Maagang nagising si Anya at dinama ang napakalamig na simoy ng hangin. Sinadya nya talagang mag paaga ng gising dahil ayaw nyang ang matanda ang gumawa ng gawaing bahay.
Tinali nya ang kanyang mahabang buhok at nag suot ng damit na simple. Bumaba siya para hugasan ang mga iniwang pinagkainan kagabi. Madilim pa ang paligid at kitang-kita pa ang buwan sa kalangitan. Naririnig nya rin ang ingay ng mga palakang nasa basakan at tunog ng iba pang kulisap.Umupo si Anya sa kawayang upuan at tinignan ang napaka liwanag na buwan. Napakasaya ng nadarama nya lalo na ay pangarap nya talaga ang mamuhay ng ganitong buhay."Sa wakas naging tahimik din ang buhay mo Anya." ani nito sa mismong sarili.Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ilang minuto rin siyang na upo bago siya kumilos at kinuha ang balde para umigib ng tubig.Alam nya na kong saan kumukuha ng tubig sa balon na malapit sa kanilang bahay. Hindi lang din pala siya ang nag-iisang gising dahil ng makarating siya sa balon ay may umiigib na doon na iilan."Ikaw ba si Anya?" marahan siyang tumango sa aleng nagsasalok ng tubig sa balon."Napakalaki muna ah. Kamusta ang buhay syudad?""Maayos naman po.""Akala ng lahat dito ay kinalimutan mo na ang lolo mo lalo na sampung taon kang 'di nagpakita.""Hindi naman po naging busy lang po kasi talaga ako."Hindi na nakipag-usap si Anya at inabala na lang ang sarili sa pagsalok ng tubig sa balon.Ilang beses siyang nagpabalik balik sa balon para lang mapuno ang isang drum ng tubig. Napansin nya rin na wala ng tubig na malinis na maiinom.Kahit na malamig ang buong paligid ay pinawisan si Anya sa pagod. Naupo siya saglit bago inumpisahan mag hugas ng pinagkainan nila ng kanyang lolo.Nag saing na rin siya at na isipang mag walis sa paligid. Pa bukang liwayway na rin kasi kaya medyo lumiwanag na ang paligid. Napansin kasi ni Anya na maraming nagkalat na tuyong dahon ang paligid. May tanim kasi na puno ng langka at mangga.Natuwa din siya ng makita ang mga bulaklak na nasa may bakuran. Pati na rin ang iilang gulay na naka tanim kagaya na lang ng talong at okra."Anya apo, gising ka na pala." napangiti si Anya ng makita ang kanyang lolo na pababa ng hagdan."Good morning lolo. Maayos po ba ang tulog nyo?""Naku maayos na maayos lalo na at nandito ka na. Hindi na ako malulungkot at nag-iisa.""Hwag kayong mag-alala lolo 'di ko na po kayo iiwan." gustong pagalitan ni Anya ang sarili sa sinabi.Lalo na ay wala siyang kasiguraduhan kong hanggang kailan siya magpapanggap bilang apo nito. Ayaw nya rin itong paasahin pero ayaw nyang matanggal ang mga ngiti nito."Salamat apo, namumulaklak na pala yang mga halaman. Inalagaan ko talaga yang tanim ng mama mo. Simula ng umalis siya hanggang mawala ang ama mo. Kahit na ang iba nyang halaman ay patay na rin tanging mga bagong tubo lang ang iba." may lungkot sa boses nito."Paano pong nawala si mama?""Nong umalis ka kasama ang nag ampon sayo ay umalis din ang ina mo makaraan ang ilang buwan. Wala din kaming naging balita sa kanya hindi na siya bumalik pagkatapos non."Mas lalong nalungkot si Anya sa mga nalaman. Parang mas gugustuhin nya na lang na di iwan ang matanda. Nasa isip nya na once na matapos ang mission nya at makalaya siya ay babalik siya para makasama ang lolo. Kahit pa 'di siya tanggapin nitong apo kapag nalaman ang totoo ay pipilitin nya."Lolo, kong 'di lang talaga mahirap ang tubig dito ay araw-araw kong didiligan tong mga halaman.""Naku ka talagang bata ka. Hwag ka mag-aalala kapag naayos na ang ginagawang dam ay pa gusto na tayo dito sa tubig.""Talaga ba po? May pinagkukunan po dito ng water?""Oo apo, sa unahan ay may maliit na talon."Napatango naman ang dalaga at na isip ang nakitang maliit na sapa kagabi. Marahil ang talon ang pinagmulan nun."Lolo malayo ba ang palengke dito? Mukha kasing puro gulay na lang ang inuulam mo.""Malayo ang palangke dito ang apo. Ayos lang naman ako sa gulay