malalaki ang hakbang naglakad palabas. Hindi ko alam kung paano ko nahila ang maleta ko na punong-puno ng mabibigat na gamit.

Siguro dahil na rin sa galit ko at pagmamadali ko na lumayas sa mansyon. Tulo lang ng tulo ang luha ko kahit na hindi naman ako umiiyak.

Bakit ganun ‘no? Hindi ko naman gustong lumuha pero dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko sa mga nangyayari sa akin ay kusa na lang lumalabas ang luha ko.

“The fudge, Danielle! Why are you crying?!” Narinig kong sigaw ni Zero kaya mabilis kong pinunasan ang pisnge ko na punong-puno ng luha.

Agad nitong kinuha sa akin ang maleta at tinabi. Pinatingin ako nito sa kanyang mata at halos hindi ko mapigilan na lumuha muli.

His eyes looks sincere. His eyes looks concerned. Nakita ko ang pagpula ng gilid ng mata nito at pagpipigil na umiyak.

“S-Sasabayan mo ba ako sa pag-iyak?” Natatawang sambit ko kay Zer
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status