Hindi ko nasagot si Aries sa sinabi nito. Halos matulala lang ako hanggang sa iwan ako nito dahil walang nakuhang sagot ito mula sa akin.
Nakauwi ako sa amin ng maayos dahil na rin sa paghatid sa akin ng Florenzo’s driver. Minabuti ko na rin na umalis dahil wala naman akong magagawa doon. I also sent a message to Ma’am Helena na umuwi na ako. Tumawag pa nga ito at nagtanong sa akin na may pag-aalala kung bakit agad ako umuwi. Dumating ang gabi na may malalim akong iniisip. Naaalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Aries bago ako umalis. I don’t know why I’m hurt because of his words na tila ba mahal ko na ang lalaking iyon. Ganito ba ang nararamdaman ng isang tao kapag nagmamahal at nasasaktan? Nandito ako ngayon sa hapag kainan kasama ang magulang ko na walang pakialam sa presensya ko. They’re just talking about themselves and some business. Napahinto ako nang marinig ko ang pagkausap ng aking ina sa akin. “How’s the Florenzo’s mansion? Are they really rich?” Tumango ako ng wala sa oras. “That’s good! Nakabingwit ka ng lalaking mayaman pa sa mayaman kaya make sure na maayos ang pag-seduce mo sa gold man na ‘yon para naman may pakinabang ka sa amin,” Nakaramdam ako ng inis sa pangalan na ibinigay nito kay Aries. Is she that desperate na yumaman pa lalo? “You better stop calling him that, witch! Ako makakalaban mo,” Sambit ko na may inis. Halos mapatili ako ng may dumaplis na matulis na bagay sa aking mukha. Gulat at kabado kong tinignan ang ama ko na may nagliliyab na mata. Nilingon ko sa sahig ang kutsilyo na hinagis nito sa akin kanina. They are really crazy! Paano kung sa ibang parte ng katawan ko ito tumama? “Wala kang karapatan pagsalitaan ng masama ang asawa ko! Tandaan mo, sabit ka lang dito sa pamilya!” Sigaw nito sa akin na napagtawa sa akin ng mapakla. “Wala rin kayong karapatan na tratuhin ang magiging asawa ko na akala mo’y namimigay lang ng ginto sa tulad niyo!” Sigaw ko dahil sa galit sa mga ito. Padabog na tumayo ako at aalis na sana nang magsalita muli ito. “You better seduce that man and get their wealth or else, lahat ng mga gamit at mga pagmamay-ari mo na binigay ni Mama, makikita mo na sunog na!” Nakuyom ko ng mahigpit ang kamao ko at padabog na umalis. I just can’t take their craziness for pete’s sake! Hindi ko alam kung paano natagalan ni lola ang baliw na mag-asawang ito! Agad akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis na pinatakbo ito paalis ng mansyon. Kung nandito lang talaga si lola, hindi nito hahayaan na apihin ako ng mga ito. Hindi ko mapigilan na maluha dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kung siguro hindi ako naging parte ng pamilya nila, mas maayos ang buhay ko. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko na halos nagpatong-patong na ang mga iniisip ko. Hindi ko na alam kung susundin ko ba ang nasa isip ko ngayon dahil sa galit. Bigla akong napaisip sa isang solusyon na maaaring makapagbago talaga ng buhay ko. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Ma’am Helena. Matapos ang ilang ring ay sa wakas sumagot na ito. “Hello, Danielle? It’s already late honey, bakit ka napatawag?” Sambit nito sa mahinhin na tono. “Tita—I mean, Mama. I want to get married with Aries tomorrow,”Napasinghap ito sa kabilang linya at natahimik. Maya-maya lang ay narinig ko itong tumili na ikinabigla ko. [“Oh my gosh, honey! This is the good news I’ve been waiting for! Sobrang saya ko!”] Walang humpaw na tili nito sa kabilang linya. Napakurap ako ng ilang beses dahil sa gulat sa hindi inaasahang reaksyon ng Mama ni Aries. Napalunok ako.“H-Hindi po ba kayo nagtataka sa pagmamadali ko?” Utal na tanong ko kay Ma’am Helena.“Nah, I don’t care about your reason, honey. Besides, This arrange marriage of yours was the idea of your lola and I know the reason already,” Mahabang lintanya nito na may kalmadong tono.Napabuntong hininga ako dahil sobrang nahihiya ako sa nangyayari sa akin ngayon. [“Honey, do you love my son?”] Napahawak ako ng mahigpit sa aking cellphone dahil biglaang tanong nito.Hindi ko alam ang isasagot ko, tila ba napaisip rin ako sa tanong nito.[“Search your heart, Danielle. If your heart runs like crazy just thinking about Aries and if you feel hurt like you
