Share

Chapter 5

Maputik na din ang pantalon ko dahil sa mga dinaraanan kong basakan.

"Tao po," walang sumasagot kaya napag desisyunan ko ng pumasok sa loob ng bakuran.

Kawayan lang ang bakod at ang gate nilang maliit na kawayan din.

"Sino yan?" matandang lalake ang tumingin mula sa bintana sa taas.

Siya na siguro si lolo Ronaldo. Ngumiti ako sa kanya ng bumaba siya sa hagdan. Tinitigan nya ako ng husto na parang kinikilala nya kong sino ako. Nag suot pa siya ng kanyang eyeglasses para lang ma kilala ako. Sana man lang 'di nya ako makilala.

"Anya apo?"

"Opo, lolo" agad ko siyang inalalayan ng makababa siya.

"Natutuwa akong nandito ka na."

Hindi ko na pigilan ang sarili sa bugso ng damdamin ng makita ang matanda. Tuwang tuwa kasi ang reaction nito ng makita siya.

Umupo kami sa gawa sa kawayan na upuan. Dito din pala sa baba ang lababo na gawa din sa kawayan.

"Kamusta ka, apo?"

"Ayos lang po ako lolo kayo po ba?"

"Maayos na ako ngayong nandito ka. Matagal kang hinintay ng ama mo." nalungkot ako sa isiping wala na ang ama ng tunay na Anya na hindi nya man lang nakikita ang anak nya.

"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni lolo Ronaldo.

"Wala pa nga po, eh."

Wala pa talaga ako nakakain simula kanina dahil sa naging busy ako.

"Pasensya ka na madilim dito tanging gasera lamang ang ilaw. Nong nabubuhay pa ang ama mo ay may kuryente tayo pero nahirapan din ako mag hanap ng pambayad sa kuryente kaya pinaputol ko na lamang."

Napansin ko ngang walang ding kuryente ang ibang kabayahan dito. Padilim na rin kasi ang paligid kaya halata na ang iba ay may kuryente ang iba ay wala.

"Malayo po ito sa bayan paano po nagkakaroon ng kuryente dito?"

Paano kasi ay puro palayan lang naman ang nandito at sa may unahan nakita ko na may taniman ng mga mais.

"Nakiki connect lang kami sa may-ari nitong lupain na sinasaka namin. Nasa unahan ang kanilang bahay kaya di mo makikita mula rito." Napatango naman ang dalaga.

********

Sinindihan ng kanyang lolo ang gasera na nakalagay sa lamesa. Kumuha din ito ng plato na nakalagay sa may gilid.

"Lolo ako na lang po ang kukuha at magsasandok."

Medyo na bigla si Anya ng makita ang ulam ng matanda. Nilagang talbos lang kasi ito ng kamote at nilagang okra.

Kumakain naman siya ng gulay pero ngayon pa lang siya makakain ng ganito. Kahit kasi noong palaboy laboy siya at ng nabubuhay pa ang kanyang ina ay di nagluluto ng ganitong ulam.

Ang matanda naman ang naggagayat ng sawsawan na kamansi at soysauce.

"Mahilig ka ba sa maanghang para gagawan kita ng isang sawsawan na maanghang." tanong sa kanya ni Ronaldo.

"Lolo, okay lang po yan 'wag na po kayo mag abala." sagot ni Anya sa matanda.

Masayang kumain ang dalawa at sobrang nasarapan si Anya. First time nya lang kumain ng ganon pero na busog siya ng sobra.

Pagkatapos nilang kumain ay sinabi sa kanya ng lolo nya na wag na siyang mag abalang hugasan ang pinagkainan. Ubos pa kasi ang tubig na nasa drum kaya naman di na rin nag abala pa si Anya.

Umakyat na siya sa taas para makita ang itsura ng bahay. Pero hindi nya rin gaanong maaninag dahil sa gasera lang ang naka ilaw rito. Unang bumungad kay Anya ang balcon at sala. May dalawa ring kwarto at kurtina lang ang tanging harang sa pintuan.

"Ang kwarto mo ay yang sa kabila." turo nito sa gawing kanan. "Malinis na yan apo at wala ng natutulog pa."

