"Ano pong gagawin nyo sa amin?!"
"Maawa po kayo."Napasigaw ako ng tinutok ng lalake sa ulo ko ang baril na hawak nya."Hwag po!" napapikit na lamang ako at tinanggap na hanggang dito na lamang ako."Robert!" napamulat ako ng may dumating na isang lalake. Tinignan ko si Adrian and Tessa na walang mga malay. Buong akala ko ay wala na sila pero buhay sila."Anya!" Nagising ako sa isang sigaw na mukhang kanina pa ako ginigising."Ikaw pala, Sab" halata sa mukha ni Sabrina na nag-aalala siya."Ano ba 'yan kanina pa kita ginigising para namang ang lalim ng tulog mo." Si Sabrina at si Tessa ay iisa. Pinalitan nya yong name nya dahil 'di raw unique yong Tessa at masyado daw maraming memories ang name nya na Tessa."Napuyat kasi ako kakahanap ng information about sa Secret Protection Agency." That agency always interrupt our transaction."Secret na nga pangalan, eh no clue. Ano ba yan Anya ang bobo mo." Gusto ko siyang sapakin kong 'di ko lang talaga siya bestfriend at kasama ko na siya simula bata pa lang ako 'di ko na alam kong ano pang magawa ko sa kanya."Gaga ka talaga nasa task ko na dapat malaman ko yong information dyan. Lagi na lang failed mga transaction natin dahil sa agency na yan.""Yeah right." Inabot nya naman sa akin ang isang folder."Another task?""Basahin mo na lang. Samahan mo pala ako mag bar mamaya kasi 'di na natin magagawa yon kapag ginawa na natin yang task.""Sige."Lumabas na siya ng room ko at umupo naman ako sa swivel chair na nandito sa room ko. Binuksan ko ang folder na naglalaman ng next mission namin. Maraming naka line-up na mission. Isa na dito ang pag punta namin sa port area para makipag trade kapalit ng mga arms weapon.Lumabas na ako sa kwarto. Nasa iisang condominium lang kami ni Sabrina."Nabasa mo na ba?" marahan akong tumango."Pinapapunta ka rin pala sa site para mag check." gusto kong mag reklamo na bakit ako pa yong papapuntahin sa site?"Bakit kailangang ako pa?""Ikaw ang gusto ni Boss" Hindi ko talaga alam kong bakit ako favourite ng pinaka boss namin. Kahit na anino nun 'di ko pa nakikita.Pero thankful pa rin naman ako sa kanya at the same time dahil siya ang dahilan kong ano ako ngayon.******************Pumunta na ako sa site 'di mahahalatang illegal na place 'to. Paano kasi nag ma-manage mga matataas na opisyal din. Kayang-kaya sila bayaran ng pera tsk, tsk, tsk."Good morning ma'am Anya." hindi ko pinapansin ang mga bumabati sa akin na tauhan ng organization.Kong titignan sa labas ang lugar na ito ay para lamang siyang facility. Pagkarating ko sa main office bumungad sa akin ang sandamakmak na mga druga."Ito ba 'yong ide-deliver mamaya?" marahan naman tumango ang mga tauhan dito.Inutusan ko naman sila na timbangin lahat dahil mahirap na baka magka aberya. Pagkatapos kong magawa ang lahat umalis na ako at nag diritso sa tinatambayan ng iba pang sakop namin.Malayo pa lang ako kita ko na sila na naka tambay sa kanto. Ito yong pinaka ayaw ko na gawin dahil nakikita ko 'yong dating ako na dapat ay matagal ko ng ibinaon sa limot."Kulang 'tong bayad mo!" kinukutungan kasi ng grupo nila Berto ang mga nagtitinda dito sa labasan."Maliit lang po kasi ang kita namin. Kukulangin na po ang pang araw-araw namin kong ibibigay po namin sa'yo ng buo.""Hindi na namin yan problema!""Tama na yan Bert," natigilan naman sila ng makita nila ako."Anya ikaw pala. Wala bang iuutos si boss?"Ibinigay ko sa kanya yong address kong saan may gagawin silang trabaho."Thanks!"Umalis na ako agad sa lugar na 'yon dahil masyadong maraming ala-ala ang bumabalik kapag nag stay pa ako ng matagal.