Lumipas ang buong araw na nasa bahay lang kami ni Uno. Si Zero kasi ay agad na pumunta ng Z Hotel upang mag-asikaso ng mga kailangan niyang gawin. Kinabukasan ay tsaka lamang kami nag-decide na papuntahin si Tita Helena sa Z Hotel kaya maaga akong nag-ayos upang makapunta sa Hotel kasama si Uno. Tumawag rin kanina si Tita at ramdam ko ang pananabik niyang makita kami. Inayusan ko si Uno at binihasan ng maayos. Hinanda ko na rin ang kanyang mga bote at gatas na iinumin niya mamaya. Kumuha rin ako ng ilang baby clothes kung sakali man kailanganin kong palitan si Uno. Natapos ang pag-aayos ko ng maaga kaya maaga rin kaming aalis ngayon. Kinuha ng driver ni Zero ang iba kong dala at nilagay sa compartment ng sasakyan para makarga ko si Uno. Halos lumagpas ng kalahating oras ang naging biyahe namin. Mabuti na lamang ay maaga kaming umalis dahil kung hindi, sobrang mata-traffic kami. “Love! Okay lang ba kayo? Kumusta ang biyahe?” Pagsalubong ni Zero sa amin at binuhay si Uno. Ni
Ilang araw na ang lumipas simula noong unang pagkikita muli namin ni Tita Helena. I can say na na-miss ko talaga ito dahil tinuring na naman ako nito na parang anak niya. Buong araw ay nag-stay lang ito sa hotel ni Zero, taking care of Uno. Dahil ayaw rin naman namin maisip niya na parang ayaw namin siyang papuntahin ng bahay ay sinama namin siya sa bahay. Ginawa namin iyon para makapag relax siya at hindi ma-awkward sa paligid niya. Magta-talong araw na siya rito sa amin and It seems like she’s having fun with her apo. Wala naman sa amin iyon dahil makakapag trabaho si Zero ng maayos. Ako naman ay minsan ay nadalaw sa flower shop na hinabilin ko sa mga nagbabantay doon noon simula nang dumating ako.and I might say, sobrang na-miss ko ang shop ko. Ito rin kasi ang puntahan ko noon kapag ang daming nangyayari sa akin noon na kamalasan. “Tita, punta lang po ako sa shop ko. One of my staff got into an accident kaya hindi makakapunta, okay lang po ba kayo dito?” Tanong ko habang naka
Ako si Danielle Tina Fajardo, kilala sa buong mansyon bilang isang sabit dahil ako ay inampon lamang noong ako ay 12 years old pa lang. Oo, naninirahan ako sa isang mayaman na pamilya ngunit kung itrato naman ako ng mga ito ay tila isang hangin lamang. “Bumaba ang sales natin sa Fajardo Hotel, minamalas talaga tayo dahil sa sabit na ‘yan!” Inis na wika ng aking ina na si Ferlita Fajardo, ang nagpapatakbo ngayon ng aming negosyo. Masama ang tingin nito sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin dahil baka lalo pa itong mairita kapag sumagot pa ako. Yes, isa akong ampon at sabit sa pamilya ngunit hindi porke ganito ang trato nito sa akin ay nananahimik lang ako. Naging matapang ako simula nang ako ay tumungtong ng highschool dahil sa mga pananalita at pinaparamdam ng mga ito sa akin. Ang kuwento kasi niyan ay inampon ako ng mga ito dahil nakatutok ang media sa kanila. Isa sila sa mga sumusuporta sa isang orphanage, kung saan nila ako nakuha. Para lumakas ang suporta sa kanila
“Iniwanan ka ng sulat at mga dokumento ni Madam Anna, Ma’am Danielle. She said that if you are emotionally fine, you can open and read the documents.” Paliwanag ng attorney ni Madam Anna sa akin. Tumango lang ako at wala ng sinabi. Agad rin akong lumabas ng kanyang office at umalis ng walang alam kung saan tutungo. Tumawag ang aking ina at ama ng ilang bese ngunit hindi ko ito sinagot. I went to Tagaytay with no thoughts at all basta lang ay makaalis ako sa reyalidad kahit ngayong araw lang. Ilang oras bago ako nakarating sa Tagaytay at kahit anong ganda ng ulap at panahon ay hindi ko ito ma-appreciate. Yakap-yakap ko ang picture frame ni Madam Anna upang mayakap man ito kahit sa ganitong paraan lang. Agad na nag-unahang tumulo ang luha ko at napahikbi na lang dahil sa pagkawala ng nag-iisa kong hero sa buhay. “A-Ang sakit. . .l-lola,” Paghikbi ko at tumulo muli ang aking luha. “B-Bakit iniwan mo ako k-kaagad. . .” Isang oras akong nakatingin sa langit habang patuloy na
