Share

Chapter 4

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Unknown number ang tumatawag.

"Hello?"

"I have a mission for you, dear." babae ang nasa kabilang linya. Napabangon ako kahit antok na antok pa ako dahil sa unknown caller na 'to.

"Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo," papatayin ko na sana ang tawag ng mapahinto ako sa sumunod na sinabi nya.

"You don't want to be free?" paano nyang nalaman na gusto ko ng tumiwalag sa grupo at maging malaya.

"Who the heck are you?"

Tanging si Keanu lang ang pinagsabihan ko non through email. Si Adrian ang team leader namin pero kahit kailan wala akong natanggap na response mula sa kanya.

"You don't need to know. Tatanggapin mo ba ang alok ko bilang kalayaan mo?"

Isa lang ang naiisip ko hindi lang basta kong sino ito. Lalo na sa mission na 'to ay kalayaan ko ang nakataya. Imposible naman na papayag sila ng ganito lang.

"Anong mission?" tanong ko.

"You can check your own email." pagkatapos non ay pinatay nya na ang tawag.

Binuksan ko ang email ko at meron ngang message galing mismo sa organization namin. Hindi pa sana ako maniniwala pero lahat ng transaction na ginagawa ko ay galing sa email na 'to.

In-open ko ang email. Bumungad sa akin ang mukha ng isang matandang lalake. Akala ko nong una ay ipapatay sa akin pero nagkamali ako. Base dito sa information siya si Ronaldo Naces, 68 years old, nakatira sa maliit na bayan ng Santo Niño.

Nabigla ako sa mission na inatang sa akin dahil 'di basta-basta ito. Ito ang unang mission na naka tanggap ako ng ganito. Magpapanggap ako bilang si Anya Naces at apo ito ni Ronaldo.

Gusto kong tumanggi pero matagal ko ng pangarap na makalaya sa magulong mundo na ginagalawan ko. Ang ganda rin ng picture ng lugar na pinasa nila. Napakapayapa ng paligid dahil isang magsasaka lamang si Ronaldo. Ganitong scenario yong pangarap ko yong malayo sa gulo at maaliwalas ang paligid.

Siguro simula ngayon kailangan ko na sanayin ang sarili ko na tawagin siyang lolo.

"Anya?!"

Pinatay ko ang phone ko ng tumatawag si Tessa sa labas.

"What?" nakakunot noong tanong ko.

Nabigla ako sa pag yakap nya sa akin.

"Mamimis kita sobra."

Napayakap din ako sa kanya ng ma realized kong ito pala ang unang mission ko na magkakahiwalay kami ng matagal. Hindi lang matagal, magkalayo pa. Simula bata ako siya na ang kasama ko kaya ang bigat sa dibdib na magkakahiwalay na kami.

Bumitaw na kami sa pagkakayakap at umiiyak na pala ang gaga.

"Ano ba yan? Bat ka umiiyak? Akala mo talaga 'di na tayo magkikita nyan."

"Nabasa ko.. Nabasa ko na once na magawa mo ang mission mo ay aalis kana." napaawang ang mga labi ko sa tinuran nya at di ako nakasagot.

"Kong nagtataka ka kong paano ko nalaman? May package sa labas pag bukas ko ng pinto dahil na curious ako binuksan ko. Hindi ko kasi alam na para sa'yo. Masaya ako kasi matutupad na ang matagal mong gusto ang makalaya sa mundong magulong ginagalawan natin."

"Ikaw wala ka bang umalis?" agad siyang umiling sa akin.

"Kahit umalis man ako o hindi ganon pa rin naman. Nag-iisa pa rin ako Anya."

Na konsenya naman ako sa sinabi nya.

"Sumama ka sa akin para mag kasama pa rin tayo.." umiling siya bago hinawakan ang mga kamay ko.

"Anya, naiitindihan kita. Hindi habang buhay kailangan mag kasama tayo, alam kong madami kang pangarap sa buhay na 'di mo natupad dahil sa mga nangyare sa atin. Hwag lang mag-alala sa akin kaya ko naman ang sarili ko."

Tuluyan na akong na iyak at niyakap siya. Kong nandito lang sana si Adrian para sana siya ang makasama ni Sabrina. Mamimis ko siya ng sobra.

Kinuha ko na ang package at naglalaman lang naman ito ng information ni Anya Naces. Tsaka kong sino-sino ang mga makakasalumuha ko sa lugar na pupuntahan ko. Nakalagay din dito na matagal ng di umuuwi si Anya sa kanilang lugar simula 10 years old ito. May umampon kasi dito na nagpa aral sa kanya sa manila. Simula non ay wala na siyang communication sa kanilang lugar pati na rin sa pamilya nito. Kaya madali lang sa akin kong magpapanggap ako lalo na matagal na panahon na yon 11 years na ang nakalipas.