*****Pagdating ko sa condo agad akong nag-ayos ng sarili ko. Mag c-club kasi kami ni Sabrina. Da-daanan nya lang daw ako dito. Hindi ko alam kong na saan siya pumunta or baka she has also a task.Pumili ako ng dress na suitable sa akin. Red dress sana yong napili ko kaso masyado itong agaw pansin. Kaya ito na lang na black dress na may slit sa gilid. Suot ko rin ang knee high boots ko, tinali ko ang buhok ko at nagtira ako ng kunting curly hair sa gilid ng pisnge ko.Wala pa naman 10 minutes na paghihintay ay bumakas na ang pintuan ng condominium ko. Lumabas na ako agad dahil alam ko namang si Sabrina 'to."Hello gurl," naka gold dress siya ngayon."Ang ganda natin ngayon ah, 'di ba magagalit si Adrian nyan." biro ko sa kanya."Wala naman paki yon, tsaka kilala pa ba tayo non?" Hindi ko sure kong gusto nya pa rin ba hanggang ngayon si Adrian.Pero ibang-iba na kasi si Sabrina ngayon 'di na talaga siya si Tessa. Literal na nagbago siya marami na rin siyang mga lalaking pinaiyak. Masyado siyang play girl. Hindi ko nga akalain na magiging ganito siya dahil napakalayo sa dating siya noong mga bata pa kami.Sa ibang bansa kasi si Adrian na assign. Ilang years na rin namin siyang 'di nakakasama at nakikita. Hindi rin namin alam kong pinagbabawalan ba siyang makipag communicate sa amin or sadyang kinalimutan nya na talaga kami.Huminto ang kotse namin sa isang club resort na malapit lang naman sa condominium namin ni Sab. Dito kami malimit pumunta kapag bored kami or gusto mag saya. Tinignan ko ang oras sa phone ko and it's already midnight.Sabay kaming pumasok ni Sabrina sa loob malayo pa lamang kami ay dinig na namin ang ingay. Kumuha ako agad ng drinks ng masalubong ko ang isang waiter na nag-iikot. Maraming nasa dance floor at isa na don si Sabrina. Yes, pagkarating pa lang namin ay pumunta agad siya sa gitna.Agad kong inubos ang isang baso ng alak at hinabol ang waiter para kumuha pa ng isa. Gumihit ang init sa lalamunan ko nang ubusin ko ulit ang bagong kuha ko sa waiter na alak. Uminit din ang pakiramdam ko at biglang nag blured ang paningin ko.'What? don't tell me lasing na ako?'Sanay akong uminom kaya 'di ako makapaniwala na tinamaan agad nitong alak. Naisipan kong pumunta sa gitna at sumama sa mga nagsasayaw sa dance floor. Baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.Hindi ko na malaman pa kong ano ang pinanggagawa ko pero naramdaman kong may humapit sa beywang ko."Hey!" tumingin ako sa kanya. Napaka tangos ng ilong nya at ang pula-pula ng labi. Bakit kaya 'di blured ang paningin ko sa mukha nya?Deep voice rin ang boses nya at ang lakas ng impact nito sa akin. Ang ganda sa pandinig ko. Nababaliw na ata ako at mukhang resulta na ito ng alak. Never akong naging interested sa mga lalake.Tinitigan ko siya at para akong na h-hypnotize sa mga titig nya rin sa akin. Blonde ang buhok nito na mas lalong nagpa attract sa akin. Parang natuyo ang lalamunan ko ng bumaba ang paningin ko sa mapupulang labi nya."Damn it, Anya! Pigilan mo 'tong nararamdaman mo hindi ikaw 'to!"Pinilit kong 'wag maging marupok pero mas naging mainit ang pakiramdam ko. I bet my lower lip ng makita ko ang collarbone nya. Agad ko siyang kinabig at hinalikan. Para akong uhaw na uhaw sa kanya. Ganito ba yong sinasabi sa akin ni Sab dati?Gosh! He's my first kiss! Hindi ko matanggap na 'di ko man lang kilala ang unang nakahalikan ko. Hindi lang mismo halik ang ginagawa namin.His lips were soft and warm. They parted, slightly allowing my tongue to slip inside. Amoy na amoy ko rin ang pabango nya na mas nagpa adik sa akin na mas dumikit pa sa kanya.Hindi ko na alam kong sino ako. Wala na rin akong pakialam sa paligid ko. Para ngang 'di ko naririnig ang maingay na paligid. Parang