Unti-unti kong dinilat ang mata ko at hinayaan itong mag-adjust sa liwanag sa isang kwarto. Dahan-dahan kong nilibot ang aking paningin at tinignan ang lugar kung nasaan ako. “Honey, you’re awake! How are you feeling?” Nadinig ko ang isang tinig ng nag-aalang si Tita Helena. Nilingon ko ito at bahagyang nginitian. Ang mga mata nito ay nag-aalala na nakatingin sa akin. “A-Ano pong nangyari sa’kin?” Nahihirapang tanong ko ngunit umiling ito. “I don’t know, honey. Basta tumawag lang si Aries sa akin at sinabing nahimatay ka raw. Ano bang pinag gagagawa mo?” Nag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay ko. “Pumunta lang po ako sa flower shop para bisatahin po ito pero nakaramdam po ako ng pagod at pagkahilo,” Diretsang sagot ko. “Hindi pa kasi sinasabi ng private doctor mo ang nangyari sa’kin dahil raw gusto niyang marinig mo rin ito.” Tumango ako rito sa kanya. “I’ll call the doctor,” Tinawagan ni Tita ang doctor na nag-asikaso sa akin. Tinignan ko ang buong paligid at
Isang linggo na ang lumipas ngunit si Aries ay hindi pa rin umuuwi sa mansyon. I tried contacting him for how many times pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko.Nag-aalala na ako sa kanya. Si Tita Helena ay umuwi muna sa kanila upang hanapin at ipagtanong-tanong rin si Aries sa mga kaibigan niya.Dapat ngayon ay naiinis na ako sa kanya at tinatanong na ang tungkol kay Hannah. Dapat ngayon ay alam na ni Aries na magkakaanak na kami pero heto siya, isang linggong hindi nagparamdam sa akin. Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil aa nangyayari ngayon. Alam ko naman na hindi pa ako nito mahal, alam ko naman talaga iyon pero umasa ako nung nakaraan na gusto na niyang mapalapit sa akin.Kasi ano yung kiss na iyon? Wala lang sa kanya? Napakagat ako ng labi at napahilamos na lang sa sobrang pagka frustrate. “B-Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan?” Garalgal na tanong ko sa aking sarili. Maya-maya lang ay kusang tumulo ang luha ko na agad ko rin pinunas
“. . .Let’s get divorce,” Halos magpaulit-ulit ang sinabi ni Aries sa isip ko. Hindi ko ito maproseso na tila ba ayaw tanggapin ng sarili ko ang narinig ko sa lalaki ngunit ang puso ko ay nananatiling makirot na para bang alam nito ang nangyayari at mangyayari. “H-Hindi ko maintindihan, Aries. N-Nagbibiro ka lang naman diba?” Nahihirapang tanong ko sa lalaking ang tanging nakikita ko lang na emosyon ay ang pagka panatag at saya. Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin. Maya-maya lang ay gumawa ito ng isang hindi ko inaasahan na gagawin niya sa harap ko. He smiled at me, a sincere one. Isang ngiti na dapat masaya ako pero bakit nasasaktan ako? “Nakita ko na ang taong mahal ko, Danielle. She’s back to be with me.” Saad nito na may kakaibang kislap sa kanyang mata. And he looks like someone who finally met his love of his life. Para siyang nasa ulap na tila lunod ito sa kanyang nararamdaman sa babaeng iyon. Naramdaman kong tumulo ang luha ko ngunit hindi ko ito pinunasan
“. . .you’re making me crazy!” Nakagat ko ang labi ko dahil tila pamilyar an boses nito sa akin. Tatanggalin ko na sana ang kanyang yakap ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin na tila gusto nitong ipaalam na karamay ko siya sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon. Sa huli ay hinayaan ko itong yumakap sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at pinulupot ang braso ko sa katawan niya. I hugged him tight. Ang lambot, ang init at ang sarap sa pakiramdam ng ganitong yakap. Sa kabila ng buhos ng malamig na ulan ay tila nawalan ito ng talab sa amin. Maya-maya lang ay unti-unti nitong kinalas ang pagkakayakap sa akin at tinignan ako nito sa mata. I blink two times just to see if I’m just hallucinating or what because I’m seeing a beautiful man in front of me that looks familiar to me. H-He looks like Aries, oh my gosh! “W-What?” Yan na lang ang nasabi ko dahil sa pagkagulat. Basang-basa kami parehas kaya agad nito akong hinila papunta sa kanyang kotse at kumuha ng
