Share

Loving you in Contract
Loving you in Contract
Author: missDreamer_J

Chapter 1

Ako si Danielle Tina Fajardo, kilala sa buong mansyon bilang isang sabit dahil ako ay inampon lamang noong ako ay 12 years old pa lang.

Oo, naninirahan ako sa isang mayaman na pamilya ngunit kung itrato naman ako ng mga ito ay tila isang hangin lamang.

“Bumaba ang sales natin sa Fajardo Hotel, minamalas talaga tayo dahil sa sabit na ‘yan!” Inis na wika ng aking ina na si Ferlita Fajardo, ang nagpapatakbo ngayon ng aming negosyo.

Masama ang tingin nito sa akin ngunit hindi ko na lang pinansin dahil baka lalo pa itong mairita kapag sumagot pa ako.

Yes, isa akong ampon at sabit sa pamilya ngunit hindi porke ganito ang trato nito sa akin ay nananahimik lang ako. Naging matapang ako simula nang ako ay tumungtong ng highschool dahil sa mga pananalita at pinaparamdam ng mga ito sa akin.

Ang kuwento kasi niyan ay inampon ako ng mga ito dahil nakatutok ang media sa kanila. Isa sila sa mga sumusuporta sa isang orphanage, kung saan nila ako nakuha. Para lumakas ang suporta sa kanila ay in-adopt nila ako ng wala sa kanilang kalooban.

That’s why minsan nilalabanan ko ang mga ito at bina-blackmail na ilalabas ko ang kasamaan nila. But their petty words that doesn’t hurt me that much ay hindi ko na pinapatulan. Binibigay ko na sa kanila iyon para naman maging masaya sila.

Napatingin ako sa bumaba sa mala-palasyo naming hagdanan. Si Madam Anna, ang aking lola.

“I just saw the monthly report of our hotel last night, mababa na talaga iyan so don’t blame it to someone na hindi naman involve sa pagpapatakbo ng hotel.” Pagtatanggol nito sa akin.

Kung meron man sa pamilya na ito ang naging mabuti sa akin, ito ay walang iba kundi si Madam Anna o ang aking lola. She was the only member of the family ang nag-welcome sa akin ng may totoong ngiti sa labi.

Lumingon ito sa akin at ngumiti nang makababa. Agad ko itong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi.

“Magandang umaga, Madam Anna!” Nakangiti kong bati na agad niyang sinimangutan dahil sa pagtawag ko rito.

“You still call me Madam when I already told you na you can call me lola,” May tampo nitong sabi ngunit niyakap ko lang ito.

“You are still a respected woman here in the house, Madam. Kaya don’t blame me for calling you like that.” Sambit ko at humiwalay sa yakap.

Nilingon ko ang aking nanay-nanayan na ngayon ay nakabusangot na at matalim ang tingin sa akin. Dumating ang asawa nito na si Wally Fajardo, ang ama-amahan ko na isa ring walang kwenta sa pamilya.

Agad na yumakap ang aking nanay sa lalaki na tila ba nagsusumbong.

“Ang tanda na pero kung umasta akala mo ay bata!” Bulong ko kay Madam na inilingan niya lang.

Ang anak ni Madam Anna ay si Wally Fajardo. Isang childish, walang kwenta, masamang damo at kung ano-ano pang masasamang deskripsyon na maaaring masabi sa kanya. Hindi naman rin ito marunong magpatakbo ng hotel, umaasa lang sa kanyang asawa na nagtapos sa kursong Business Management kaya may alam sa pagpapatakbo ng hotel.

“Okay ka lang, darling? Pinainit na naman ba ng sabit na yan ang ulo mo?” Pag alo ng lalaki sa kanyang asawa at tinignan ako ng matalim.

“Can you please don’t wonder in our house? Naiirita ang asawa ko sayo eh!” Sigaw nito sa akin na nginisian ko lang.

I always dream of having a good family before kaya nga naging masaya ako noon ngunit dahil sa masasamang ugali ng mga ito, hindi na ako umasa sa masayang pamilya.

“Don’t you dare shout at Danielle! Apo ko ang sinisigawan mo!” Sigaw ni Madam Anna kaya agad ko itong pinigilan dahil delikado ito sa kanya.

Madam Anna has a heart disease kaya I always take care of her and never let her do exhausting activities and never let her getting mad.

“Madam, okay lang ako kaya hindi mo kailangang magalit sa kanila. Hindi okay sa health mo po ‘yan,”

Agad itong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. “Paano na lang pala kung mamatay ako? Aapihin ninyo ng aapihin si Danielle? Papalayasin niyo na lang?”

Nanahimik ang dalawa ngunit kita pa rin ang inis sa kanilang mukha. Tinignan pa ako ng masama ng aking ama at bumulong sa hangin, “You’ll be in trouble kapag namatay na si Mama.”

Tanghali na nang lumabas ako ng mansyon upang pumunta sa paborito kong Coffee Shop para mag-relax. I took my phone from my small bag at sinearch ang ultimate crush ko na si Aries Florenzo, ang pinakamayaman na lalaki sa buong Pilipinas dahil sa pagiging heir nito sa kanyang pamilya.

Napangiti ako at nakaramdam ng kakaibang saya nang makita ang litrato nito sa kanyang social media. Umaabot ng isang milyon ang likes ng kanyang post dahil sa pagiging sikat nito hindi lang bansa kundi sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sinong hindi hahanga sa isang modelo, matipuno, mayaman pa sa mayaman, at may-ari ng dalawapung sikat na hotel sa pilipinas?

Nakagat ko ang labi ko dahil sa kilig. I know him personally because of Madam Anna. Dahil nasa business world ang pamilya ko ay nakakasalamuha nila ito at nakakausap. Ang swerte nila dahil kilala sila nito.

“Sana makita kita in the future, Aries Florenzo. Binabaliw mo ako ng sobra,” Bigkas ko habang nararamdaman ang bilis ng tibok ng aking puso.

Madam Anna knows that I have a big crush on Aries. Paano ba naman, kilalang-kilala ko na ito noong bata pa ako at bukang bibig ko ito palagi sa kanya.

Lumipas ang araw ay naging mapayapa ako dahil hindi ako ginulo ng mag-asawa. Ako naman ay naging abala sa maliit kong flower shop business dahil sa dami ng customers.

Saglit kong kinuha ang phone ko nang tumunog ito tanda na may tumatawag. I saw ate Jenny’s name, our maid, calling me for how many times na ikinataka ko.

Agad kong sinagot ang tawag nito na dapat hindi ko na lang pala ginawa dahil sa masakit na ibinalita nito sa akin.

Nabitawan ko ang phone ko at napatulala. Tila namanhid ang ulo ko dahil sa narinig.

“N-No. . . It can’t be,” Mabilis na nag-unahan ang luha ko sa pagbagsak. “W-Why did you leave so early, M-Madam A-Anna?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status