Share

Chapter 7

Dalawang buwan na ang lumipas simula ng kami ay ikasal ni Aries. My confession on him doesn’t bother him at all. Tila mas lalong lumamig ang pakikitungo nito sa akin.

Mas lalo na noong nakaraang dalawang linggo when we had our honeymoon because of his Mom. Nagulat na lamang ako nang magkita kami sa isang hotel room na may kakaibang init na nararamdaman sa aming katawan.

Doon lang namin napagtanto na her Mom put something in our drinks secretly. I don’t know when and how she did that. Of course, something happened to Aries and I and we can’t even stop it dahil sa tapang ng pakiramdam nito sa aming katawan.

That night, we made love. I don’t even remember it dahil binaon ko na ito sa limot dahil ayokong magalit pa sa akin si Aries.

I kept a boundary on us, sa kagustuhan niya rin. I am really hurt, honestly.

Napatayo ako bigla sa sofa ng marinig ko ang yabag ni Aries papasok sa kanyang mansyon. Yes, we moved because that’s what he wanted at para na rin maiwas kami kay Tita Helena.

“H-Hey, how’s work?” Nahihiyang pagtanong ko ngunit sinagot niya rin naman ito sa malamig na paraan.

“Work is fine. Wala namang bago,” He said coldly kaya tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

Tumayo ako saglit at pumunta sa kitchen upang kumuha ng makakain. I cooked a while ago para sa kanya.

Nilapag ko ito sa lamesa upang handaan siya. Lumapit naman ito doon at umupo na siyang nagpangiti sa akin ng palihim.

Kahit ganitong bagay lang ay halos ikatalon na ng puso ko. Dahil kumain na rin naman ako at hindi naman talaga kami nagsasabay ay iniwan ko na ito ngunit napapitlag ako ng hawakan nito ako sa braso.

Gulat na tinignan ko ito.

“Kumain ka na? Sabayan mo ‘ko,” Hindi ako agad naka-react dahil sa sinabi nito. Tila naestatwa ako dahil lang sa pag-alok nito sa akin.

Magsasalita na sana ito ng agad ako umupo at kinuha ang isang plato sa gilid. “Nagugutom na rin ako, salamat sa pag-aya!”

Nakangiti kong wika dahil sa sobrang saya. Naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko at ang kilig.

Natapon ang ilang piraso ng kanin sa lamesa dahil sa nginig ko kaya humingi ako ng sorry sa kanya. Kinuha nito ang sandok sa akin at siya na ang naglagay ng kain at ulam ko.

Walang hiyang lalaking ‘to! Abot langit ang saya at kilig ko dahil sa ginagawa niya ngayon. This is the first time he cared for me and I am going to make it as a big event of my life.

Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang plato ko na may pagkain. Hindi ko ito inayos o ginalaw man lang. I took a picture of it ng ilang beses dahil sa tuwa ko.

“What are you doing?” He asked curiously.

“A-Ano. . .pinicturan ko lang for memories hehe,” Utal na sambit ko at pagak na tumawa. Umiling ito at nagsalita.

“You are weird sometimes. Minsan bigla ka na lang rin sasayaw kahit walang music,” Napahinto ako dahil sa narinig at awtimatikong namula ang mukha dahil sa kahihiyan.

“A-Anong sinasabi mo? H-Hindi ako marunong sumayaw no at hindi ko ginawa ‘yon!” Pagdepensa ko sa aking sarili ngunit nagkibit balikat lang ito at kinuha ang kanyang phone.

Sinimulan ko ang pagkain dahil sa taranta. Walang hiya! Kailangan niya ako nakita nang gano’n?! Ang pagkakaalala ko ay noong last week ay naglilinis ako nang bigla ko na lang maalala ang isang trending na dance challenge kaya sumayaw ako kahit walang music.

Nakailang subo na ako nang ilapit niya sa akin ang phone niya at halos manlaki ang mata ko at maubo dahil sa nakita.

Ang video ko lang naman na nasayaw noong last week! Tila kinuhaan ito sa 2nd floor dahil sa anggulo nito.

Kukuhanin ko na sana ang phone nito upang burahin ito ng mabilis pa sa alas kwatro nitong tinago sa kanyang bulsa na may ngisi.

Ngumunguya ito habang nangisi na tila inaasar ako nito.

“H-Huy, Aries! Delete mo yun ha, please!”

“Aries, sirang-sira na dignidad ko kaya please i-delete mo ‘yan ha!”

Tumango lang ito at hindi nawala ang ngisi. Nanliit ang mata ko sa kanya na para bang inaasar pa ako nito kaya inis kong kinuha ang phone ko at pinicturan ito sa panget na anggulo.

Nawala ang ngisi nito at tumingin sa akin na may kunot ang noo kaya napalunok na lang ako.

“Did you just took a picture of me without my consent?” Halos makaramdam ako ng kaba dahil sa baritonong boses nito. Naestatwa na lang ako nang tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa akin.

Hindi nito inaalis ang tingin sa akin na para bang gusto nitong pumasok sa buo kong pagkatao.

“S-Sorry! H-Hindi ka rin naman nagpaalam sa akin na vivideohan mo ‘ko eh!” Nauutal kong paliwanag kay Aries ngunit hindi ito natinag.

Mas lalo pa nitong nilapit ang kanyang katawan at pinakatitigan. Halos mapahawak ako sa kanyang dibdib ng hapitin nito ang aking bewang at inilapit pa lalo sa kanya.

This is killing me! Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakikita. Ang mukha nito ay halos ilang pulgada na lamang sa akin kaya hindi ko maiwasang mamula.

“Aren’t you gonna delete my picture?” Bulong nito sa akin na tila nang-aakit.

Tinignan ko ito sa mata pagkatapos ay sa kanyang namumulang labi.

“D-Delete my video first and I will delete y-yours,” Utal ko ngunit nginisian ako nito na nagpataas ng balahibo ko.

“You are good in negotiating, huh?” Of course! Hindi porket mahal kita, hahayaan na kita? No way!

“Ayaw mo talaga?” Pagtanong muli nito kaya umiling ako. He can’t do anything with my decision, bahala siya.

Kahit ano pang gawin niya na pagmamakaawa ay hinding-hindi ako manghihina at bibigay.

Ngunit tila nawala ako sa tamang wisyo nang maramdaman ko ang malambot nitong labi sa labi ko. Libo-libong boltahe ang naramdaman ko nang halikan ako nito habang nakatingin sa akin na may nang-aakit na mata.

Hindi ko ito matulak dahil mismong katawan ko ay nagugustuhan rin ito. Napapikit na lamang ako at dinama ang halik nito sa akin. Hindi ko alam ang nangyayari but all I can say is, I’m getting drawn by his deep kisses.

Ipinatong ako nito sa lamesa at muling hinalikan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko basta ang alam ko lang ay sinasakop na ako ni Aries.

Bigla na lamang itong humiwalay sa akin at tinukod ang noo sa aking noo. Malamlam ang tingin nito sa akin at bigla na lamang ngumisi.

“That is your punishment for being stubborn,” Natulala na lamang ako at hindi na nakaimik ng umalis na ito at iwan ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status