minsan bumibili din ako ng tilampia galing sa palaisdaan.""May palaisdaan po dito?""Meron apo sa loob mismo ng compound ng bahay ng mga Carter. Malawak ang lupain nila sakop na rin itong lupain natin. Mabait ang pamilya nila kaya naman hinahayaan lang tayo dito.""Talaga po ba? May ganon pa pala. Kasi more on sa syudad na kinalakihan ko ay nag-aagawan ng lupain. Tsaka kinakamkam nila ang lupang hindi naman sa kanila. Kong ganon sadyang mabait nga ang pamilya nila.""Oo apo, lalo na si Oliver. Siya ang namamahala dito pero isang beses lang sa isang buwan yon kong dumalaw. Tanging mga tauhan lang nila ang nandyan.""Pogi ba, lo? Bagay sa ganda ko?" pagbibiro ni Anya at nagpa cute pa ang talaga."Naku apo, nasa kwarenta na yon." pagbibiro din ng kanyang lolo."Ay! Pwede na yon lo, sugar daddy." natatawang sabi ni Anya."Ikaw talagang bata ka.""Aalis muna ako lo, bibili ako ng mineral water mo po. Lalo na mas safe pong inumin para sayo ang malinis na tubig. Bibili na din po ako ng ulam para sa inyo. Maaga pa naman po baka bago mag alas otso nakauwi na ako."Inayos lang ni Anya ulit ang kanyang buhok bago ay nag punas ng pawis."Mag-iingat ka, apo.""Yes lolo, kayo din dito babalik po ako agad."Habang naglalakad si Anya ay natutuwa siya sa mga batang naglalaro at nagpapalipad ng mga saranggola."Sana ito na lang ang buhay na kinalakihan ko." bunting hininga na sabi nya sa sarili.Nakalabas na siya kong saan nakalagay ang estrella village. Kailangan nya pang maglakad upang makarating sa mismong highway.Masaya na sanang naglalakad si Anya at nagmumuni muni pa ito habang naglalakad. Gandang-ganda kasi ito sa view na nakikita nya. Pero agad itong napalitan ng inis ng matalsikan siya ng putek.May dumaan kasing kotse na nasa harapan nya. Kasya lang kasi ang kotse sa mismong daan kaya naman gilid na gilid na siya pero natamaan pa rin siya ng putik."Hoy! Umayos ka naman mag maneho kitang may naglalakad!" pagrereklamo nya dito.Hindi naman siya yong tipong nang-aaway pero bigla talaga siyang na inis. Lalo na yong panyo na binigay sa kanya ni Tan-tan dala nya. Natamaan rin kasi ito ng putek kaya naman di siya nakatiis sigawan ito kahit na wala naman talagang sisihin kundi ang daan na napakaputik.Mas na inis pa siya ng 'di siya pinansin ng sakay ng sasakyan."Tatandaan ko ang plate number mo!" pabulong na may gigil na sabi ni Anya.Kong dahan-dahan lang naman kasi talaga ang patakbo nito ay di tatalsik ng ganoon ang putek sa kanya. Pero mabilis kasi ang pa takbo nito at walang paki sa nangyare sa kanya."Ang kapal porket may kotse ang yabang na magmaneho!"Sa hinaba haba ng paglalakad nya ay sa wakas nakarating na rin siya sa highway. May mga sasakyan ng naroon at mga tricycle na nakaabang.Maghahanap lang sana siya ng tricycle na masasakyan papunta sa palengke ng makita ang sasakyan na nakita kanina.'Kong gantihan ko kaya yon?'Pumunta siya sa may gilid ng kotse nito pero bago nya pa man gagawin ang binabalak nya ay bumukas ang salamin ng kotse. Tinted kasi ang salamin ng kotse kaya naman ay di nya na pansin na may tao sa loob."What are you doing?" napalunok siya ng makita ito.Agad nyang na kilala ang nag mamay-ari ng kotse dahil sa kulay ng mata nito. Siya ang lalakeng nakasabayan nyang mag pa signal kagabi na bigla na lang nawala. Hindi nya maiwasang mapatingin sa mga mata nito lalo na ay parang may lungkot na nakatago dito."Are you deaf? What the heck you doing?" agad namang natauhan si Anya."Wala may nalaglag kasi ako dito banda hinahanap ko lang."Pagkatapos nyang sabihin yon ay di na siya pinansin nito at sinarhan na ulit ang bintana ng kotse."Sayang ang gwapo pa naman tapos ang ganda ng mga mata kaso ang pangit naman ng ugali!" ani ng dalaga habang nagmamartsa na itong maglakad palayo.kadarating lang ni Anya ng maabutan nya ang kanyang lolo na mukhang paalis ito."Lo, saan ka pupunta?""Naku apo, napakarami naman nyang pinamili mo. Dalawa lang