may sarili kaming mundo.Hindi ko kayang pigilan ang mapupusok na halik namin na mas lalong nagpapalunod sa akin. I know I want so much more of him, I want all of him pero hindi maaari.Agad ko siyang tinulak ng matauhan ako sa ginagawa ko. Gulat ang reaction nya pero agad din itong nag bago agad na para bang walang nangyare at naging nalamig ang kanyang mga mata."Anya!" napatingin ako kay Sabrina.Hindi na ako nag abala pang tumingin sa lalaking hinalikan ko. Pakiramdam ko kasi ay namumula ako at nag-iinit ang buong pisnge ko. Nakakahiya ang ginawa ko kahit na wala namang mga pakialam ang mga tao dito sa club. Mabuti na lamang din ay 'di nakita ni Sabrina ang pinanggagawa ko kanina. Alam kong aasarin nya ako to the point na ibabalik nya sa akin lahat ng pinangaral ko sa kanya kapag nanglalalake siya."Sino yong lalake kanina? Ang gwapo nun!" kinikilig pang sabi nito.Umuwi na kami ni Sabrina sa condo. Saglit lang talaga kami kapag nag c-club dahil 'di pwedeng puyat kami kinaumagahan. Lalo na maraming inuutos ang Big Boss namin at halos lahat ng galaw namin ay alam nya.Napapaisip lang ako sa nangyare kanina. Paano kong 'di ko napigilan ang sarili ko baka kong saan na napunta kami ng lalakeng yon! Bakit ba ganon na lamang yong impact nya sa akin? May mali talagang nangyare sa akin kanina!Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Unknown number ang tumatawag."Hello?""I have a mission for you, dear." babae ang nasa kabilang linya. Napabangon ako kahit antok na antok pa ako dahil sa unknown caller na 'to."Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo," papatayin ko na sana ang tawag ng mapahinto ako sa sumunod na sinabi nya."You don't want to be free?" paano nyang nalaman na gusto ko ng tumiwalag sa grupo at maging malaya."Who the heck are you?"Tanging si Keanu lang ang pinagsabihan ko non through email. Si Adrian ang team leader namin pero kahit kailan wala akong natanggap na response mula sa kanya."You don't need to know. Tatanggapin mo ba ang alok ko bilang kalayaan mo?" Isa lang ang naiisip ko hindi lang basta kong sino ito. Lalo na sa mission na 'to ay kalayaan ko ang nakataya. Imposible naman na papayag sila ng ganito lang."Anong mission?" tanong ko."You can check your own email." pagkatapos non ay pinatay nya na ang tawag.Binuksan ko ang email
Maputik na din ang pantalon ko dahil sa mga dinaraanan kong basakan."Tao po," walang sumasagot kaya napag desisyunan ko ng pumasok sa loob ng bakuran.Kawayan lang ang bakod at ang gate nilang maliit na kawayan din."Sino yan?" matandang lalake ang tumingin mula sa bintana sa taas.Siya na siguro si lolo Ronaldo. Ngumiti ako sa kanya ng bumaba siya sa hagdan. Tinitigan nya ako ng husto na parang kinikilala nya kong sino ako. Nag suot pa siya ng kanyang eyeglasses para lang ma kilala ako. Sana man lang 'di nya ako makilala."Anya apo?" "Opo, lolo" agad ko siyang inalalayan ng makababa siya."Natutuwa akong nandito ka na." Hindi ko na pigilan ang sarili sa bugso ng damdamin ng makita ang matanda. Tuwang tuwa kasi ang reaction nito ng makita siya.Umupo kami sa gawa sa kawayan na upuan. Dito din pala sa baba ang lababo na gawa din sa kawayan."Kamusta ka, apo?""Ayos lang po ako lolo kayo po ba?""Maayos na ako ngayong nandito ka. Matagal kang hinintay ng ama mo." nalungkot ako sa isi