Pumasok si Anya don at dinala ang gamit. May malambot na kamang nandon at may bintana na natatanaw ang buwan. Napakagandang tignan na akala mo'y nasa fantasy world siya

Inabala nya na muna ang sarili sa pag-aayos ng gamit. Nagulat pa siya ng biglaang lumiwanag ang paligid yong pala ang dinalhan siya ng kanyang lolo ng gasera.

"Hwag ka mag-alala apo kapag nagka pera ako magkaka kuryente na rin tayo. Hindi pa kasi tag anihan kaya wala pa akong pera."

"Ayos lang po, lolo." nakangiting sagot ni Anya.

Naaawa siya sa kalagayan ng matanda. May dala din naman siyang pera na kong gugustuhin nya magka kuryente ay pwede nya itong ipang bayad. May pera din siya sa bank account nya.

Matapos nyang makapag ligpit ay tinignan nya ang phone nya. 6:30 pm na pala, tatawagan nya sana si Sabrina pero walang signal na nasasagap ang phone nya.

"Lolo, saan po ba may signal dito?"

"May signal apo malapit sa bahay ng mga Carter."

Napaisip si Anya sa apelyido na sinabi. Parang pamilyar ito sa kanya.

"Aalis na muna po ako magpapa signal lang po."

"Mag-iingat ka, apo."

Mabilis na umalis si Anya pero mukhang mahihirapan siyang dumaan sa gilid ng palayan. Napakalayo pa naman din at makipot ang daan bago makarating sa mismong hinintuan sa kanya ng tricycle.

Habang naglalakad ay nakataas pa ang kamay nya na may hawak na cellphone sa paghahanap ng signal.

Mabuti na lamang din ay nasaulo nya agad ang daan nakarating na siya kong saan huminto ang tricycle kanina. Pero hindi nya alam kong saan ang sinasabi nito na bahay ng mga Carter.

Lalo na gabi ay di nya maaninag kong saan ang may bahay. Naglakad pa siya at sa unahan may nakita na siyang liwanag sa daan. May mga poste dito na may ilaw.

"Grabe naman don lang talaga sa tapat nila ang may poste ng ilaw. Paano naman kami? Paano kong may madulas dito." Maputik kasi ang daan na tinatahak ni Anya. Tanging ang flashlight lang sa phone nya kaya naaaninag nya pa kahit papaano ang daan.

Hindi nya rin na pansin na may tao pala na nasa gilid at napalakas pa ang boses nya sa pagrereklamo.

"What did you say?"

Gulat si Anya ng may mag salita sa likuran nya kaya naman sa gulat ay dumulas ang paa. Akala nya ay tuluyan siyang babagsak sa maputik na daan pero may sumalo sa kanya.

Parang nag slow motion ang lahat sa kanya ng mapatingin siya sa lalake. Hindi nya ito maaninag at pero kitang kita nya ang abuhin na kulay na mga mata nito. Natatamaan kasi ito ng flash light ng kanyang phone. Para bang pamilyar sa kanya ang mga matang yon pero hindi nya maaalala kong saan nya nakita.

Agad siyang na tauhan ng mabitawan nya ang kanyang cellphone. Bumitaw na din sa kanya ang di na kikilalang lalake.

Mabilis na dinampot ni Anya ang cellphone at pinunasan ito. Puno ito ng putek.

"Kamalasan nga naman."

Napatigil naman sa pag reklamo si Anya ng dumaan sa kanya ang lalake at nilampasan siya. Mukhang papunta ito sa bahay ng mga Carter.

"May signal ba banda dyan?" tanong nya sa lalake huminto naman ito sa paglalakad.

"Wala."

"Epal ka naman sabi ni lolo may signal dyan, eh."

Naglakad siya ng mabilis at nilampasan ito. Nakarating siya sa maliwanag na parte kong saan may mga ilaw ang poste.

"Wow!" namangha si Anya sa nakita.

May bahay kasing napakalaki sa unahan pero hindi yon ang ikinamangha nya. Kundi ang maliit na tulay may mga maliliit na fairy lights na nakalagay don. Naririnig nya rin ang agos ng tubig mula sa sapa.

Nakalimutan nya ng mag pa signal dahil sa mga nakita. Ang lalake naman na nakatingin sa kanya ay animo'y parang namangha sa reaction ng babae. Pero agad din itong umiling at pumasok na sa loob ng bakuran ng mga Carter.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status