naman tayong kakain."Bumili na kasi siya ng mga de lata pati na rin ng mineral water at karne. Mabuti na nga lang ay may mga batang naglalaro kanina sa basakan ay nagpatulong siyang bitbitin ang iba nyang dala. Binigyan nya kasi ang mga ito ng isang bag na chocolate kaya naman ng inutusan nya ay sumunod agad."Naku lo, kasya to malakas kaya ako kumain." ngingiting sagot ni Anya.Pinang-ayos na ni Anya ang mga pinamili nya nang makapasok sa loob ng bakuran at nilapag sa mahabang kawayan na lamesa."Bumili din po pala ako vitamins nyo tapos simula po ngayon itong mineral water na po ang iinumin nyo." "Malakas pa naman ang lolo mo at nag abala ka pa talagang bumili nyan. Hindi ba mauubos ang pera mo nyan?""Naku di po yon importante. Ang importante po ang kalusugan nyo. Tsaka saan po pala kayo pupunta?" Napansin kasi ni Anya n
Pahiga na sana si Anya ng mapansin nya na may dugo ang gilid ng kama nya."What the! Bakit ngayon pa?" nakasimangot na sabi nito sa sarili.Nakalimutan nya pa man din bumili ng napkin. Nagpalit siya ng suot na pang ibaba bago nag paalam sa kanyang lolo na may bibilhin lang siya.Pumunta siya sa maliit na tindahan pero sarado na ito. Tinignan nya ang phone nya ay pasado alas syete pa lang naman."Ang aga naman magsara." No choice siya kundi ang maglakad ng mas malayo.Isang tindahan lang din kasi ang meron. Tanging sampung kabahayanan lang kasi ang meron sa kanila ang iba ay nasa kabukiran na talaga."Ang malas ko naman ngayong gabi!"Walang ka gana ganang naglalakad si Anya. Ang layo-layo pa naman ng highway. Naramdaman nya rin ang balat nya na nababasa ng maliliit na patak ng ambon.Napahinto siya ng mag beep ang phone nya. Mukhang nagka signal. Halos lahat ng text ay puro kay Sabrina. Hindi nya kasi ito na text nakaraan dahil wala siyang load pang text. Hindi nya naman kasi alam na
Anya's POINT OF VIEWAs usual maaga akong nagising para maglinis ng buong paligid.'Like ang ganda-ganda talaga dito.'Kong ganito lang ang paligid na bubungad sa akin ay gaganahan talaga ako palagi gumising ng maaga.Nakapagluto na ako at naghahanda na rin ng agahan namin sa lamesa.Bakit kaya ang tagal ni lolo bumaba ngayon? Usually kasi mga 6:30 am bumaba na siya dito at nagtitimpla ng kape. Pero ngayon pasado na alas syete ay wala pa rin siya.Umakyat ako sa taas para silipin si lolo."Lo, mag-aagahan na tayo. Himala naman na ang tagal mong gumising po." Binuksan ko ang kurtina na katabon sa pintuan ng kwarto ni lolo.Walang sumasagot sa akin at naka higa lang siya sa kanyang kama."Lo?" kinakabahan na ako ng sobra lalo na ay di man lang ito kumikilos."Lolo!" hinawakan ko na siya at inalog para magising. Pero wala akong natanggap na kilos sa kanya."Imulat nyo po ang mga mata nyo, please." unti-unti ng pumatak ang luha ko."Hwag naman po kayo mag prank ng ganito. Gumising na po k
Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakabukas ito at wala akong balak sarhan. Wala din ilaw ang buong bahay kahit man lang gasera."Lo, sabi mo palalagyan mo pa 'to ng kuryente? Bakit ganon nang-iwan ka na?"Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Sa loob ng isang oras na pag pigil ko ng iyak ay naiiyak na naman ako.Naalala ko kapag wala akong ilaw dito sa loob ng kwarto ko dinadalhan ako ni lolo Ronaldo ng gasera at sinisindihan ito. Pero ngayon ay wala na siya parang biglang dumilim ulit ang mundo ko.Napatigil ang pag-iyak ko ng maramdaman ko ang mga kaluskos sa paligid at mga yapak. Bumangon ako at tumingin sa labas ng bintana.'Bakit may mga naka men in black na naglalakad?' Marami sila at mukhang papunta mismo sa bahay ni lolo Ronaldo.Agad akong na alarma at ini handa ang sarili ko. Tinignan ko ang oras at pa alas nuebe pa lang naman. Pero dahil nga hindi ito syudad halos tulog na din ang mga tao dito. Pakana ba 'to ng organisasyon? Pero imposib