Mga kalahating minuto ang lumipas ng ma-receive ko ang wedding dress na binili sa akin ni Ma’am Helena. Akala ko ay ayun na iyon ngunit nagulat ako ng sampung mag-aayos sa akin ang pumasok sa hotel room ko. “Good morning, Miss Danielle. Ma’am Helena ordered us to help you with your make-up and hairstyle.” Napakamot ako sa pisnge dahil sa hiya. “U-Uh, kaya ko naman po ayusan sarili ko hehe,” Sambit ko at hilaw na tumawa. Umiling ang pinaka head stylist at ngumiti. “Where here not just to make you beautiful but also to assure you na hindi ka mahihirapan at mapapagod dahil kailangan mong i-present ang sarili mo sa magiging asawa mo.” Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagreklamo. Dahil utos rin naman ito ni Ma’am Helena ay tinanggap ko na ito dahil wala namang masama sa ginawa niya. In fact, inalala niya lang ako para maiwasan kong mapagod. Saglit akong tumawag kay Ma’am Helena at may sinseridad na nagpasalamat. Dapat kong i-appreciate ang mga ginagawa sa akin ng mabu
Dalawang buwan na ang lumipas simula ng kami ay ikasal ni Aries. My confession on him doesn’t bother him at all. Tila mas lalong lumamig ang pakikitungo nito sa akin. Mas lalo na noong nakaraang dalawang linggo when we had our honeymoon because of his Mom. Nagulat na lamang ako nang magkita kami sa isang hotel room na may kakaibang init na nararamdaman sa aming katawan. Doon lang namin napagtanto na her Mom put something in our drinks secretly. I don’t know when and how she did that. Of course, something happened to Aries and I and we can’t even stop it dahil sa tapang ng pakiramdam nito sa aming katawan. That night, we made love. I don’t even remember it dahil binaon ko na ito sa limot dahil ayokong magalit pa sa akin si Aries. I kept a boundary on us, sa kagustuhan niya rin. I am really hurt, honestly. Napatayo ako bigla sa sofa ng marinig ko ang yabag ni Aries papasok sa kanyang mansyon. Yes, we moved because that’s what he wanted at para na rin maiwas kami kay Tita Helen
Napahawak ako sa aking labi at tila dumampi muli ang labi ni Aries sa akin. Napasabunot ako at napapikit ng mariin. Did he just purposely stop kissing me dahil iyon ang punishment ko? Ang mabitin ako? “Edi ikaw na panalo, Aries!” Naiinis na sigaw ko at bumaba na sa mesa. Nagligpit ako ng mga kinainan namin na iniisip pa rin ang nangyari. Nang makaakyat sa kwarto ko ay agad akong nag-shower dahil sa kakaibang init na aking nararamdaman. “Kainis talaga! I can’t hate him dahil alam ko naman sa sarili ko na mahal ko siya!” Pagra-rant ko sa loob ng shower room at inis na tinapat ang tubig sa mukha ko. Madali kong tinapos ang pagligo ko para may magawa pa ako ngayong araw. Balak ko sanang pumunta ngayon sa aking flower shop dahil ilang linggo ko na itong hindi nabibisita gawa ng palagi akong nandito sa mansyon. Nahiga ako sa aking queen size bed at humilata. Solo ko lang ito dahil si Aries na rin ang kusang lumipat sa kabilang kwarto. Of course, hindi naman niya sineryoso ang