Zero and I had a chitchat about ourselves when we were in the coffee shop. I’m glad that he didn’t ask about what happened to me and Aries. Hinayaan lang nito na mag-usap kami ng walang kahit anong kuryosidad sa nangyari sa amin. And I don’t know kung may alam na ba ito. I got a lot of calls and messages from Tita Helena, nalimutan ko na nga pala kung anong magiging plano ko at sasabihin ko kay Tita Helena once na nalaman na niyang pina-process na namin ang divorce namin ni Aries. I stayed at Z Hotel nang gumabi na kaya dito na ako natulog, that’s what Zero’s idea dahil nakita siguro nito na namomroblema ako kung saan ako tutuloy. Actually, I’ve been thinking of going back to our house, Madam Anna’s house pero huwag na lang muna dahil baka tadtarin ako ng tanong ng mga peke kong magulang bakit ako nasa bahay. And worse, they might ask about the progress of my relationship with Aries. Nag-ring ang telepono ng hotel na nakalagay sa kanang bahagi ng higaan. Inabot ko ito at sinagot
“. . .do you want to marry me?” Paulit-ulit itong nagpe-play sa utak kahit na ilang araw na ang lumipas. Nang aabihin niya iyon sa akin ay talagang napatigil ang pag-iyak at natahimik na lang. Kung hindi pa nga ako nito tinawag hindi pa ako makakagalaw. Yun nga lang ay mabilis akong bumalik sa hotel room ko at doon ko hinayaan ang sarili ko na tumulala. Tatlong araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin si Zero dahil sa pagkabigla. At the same time ay natataranta ako tueing magkakasalubong kami. Napabuntong hininga ako at bumangon. Hindi pwedeng mag-stay na lang ako palagi dito sa hotel dahil nakakahiya na rin kay Zero. He just let me be here for free kahit na I insisted to pay. “You’re already paid by staying here,” Natatandaan ko pang sabi nito. Tumayo ako at nag-unat. Kailangan kong umalis kahit papaano kaya I decided to go to my parent’s house. Nag-ayos ako ng sarili at mabilis na lumabas rin agad. Mabuti na lang binilhan rin ako ng mga damit ni
“. . . Wala ka ng karapatan sa bahay na ‘to at wala ka ng koneksyon sa amin!” Mabilis kong hinila ang maleta ko habang malalaki ang hakbang naglakad palabas. Hindi ko alam kung paano ko nahila ang maleta ko na punong-puno ng mabibigat na gamit. Siguro dahil na rin sa galit ko at pagmamadali ko na lumayas sa mansyon. Tulo lang ng tulo ang luha ko kahit na hindi naman ako umiiyak. Bakit ganun ‘no? Hindi ko naman gustong lumuha pero dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko sa mga nangyayari sa akin ay kusa na lang lumalabas ang luha ko. “The fudge, Danielle! Why are you crying?!” Narinig kong sigaw ni Zero kaya mabilis kong pinunasan ang pisnge ko na punong-puno ng luha. Agad nitong kinuha sa akin ang maleta at tinabi. Pinatingin ako nito sa kanyang mata at halos hindi ko mapigilan na lumuha muli. His eyes looks sincere. His eyes looks concerned. Nakita ko ang pagpula ng gilid ng mata nito at pagpipigil na umiyak. “S-Sasabayan mo ba ako sa pag-iyak?” Natatawang sambit ko kay Zer
Zero and I got married after I labored my baby. Siya na rin ang nag-insist na ikasal kami after ng panganganak ko dahil mas okay raw iyon. Sa buong walong buwan na pagtitiis ko na dalhin ang bata ay nakaalalay lang palagi sa akin si Zero. We moved to America para makapag-relax kami at makalayo sa mga pangyayaring ayaw ko ng balikan pa. Masasabi kong sa buong ilang buwan na pagsasama namin ni Zero, hindi ako nito pinabayaan at iniwan man lang ng walang paalam. Palagi rin itong nag-aasikaso sa akin, sa gawaing bahay at sa pagluluto na talagang minabuti niyang pag-aralan nang siya pang upang matuto ito. That made me fall for him. Nagsimula akong tignan si Zero na isang lalaki na magiging asawa ko habang buhay. “Love, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdan at baka mapano kayo ni baby Uno,” Nag-aalalang wika nito matapos i-lock ang pinto ng aming bahay. Buhay ko kasi si Uno, ang pangalan ng baby namin dahil na rin maraming dala si Zero na mga gamit namin. “We’re fine. Let’s go quickly, we