Nakarating kami sa nakakalulang mansyon ni Ma’am Helena. Sa himpapawid pa lang kanina ay halos mamangha na ako sa laki ng lugar ng mga Florenzo. Mabuti na lang at minabuti ni Ma’am Helena na dito na lamang kami sa kanyang bahay kumain at mag-usap. Nagpupumilit pa nga ang mga magulang ko na doon kami kumain sa amin ngunit hindi pumayag si Ma’am Helena. Kita ko pa ang naiiritang mukha ng aking ina kanina na hindi ko na lang pinansin. “Kumusta, hija? Gusto mo bang i-tour kita sa mansyon?” Sambit nito. Bigla akong nahiya sa sinabi nito. sino ba ako para itrato ni Ma’am Helena ng ganito? Napakabait nitong tao at magulang kay Aries na hindi ko man lang naranasan sa mga magulang ko na kumupkop sa akin. “Hindi na po, Ma’am He—“ Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Ma’am Helena sa akin. “Call me Mama from now on. Wala ng Ma’am o tita, diretsong Mama na dahil magiging daughter-in-law naman na kita.” She said at ngumiti sa akin na may maamong ekspresyon. Kung hindi ko lang tala
Hindi ko nasagot si Aries sa sinabi nito. Halos matulala lang ako hanggang sa iwan ako nito dahil walang nakuhang sagot ito mula sa akin. Nakauwi ako sa amin ng maayos dahil na rin sa paghatid sa akin ng Florenzo’s driver. Minabuti ko na rin na umalis dahil wala naman akong magagawa doon. I also sent a message to Ma’am Helena na umuwi na ako. Tumawag pa nga ito at nagtanong sa akin na may pag-aalala kung bakit agad ako umuwi. Dumating ang gabi na may malalim akong iniisip. Naaalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Aries bago ako umalis. I don’t know why I’m hurt because of his words na tila ba mahal ko na ang lalaking iyon. Ganito ba ang nararamdaman ng isang tao kapag nagmamahal at nasasaktan? Nandito ako ngayon sa hapag kainan kasama ang magulang ko na walang pakialam sa presensya ko. They’re just talking about themselves and some business. Napahinto ako nang marinig ko ang pagkausap ng aking ina sa akin. “How’s the Florenzo’s mansion? Are they really rich?” Tumango ako ng
Napasinghap ito sa kabilang linya at natahimik. Maya-maya lang ay narinig ko itong tumili na ikinabigla ko. [“Oh my gosh, honey! This is the good news I’ve been waiting for! Sobrang saya ko!”] Walang humpaw na tili nito sa kabilang linya. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa gulat sa hindi inaasahang reaksyon ng Mama ni Aries. Napalunok ako.“H-Hindi po ba kayo nagtataka sa pagmamadali ko?” Utal na tanong ko kay Ma’am Helena.“Nah, I don’t care about your reason, honey. Besides, This arrange marriage of yours was the idea of your lola and I know the reason already,” Mahabang lintanya nito na may kalmadong tono.Napabuntong hininga ako dahil sobrang nahihiya ako sa nangyayari sa akin ngayon. [“Honey, do you love my son?”] Napahawak ako ng mahigpit sa aking cellphone dahil biglaang tanong nito.Hindi ko alam ang isasagot ko, tila ba napaisip rin ako sa tanong nito.[“Search your heart, Danielle. If your heart runs like crazy just thinking about Aries and if you feel hurt like you
Mga kalahating minuto ang lumipas ng ma-receive ko ang wedding dress na binili sa akin ni Ma’am Helena. Akala ko ay ayun na iyon ngunit nagulat ako ng sampung mag-aayos sa akin ang pumasok sa hotel room ko. “Good morning, Miss Danielle. Ma’am Helena ordered us to help you with your make-up and hairstyle.” Napakamot ako sa pisnge dahil sa hiya. “U-Uh, kaya ko naman po ayusan sarili ko hehe,” Sambit ko at hilaw na tumawa. Umiling ang pinaka head stylist at ngumiti. “Where here not just to make you beautiful but also to assure you na hindi ka mahihirapan at mapapagod dahil kailangan mong i-present ang sarili mo sa magiging asawa mo.” Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagreklamo. Dahil utos rin naman ito ni Ma’am Helena ay tinanggap ko na ito dahil wala namang masama sa ginawa niya. In fact, inalala niya lang ako para maiwasan kong mapagod. Saglit akong tumawag kay Ma’am Helena at may sinseridad na nagpasalamat. Dapat kong i-appreciate ang mga ginagawa sa akin ng mabu