Share

Love in the Line of Fire
Love in the Line of Fire
Author: KishJaneCy261928

Prologue

Alas-tres ng hapon sa matingkad na sikat ng araw, isang batang lalake ang tumatakbo na walang yapak, halata sa katawan nito ang kapayatan, pamumutla at bitak-bitak na labi. Nakikipagsiksikan sa napakaraming tao at 'di alintana ang init ng semento. Palinga-linga ito habang tumatakbo na parang may humahabol sa kanya. Takbo lang ito ng takbo hanggang sa makarating sa isang iskenita at barong-barong na bahay.

"Kuya," isang batang babae ang tumawag sa kanya na nakahiga sa sapin na karton. Hingal na hingal siyang umupo sa tabi nito.

"Pasensya kana nahirapan kasi ako makakuha ng gamot." ani nito. Kinuha nya ang gamot na nasa bulsa nya isang pad ito. Kumuha muna ito ng tubig at ipinainom nya sa kanyang kapatid.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" marahan naman itong umiling.

Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa magkapatid.

"Pinapatawag ka ni boss," isang matabang lalaki ang bumangad sa kanila na halos 'di na magkasya sa maliit nilang pintuan. Nagkatinginan naman ang dalawa at halata sa mga mata ang takot.

"Dito ka lang babalik—"

"Nakalimutan kong sabihin kasama pala ang kapatid mo. Bilisan nyo naghihintay si bossing." pagkatapos nitong sabihin ay umalis na rin agad.

"Kuya natatakot ako," hinawakan ng batang lalake ang kamay ng kapatid nya.

"Nandito lang ako 'wag ka mag-alala." inalalayan nya itong tumayo at maglakad.

Pumunta sila sa isang abandonadong gusali at habang papalapit sila dito. Maraming mga tambay na naninigarilyo, nagsusugal meron pang mga nag d-droga at naghihithit. Napakaingay, magulo at madumi ang paligid.

Pagkarating nila sa loob marami silang mga batang nandoon mukhang nasa kinse sa lahat at edad pito pataas. Nakaupo sa isang sofa habang naninigarilyo ang isang lalake at halatang galit ito.

"Bakit hindi ka nagrereport, Tan?" itinapon muna nito ang upos ng sigarilyo bago inapakan.

"Saan ang mga na kolekta mo?" Isang malakas na hampas sa lamesa ang nagpagulat sa kanilang lahat. Marahan naman siyang umiling.

"Ako ba ginagago mo?" lumapit ito sa kanya at pilit silang pinaghihiwalay ng kapatid nya. Mahigpit na kumapit sa isat-isa ang magkapatid pero mas malakas ito sa kanila kaya nakaladkad si Tan palayo.

"Kuya!" umiiyak na ito at takot na takot.

"Saan mo dinala ang pera ko?!" sigaw sa kanya nito. Pero hindi siya nagsasalita dahil wala naman talaga siyang pera. Ang kita nya galing sa pinanglilimos nya at pagnanakaw ay na ibili nya ng gamot ng kapatid nya.

"Lumapit ka dito tin-tin," utos nito sa kapatid ni Tan.

"Hwag nyo po sasaktan ang kapatid ko nagmamakaawa ako," doon pa lamang nag salita si Tan at marahan namang napangisi ang bossing na tinatawag nila.

"Sumagot ka kong na saan ang pera kong ayaw mong madamay ang kapatid mo?!"

"Sorry po, ipinangbili po ni kuya ng gamot ko." napaluhod si tin-tin na umiiyak at napapailing si Tan.

Isang malakas na tama ng sinturon ang tumama sa payat na likod ni Tan-tan.

"Kayo nakikita nyo ba ito?" sabi nito sa iba pang mga batang nandoon. "Ganito ang ginagawa sa mga batang 'di sumusunod sa akin." Limang sunod-sunod na hampas ng sinturon ang tumama sa likod nya.

"Ikulong nyo yan," utos nito sa mga tauhan nya at binuhat ng isa sa mga tauhan nito si Tan.

"Tan-tan" umiiyak na sabi ni tin-tin.

"Tin," nanghihinang sagot ni Tan bago nawalan ng malay sa panghihina.