Nag impake na ako ng mga gamit ko. Sa ilang years kong nanatili dito ito ang araw na aalis ako sa magulong mundong kinagisnan ko.

"Aalis ka na agad?" malungkot na tanong sa akin ni Sab.

"Yes, wag ka mag-aalala tatawagan kita palagi."

"Sabi mo 'yan, ah. Balitaan mo ako sa mga nangyayare sa'yo don. Hwag ka naman maging katulad ni Drian na kinalimutan na 'ata tayo."

"Promise." bago nag pinky promise pa kaming dalawa.

Tinulungan na ako ni Sabrina sa pag i-impake ng gamit ko.

"Dadalhin mo pa ba 'tong panyo? Grabe bata pa lang tayo lagi mo na 'tong bit-bit. Buhay pa rin pala 'to."

Napangiti naman ako ng makita ko yong panyo na pinahiram sa akin ni Tan-tan. Hindi ko na sa kanya na balik kasi nong araw na yon yong nawala kami at siya rin. Kamusta na kaya siya? Sana na tagpuan nya na yong kapatid nya.

"Mukhang importante sa'yo yong panyo na 'to, ah. Bigla ka kasing na lungkot nong nakita mo." Kinuha ko kay Sabrina ang panyo at tinignan ang naka stitch na mga letter dito.

Hindi ko alam ang meaning ng mga letter na nakasulat pero feeling ko initial 'to ng real name nya. CH-OL-CA ang nakalagay.

"Yes, ibabalik ko pa kasi to sa tunay na may-ari nito."

Hanggang ngayon kasi umaasa pa rin ako na baka sakaling makita ko siya. Alam kong malabo ng makilala ko siya pero sana....

Hinatid ako ni Sabrina sa terminal at naghanap ng bus na papunta sa lugar na pupuntahan ko. Hanggang makapasok ako sa loob ng bus ay kasama ko si Sabrina tsaka lang siya umalis ng umandar na ang bus na sinasakyan ko.

"Paalam Beshy," nag wave ako sa kanya ng nag start ng umandar ang sasakyan at siya naman naiwan kong saan kanina naka park ang bus.

Ilang oras din ang byahe namin bago ako nakarating sa bayan ng santo niño. Hindi gaano ka crowd ang lugar. Kumuha ako ng tricycle papunta sa Estrilla Village.

Malayo din ang byahe namin ng tricycle bago makarating. Hindi na pumasok ang tricycle sa may looban dahil hindi kakasya ang tricycle. Puro rice fields ang nakikita ko at may sign din na Estrilla Village sa maliit na daan papasok.

Ang ganda ng lugar as in. Ngayon lang ako naka punta sa ganitong lugar nakikita ko lang kasi to dati sa mga libro ng bata ako. Yong mga naka drawing na palayan at may mga kubo-kubo sa gitna ng palayan.

Sa unahan natatanaw ko na ang mga kabahayan. Hindi ko maiwasan mailang lalo na nong nakatingin sa akin halos lahat ng masasalubong ko. Syempre bago lang naman kasi talaga ako dito kaya siguro nagtataka sila kong sino ako.

May tindahan din na maliit na nandito kaya naman nag tanong ako kong saan ang bahay ni lolo Ronaldo.

"Hello po, saan po ba dito yong bahay ni lolo Ronaldo Naces?" bago pa nag salita ang ali na pinagtanungan ko ay parang kinikilatis nya muna ako.

"Pagkatapos nitong bahay liko ka. Yon na ang bahay nya, teka ikaw ba si Anya?" kinabahan naman ako sa tanong nya.

"Opo."

"Mabuti naman na isipan mo na silang dalawan. Lalo na ang lolo mo nag-iisa na lang. Tsk, tsk, tsk hindi mo man lang sila dinalaw hanggang pumanaw na lang ang ama mo." Para naman akong nasaktan sa narinig ko.

Bakit kaya 'di man lang dinalaw ni Anya ang kanyang pamilya?

"Salamat po."

Naglakad na ako papunta sa tinuro ng ali.

Nakatayo lang ako sa labas ng bahay na sinabi sa akin ng ali. Napakaganda ng loob ng bakuran may mga tanim itong mga gulay.

Yong bahay naman ay mataas kaya naman yong sa baba ay silong. May kawayan don na inuupuan at may lamesa. Yong hagdan papunta sa taas ay nasa may labas din literal na buhay probinsya talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status