Unti-unti kong dinilat ang mata ko at hinayaan itong mag-adjust sa liwanag sa isang kwarto. Dahan-dahan kong nilibot ang aking paningin at tinignan ang lugar kung nasaan ako. “Honey, you’re awake! How are you feeling?” Nadinig ko ang isang tinig ng nag-aalang si Tita Helena. Nilingon ko ito at bahagyang nginitian. Ang mga mata nito ay nag-aalala na nakatingin sa akin. “A-Ano pong nangyari sa’kin?” Nahihirapang tanong ko ngunit umiling ito. “I don’t know, honey. Basta tumawag lang si Aries sa akin at sinabing nahimatay ka raw. Ano bang pinag gagagawa mo?” Nag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay ko. “Pumunta lang po ako sa flower shop para bisatahin po ito pero nakaramdam po ako ng pagod at pagkahilo,” Diretsang sagot ko. “Hindi pa kasi sinasabi ng private doctor mo ang nangyari sa’kin dahil raw gusto niyang marinig mo rin ito.” Tumango ako rito sa kanya. “I’ll call the doctor,” Tinawagan ni Tita ang doctor na nag-asikaso sa akin. Tinignan ko ang buong paligid at
Isang linggo na ang lumipas ngunit si Aries ay hindi pa rin umuuwi sa mansyon. I tried contacting him for how many times pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko.Nag-aalala na ako sa kanya. Si Tita Helena ay umuwi muna sa kanila upang hanapin at ipagtanong-tanong rin si Aries sa mga kaibigan niya.Dapat ngayon ay naiinis na ako sa kanya at tinatanong na ang tungkol kay Hannah. Dapat ngayon ay alam na ni Aries na magkakaanak na kami pero heto siya, isang linggong hindi nagparamdam sa akin. Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil aa nangyayari ngayon. Alam ko naman na hindi pa ako nito mahal, alam ko naman talaga iyon pero umasa ako nung nakaraan na gusto na niyang mapalapit sa akin.Kasi ano yung kiss na iyon? Wala lang sa kanya? Napakagat ako ng labi at napahilamos na lang sa sobrang pagka frustrate. “B-Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan?” Garalgal na tanong ko sa aking sarili. Maya-maya lang ay kusang tumulo ang luha ko na agad ko rin pinunas
“. . .Let’s get divorce,” Halos magpaulit-ulit ang sinabi ni Aries sa isip ko. Hindi ko ito maproseso na tila ba ayaw tanggapin ng sarili ko ang narinig ko sa lalaki ngunit ang puso ko ay nananatiling makirot na para bang alam nito ang nangyayari at mangyayari. “H-Hindi ko maintindihan, Aries. N-Nagbibiro ka lang naman diba?” Nahihirapang tanong ko sa lalaking ang tanging nakikita ko lang na emosyon ay ang pagka panatag at saya. Bumuntong hininga ito at tumingin sa akin. Maya-maya lang ay gumawa ito ng isang hindi ko inaasahan na gagawin niya sa harap ko. He smiled at me, a sincere one. Isang ngiti na dapat masaya ako pero bakit nasasaktan ako? “Nakita ko na ang taong mahal ko, Danielle. She’s back to be with me.” Saad nito na may kakaibang kislap sa kanyang mata. And he looks like someone who finally met his love of his life. Para siyang nasa ulap na tila lunod ito sa kanyang nararamdaman sa babaeng iyon. Naramdaman kong tumulo ang luha ko ngunit hindi ko ito pinunasan
“. . .you’re making me crazy!” Nakagat ko ang labi ko dahil tila pamilyar an boses nito sa akin. Tatanggalin ko na sana ang kanyang yakap ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin na tila gusto nitong ipaalam na karamay ko siya sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon. Sa huli ay hinayaan ko itong yumakap sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at pinulupot ang braso ko sa katawan niya. I hugged him tight. Ang lambot, ang init at ang sarap sa pakiramdam ng ganitong yakap. Sa kabila ng buhos ng malamig na ulan ay tila nawalan ito ng talab sa amin. Maya-maya lang ay unti-unti nitong kinalas ang pagkakayakap sa akin at tinignan ako nito sa mata. I blink two times just to see if I’m just hallucinating or what because I’m seeing a beautiful man in front of me that looks familiar to me. H-He looks like Aries, oh my gosh! “W-What?” Yan na lang ang nasabi ko dahil sa pagkagulat. Basang-basa kami parehas kaya agad nito akong hinila papunta sa kanyang kotse at kumuha ng