Maagang nagising si Anya at dinama ang napakalamig na simoy ng hangin. Sinadya nya talagang mag paaga ng gising dahil ayaw nyang ang matanda ang gumawa ng gawaing bahay.Tinali nya ang kanyang mahabang buhok at nag suot ng damit na simple. Bumaba siya para hugasan ang mga iniwang pinagkainan kagabi. Madilim pa ang paligid at kitang-kita pa ang buwan sa kalangitan. Naririnig nya rin ang ingay ng mga palakang nasa basakan at tunog ng iba pang kulisap.Umupo si Anya sa kawayang upuan at tinignan ang napaka liwanag na buwan. Napakasaya ng nadarama nya lalo na ay pangarap nya talaga ang mamuhay ng ganitong buhay. "Sa wakas naging tahimik din ang buhay mo Anya." ani nito sa mismong sarili.Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ilang minuto rin siyang na upo bago siya kumilos at kinuha ang balde para umigib ng tubig.Alam nya na kong saan kumukuha ng tubig sa balon na malapit sa kanilang bahay. Hindi lang din pala siya ang nag-iisang gising dahil ng makarating siya sa balon ay may umiigib n
kadarating lang ni Anya ng maabutan nya ang kanyang lolo na mukhang paalis ito."Lo, saan ka pupunta?""Naku apo, napakarami naman nyang pinamili mo. Dalawa lang naman tayong kakain."Bumili na kasi siya ng mga de lata pati na rin ng mineral water at karne. Mabuti na nga lang ay may mga batang naglalaro kanina sa basakan ay nagpatulong siyang bitbitin ang iba nyang dala. Binigyan nya kasi ang mga ito ng isang bag na chocolate kaya naman ng inutusan nya ay sumunod agad."Naku lo, kasya to malakas kaya ako kumain." ngingiting sagot ni Anya.Pinang-ayos na ni Anya ang mga pinamili nya nang makapasok sa loob ng bakuran at nilapag sa mahabang kawayan na lamesa."Bumili din po pala ako vitamins nyo tapos simula po ngayon itong mineral water na po ang iinumin nyo." "Malakas pa naman ang lolo mo at nag abala ka pa talagang bumili nyan. Hindi ba mauubos ang pera mo nyan?""Naku di po yon importante. Ang importante po ang kalusugan nyo. Tsaka saan po pala kayo pupunta?" Napansin kasi ni Anya n
Pahiga na sana si Anya ng mapansin nya na may dugo ang gilid ng kama nya."What the! Bakit ngayon pa?" nakasimangot na sabi nito sa sarili.Nakalimutan nya pa man din bumili ng napkin. Nagpalit siya ng suot na pang ibaba bago nag paalam sa kanyang lolo na may bibilhin lang siya.Pumunta siya sa maliit na tindahan pero sarado na ito. Tinignan nya ang phone nya ay pasado alas syete pa lang naman."Ang aga naman magsara." No choice siya kundi ang maglakad ng mas malayo.Isang tindahan lang din kasi ang meron. Tanging sampung kabahayanan lang kasi ang meron sa kanila ang iba ay nasa kabukiran na talaga."Ang malas ko naman ngayong gabi!"Walang ka gana ganang naglalakad si Anya. Ang layo-layo pa naman ng highway. Naramdaman nya rin ang balat nya na nababasa ng maliliit na patak ng ambon.Napahinto siya ng mag beep ang phone nya. Mukhang nagka signal. Halos lahat ng text ay puro kay Sabrina. Hindi nya kasi ito na text nakaraan dahil wala siyang load pang text. Hindi nya naman kasi alam na
Anya's POINT OF VIEWAs usual maaga akong nagising para maglinis ng buong paligid.'Like ang ganda-ganda talaga dito.'Kong ganito lang ang paligid na bubungad sa akin ay gaganahan talaga ako palagi gumising ng maaga.Nakapagluto na ako at naghahanda na rin ng agahan namin sa lamesa.Bakit kaya ang tagal ni lolo bumaba ngayon? Usually kasi mga 6:30 am bumaba na siya dito at nagtitimpla ng kape. Pero ngayon pasado na alas syete ay wala pa rin siya.Umakyat ako sa taas para silipin si lolo."Lo, mag-aagahan na tayo. Himala naman na ang tagal mong gumising po." Binuksan ko ang kurtina na katabon sa pintuan ng kwarto ni lolo.Walang sumasagot sa akin at naka higa lang siya sa kanyang kama."Lo?" kinakabahan na ako ng sobra lalo na ay di man lang ito kumikilos."Lolo!" hinawakan ko na siya at inalog para magising. Pero wala akong natanggap na kilos sa kanya."Imulat nyo po ang mga mata nyo, please." unti-unti ng pumatak ang luha ko."Hwag naman po kayo mag prank ng ganito. Gumising na po k
Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakabukas ito at wala akong balak sarhan. Wala din ilaw ang buong bahay kahit man lang gasera."Lo, sabi mo palalagyan mo pa 'to ng kuryente? Bakit ganon nang-iwan ka na?"Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Sa loob ng isang oras na pag pigil ko ng iyak ay naiiyak na naman ako.Naalala ko kapag wala akong ilaw dito sa loob ng kwarto ko dinadalhan ako ni lolo Ronaldo ng gasera at sinisindihan ito. Pero ngayon ay wala na siya parang biglang dumilim ulit ang mundo ko.Napatigil ang pag-iyak ko ng maramdaman ko ang mga kaluskos sa paligid at mga yapak. Bumangon ako at tumingin sa labas ng bintana.'Bakit may mga naka men in black na naglalakad?' Marami sila at mukhang papunta mismo sa bahay ni lolo Ronaldo.Agad akong na alarma at ini handa ang sarili ko. Tinignan ko ang oras at pa alas nuebe pa lang naman. Pero dahil nga hindi ito syudad halos tulog na din ang mga tao dito. Pakana ba 'to ng organisasyon? Pero imposib
Nagising ako ng masakit ang ulo ko. Huling natatandaan ko lang ay nag lasing pala ako kagabi. Sana naman ay wala akong ginawang kalokohan. Lumabas ako at hindi na ito ang mansion na bumungad sa akin kagabi. Pero maganda din siya at nasa million din ang gastos sa bahay na 'to."Good morning ma'am Anya." Nagulat naman ako sa biglaang pag bow sa akin ng isa sa mga maid na nandito."Saan ako?""Nandito po kayo sa ikalawang bahay ng mga Carter. Ito po ang pag-aari ng fiance nyong si Oliver." napangiwi naman ako ng sabihin nya yon."Ano itsura nya?" hindi ko mapigilang tanong makabuluhang tingin naman ang ipinukol nya sa akin."Kayo na po ang mag decide kong ano sa tingin nyo ang itsura nya once na makita nyo siya."Bumaba ako sa dining para kumain. Ako lang ang nandito pati na rin ang ibang maid. Pagkatapos kong kumain ay napag desisyunan kong mag libot sa paligid.Sobrang ganda ng paligid hindi man katulad ng paligid ng sa Estrella Village pero may ilalaban na. Naabutan ko din ang isa sa
******** ANYA POINT OF VIEW Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero mabigat pa rin ang dibdib ko. Gusto kong mag kaayos na kami ni Oliver pero hindi ko magawa. Lalo na ay nagkaka problema ang company ni lolo. Gusto ko sana siyang puntahan kong na saan siya ngayon pero baka makagulo lang ako. Hindi ko rin alam kong paano ko sisimulang ayusin ang papalabog na company namin. Marami nang mga investor na nag back-out dahil sa nangyare kay lolo at bumaba din ang rating ng hotel dahil sa pagiging attitude ni tita Rhea. Plus na ang shares ni Raven at ni Tita Rhea ay na punta na sa iba. Ganun nya na lang binalewala ang pinaghirapan lahat ng papa nya. Kinompronta ko na siya kong bakit nya yon ginawa. Ang tanging sinagot nya lang sa akin ay mas mabuti na daw na mapunta sa iba ang company kaysa sa akin. Ganon ka taas ang pride nya pag dating sa akin. Sa ngayon ay ibang tao na ang magiging CEO ng company. Pero hinding-hindi ako papayag na mapunta sa iba ang company nila lo
****** Walang hupa ang pag-iyak ni Anya hindi nya na nga alintana ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi nya na rin maaninag gaano ang paligid dahil sa luha nyang hindi tumitigil. Nasilaw si Anya sa sasakyan na paparating na para bang sasagasaan siya nito. Bago pa man siya tuluyang mabangga nito ay huminto ang sasakyan. Bumaba ang babaeng sakay nito. "Ano papasagasa ka na lang talaga dyan? Hindi ka man lang lumayo!" halata ang inis sa boses nito. Pero agad din nawala ang inis sa mukha nito ng makita nya si Anya na umiiyak. Tumayo si Anya para harapin ang babae. "S-sorry a-aalis na —" natigil sa pagsasalita