Share

Chapter 6

Mga kalahating minuto ang lumipas ng ma-receive ko ang wedding dress na binili sa akin ni Ma’am Helena. Akala ko ay ayun na iyon ngunit nagulat ako ng sampung mag-aayos sa akin ang pumasok sa hotel room ko.

“Good morning, Miss Danielle. Ma’am Helena ordered us to help you with your make-up and hairstyle.” Napakamot ako sa pisnge dahil sa hiya.

“U-Uh, kaya ko naman po ayusan sarili ko hehe,” Sambit ko at hilaw na tumawa. Umiling ang pinaka head stylist at ngumiti.

“Where here not just to make you beautiful but also to assure you na hindi ka mahihirapan at mapapagod dahil kailangan mong i-present ang sarili mo sa magiging asawa mo.” Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagreklamo.

Dahil utos rin naman ito ni Ma’am Helena ay tinanggap ko na ito dahil wala namang masama sa ginawa niya. In fact, inalala niya lang ako para maiwasan kong mapagod.

Saglit akong tumawag kay Ma’am Helena at may sinseridad na nagpasalamat. Dapat kong i-appreciate ang mga ginagawa sa akin ng mabuti ng ibang tao dahil hindi lahat ay kayang gumawa ng mabuti na may sensiridad.

Katulad na ng magulang ko.

Nagsimula nila akong ayusan sa mukha. Hindi basta-basta ang pagdampi nila ng mga gamit nila sa mukha ko dahil binilinan raw sila ni Ma’am Helena na huwag akong makaramdam ng kahit anong kati, sakit o ano pa man iyon na makapagpa conscious sa akin.

Halos umabot ng 20 minutes ang pag-aayos nila sa mukha ko kaya agad nilang sinunod ang pag-aayos naman sa buhok ko. They gave me a brochure na kapag binuksan mo ay makikita mo ang 500 types of wedding hairstyle.

Namangha ako sa mga hairstyle na nakita ko. Pinapili ako ng mga ito kung ano ang gusto ko ngunit ibinigay ko ang brochure sa kanila at hinayaan ang mga ito na pumili sa akin.

“Okay ba ito sayo, Ma’am? This one looks simple in front but when they looked at you at the back, the elegance and the styles will make your groom look at you with full of love,”

Nang marinig ko ito ay napangiti ako at nakaramdam ng kilig kaya sumang-ayon ako sa rekomenda nito. Halos umabot ng kalahating oras ang pag-aayos sa buhok ko at ng sa wakas, maingat nilang sinuot sa akin ang isang kumikinang na gown na gawa sa diyamante. Ang haba rin ng laylayan ng gown ay halos katumbas ng dalawang limousine na mahaba.

“Ma’am Helena is right when she said that there’s no wedding gown as beautiful as you could make you look ugly. Your whole existence screams perfection!” Namamanghang wika ng Head Stylist sa akin na sinang-ayunan ng mga kasama niya.

Halos makaramdam ako ng pamumula sa nakakatunaw na compliment nito. Bigla kong naalala si Aries at inisip kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita na niya ako mamaya.

Mahuhulog kaya ito sakin? Magugustuhan na niya kaya ako?

Natapos ang pag-aayos sa akin na may maraming katanungan. Kinakabahan rin ako dahil ikakasal na ako sa taong gusto ko.

At dahil tapos na rin naman ay pinagpahinga nila ako at pina-relax upang maging handa ako mamaya.

Lumipas ang dalawang oras, dumating ang mamahaling chopper ni Ma’am Helena sa hotel rooftop upang sunduin ako. She decided to use it para maiwasan ko raw ang traffic.

Nang makalapag sa mansyon ng mga Florenzo ay nagulat ako dahil sa eleganteng palamuti ang mga nakasabit sa bawat gilid. Mayroon ding red carpet papunta sa gitna kung saan doon kami magkikita ni Aries. Parang ang bilis ng pangyayari sa buhay ko.

Nandoon na rin ang magulang ko na tila proud ito dahil sa mga magagandang ngiti ng mga ito. Pinagmasdan ko rin ang mga bisita na halos mahiya na lamang ako dahil sa pagiging elegante ng mga awra ng mga ito.

I’ve looked for Aries Florenzo in front and I saw him standing there, staring at me coldly. Nakaramdam ako ng saglit na pagkirot sa aking puso dahil sa ibinibigay nitong tingin sa akin.

Kahit na ganito ito ay pinakita ko pa rin ang ngiti ko. Yes he is cold to me but it doesn’t stop me from praising his looks. As usual, mala greek god talaga ang itsura nito na halos maiisip mo na lang na paano naging perpekto ang mukha nito?

He was wearing a simple black coat yet it screams expensive and powerful. Bakit ba bagay lahat sa kanya pero parang hindi kami bagay para sa kanya?

Napailing ako at natawa sa aking isip.

Nag-umpisa ang ceremony na halos nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi nagkaroon ng pagpapakilala sa mga bisita at sa family ko dahil na rin sa kagustuhan ni Aries.

Nang tawagin ako ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya na hindi man lang hinihiwalay ang aking tingin. Parang gusto ko na lang siyang titigan ng magdamag dahil sa maganda nitong mukha.

Tila nag slow motion ang lahat ng makalapit ako. The Father says something na hindi ko na maintindihan. Walang vows o anuman dahil hindi talaga pumayag si Aries, ayon kay Ma’am Helena. Mabuti nga at napilit pa nito na sumipot sa kasal namin na hindi ko alam kung kasal ba talaga.

Masakit, oo. Sobrang sakit mg ganitong senaryo. Para bang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya na halos kamuhian naman ako nito.

“You’ll gonna regret marrying me, Danielle.” Malamig sa malamig pa nitong bulong sa akin na nagpataas ng balahibo ko.

“You may now kiss the bride,” Rinig kong saad ng pari ngunit hindi man lang kumilos itong si Aries.

Nakatitig lamang ito sa akin na tila walang pakialam. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid tungkol sa akin at kay Aries na nagpabahala sa akin.

Nakita ko ang paglukot ng mukha nito na tila naiirita sa paligid. Nilingon ko ang mga ito and they are really whispering bad to us, especially to Aries.

Nag-isip ako ng paraan kung paano mahihinto ang mga ito. Saglit kong tinignan si Aries at hinawakan ang braso nito.

Napalingon ito sa akin na may kunot ang noo na tila ba iniisip kung anong ginagawa ko.

Napakagat ako ng labi sa naisip ko.

“I’m so sorry Aries but I need to protect you from them,” Pagbulong ko ngunit hindi narinig kaya bahagya itong lumapit sa akin upang pakinggan ang sasabihin ko.

Ngunit ginawa ko itong opportunity. I tiptoed and gave him a soft kiss to his lips. I close my eyes to feel my heart become crazy.

Libo-libong boltahe ang naramdaman ko sa buo kong katawan. Ang puso ko ay tila sasabog na dahil sa bilis ng tibok nito. Hihiwalay na sana ako sa aming halik ng hapitin nito ako sa beywang at mas diniin at nilaliman pa nito ang halik.

Nagulat ako at hindi naka-respond but as soon as he kisses me more deeply, nagpaubaya na lang bigla ang katawan ko at hinawakan ito sa dibdib.

Nang matapos ay humiwalay ito sa aming halik at tinignan ako nito na may kakaibang emosyon. Isang emosyon na hindi ko mabatid.

There is something I want to say to him kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita sa kanya na nagluha sa akin sa saya.

“I-I love you, Aries. Mahal na mahal kita sobra,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status