Nagising ako ng masakit ang ulo ko. Huling natatandaan ko lang ay nag lasing pala ako kagabi. Sana naman ay wala akong ginawang kalokohan. Lumabas ako at hindi na ito ang mansion na bumungad sa akin kagabi. Pero maganda din siya at nasa million din ang gastos sa bahay na 'to."Good morning ma'am Anya." Nagulat naman ako sa biglaang pag bow sa akin ng isa sa mga maid na nandito."Saan ako?""Nandito po kayo sa ikalawang bahay ng mga Carter. Ito po ang pag-aari ng fiance nyong si Oliver." napangiwi naman ako ng sabihin nya yon."Ano itsura nya?" hindi ko mapigilang tanong makabuluhang tingin naman ang ipinukol nya sa akin."Kayo na po ang mag decide kong ano sa tingin nyo ang itsura nya once na makita nyo siya."Bumaba ako sa dining para kumain. Ako lang ang nandito pati na rin ang ibang maid. Pagkatapos kong kumain ay napag desisyunan kong mag libot sa paligid.Sobrang ganda ng paligid hindi man katulad ng paligid ng sa Estrella Village pero may ilalaban na. Naabutan ko din ang isa sa
"Jessa, p-pwede ba akong magpasama sayo papuntang Estrella Village?" si Jessa ay yong babaeng bumungad sa akin pagkagising ko kahapon pati na din siya yong babaeng nasa party.Siya yong head dito sa bahay ni Oliver. Nakakapagtaka nga eh kasi diba karamihan matatanda na ang mga head sa bahay."Pwede ka naman Ma'am Anya umalis. Tatawagin ko lang po si Austine siya ang maghahatid sayo. Hindi kasi ako pwedeng umalis.""Sigurado ka bang 'di ka pagagalitan ng amo mo once na umalis ako?" ngumiti ito sa akin at umiling."Hindi naman po ganon ka sungit si Sir katulad ng iniisip mo. Magagalit lang po siya kapag hindi kayo umuwi. Kaya po umuwi po kayo before dumilim."Kailangan ko kasing madiligan ang mga halaman sa bahay ni lolo Ronaldo lalo na ilang araw ko din napabayaan yon. Palagi pa naman inaalagaan yon ni lolo noong nabubuhay pa siya.Hindi din pala umuwi si Oliver simula ng umalis siya kahapon. "Sige salamat."Masayang masaya ako ng makarating ako sa Estrilla Village. Pero nangunot ang
Nangunot ang noo ko ng hindi ako hinatid ni Austine sa mismong bahay ni Oliver. Ibang bahay ang pinuntahan namin at halata din na yayamanin ang may-ari. Mas malaki ang bahay na 'to at puno ang security guard ng nasa gate pa lang kami. May pinakita pa si Austine na Id bago kami naka pasok.Bigla akong kinabahan, ito na ba yong mansion ng mga Carter? Pinag buksan ako ni Austine ng makarating na kami sa parking area. May sumalubong din sa amin na mga maid at ginabayan ako kong saan papunta.Napatingin ako sa napakalaking chandelier na bumungad sa akin. Mukhang dito nakaraan ang party kong saan nagising akong naka gown na."Maiwan ko po muna kayo ma'am Anya."Napakalawak ng buong bahay kahit nandito pa lang naman ako sa may pintuan. Napalingon ako ng may madinig akong tunog ng takong.Isang babae na ang papalapit sa akin. Halata sa mukha nya na suplada siya, nakataas pa ang kilay sa akin. Ang elegante din ng damit nya at ang paglalakad nya. Akala mo ay model lalo na sa tangkad nito na nak
Nagising akong nasa tabi ko pa ang cellphone ko. Natulugan ko pala itong bukas at may mga na type pa sa keyboard na mga letters. Mabuti na lang talaga ay 'di nag send kay Oliver.Nakakapagtaka lang kong bakit naging parang clingy 'tong isang to ng mapatingin ako sa mga text nya kagabi. Inayos ko ang kama ko at ginawa ang morning routine bago ako lumabas.Nag libot ako sa buong kabahayan nila. Hindi ko na nga alam kong saan ako nagsusuot, eh. Sa laki ba naman nitong bahay na 'to. Tapos kukunti lang naman ang nakatira, sabagay madami naman silang tauhan.Napahinto ako ng makarinig ako ng may nag-uusap sa 'di kalayuan."Did you get it, the information?"Pero naagaw ang attention ko ng may marinig ako na tumutugtog ng violin sa 'di kalayuan. Ang ganda nun, yong tinutugtug nya ay ang Canon in D na dati sa piano tiles ko lang nadidinig. Mahilig ako maglaro ng piano tiles dati, eh kapag wala akong magawa.Napahinto ako ng makita ko kong sino ang tumutugtug, it's Oliver. Bakit naman nandito n