si Anya ng maaninag nya ang mukha nito. "Sab?" "Bakit ka ba umiiyak? Ang daming pwedeng iyakan na lugar gusto mo pa talaga dito sa kalsada? Gusto mo na bang mamatay? Akala ko ba gusto mo pang maranasan mamuhay sa tahimik na lugar?" Pinunasan ni Anya ang mga luha nya. "Ikaw ba talaga yan? Baka hindi ka totoo?" umirap naman sa kanya si Sabrina. "Syempre ako to, mi
****** Nagtataka si Anya habang nagliligpit sila ng gamit ay tahimik pa rin talaga si Marco. "Nagtatampo ka ba kay mommy?" tanong ni Anya sa anak. Agad naman itong umiling. "Kong hindi bakit ang tahimik mo? Magsabi ka sa akin ng totoo baka naman may nanakit sayo?" "Wala po mmy! Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo rito. Tsaka saan po ba tayo pupunta?" "Kila Adrian muna tayo, okay? Siya lang kasi ang pwede nating lapitan sa ngayon." agad naman nag bago ang mukha ni Marco. "Bakit siya? I don't want mommy!" Nagulat pa si Anya sa biglaang pag tantrums ng anak nya. "Marco! Stop it! Wala tayong choice okay?" "Hmp!" hindi na siya pinansin pa ni Marco. Hindi na rin nag abalang aluin ni Anya si Marco. Lalo na't busy siya sa pag ligpit ng gamit nila. Nasa mansion kasi sila ngayon ng mga De Luca at nagliligpit. Susunduin lang sila ni Tonyo para maka punta sa mismong sinabi na address ni Adrian na tutuluyan nila. Matapos niyang maka pag ligpit ay nag pasya siyang ma
Bago natulog si Anya ay nakatanggap siya mula kay Oliver ng message. Mapa ito at pangalan ng lugar, ang tanging sinabi lang nito sa kanya ay magkita sila doon bukas. Kaya naman kinabukasan ay maaga siyang nagising. Gusto nyang makabawi kasi dito. Sinundan nya lang ang mapa na binigay nito, hindi siya pamilyar sa lugar na binigay nito. Hindi kasi siya nagagawi dito. Nang makarating siya sa lugar ay hindi naman ganun ka crowded ang lugar. Naglakad na lamang siya dahil sa makipot na ang lugar sa mismong naka pin sa mapa. Isang Flower Garden and shop ang hinintuan nya. May Entrance ito kaya naman nag bayad pa siya papasok dito. Nagpalinga linga rin siya sa paligid pero hindi nya makita si Oliver. Hindi nya rin na pansin ang kotse nito na naka park kong saan siya nag park. 'Wala pa ba siya dito? Masyado ba akong maaga?' tanong ni Anya. Nag tingin tingin na lang siya ng mga tanim na bulaklak. Ibat-ibang uri ng bulaklak ang nakatanim dito, pwede ka rin bumili ng flower sa mismo
------ Napuno ng kaba ang dibdib ni Anya ng makita ang kanyang anak na karga ni Knoxx. Hindi nya alam kong anong sasabihin nya dito, paano kong alam na ni Oliver ang lahat? "Mmy!" sigaw ni Marco kay Anya, ibinaba naman ni Knoxx si Marco para makalapit ito sa ina. "Akala ko kong ano na ang nangyare sayo!" naiiyak na wika ni Anya habang yakap ang anak. "Ayos lang po ako, mmy." masiglang sagot sa kanya ni Marco. "Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nasaktan?" agad naman umiling si Marco. Hinarap naman ni Anya si Knoxx. "Thank you." "No problem." "Paano mo nga pala—?" naputol ang tanong ni Anya ng dumating ang doctor ng kanyang lolo. "Nagising na po ang pasyente." Nawala na sa isipan ni Anya ang itatanong kay Knoxx at agad silang nagmadali na pumasok sa loob. Pag pasok nila sa loob ay nandon ang dalawang apo ni Mr. De Luca na si Raven and Rizza kaya naman ay nag pigil si Anya. Alam nyang mas may karapatan ang dalawang pinsan nya sa lolo nila. "Anya." ngumiti
