Share

Chapter 2

“Iniwanan ka ng sulat at mga dokumento ni Madam Anna, Ma’am Danielle. She said that if you are emotionally fine, you can open and read the documents.”

Paliwanag ng attorney ni Madam Anna sa akin. Tumango lang ako at wala ng sinabi. Agad rin akong lumabas ng kanyang office at umalis ng walang alam kung saan tutungo.

Tumawag ang aking ina at ama ng ilang bese ngunit hindi ko ito sinagot. I went to Tagaytay with no thoughts at all basta lang ay makaalis ako sa reyalidad kahit ngayong araw lang.

Ilang oras bago ako nakarating sa Tagaytay at kahit anong ganda ng ulap at panahon ay hindi ko ito ma-appreciate. Yakap-yakap ko ang picture frame ni Madam Anna upang mayakap man ito kahit sa ganitong paraan lang.

Agad na nag-unahang tumulo ang luha ko at napahikbi na lang dahil sa pagkawala ng nag-iisa kong hero sa buhay.

“A-Ang sakit. . .l-lola,” Paghikbi ko at tumulo muli ang aking luha. “B-Bakit iniwan mo ako k-kaagad. . .”

Isang oras akong nakatingin sa langit habang patuloy na tumutulo ang tubig sa aking mata na tila ba wala itong katapusan.

“I hope you heal soon. Your lola might get mad at you if you keep on crying,”

Saglit akong napatahan sa boses ng lalaki sa tabi ko. Tinignan ko na siyang ginawa niya rin. Nginitian ako nito at binigyan ng panyo.

“I’ll give my favorite handkerchief to you so you could wipe your tears,” Nag-aalinlangan ko itong tinanggap.

“A-At sino ka?” Utal na tanong ko sa lalaki. Ngumiti ito sa akin.

“I’m Zero,” Matapos nitong magpakilala ay hinayaan ko na ito. Hindi ko na ito kinausap pa at tumingin na lamang sa langit.

Sa tagal kong nakatulala ay hindi ko namalayan na wala na pala ito sa tabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin. Umuwi ako ng mansyon ng tahimik.

Kahit papaano ay nahimasmasan na ako at bahagyang gumaan na ang pakiramdam ko. Kailangan mo lang talaga na umiyak at ilabas ng sakit na nararamdaman mo para guminhawa ka. Nakatulong rin iyong lalaki sa akin dahil sa sinabi nito.

I will never forget that genuine smile he gave me.

Sumalubong sa akin ang galit na itsura ng aking magulang sa papel. Hindi ko alam kung ano ang ikinakagalit ng mga ito dahil nagwawala ang mga ito na tila may nalaman na hindi maganda para sa kanila.

“Para may pakinabang ka naman sa pamilya na ‘to, mabuti pang tignan mo ang iniwan na regalo sayo ni Mama,” Agad na huminahon ang boses ng aking ina at hinagis sa akin ang isang folder.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang kontrata. At first, gulong-gulo ako at hindi ito maintindihan ngunit nang mabasa ang pangalan ng isang lalaki na halos bukang bibig ko araw-araw ay napakurap ako ng ilang beses.

“Yes, you are getting married to the most wealthiest man in the Philippines!” May sarkastikong sambit ng aking ina.

“You better prepare yourself and don’t disappoint us, Danielle!” Wika naman ng aking ama na si Wally. “Kapag gumawa ka talaga ng ikakapahawak namin, hinding-hindi kami magdadalawang isip na palayasin ka sa bahay na ‘to!”

Pagkatapos nila akong tadtarin ng sigaw ay umalis ang mga ito. Binasa ko muli ang pangalan ng lalaki sa kontrata. “Aries Florenzo,”

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nalaman na ipapakasal ako kay Aries, ang taong gustong-gusto ko noon pa. I don’t know pero nakaramdam ako ng kakaibang saya and at the same time ay kaba sa mga mangyayari.

Umakyat ako sa aking kwarto at binuksan ang sulat na binigay sa akin ni Madam Anna at binasa ito. Muntik na naman akong maiyak sa mensahe nito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Binanggit niya sa kanyang sulat ang paggawa niya ng paraan na ipakasal ako kay Aries para kung sakaling itaboy ako ng pamilya ko, mabubuhay pa rin ako.

Aries family agreed to Madam Anna’s proposal dahil they also want Aries to be married already. Nagkaroon rin ng paalala sa akin si Madam Anna na hindi ko kailangan mag-worry dahil mabait ang pamilya ni Aries.

“T-Thank you for coming to my life, Danielle my apo. My life became fun and interesting because of you,” Tumulo ang luha ko sa huling nabasa. Agad ko rin itong pinunasan at tumingin sa labas ng bintana.

“Thank you for your life. I love you, lola!”

Ilang araw ang lumipas at hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko rin alam ang susunod kong gagawin dahil nabablangko ako ngunit naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sa akin.

Unknown Caller

Sinagot ko pa rin ito dahil sa kuryosidad.

“Hello? Sino po ito?” Tanong ko sa kabilang linya.

Narinig ko ang isang mahinhin na tawa ng isang babae na ikintaka ko.

“Hi! Is this Danielle Fajardo?” Tanong ng isang babae na may maamong boses.

“Yes po.” Magalang na sambit ko.

“This is Helena Florenzo, the mother of Aries Florenzo. We should meet later, hija okay lang ba? I’ll send a chopper in your house.”

Napalunok ako sa narinig. Ang daming tanong sa isip ko ngunit minabuti kong tumahimik at sumang-ayon na lang sa sinabi nito.

Wala namang problema kung llalapag ang chopper dito. May malawak naman na space dito sa mansyon ni Madam Anna para sa mga ganitong pangyayari.

Nagsuot ako ng fitted dress na kulay green. Simple lang ito at mukha naman hindi kaagaw-agaw pansin. I also wore my black boots na niregalo pa sa akin ni Madam Anna.

Nagdala rin ako ng leather jacket para matakpan ko mamaya ang balat ko.

Tumawag muli sa akin si Mrs. Helena at sinabing nasa labas na raw ito kaya nagmadali akong tumakbo at lumabas ng mansyon. Muntik na akong mapairap nang makita ang dalawa na hindi magkamayaw ang pagngiti sa napakaamo at napakagandang babae.

Napakurap ako nang kumaway ito sa akin na may ngiti sa labi.

Halos mamula ako dahil sa narinig at magwala ang puso ko dahil sa pagtawag nito sa akin.

“Hello, pretty Danielle! It’s nice to finally meet you, my future daughter-in-law!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status