*****

Nagising si Tan-tan sa napakadilim na lugar at isang maliliit na liwanag lamang sa rehas ang nakikita nya. Kumakalam na rin ang sikmura nya pero 'di nya ito alintana. Iniisip nya lamang ang kapatid nya kong napano na ba ito.

"Boss Herbert pakawalan nyo na po ako dito. Kailangan po ako ng kapatid ko."

"Boss!" naghihina na siya at ramdam nya pa rin ang sakit ng latay sa likod nya.

Isang oras ang nakalipas binuksan na rin ang pinto at pinalabas siya. Lumapit siya sa ibang mga batang nandoon at nag tanong.

"Nakita mo ba si Tin-tin?" naka tatlong bata na siya na tinanungan at lahat ng mga ito ay 'di alam kong na saan ang kapatid nya. Kaya nyang tiisin ang gutom pero ang mawala ang kapatid nya hindi.

"Hinahanap mo ang kapatid mo?" marahan siyang tumango sa isang batang babae na narito rin. Napakadungis ng mukha nito at may hawak itong tinapay.

"Gusto mo ba?" inabot nito ito sa kanya.

"Salamat," gutom na gutom siya pero kinakabahan at nag-aalala sa kapatid nya. Lalo na may sakit itong asthma at sakit sa puso. Mabilis manghina ang kapatid nya at baka 'di nito makayanan.

"Alam mo ba kong na saan ang kapatid ko?"

"Hindi eh, pero narinig ko kanina ibibenta daw siya." agad siyang napatakbo at nabitawan ang kinakain nyang tinapay. Hinanap nya agad ang boss nila para malaman kong na saan ang kapatid nya.

"Nasaan po ang kapatid ko?" naabutan nya pa itong naghihithit ng ipinapagbawal na droga. May hawak din itong pera na sa tingin nya ay napakalaki ng halaga.

"Wala na siya dito ibinenta ko," walang ganang sagot nito.

"Bakit nyo yon ginawa? Anong karapatan nyo?" umiba ang timpla ng mukha nito sa tanong nya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nya.

"Sinusuway mo na talaga ako! Ako naman ang nagpapakain sa inyo dito kaya wala kang karapatang question-in ako."

"Yong perang pinangbibili mo ng pagkain namin pinaghirapan din namin yon! Bata lang si Tin-tin baka mapano siya. Bakit mo yon ginawa?!" Isang malakas na naman na sampal ang dumapo sa kabilang pisnge nya. Tumulo ang luha sa madungis na mukha nito. Halos namanhid na ang pisnge nya sa lakas ng sampal nito pero wala pa ring tatalo sa sakit sa dibdib na nararamdaman nya.

"Hindi ka ba magtatanda na bata ka? Dapat nga magpa salamat ka pa sa akin kasi napabuti ko pa ang kalagayan ng kapatid mo. Mas magiging pabigat lang siya dito dahil may sakit siya at baka mamatay lang. Hindi mo siya kayang ipagamot naiintindihan mo ba? Doon baka ipagamot pa ng nag-ampon sa kanya." hindi siya nakaimik sa sinabi nito dahil tama siya, wala siyang kakayahan na ipagamot ang kapatid nya. Isa lamang din siya hamak na bata at walang magagawa kong sakaling umatake ang sakit nito.

"Oh, ito parte mo." inilapag ni Herbert ang isang daang peso sa lamesa.

"50 thousand din bayad nong nagbili sa kapatid mo." napakuyom na lamang ni Tan-tan ang kamao nya.

Gusto nyang makaalis sa lugar na ito, ayaw nyang habang buhay na lamang siyang nandito at makukulong.

Lumabas si Tan-tan sa abandonadong gusali kahit malakas ang ulan at kumikidlat. Tumakbo siya ng tumakbo na 'di alam kong saan ang paroroonan.

"Pangako Tin hahanapin kita. Kapag kaya ko na."

Hindi nya alintana ang mga bato or ano pa mang nakakasugat sa paa nya habang tumatakbo.

Isang malakas na busina ang nagpatigil sa kanya sa pagtakbo pero huli na ang lahat. Nasagasaan siya bumagsak siya sa napakamig na semento at nawalan ng malay.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rutchen Arcilla
mam Joan is DAT u?
goodnovel comment avatar
mecۦۦ
sana marami mkabasa ng akda mong to Author umpisa p lang ang ganda na ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status