Nagising si Marco na may halong takot pero agad itong nawala ng makita nya si Oliver na nasa tabing upuan na natutulog. May sumilid na ngiti sa gilid ng labi ng batang si Marco. Pinagmasdan nya ito at hindi siya nagkakamali na ito ang kanyang ama. Nawala ang takot sa kanya ng makilala nya kong sino ito. Napa isip naman si Marco dahil sa sinabi sa kanya ng ina na hindi siya kilala nito. Gusto nya ng gisingin ito at yakapin ng mahigpit pero nag pigil siya sa kanyang sarili at baka ay ito magalit. Agad siyang bumalik pagkakahiga ng mapansin nyang gumalaw na ito at mukhang nagising na. Hindi siya nag panggap na tulog para ma pansin siya nito at makausap siya ng kanyang ama. Agad na napansin ni Oliver na gising na si Marco kaya naman umupo siya sa gilid ng kama nito. Tumingin sa kanya si Marco at agad nyang na pansin ang kulay ng mga mata nito. Hindi lang nga ito ganon ka tingkad kagaya ng sa kanya. "Na saan ako?" tanong ng batang si Marco. "Home." sagot sa kanya ni Olive
Nawalan ng malay ang batang si Marco dahil sa pagod. Agad na ipinasok ni Oliver si Marco sa loob ng sasakyan. Hindi na rin nag abala pang habulin ito ng tatlong inutusan ni Natasha. May dumating na rin kasing isang sasakyan at lulan nito si Knoxx. Alam kasi nilang mahihirapan sila kunin ang bata dito kahit na sabihin pa nilang kamag-anak nila ito. Sa itsura pa lang nila ay halata na silang may hindi gagawing mabuti. Isa pa ay hindi naman kilala ng mga ito si Marco at kong sakaling mag sumbong man ang bata ay for sure ay hindi rin ito maiintindihan ng mga ito. Gagawan na lang nila ng paraan na makuha ulit ang bata. Yun nga lang ay hindi nila alam kong paano sasabihin kay Natasha ang kapalpakan nila. "Ayos na ba ang kotse mo?" sumilip si Knoxx sa bukas na bintana. "I don't know, bigla lang kasing hindi umandar." Napansin naman ni Knoxx ang batang katabi lang ni Oliver na walang malay. Tumaas lang ang kilay nito at nagpigil na ngumiti. Hindi na siya nag tanong pa kong paan
Hindi na mapakali pa si Oliver dahil kahit isang message ay walang sagot si Anya. "Mukhang nag tampo na sayo si Anya." nang-aasar pa si Bryce nyan. "Ikaw na lang muna ang maiwan dito. Iba ang kutob ko kinakabahan ako." Hindi rin kasi sumasagot si Anya sa mga tawag nya laging naka off ang phone nito. Hirap kasi siyang maka pag internet kaya hindi nya nakikita ang news. "Babalik na lang ako ulit mamaya o bukas. Ako na lang ang mag wi-withdraw ng pera sa atm. Wala na rin kasi tayong budget dito." "Sige bro, halata naman kasing nag o-overthink kana." pang-aasar na naman sa kanya ng kaibigan nyang si Bryce. "Pa-party ako kapag nangyare sayo to!" inis na sagot sa kanya ni Oliver na tinawanan lang naman ni Bryce. Ilang saglit pa ay nag byahe na si Oliver pauwi. Halos six hours ang byahe bago makarating mismo sa syudad kong saan sila nakatira. Makailang ulit na rin nagtitingin ng phone nya si Oliver pero wala talagang text or tawag ito. Sakto ng makalabas siya sa Barangay ko
Sa lagay ng itsura ni Anya kong kanina ay napaka ganda nito ngayon naman ay magulo na ang itsura nito. "Mmy, magiging okay ba si lolo?" Nakagat ni Anya ang ibabang labi. Kahit kasi siya ay hindi nya alam kong magiging maayos ba ang lolo nya. 'Bakit kailangan na lang laging may masamang mangyare sa mga taong malapit sa kanya?' Alam nyang darating talaga ang panahon na mawawala ang lolo nya katulad ng lolo Ronaldo nya. Pero sana hindi pa ngayon yon, kunting oras pa lang ang mga pinagsamahan nila. Ayaw nya ng may mawala sa kanya ulit. "I hope so baby." Nasa waiting area sila at hinihintay ang results sa lolo nya. Katabi nya lang din si Irene at Adrian. "What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita pa dito. It's all your fault?!" sigaw sa kanya ng tita Rhea nang makita siya nito. "Sabihin nyo na po ang gusto nyong sabihin pero hindi ako aalis. Pamilya ko rin si lolo kaya wala kayong karapatan na paalisin ako." Umismid ito kay Anya at tinaasan ito n